PART 20

Background color
Font
Font size
Line height

"Isiah!"

Agad na napatigil si Denise papasok ng parking lot ng marinig ang pangalan ni Isiah. Boses babae ang tumawag sa binata at sa pagkakarinig niya ng boses ay ang bagong empleyado iyon na laging kadikit ni Isiah nitong nakaraang araw. Nalaman niya ring Janelle ang pangalan nito.

Nagtuloy tuloy na siya papasok ng parking pero agad rin siyang napahinto ng makita si Isiah, Nakatalikod ito sa kanya habang nakapamulsa, medyo ilang agwat lang ang layo ng mga ito sa kanya.

Pagkakita niya kay Isiah ay agad na nanariwa sa isip niya ang ginawa nito sakanya kanina sa conference room. Bawat haplos at halik nito ay parang ramdam parin niya hanggang ngayon kaya bago pa mapunta sa iba ang laman ng utak niya ay agad niyang ipinilig ang kanyang ulo.

"Ano pala ang ginagawa mo rito sa parking? May sasakyan ka?" Tanong ng babae kay Isiah.

Ayaw sana niyang makinig sa usapan ng mga ito pero parang may nag-uudyok sa kanya na manatili muna. Pasimple siyang nagtago sa pader at sumilip.

"I'm waiting for someone. And yes, may sasakyan ako."

"Wow. May sasakyan ka pala? A-ako ba ang hinihintay mo? M-may sasakyan ako pero pwede ko namang iwan dito para sabay nalang tayo."

Nakita niyang nagkamot ng ulo ang binata bago nagsalita. "I'm waiting for my girlfriend. I'm sorry, hindi kita pwedeng isabay, baka magalit si kumander."

Agad na napatikwas ang kilay niya sa sinabi nito. She even crossed her arms. "Kumander?"

Kitang kita naman niya na nagulat si Janelle sa sinabi ni Isiah. Dahil may ilaw sa kinapupwestuhan ng mga ito ay napansin niya rin na may bumalatay na sakit sa mukha ng dalaga.

"M-may g-girlfriend ka?"

"Yeah."

"B-but I-i thought you like me....."

"Huh?"

"I-i mean... I thought you have special something for me. Y-you even treat me to lunch."

"Oh that? You invited me remember? Pasensya ka na Janelle kung may nagawa man ako para isipin mo yun. It was just a co-employee normal lunch to me. Nothing else. I cannot like someone else because I love my girlfriend, so much."

Hindi niya alam pero biglang uminit ang puso niya sa sinabi nito. It was obvious that Isiah is pertaining no other than her. Pero hindi na siya nito girlfriend.

"S-so totoo ang naririnig ko sa iba tungkol sa inyo ni mam Denise? Akala ko chismis lang yun. Akala ko hindi yun totoo. Pero sabihin mo, totoo ba talaga?"

"Yes."

"P-pero sabi nila ex mo na siya."

"That's why I applied here. I want to pursue her again. She's my ex, but for me, she's still my girlfriend because we didn't have a proper break up. Or should I say, we didn't break up. And I can give up everything, just to be with her again, kaya nandito ako ngayon sa kompanya niya."

Nakita niyang kinagat ni Janelle ang ibabang labi nito at napansin niyang parang pinipigilan nitong maluha.

"She really like Isiah huh?"

"Kaya ba lagi mo siyang tinitignan?K-kaya ba nung kakain na sana tayo sa lobby nang mapansin mo si mam Denise, pasimple mo akong niyaya sa Fire mall? Para sundan siya?"

"Yeah. You see, she's my everything. Matagal kaming nagkahiwalay kaya hindi lang siya makita ng isang araw ay hindi ko kaya. I want to see her everyday."

"G-ganun ba?May gusto lang akong malaman. Sana sagutin mo ng totoo. Bakit pakiramdam ko ginamit mo ako para pagselosan siya?"

"S-sort of. Janelle, I'm really really sorry. I didn't expect this is going to happen."

