PART 22

Background color
Font
Font size
Line height

"Don't worry, he's going to be fine." Paninigurado ni kuya booker sakanya.
Pero kahit anong sabihin ni kuya Booker ay hindi parin mapalagay si Denise hanggat hindi pa bumabalik ang kuya Dariuz niya at si Isiah.

Mahigit trenta minutos na kasing lumabas ang dalawa, at ang kapatid niya ang nag-aya.

"Let's talk." Iyon lang ang tanging sinabi ng kapatid niya kay Isiah tsaka ito naunang lumabas sa bar ni Clinton. Sumunod naman si Isiah at sinabi na huwag nilang susundan ang mga ito. Gusto pa sanang sundan ni Lucas si Isiah pero pinigilan ito ng huli.

"And besides, mabait naman ang kuya mo." Natatawa pang sabing muli ni kuya Booker tsaka nag-peace sign.

Alam niyang binibiro lang siya nito, dahil kilalang kilala niya ang kapatid. Hindi ito mabait at grabe ito magalit lalo na kapag may nanakit sa kanya. And her brother knew who Isiah was in her life and that is why she is afraid of what her brother can do to Isiah.

Bumalik tuloy sa alala-ala niya ang ginawa nito noong grade one siya. May nambully sa kanya noon at nakita iyon ng kuya Dariuz niya na second year high school naman noon. Ang ginawa nito ay hinila nito ang nambully sa kanya at ikinulong sa Cr, hinubad pa nito ang suot na short ng kaklase niya. Inilock nito ang pintuan mula sa labas at iniwan ang kaklase niya doon na umiiyak tsaka siya sinamahan sa clinic dahil binato siya ng bato sa mukha ng bully niyang kaklase. At dahil sa ginawa ng kuya Dariuz niya ay naguidance ito at nasuspende ng tatlong araw sa paaralan pero hindi man lang naapektuhan ang kuya niya.

Ilang sandali pa ay sabay pa silang napatayo ni Lucas ng makitang naglalakad na ang kapatid niya palapit sa kinaroroonan nila.

Agad na binalot ng kaba ang puso niya dahil hindi nito kasama si Isiah.

"K-kuya, w-what did you do? N-nasaan si Isiah?" Kabado at natatakot na tanong niya sa kapatid. Buong buhay niya ay ngayon lang siya kinabahan ng ganito katindi. Namamawis na ang palad niya at parang lalabas ang puso niya sa lakas ng tibok niyon. She tried not to panick, and her mixed emotions are suffucating her.

Pero sa halip na sagutin ang tanong niya ay si Lucas ang tinignan ng kuya Dariuz niya. "Bring him to the hospital now." Her brother devilishly smirked. "I knew he has lot of money, so, I won't offer to pay for the hospital bill."

Parang biglang tumigil ang pagtibok ng puso niya sa malamig na boses na iyon ng kapatid niya, lalo na sa sinabi nito. Hindi agad siya nakapagsalita.

Si Yohann ang mabilis na tumayo at tumakbo palabas ng bar, habang si Lucas ay nakipagtitigan sa kapatid niya. Lucas clenched his jaw as his eyes shooting daggers at her brother. He's mad. Dangerously mad.

"File a case against me if you want." Her brother said calmly and shrugged his shoulder. "I'm not scared. He deserves what I did to him. You should thank me, because I didn't kill your bestfriend."

Lahat sila ay napasinghap ng biglang suntukin ni Lucas sa mukha ang kapatid niya. Bahagyang napaatras ang kuya Dariuz niya, pero sa halip na magalit ay ngumisi lang ito. Tumayo ito ng tuwid at pinunasan ang pumutok na namang labi nito.

"Hmmm, you are stronger than your bestfriend. You want a revenge huh? Try me."

"F*ck you."

