11

Background color
Font
Font size
Line height


"Please accept my greetings, father." Gustave greeted my father first thing in the morning.

Gusto ko nalang maging piso na tinapon sa wishing well sa sobrang hiya.

I can't believe na nakatulog ako buong magdamag at hindi na nakabalik para kausapin ang Marquess.

I never thought that my husband was a shameless man. Ni hindi ko magawang tumingin sa mga mata ng sarili kong ama matapos mas piniling makipagharutan kay Gustave kaysa puntahan ito sa drawing room. But this man beside me, heto at proud na proud na ipakita ang pagmumukha niya umagang umaga sa pinuno ng House Canterbury.

"Hindi pa rin ako makapaniwala hanggang ngayon na nakakakita ka na ulit, Grand Duke Gustave. I was so happy to see you well yesterday. Halos hindi ako makapagsalita ng makita ka." My Father almost tears up.

Huh? Yun ba ang kinagulat nya kahapon? Na nakakakita na si Gustave, at hindi ang lipstick ko sa labi nito?

"The Marquess don't need to be so formal. Please call me Gustave." He lowered his head.

Luh? Bait baitan yan?

Sinamaan ko siya ng tingin ng tumingin siya sa gawi ko at kumindat.

I secretly position my hand on his back at kinurot ang parteng nahawakan ko.

Gustave's face hardened.

"Then, Gustave," The way he called the Grand Duke's name is still awkward, pero bakas ang kasayahan sa boses nito. "Let us all go and have breakfast together." Pagyayaya ng Marquess sa amin at pinangunahan ang paglalakad.

We followed him.

Gustave leans towards me and whispers something.

"Just now, is that an invitation from you? Were you not satisfied yesterday?" Nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya.

The Marquess is just a few steps ahead.

"I don't know what you're talking about!" Ganting bulong ko.

"You just pinched a huge chunk of my butt a while ago." Ngumisi si Gustave.

"W-What?!" Natigilan ako sa paglalakad.

"Is something the matter, Grand Duchess?" Lumingon ang ama ko.

"N-Nothing, My Lord!" Agad kong sagot at nagmamadaling naglakad papunta sa may dining hall at iniwan silang dalawa.

I thought that the breakfast would be unpleasant, but it turns out fine, and I actually enjoyed it. It was fun to see my father and my husband laugh about almost everything.

Nakakahiya lang dahil ilang ulit na binida ni Gustave na ako ang dahilan kung bakit siya gumaling. My father, of course, was confused about it pero magiliw pa rin itong nakikinig sa mga kwento ni Gustave. Nakakahiya man, pero masaya ako habang nakikinig sa mga sinasabi niya sa Marquess, because I didn't know that he thinks highly of me.

When the meal is about to end, the Marquess asked him if he is going to visit the palace and see the King. Pero sinagot lang ni Gustave ang Marquess na ako lang ang sinadya niya rito matapos mabasa ang Royal decree na maaari na ulit siyang pumunta sa Kapitolyo at napawalang sala sa mga akusasyon laban sa kanya.

"You should at least greet His Majesty, Gustave! Alam mo bang sabik na sabik siyang makita ka ulit!?" Ito na ata ang pangatlong beses na inulit ko ang mga salitang to.

Gustave still refuses to see the King.

"I won't. Let's go home, Evangeline." Pagyayaya niya.

"Uuwi lang tayo kapag binisita mo na ang Hari. It might be alright for the King if you refuse to see him. But what about his court? You should show them that you're not someone to messed with. Na hindi ka nila pwedeng maliitin. And there's no better way to do that but to use the King's favor. What's the point of being the second highest family in the land, if you'll not make use of it?" I know that most in the court look down on his illegitimate status, lalo na ng maparusahan siya. He needs to strengthen his position in the social circle again.

Puputok ata ang ugat ko sa ulo dahil nakatingin lang siya sa akin with a blank expression.

"Gustave!" Inis kong tawag sa kanya.

"Grand Duchess," A maid called my name, at mukhang alangan siyang lumapit dahil tumaas ang boses ko sa kausap.

"What?" Bahagya kong kinalmahan ang tono ng sagutin ito.

"You have a visitor, Madam." Sagot nito.

"Visitor?" Inis kong ulit.

Who in their right mind would visit someone at this hour, and without notice?

"Who?" Kalmado ko pa ring tanong.

I saw how the maid's eyes shifted on my husband, before she opened her mouth again.

"T-The Crown Prince, Madam." Alangan nitong sagot.

Namilog ang mga mata ko at bumaba rin ang mga kamay na kanina pa nakahalukipkip sa dibdib ko.

"Where is he?" I asked.

"At the drawing room." Nakayuko nitong sagot.

"I understand. Prepare his Highness some tea." Utos ko.

"Yes, Madam." The maid left after hearing my instructions.

"Gustave, think about what I said. Babalikan kita mamaya, I have to," Natigilan ako ng padabog siyang tumayo at lumapit sa akin.