Naiiling na maglalakad na sana siya ng marinig niya ang sinabi ni Janelle kay Isiah.

"P-pwede mo akong gamitin para pagselosin si mam Denise, Isiah. Tutulungan kita. Papayag akong magpagamit sayo. Basta dapat lagi tayong magkasama."

"W-what?"

Akmang lalapitan ni Janelle si Isiah nang agad umatras ang binata. "Whoah! Teka lang Janelle. Anong gagawin mo?" Pilit kasing inaabot ng dalaga ang mukha ni Isiah. "Baka may makakita satin machismis tayo. Iyon ang ayaw na ayaw kong mangyari. Hirap na hirap akong kunin muli ang loob ni Denise, baka mas lalo pang lumayo yun sakin sa binabalak mo. Please, stay away."

Lumapit ulit si Janelle pero umatras lang ulit si Isiah.

"We need to practice Isiah. Para maniwala si mam Denise na may gusto ka sakin. Kapag nagselos siya, ibig sabihin may gusto pa siya sayo."

Agad na kumuyom ang kamao niya dahil sa narinig. Nang mahablot ni Janelle ang damit ni Isiah at akmang hahalikan ito ay naglakad na siya patungo sa kinaroroonan ng mga ito, malapit lang kasi ang pwesto ng dalawa kung saan siya nakapark.

Sinadya pa niyang patunugin ang suot niyang high heels para makuha ang atensiyon ng dalawa.

Walang emosyon at nakataas-noo siya nang lingunin siya ng dalawa at kitang kita niya ang pamumutla ng mukha ni Isiah, nanlaki rin ang mata nito pagkakita sakanya. Nakayakap na kasi si Janelle sa binata at iyon ang tagpong nakikita niya.

"L-love...." Utal na anas ni Isiah at marahang itinulak si Janelle, pero nakakapit ng maigi ang dalaga sa damit ng binata at hindi nagpatinag.

Sinigurado niyang walang emosyon ang kanyang mukha ng lagpasan niya ang mga ito.

"D-denise.. wait!"

"Ignore him Denise." Utos ng utak niya.

"Shit!" Narinig niyang mura Isiah pero nagbingi-bingihan siya at hindi nilingon ito, pero ilang sandali lang ay ganoon nalang ang gulat niya ng may humablot sa kanya.

Naibuka niya ang bibig sa gulat dahil mabilis na nakalapit si Isiah, at walang sabi sabing hinalikan nito ang nakabuka niyang bibig. Agad na napakapit siya sa balikat nito ng hapitin rin nito ang bewang niya at mas pinalalim pa ang paghalik sa kanya. Nakarinig siya ng mga paang papaalis kaya mabilis niyang itinulak si Isiah at nilingon kung iyon. Nakita niyang umiiyak na tumakbo si Janelle, palayo sa kinaroroonan nila.

Agad na pinanlisikan niya ng mata si Isiah. "Bakit mo ako hinalikan?! Alam mo ba na sa ginawa mo, mas lalo tayong pag-uusapan sa kompanya ko?! Isiah naman!"

Nginitian lang siya ni Isiah. "So? Doon rin naman punta natin kapag nagkabalikan tayo. Para hindi na sila magulat kapag tayo na ulit."

"Ang lakas talaga ng tiwala mo sa sarili mo no?" She crossed her arms. "In your your dreams Isiah."

"I'm always dreaming of you love. Wearing sexy lingerie but most of the time, naked in bed." He grinned. "Dancing and stripping infront-

"Stop!" Agad na umakyat ang dugo niya sa mukha sa sinabi nito. "Bastos ka talaga!" Gigil na sigaw niya rito.

"Mahal ka naman."

Agad na tinalikuran niya ito at tinungo ang kanyang sasakyan pero halos malaglag ang panga niya pagkakita sa kanyang sasakyan. Butas ang parehong kanang gulong ng sasakyan niya. Mabilis siyang bumaling kay Isiah, at sa pagbaling niyang iyon, saglit na nakita niya ang pagngisi nito habang nakatingin sa gulong ng sasakyan niya, pagkatapos ay biglang nangunot-noo ito nang mapansin nitong nakatingin na siya rito, at nilapitan pa ang sasakyan niya.