Akmang susugurin na muli ni Lucas ang kapatid niya ng pigilan ito ni Crista at Sam, samantalang si kuya Booker ay parang normal na nag-order lang ng pulutan at relax na relax na umupo habang pinapanuod ang dalawa na akala mo nasa sinehan. Naglabas pa ng cellphone at nagselfie, na animo'y nakikipagpicture sa artista.

"Don't touch me!" Inis na piksi ni Lucas kay Crista at Sam. Nawala siguro sa isip ng dalawa niyang kaibigan na ayaw na ayaw ni Lucas na hinahawakan ito.

Nakita naman niya ang pagsimangot ni Sam dahil sa ginawa ni Lucas, habang si Crista ay natahimik lang.

"Arte mo talaga. Pasalamat ka gwapo ka. Arte-arte nito! Halika na nga! Puntahan na natin ang bestfriend mo! Baka matege pa yun!"

Hindi pinansin ni Lucas si Sam, pero dahil sa sinabi ng kaibigan niya ay akmang tatakbo na ito nang balingan muna nito ang kapatid niya. Pinanlisikan ni Lucas ng mata ang kuya niya bago patakbong lumabas sa bar ni Clinton, kasunod nito si Sam.

Akmang lalabas rin siya ng hawakan ng kuya niya ang braso niya. "Where do you think you're going?"

Agad na bumalong ang inis niya sa kapatid. Paano kung anong masamang mangyari kay Isiah dahil sa ginawa nito?!

Hindi siya umimik at sinamaan ito ng tingin. Ipiniksi niya ang braso niya pero mas lalo lamang nito iyon hinigpitan. "Kuya naman! What did you do to him?! Ganoon ba kalala ang ginawa mo sa kanya para sabihin mong kailangan siyang dalhin sa ospital?! Why did you do that?!"

"I just taught him a lesson." Walang kahit na anong emosyon ang mababakas sa mukha nito. "Do you think you can keep a secret from me? I know what he did to you peanut. I know all about him. Every tiny details."

"Yes kuya. Pero hindi naman ikaw ang sinaktan! I've moved on!"

"Di nga?" Natatawang singit ni kuya Booker pero sinamaan lang ito ng tingin ng kuya niya. Mabilis namang itinikom nito ang bibig.

"I'm your brother. And whoever hurts  you, I will do the same who caused you pain."

"Kuya naman, paano kung may mangyaring masama sa kanya?! And now, I feel guilty because of what you did to Isiah!"

"Why are you so concern?" Mataman siya nitong tinitigan. "Do you still love him?"

Hindi agad siya nakaimik sa tanong iyon ng kapatid niya. Napatingin pa siya kay Crista na nag-aabang ng sagot niya.

"N-no."

"Really?"

"Y-yes."

"So it's okay with you if I kill him?"

Nanlaki ang mata niya at narinig pa niya ang pagsinghap ni Crista.

"Kuya!" Hindi makapaniwalang bulalas niya. Inis na ipiniksi nalang niya ang kamay, at nakahinga siya ng maluwag ng bitawan na ng kapatid niya ang braso niya.

Mabilis niyang tinalikuran nito. Oo, mali ang ginawa ni Isiah sa kuya niya at sa kanya, pero hindi iyon dahilan para saktan nito si Isiah at hahantong pa na dadalhin ang dating nobyo sa ospital!

"Denise!" Galit na sigaw ng kuya niya pero hindi niya ito nilingon. Kanina pa sila pinagtitinginan ng mga tao sa loob ng bar pero wala siyang pakialam. Ang nasa isip niya lang ay ang kalagayan ngayon ni Isiah.

"Let her dude." Narinig pa niyang wika ni kuya Booker bago siya makalayo sa mga ito.

Paglabas niya sa bar ni Clinton ay naabutan niya si Sam na nagmamadaling sumakay sa sasakyan ni Yohann, si Lucas naman ay nakasakay narin sa bigbike nito.

"Faster!" Sigaw sakanya ni Lucas kaya naman  agad siyang tumakbo papunta sa sasakyan ni Yohann at pumasok sa back seat, at halos maputol ang pahinga niya ng mabungaran ang sinapit ni Isiah sa kamay ng kapatid niya. Walang malay ito at bugbog sarado.