The look in his eyes is something that I had only seen now. But it's something the author of War of the Roses described numerous times in the book. The man in front of me now, is the villain, Gustave Daumschlac. And god knows what will happen if he and Cassius cross paths.

"Gustave, stay here and wait for me." I have to control the situation before all hell broke loose.

"You are not going anywhere." Nakakatakot ang boses niya.

'Calm down!' I told myself.

My hand was shaking when I touched his face.

"Please?" Malambing kong sabi.

I hope this trick still works.

I could feel his jaw clenched.

It took him a while to calm his brewing anger.

I took the opportunity at nagmadaling pumunta sa drawing room kung san naghihintay si Cassius.

"What are you doing here?" Ni hindi na ako nagbigay pugay.

"Why are you ignoring my letters!?" Tumaas ang boses nito.

"What else is there to talk about?" I crossed my arms.

"I did what you asked me!" Lumapit siya.

Hindi ko mapigilang ngumisi ng makita siya ng nalapitan. He looked like a mess. It seems he hasn't had a good sleep since the day we met in the palace.

"And?" Sagot ko na parang walang pakialam.

"Evangeline!" Hinagit niya ang braso ko kaya napadaing ako.

"Sa pagkakatanda ko ay wala naman akong ipinangako sayo, kamahalan." I reminded him.

"You!" He gritted his teeth.

"Perez and the maid will remain as my prisoners. You have nothing to worry about as everything will be kept secret as long as Gustave is alright." Paglilinaw ko sa kanya.

The truth is wala naman na akong pakay sa kanilang dalawa. I just want them to pay for their sins.

"Pano ako makakasigurong gagawin mo nga ang mga sinabi mo?" Kung hindi lang dahil sa mga nalalaman ko ay gustong gusto na niya akong patahimikin.

"Mabait naman ako, kamahalan. Mapagkakatiwalaan din. Wag mo lang akong susubukan, dahil isang maling galaw mo lang mawawala ang lahat ng pinaghirapan mo." I warned him. "Madali lang akong kausap." Binawi ko ang braso kong hawak hawak niya. "As long as Gustave is safe, you are safe." I made a courtesy and left the room.

"Evangeline, hindi pa ako tapos!" He followed me and grabbed my arm again. Mas masakit kaysa sa nauna.

"Let go, Your Highness!" Para kaming nagtatag of war sa hallway dahil ayaw niya akong bitiwan. "Ano ba nasasaktan," Hindi ko pa man natatapos ang sasabihin ay bigla nalang may humila sa akin palayo kay Cassius.

A huge shadow blocked my vision at bigla nalang natumba si Cassius sa sahig.

"G-Gustave!" I panicked and grabbed him by his arm.

"Y-You," Gulat na gulat si Cassius ng makita si Gustave.

"Oh my god!" Napasigaw ako ng iwaksi ni Gustave ang kamay ko at sinugod ang itinakdang Prinsipe.

Paulit ulit niya itong pinagsususuntok.

Sinubukan kong umawat pero hindi ako pinapansin ni Gustave. Hindi ko rin sila mapaghiwalay.

"Knights!" Sumigaw na ako.

Knights came running in all directions and separated the two.

"Your Highness!" Agad kong nilapitan si Cassius na nagdudugo ang mukha at pumutok ang labi.

"What's going on here?" Nakahinga ako ng maluwag ng dumating ang ama ko.

"Father, the Crown Prince is," Itinuro ko ang nakaupo pa rin sa sahig na si Cassius.

My Father controlled the situation. The family doctor was called to treat the Prince, at ako naman ay inutusang ilayo si Gustave roon.

"What the hell are you thinking?!" Sermon ko ng maisara ang pinto ng kwartong inihanda para kay Gustave. "My god!" I threw my hands in the air sa sobrang inis. "Matapos kong gawin ang lahat para linisin ang pangalan mo, then you did that!" I yelled.

He was standing there with a foul expression.

"Gustave naman!" Napahilot ako ng sentido.

Nakakainis!

Nakakainis talaga!

All that I worked hard for might end up nothing dahil lang sa ginawa niya.

Muntik ng humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko ng bigla niya akong hagitin sa braso. Compared to Cassius strength mas malakas ang kay Gustave. Nakita kong namilog ang mga mata niya na para bang nagulat na hinagit niya ang braso ko at napalakas iyon, pero dahil siguro sa inis at pride ay hindi niya ako binitiwan. At dahil naman sa inis na nararamdaman ko ay hindi ko ipinakitang nasasaktan ako, at sinabayan din ang matatalim niyang tingin.

"Are you siding with him?" His eyes are filled with rage.

"Siding with him? Sira ulo ka ba? Ginagawa ko ang lahat para protektahan ka, and there you are asking for a death wish!" Sumisigaw na ako sa sobrang galit.

Tang ina naman! Akala ko magkakalove life na ako, yun pala gusto na agad nitong mamatay!