"Sinong may gawa niyan? Paano ka uuwi niyan? Ihahatid na kita. Grabe naman gumawa niya. Napakatalino."

Habang tinititigan ang binata ay pakiramdam niya may kinalaman ito sa pagkabutas ng gulong niya. "Ikaw ang may gawa nito no?!" Akusa niya rito.

"Ako? Bakit ko naman gagawin sayo yan love?"

Mas lalong uminit ang ulo niya dahil halata sa mukha nitong nagsisinungaling ito. Kitang kita niya kasi ang pagpipigil nitong ngumiti.

Sa inis ay tinalikuran nalang niya Ito at naglakad palabas ng parking.

"Love-

Nanlilisik ang matang nilingon niya ito. "It's Denise, Isiah! Denise! Call me Denise! Paulit ulit ka nalang!"

"Okay okay, Denise, saan ka pupunta?"

Muli siyang naglakad. "Malayo sayo!"

"Sasamahan kita."

"Malayo nga sayo diba?" Aniya nang hindi ito nililingon habang naglalakad parin.

"Imposible nga yan kasi susundan kita kahit saan ka pa magpunta. Kahit pa sa impyerno."

Napahinto siya sa paglalakad dahil sa sinabi nito saka ito nilingon at sinamaan ng tingin. "F*ck you!"

Ngumisi lang ito. "Oh kita mo? Kakamura mo niyan sa impyerno talaga bagsak mo. Pero huwag kang mag-alala, lagi akong magmumura kapag nags*x tayo para impyerno rin bagsak ko."

Namula na naman ang mukha niya sa sinabi nito habang si Isiah ay mabilis na lumapit sa kanya at pinagsalikop ang kamay nila.

Malakas na pumiksi siya pero hindi nito binitawan ang kamay niya, sa halip ay inginuso nito ang fire mall. Ni hindi niya namalayan na nakalabas na sila sa parking.

"Tara, date tayo."

"I-date mo sarili mo."

Hindi siya nito pinansin at hinila na siya patungo sa naturang mall.

Malakas na napabuntong hininga nalang siya at nagpahila rito.

"Ngayon lang to Denise, ngayon lang..." Pagkausap niya sa sarili.

"Hanap ka milk tea shop. Nauuhaw ako. Gusto kong mapawi ang init ng ulo ko dahil sayo." Sabi niya sa binata ng makapasok sila sa mall. Magkahawak parin sila ng kamay. Bawat hila niya kasi ay mas hinihigpitan nito ang kamay niya kaya siya nalang ang sumuko.

Isiah snickered. "Ang hot ko kasi."

She just rolled her eyes. "Korny as ever."

"And I love you forever."

Parang may humaplos sa puso niya sa sinabi nito, kinagat niya rin ang ibabang labi para pigilan ang pag-alpas ng ngiti sa kanyang labi.

Hindi nalang siya umimik pa at nagpatuloy nalang sila sa paglalakad.

Agad na napukaw ang atensiyon niya nang may makitang milk tea shop. Kapansin pansin kasi ang pangalan milk tea shop na iyon.

"Nyilk ti?" Natatawang basa rin ni Isiah sa pangalan ng shop pagkahinto nila sa tapat niyon. "A teatea-ry shop" ha?" tawa ulit ng binata. Nakalagay kasi sa ibaba ng Nyilk ti ay - A teatea-ry shop.

"Let's get inside. Subukan natin ang teatea nila, - I mean, teatea-ry shop na to." Patawa tawang sabi ni Isiah. Akmang tatanggi siya nang may mahagip ang mata niya na taong kilalang kilala niya. Nasa loob ito ng milk tea shop.

"Ate Saph?" Mahinang sabi niya. Siya narin mismo ang unang naglakad papasok sa loob, hila-hila niya si Isiah habang hindi inaalis ang tingin sa babae.