"Sa sobrang pagiging seloso mo, mapapahamak ka talaga!" Gusto niyang isigaw sa mukha ng binata. Gusto niya rin itong sigawan at pagalitan pero mas nangibabaw sakanya ang pag-aalala.

"I-isiah." Nanginginig ang labing tawag niya sa dating nobyo. Agad na naglandas ang luha niya sa mata dahil sa sinapit nito sa kuya Dariuz niya. May nag-uudyok sa kanya na yakapin ito pero hindi niya ginawa, hindi dahil pinipigilan niya ang sarili, kundi baka masaktan ito sa tindi ng bugbog na naranasan.

Nanginginig ang daliri niyang pinulsuhan ito, at buti nalang pumipintig iyon. Kinagat niya ang ibabang labi at sunod-sunod na muling naglandasan ang luha niya sa mata nang dahan-dahang nagmulat ng mata si Isiah.

"P-para talagang teleserye ang l-lovestory natin mahal." Hirap na hirap na saad nito at pinilit pa siyang nginitian.

Mariin niya muling kinagat ang kanyang labi para pigilan ang kanyang hikbi. "I-im sorry." Tanging nasambit niya.

"I-it's okay. I d-deserved this. Kulang pa nga. T-tama ang kuya mo. I don't deserve you, pero kapag iniisip kong mapupunta ka sa iba, lalong lalo na pag nagpakasal ka, bumabalik sa isip ko ang mga plano kong mapasaakin ka ulit. Na kahit sabihin pa ng kuya mo at ng ibang tao na I don't deserve you, gagawa parin ako ng paraan para maging deserving ako ulit, that everyone deserves a second chance and clean up their mistakes. I wanted to prove to you that I could be better than before."

Nanghihinang itinaas ni Isiah ang kamay nito at hinaplos ang pisngi niya na nadadaanan ng kanyang luha. "Ssshhh, don't cry love. Mas masakit sakin na tignan kang umiiyak kesa sa nangyari sakin ngayon. P-please, stop crying."

"I-im really sorry. Dapat sinundan ko kayo ni kuya kanina. Kung sana, sumunod ako, hindi mangyayari to. I'm sorry, kasi may ideya na ako sa gagawin ng kapatid ko sayo pero hindi ko siya napigilan. Kung sana—

"I should be the one to say sorry because I p-punched your brother. Sorry I got jealous of your brother. Hindi ko alam. And I'm sorry if I easily get jealous, possessive and overreact. It's because there's a bigger chance of me losing you than you losing me. You don't know how scared I am Denise. Lalo pa't ayaw mo pa akong tanggapin sa buhay mo."

Parang may bumikig na mabigat sa lalamunan niya at hindi nakaimik sa mahabang litanya ni Isiah, kaya naman pinagsalikop nalang niya ang kamay nila at naaawang tinitigan ito.

"Hindi ka man lang ba gumanti?" Singit naman bigla ni Sam.

Nakangiting umiling lang si Isiah. Para na itong inaantok.

"Don't sleep." Sa kauna-unahang pagkakataon, naging mahinahon at puno ng pag-aalala na sambit niya rito. Napangiti naman si Isiah.

"Bakit hindi ka gumanti? Marunong ka naman lumaban ah." It's Sam again.

"Baby, stop asking him a question." Ani naman ni Yohann at naramdaman niyang mas binilisan pa nito ang pagmamaneho.

"I don't wwant to. K-kapatid niya ang  mahal ko."

"Hmmm, I smell love in the air."

Agad na pinamulahan siya ng mukha sa panunudyo ni Sam, samantalang si Yohann ay tahimik lang na nagmamaneho.

"Hmmm, I smell s*x in the air too. Mukhang ilang araw nalang may magbubukas na ang talaba. Kailangan mo ng matinding ehersiyo kapag dumating ang main event. Baka mamaya niyan may paopening ceremony pa kayo ha?"