"Aw!" I squirm after I felt a pain in my stomach.

"Evangeline?" Gustave's voice cracked at agad nabitiwan ang braso ko.

Napakapit ako sa kamay niya for support.

"Gustave, it hurts!" Daing ko habang nakahawak pa rin sa tiyan ko.

Binuhat niya ako at hiniga sa kama.

"Wait here, I'll call the doctor." Nagmamadali niyang sabi.

I don't want to let go of his hand, pero sobrang sakit na talaga.

The doctor came at agad akong sinuri.

Actually the pain had slowly fade after I calmed a little.

"Is my wife sick?" Nag-aalalang tanong ni Gustave sa doktor.

Kita mo to, kanina galit sa akin, tas ngayon mag-aalala.

Nakahawak pa siya sa kamay ko at mukhang iiyak na ata.

"The Grand Duchess is fine, Your Grace." Sagot niya kay Gustave.

"Then why is she in pain?" Makikipag-away pa ata siya sa kapatid ni Randal.

"Because cramps happen during pregnancy, Your Grace." Kalmado nitong sagot.

"Pregnancy?" I asked.

"Yes. Congratulations, Grand Duchess Evangeline." Pagbati niya sa akin.

Nagkatinginan kami ni Gustave.

"I-I'm pregnant?" Ibinalik ko ang tingin sa kapatid ni Randal.

"Yes." Ngumiti siya.

"But how? I remembered that I had my period here and," Saglit akong natigilan dahil nailang ng mabanggit rito ang tungkol sa buwanang dalaw.

"Was it a lot?" Nag-init ang pisngi ko ng magpahabol ito ng tanong.

Umiling ako.

"Konti lang. Tapos nawala." I answered truthfully.

"Spotting is normal during pregnancy, Madam." I didn't understand what he was saying, but he confirmed that I am pregnant.

Umalis na ito pagkatapos, leaving the two of us na nanatiling tahimik lang.

Bakit siya tahimik?

Hindi ba siya masaya na magkakababy na kami?

"Gustave?" Ako na ang naunang nagsalita. "Hindi ka ba masaya na magkakababy tayo?" Diniretso ko na siya ng tanong.

"What about you?" Akala mo ay binagsakan ng langit at lupa ang mukha at boses niya.

I'm kind of hurt dahil mukhang hindi niya gusto ang balitang natanggap.

Syempre masaya ako. I'm pregnant with his child. With the person that I love. Pero bakit ganito ang reaksyon niya?

Ah. Tinatanong pa ba yun? Hindi nga pala ako ang babaeng mahal niya.

Nanlabo ang paningin ko dahil sa mga luhang namumuo. Yumuko ako para hindi niya mahalata at mapunasan ko bago pa man tuluyang bumaha ang luha ko.

"Why are you crying?" He panicked.

"It's because you don't want my baby!" Napahagulgol ako ng iyak.

"What?! That's not true!" Nagmamadali siyang lumipat at umupo sa tabi ko.

"Eh bakit ganyan ang reaksyon mo?" Hindi ko mapigilan ang mga luha ko.

"I was just worried because I know ayaw mong magkaron tayo ng anak." Sinamaan ko siya ng tingin sa sinabi niya.

"What the heck are you talking about?" I sniffed dahil tumutulo na ang sipon ko kakaiyak. At naiistress nanaman ako sa pinagsasasabi ng lalaking to.

He ran his hand at the back of his neck and sigh.

"I heard you telling Randal that you took contraceptives during our marital night." Pag-amin niya.

Namilog ang mga mata ko sa inamin ni Gustave. I was sure that Randal checked the hallway, and said no one was outside.

"Did you hear everything?" Pagkukumpirma ko.

"I left after hearing you say it, narinig ko kasing papalapit si Randal sa may pinto." He said.

"Gustave, wait!" Napahilot ako ng sentido at inalala ang pinag-usapan namin ni Randal. "You got it all wrong! I didn't take the contraceptives because I don't want to have your child." Pag-uumpisa ko. "I took it because I thought na baka kapag gumaling ka and our relationship won't work, kasi alam ko namang si Lady Rebecca ang gusto mo, then we, I mean you could file an annulment." Pagpapaliwanag ko.

"What do you mean I like Rebecca?" Kumunot ang noo niya.

"Hindi ba? Okay, love then." Kumirot ang puso ko dahil mas malalim pala ang nararamdaman niya para dito.

"Wait! Wait!" Napahilot siya ng sentido at lalong kumunot ang noo.

"What?" Inis kong tanong.

Wala na ako sa mood para makipag-usap.

"I don't like Rebecca and for god's sake I don't love her either!" Deklara niya.

"Don't lie!" Banta ko.

"Evangeline, I don't love Rebecca." Ulit niya.

_________

VOTE. COMMENTS. RL
are highly appreciated.


You are reading the story above: TeenFic.Net