Papalapit na siya sa counter nang biglang nagsalita si ate Saph. Nakaupo ito sa recliner chair,nakapikit, naka-headset at sa palagay niya ay may kausap.

"Anong trip mo at gusto mo akong pakantahin? Bored ka no? Pero sige na nga, magsabi ka ng kanta at kakantahin ko." Sabi ni ate Saph sa kausap habang nakapikit parin. Hindi muna siya nagsalita at tinignan lang ito. Maganda na ito noon, pero mas gumanda ito lalo ngayon. Para itong manika sa ganda. Hindi nakapagtataka kung bakit minahal ito ng kapatid niya, dahil bukod sa maganda, mabait at may pagkakalog pa.

"Pen pen de sarapen? May version ako niyan. Apoy 2.0 version. Umpisahan ko na ba?-- aheeem, "Pen pen di sholopen di tegelu di lamasen, haw haw di nyolabaw may big uten. Keepay namimilipit, nyotdog betlog nagsa-sight-sung sa tabi ng dagat, -" napatigil sa pagkanta si ate Saph at napaayos na upo. "Hoy pangit, nasa meeting ka no?! Loko ka, nasa meeting ka tapos may oras ka pang tawagan ako para lang pakantahin? Bakit mo ako pinapakant-" napatigil muli si ate Saph nang pagmulat nito ng mata ay siya agad ang nabungaran. "Oh myghad!" Bulalas nito at dali daling pinatay ang tawag.

"Denise?" Nanlaki ang mata nito at agad siyang nilapitan. Buti nalang at binitawan na ni Isiah ang kamay niya kaya dali-dali niya rin itong nilapitan at niyakap.

Saphfire Nicole. Ito ang natatanging babaeng sineryoso ng kuya Demien niya. Dalawang taon naging magkasintahan ang kuya Demien niya at si ate Saphfire ng maghiwalay ang mga ito. Pagkatapos niyon ay napagdesisyunan ng kuya Demien niya na ipagpatuloy ang pag-aaral nito sa kolehiyo sa ibang bansa. Hindi niya alam kung ano ang dahilan ng paghihiwalay ng dalawa pero nanghinayang siya dahil magaan ang loob niya kay ate Saph, kahit pa bihira lang niya lang ito makita noong kasintahan pa nito ang kuya Demien niya. Kahit pa may pagkaweird minsan si ate Saphfire ay masarap itong kasama.

Si ate Saphfire lang din ang natatanging ipinakilala sa kanya ng kapatid niyang si kuya Demien na nobya nito. Nang maging nobya ng kapatid niya si ate Saphfire ay himalang tumigil noon sa pambababae ang kapatid niya at naging stick to one, kaya nakakasigurado siyang seryoso ito sa dalaga. Pero nang maghiwalay ang dalawa, back to plaboy ulit ang kapatid niya.

Kaya hanggang ngayon ay nanghinayang parin siya. Ito lang kasi ang kilala niyang makakapagpatino muli sa kapatid niya.

Nang maghiwalay sila ng yakap ni ate Saphfire ay parang manghang manghang tinignan siya mula ulo hanggang paa.

"Wow. To the highest level na ang beauty mo Denise. Blooming ka ngayon ah?" Nagtaka pa siya ng lumapit ito at binulungan siya. "Siguro nadiligan ka no? Sino ang lucky chopopo?"

Napanganga siya sa sinabi nito at hindi agad nakapagsalita, pero sigurado siya, pulang pula ngayon ang mukha niya. Agad na bumalik sa alala-ala niya ang ginawa ni Isiah sa kanya kanina sa conference room kaya wala sa sariling nilingon niya ang binata na nakamasid lang sakanila. Dahil sa ginawa niya ay nakita niya ring tinignan ni ate Saph si Isiah, at kitang kita niya ang pagnganga nito habang nakatitig sa binata.