Malakas na napahalakhak naman si Yohann sa sinabi ni Sam, samantalang  siya ay mabilis na nabitawan niya ang kamay ni Isiah, at nang tignan niya ito ay nakapikit na nakangisi lang.

"You're freaking hilarious baby. But can you stop talking? I'm driving. Baka imbes na si Isiah lang ang dadalhin sa ospital, lahat tayo isugod dahil diyan sa mga pinagsasabi mo. Zip your mouth baby." Mula sa rearview mirror ay nakita niyang kagat kagat ni Yohann ang ibabang labi, halatang nagpipigil tumawa.

Huminto ang sinasakyan nila dahil nag-red light. Dahil doon ay humarap bigla si Sam kay Yohann. "Kailan ko bubuksan?————-—

Nangunot ang noo niya dahil bumubuka ang bibig ni Sam na nagsasalita, pero walang lumalabas na boses, at nang si Yohann ang binalingan niya ay napansin niyang namumula ang tenga at ilong nito. Mukhang may kalokohan na namang sinabi sa nobyo nito.

Binalingan nalang niya si Isiah na nakapikit na, akmang gigisingin niya ito ng magsalita si Sam.

"Hayaan mo siya babe, okay lang si Isiah. Let him rest."

"Pero— " napatigil siya at nanlaki bigla ang mata niya ng may maalala. "Si Crista!" Sabi niya kay Sam. Nawala sa isip niya na naiwan nila ito. Masyadong inukopa ni Isiah ang isip niya at hindi naalala ang kaibigan.

"Speaking of Crista." Ani Sam na tutok na sa cellphone nito. "Kakatext lang. Nandoon daw si kuya. Ang kuya kong talagang yun, hindi mapakali kapag nasa bar si Crista."

Nakahinga siya ng maluwag dahil sa nalaman. Binalingan niyang muli si Isiah, tinitigan ang mukha nito at masuyong hinaplos ang mukha.

Sana maging okay na agad ito.




Anim na araw pagkatapos bugbugin ng kapatid niya si Isiah ay araw-araw na niya itong inaalagaan. Nakatulong rin ang pagiging magkapitbahay nila para madali niya itong puntahan at asikasuhin. Anim na araw ng hindi pumapasok si Isiah sa kompanya niya, habang siya ay anim na araw ng half day kung pumasok, pero paminsan minsan ay kahit half day lang siya sa opisina ay dinadala nalang niya pag-uwi ang trabaho at sa condo ni Isiah siya nagtatrabaho kagaya ngayon. Nagbabasa siya ng proposal ng President ng kanyang kompanya.

Nakahiga si Isiah sa kama, habang siya ay nakaupong nakasandal sa headboard ng kama, ang laptop ay nasa kandunga niya.

"Ngayon ko lang nalaman na ang sarap palang mabugbog."

Nagsalubong agad ang kilay niya dahil  hindi niya agad naintindihan ang sinabi ni Isiah dahil abala siya sa kanyang trabaho, pero ng unti-unting naintindihan na niya ang ibig nitong sabihin ay iniamba niya rito ang kanyang kamao. "Gusto mo ako naman ang bubugbog sayo?"
Nakaramdam na naman siya ng inis ng maalala niya ang ginawa nito sa ospital. Nang magamot ito ay nagpumilit na umuwi na dahil ayaw nitong magpa-admit, na dapat ay kailangan dahil matindi ang tinamo nitong bugbog sa katawan. May bali rin ito sa tagiliran, braso at paa.

Ang dahilan nito? Siya nalang daw ang magiging nurse nito. Walang nagawa ang mga doktor sa kagustuhan ni Isiah, kahit siya ay hindi nito pinakinggan. Napakatigas talaga ng ulo!

"Bugbugin mo nalang ako ng kiss." Ngumuso pa ito at nagpapahalik na.

Ito pa ang kinaiinisan niya. Masyado itong nagpapalambing na tila isang bata, at syempre dahil naglagay siya ng harang sa puso niya ay natatakot siyang mabuwag iyon at magpadala sa paglalambing nito, kaya idinadaan nalang niya sa pagsusungit para pagtakpan ang unti unting lumalambot na kanyang puso para dito.

"Tandaan mo Denise, mas mataas ang utak kesa puso kaya ang mas mataas ang gamitin mo kung takot ka ng masaktan ulit." Pagkausap niya sa sarili.

Sinundan niya ito ng tingin ng tumayo ito mula sa pagkakahiga. Tinitigan niya ang gwapong mukha nito. Pawala na ang pasa nito sa mukha, ang putok na labi naman nito ay nagda-dry na, pero hanggang ngayon ay nagpapaalaga parin ito sa kanya, at dahil kapatid niya ang bumugbog dito, hindi siya makatanggi sa mga request nito. Alam niyang sinasadya nitong makasama siya ng matagal, at aminin man niya o hindi sa sarili, sa loob-loob niya ay gusto niya rin itong makasama at alagaan, kahit pa pinipigilan siya ng kanyang utak.

"Kailangan ko lang talaga siyang alagaan para hindi ako makonsensya." Katwiran niya sa sarili.

"Sa banyo. Sama ka?" Mapanukso ang labing nginitian siya nito kaya agad siyang umiwas ng tingin, mabilis na ibinaling niya ang mata sa laptop at kunwaring inabala ang sarili at pinilit na huwag magpaapekto sa sinabi nito.

Buti nalang talaga at hindi napuruhan ang paa nito at maayos na nakakalakad, dahil kung nagkataon, baka hanggang sa pagpunta sa banyo ay aalalayan pa niya ito.

Narinig niya ang paglagaslas ng shower kaya nahinuha niyang naliligo ito.

Ilang minuto pa ang lumipas ay narinig na niyang nagbukas-sara ang pintuan ng banyo. Nanunuot sa ilong niya ang ginamit nitong shower gel. Naramdaman niyang tumigil si Isiah sa gilid niya at alam niyang inaabangan siya nitong lingunin niya ito.

Malakas na humugot siya ng hininga bago dahan dahang bumaling sa binata, pero ganoon nalang ang pagsinghap niya, nanlaki rin ang kanyang mata, tsaka umawang ang kanyang labi habang nakatitig sa binata. Hindi niya naiwasang ibaba ang tingin sa gitnang bahagi ng katawan nito. He was naked!

Mabilis niyang iniwas ang tingin doon at wala sa sariling napatitig siya sa basang buhok nito, napasunod ang titig niya sa tubig na tumutulo pababa sa katawan nito. Napalunok siya ng dumako ang paningin niya sa malapad na balikat nito, at nasundan  muli ang paglunok niya ng makita ang matigas nitong dibdib, at mas lalo pang nakakadagdag sa pagkatulala niya ng mas bumaba pa ang tingin niya at dumako naman sa anim na abs nito na parang mas lalong humulma na parang inukit ng isang bihasang iskulptor.

Grabe ang pagpipigil niya na huwag ng ibaba pa lalo ang tingin niya, pero hindi niya nagawa.

Mabigat na napalunok siya ng masilayan muli ang sandata nito, pero bahagya siyang nagulat at napaurong sa gilid niya ng biglang gumalaw ang pagkalalaki nito at parang may buhay na tumutok iyon sa kanya dahilan para malakas na tumawa ang binata.

"B-bakit ka n-nakahubad?! M-mag... Magtowel ka nga!" Utal utal na saad niya rito. Nakipagtitigan siya rito, pero parang may sariling utak ang mata niya at pasimpleng tinignan muli ang nakatutok na pagkalalaki nito sa kanya.