Nagtaka pa siya ng dali daling kinuha ni ate Saphfire ang cellphone nito at may tinawagan. "Alexa! Beshy! Come on here! Hav ditey na chopopong Dakota Johnson! Tongona Alexis! Faster!" Parang excited pang wika ni ate Saph habang nakatitig parin kay Isiah.

Ilang saglit lang ay lumabas sa isang pintuan ang isang lalaking kilalang kilala rin niya.

"Deym apoy! Where is he? Where?????"

"Kuya Alexis?" Gulat na tawag niya sa kapatid ni Jennie. Hindi niya inaasahan magkakilala ang mga ito. Sabagay, parehas ang paaralan na pinasukan ng mga ito noon, ang hindi niya lang alam ay parang malapit na magkaibigan pala ang dalawa.

"Denise?" Tuwang tuwang tili ni kuya Alexis, at akmang yayakapin rin siya ng biglang humarang sa harap nila si Isiah, may paubo ubo pa itong nalalaman.

"Off limits." Saad pa ni Isiah.

Napatanga naman si kuya Alexis, pagkuwa'y ngumisi. "Ikaw nalang ihug ko bebe?"

Kitang kita niya ang pamumutla ni Isiah, mabilis itong umatras ng akmang yayakapin ito kuya Alexis.

"I-sight-sung mo unchi ang nyontalon. Vakat na vakat, daks besh. Daks." Mahinang sabi ni ate Saph kay kuya Alexis, nakatingin ito sa ibabang parte ng katawan ni Isiah. Agad rin niyang napansin na tinignan iyon ni kuya Alexis at kitang kita niya ang pagbuka ng bibig nito.

Kahit hindi niya naintindihan ang sinabi ni ate Saphfire ay sa kilos palang ng dalawang magkaibigan ay alam na niya ang tinutukoy ng mga ito.

"Jowabels mo Denise?" Tanong ni kuya Alexis, nakatingin parin sa gitna ni Isiah. Si Isiah naman ay namumutla parin at mabilis na tinakpan ang gitna nito, kahit pa nakapantalon ang binata.

"H-

"Yes." Mabilis na sagot ni Isiah, at iyon ang naging hudyat ng pag-alis ng tingin ng dalawang magkaibigan sa pagkalalaki ni Isiah.

Bahagya tuloy siyang nahiya dahil sa ginawa ng dalawa. Nagsama pa talaga ang dalawang taong weird na kilala niya.

"Winner naman pala ng boylet mo Denise. Baka may shupatid- I mean, baka may kapatid pa siya? Itong si apoy, single and ready to mingle ang peg. Trenta'y dos na pero hindi pa nag-aasawa. Sayang naman kung mabubulok ang perlas ng silanganan nito."

Napangiwi siya sa sinabi ni kuya Alexis. Manang mana talaga si Jennie rito.

Tipid na nginitian nalang niya si kuya Alexis. "Ikaw rin naman kuya." Biro nalang niya.

Parang hindik na hindik si kuya Alexis sa sinabi niya. "Kalurkey to! Don't call me kuya, it's ate Alexa, okay? Wititit ko pang magkajunakis. Hindi pa nangyayari ang pustahan namin nitong si apoy." Makahulugang sabi nito tsaka binalingan si ate Saph.

"Excuse me? Pwede po paorder?" Singit sa kanila ng isang customer.

Kinalabit naman ni kuya Alexis ang cashier na kanina pa pala nakatunganga sa kanilang apat. "May oorder meshy."

Mukhang nagulat naman ang dalaga tsaka humingi ng paumanhin, pagkatapos ay binalingan ang customer.

"Ate Saph-

"Isang teatea latte at calamanteatea po. Dine-in."

Mariing kinagat niya ang ibabang labi nang marinig niya ang order ng customer, samantalang si Isiah ay hindi napigilang tumawa, pero mahina lang.

"Anong size mam?"

Nilingon niya ang customer at nakitang niyang namumula ang mukha nito, pero parang natatawa. "M-malaking teatea po."