Pakiramdam niya tuloy ay may nakatutok na baril sa kanya! Mahaba at matabang baril! Gusto niyang tumakbo at lumayo rito, pero parang naparalized ang katawan niya at hindi siya makaalis sa inuupuan niya.

"Pfffft..."

Agad na nag-init ang pisngi niya sa mahinang pagtawa nito kaya lukot ang mukhang tinitigan niya itong muli. "Ang bastos mo talaga! Magbihis ka na nga!" Galit na sigaw niya rito, pero ang totoo ay gusto niya lang pagtakpan ang pagkailang na nararamdaman niya. Pakiramdam niya ay biglang nag-init ang buong silid nito.

Parang gusto niya ulit maligo dahil bigla siyang nainitan.

Isiah grinned naughtily. "Sorry, nakalimutan ko yung towel ko."

"At b-bakit.... bakit sakin ka nakaharap?! Nasa akin ba ang towel mo?!" Galit na itinuro niya ang wardrobe nito. "Magbihis ka!" Alam niyang nananadya ito

Hindi nito pinansin ang galit na sigaw niya, sa halip ay sumampa ito sa kama at nakaluhod na gumapang palapit sa kanya.

Bigla siyang pinagpawisan at muling napaatras dahil sa ginawa nito.

"A-anong gagawin mo?"

"Inihahanda lang kita para sa main event natin."

"Main event?" Saglit siyang nag-isip pero ng mapagtanto ang sinabi nito ay agad na uminit ang mukha niya. "Sam!!!!!!" Gigil na sigaw niya sa pangalan ng kaibigan. Si Sam kasi ang nag-umpisa sa pamain event main event na iyon. "H-hindi mangyayari ang main event na sinasabi niyo. Kaya pwede ba Isiah? Lumayo ka sakin. Please magbihis ka na. B-babalik na ako sa condo ko."

Akmang lalayo na siya rito ng bigla siya nitong kinorner. Mabilis na kinuha nito ang laptop na nasa kandungan niya at inilagay iyon sa bedside table. Agad na nag-init ang pakiramdam niya ng tumama sa tuhod niya ang pagkalalaki nito.

Nang tumitig siya rito ay nawala ang pilyong ngiti nito at napalitan ng matiim na paninitig.

Narinig pa niya ang tunog ng paglunok nito, tsaka nito kinagat ang ibabang labi bago nagsalita. "Aalis ka na? Dito ka muna. Mababagot ka lang doon." Paos ang boses na sabi nito, at pakiramdam niya ay inaakit siya nito.

Agad siyang umiwas ng tingin dahil mas lumalapit ang mukha nito sa mukha niya. Hirap na hirap na siya sa paghinga dahil sa magkalapit na katawan nila, lalo pa't wala ni isa itong suot na damit o ni underwear man lang. Tumikhim siya. "Maliligo ako." Wala sa loob na nabanggit niya. Shit! Gusto man niyang bawiin ang sinabi nito ay hindi na niya ginawa dahil mas mahahalata siya nito.

Masuyong inipit ni Isiah ang tumakas na buhok niya patungo sa likod ng tenga niya habang hindi inihihiwalay ang mata sa mata niya. "Diba naligo ka na?"

"Gusto ko ulit maligo. Mainit. Summer na."

"Tag-ulan na Denise."

"Ah.. ahm, mainit parin kahit tag-ulan."

"Dito ka na maligo. May damit ka sa cabinet ko. Dinala ko ang ibang mga damit mo galing sa penthouse ko."

Agad na bumilis ang tibok ng puso niya. "B-bakit mo dinala rito?" Dapat itinapon mo na. Gusto pa sana niyang sabihin iyon pero itinikom na niya ang bibig.

Parang tumigil naman ang pag-ikot ng oras niya ng makita kung gaano siya nito masuyong nginitian. "Kasi hinihintay ko ang pagbalik mo ulit sa buhay ko Denise. Sorry, pero hindi kita susukuan kasi sobrang mahal kita." Masuyong hinaplos

You are reading the story above: TeenFic.Net