Tumango-tango naman ang cashier na parang sanay na sanay na sa naririnig habang siya ay napatulala at hindi alam ang gagawin, samantalang si Isiah ay mahinang natawa na naman.

"Bale ang order niyo po, isang teatea latte at calamanteatea. Parehas pong malaking teatea, tama po?"

"Pffffffffft... " Isiah.

"O-opo."

"365 po lahat mam."

Agad naman siyang hinawakan ni ate Saphfire sa kamay. "Tara muna sa opisina ko." Anito at binuksan ang pinto na nasa likuran ng cashier.

Pagpasok nila sa loob ay agad niyang ipinakilala si Isiah. "Ate Saph, kuya- ate Alexa, this is Isiah." Pagpapakilala niya, hindi na dinugtungan pa ang pagpapakilala sa binata.

Nilingon naman niya ang binata. "Isiah, Siya si ate Saphfire at si kuya—este, ate Alexa pala. Kapatid ni Jennie."

"Hi cutiepie." Ate Saph.

"Hi Bebe." Kuya Alexis.

Alanganing nginitian naman ni Isiah ang dalawa. Parang nawala ang kadaldalan ng binata dahil sa mga ito.

Nang makaupo sila ay agad niyang ipinalibot ang tingin sa paligid. "Ate Saph, sayo tong milk tea shop?"

Proud na proud namang tumango ito.

Naalala niya ang pangalan ng shop nito. Hindi na siya nagtaka kung bakit weird ang pangalan ng shop, pati narin ang mga flavors ng milk tea, iyon pala ay ito ang may-ari.

"Magbusiness partner kayo ni ate Alexa?" Tanong niya muli.

"Hindi. Binibisita ko lang tong apoy nato." Si kuya Alexis ang sumagot. "Busy ako sa kompanya ng magulang ko kaya ayaw ko ng dagdagan pa ang trabaho ko. Baka masira agad ang feslak ko noh! Wiz kong maging gardo versoza! Tambay tambay lang ako rito."

"Buti napadaan ka rito. Try mo mga milk tea ko. Lahat masasarap." Ani muli ni ate Saph. "Galing rito ang kuya Demien mo noong nakaraang araw. Nag-order siya ng long teatea flavor."

Mahinang natawa naman si Isiah sa tabi niya kaya pasimple niyang kinurot ang legs nito.

"It's oolong flavor, alam kong di mo kabisado mga flavor, since first time mo rito." Dagdag pa ni ate Saph.

"Yun ang inorder ni Demien kasi long daw ang etits— oooops, zarreeey ha?" Natatawa naman sabat ni kuya Alexis.

"But I will recommend you to try my best seller."

Saglit na napalingon siya kay kuya Alexis ng bumungisngis ito.

"Yeah. You should try her best seller Denise. The best yung flavor na

Salty & creamy teatea. Maalat-alat, macreamy na manamis-namis. Babalik balikan mo talaga sa sarap." Mapanuksong tinignan pa siya nito. "Pero kung nakatikim ka na ng mas masarap na flavor ng teatea—" anito at sinulyapan ng makahulugan si Isiah bago muling ngumisi sakanya.
"Maipapayo ko sayong huwag ka ng tumikhim ng iba."

"Plangak!" Segunda ni ate Saph.

Hindi na napigilan pa ni Isiah na tumawa ng malakas. "Shit, di ko na kaya." Pulang pula na ang mukhang saad ni Isiah sa kakatawa.

Namula siya sa napupuntahan ng usapan nila, lalo pa't katabi niya lang si Isiah. Obvious naman kung anong teatea ang binanggit ni kuya Alexis. Siguro kung nandito lang si Sam at Jennie, malamang, sasabog ang buong opisina ni ate Saph sa kalokohang pinag-uusapan.

"Pero seriously speaking, you can also try macheesy teatea. Favorite ko yun." Humahagikhik namang wika muli ni ate Saph. "It's a matcha cheesecake flavor."

Pulang pula na ang mukha niya sa pinag-uusapan nila. Hindi parin siya masanay

You are reading the story above: TeenFic.Net