PART 16

Background color
Font
Font size
Line height

*Hi Divinelovezkie 😊
Have a nice day☺️


Naglalaro parin sa isip ni Denise kung sino ang nagpadala ng pagkain sa kanya kahapon. Wala na siyang maisip na pwedeng gumawa niyon kundi si Isiah. Pero kung ang binata nga ang nag order ng pagkain niya, bakit kailangan pa nitong gamitin si Sam?

Dahil alam niyang hindi mo tatanggapin!" Sigaw ng mahaderang isip niya

At saka bakit naman nito iyon gagawin? Nagkalinawan na sila diba? Sinabihan na niya ito na tigilan na siya.

Agad na napatigil siya sa paglalakad at kinunutan ng noo ang mga babaeng empleyado na nagkukumpulan sa labas ng Men's restroom.

Pasimple siyang tumikhim para kunin ang atensiyon ng mga ito, at ganoon nalang ang gulat ng mga ito ng malingunan siya. Sa lahat ng pwedeng pagkumpulan, bakit sa men's restroom pa? Mukhang may inaabangan ang mga ito sa men's room.

"S-sorry ma'am."

"Pasensya na po."

"Ikaw kasi eh."

Magkakasunod na sabi ng tatlo at pasimpleng umalis. Naiiling na ipinagpatuloy nalang niya ang paglalakad hanggang sa makapasok siya sa kanyang opisina.

Nag umpisa na siyang magtrabaho ng pumasok si Alfred. He handed her the folder. "Ma'am, bigay po ng VP, signature niyo nalang po ang kailangan. "

Kinuha naman niya agad iyon at binasa.

"Nag start na po pala yung kapalitan ni Mang Felipe mam. Ipapatawag ko na po ba para makausap niyo?"

"Mamaya na. Tawagan nalang kita kapag kakausapin ko siya." Hindi tumitingin na sabi niya rito. Pinirmahan narin niya ang papeles na binigay nito saka niya ito tinignan. "Can you make me a coffee?"

"Ganun parin po ba mam? One half tbsp of black coffee, two tbsp of cream without sugar po?"

Nakangiting tinanguan niya ito saka ibinigay rito ang folder na kapipirma niya.

"Sige po ma'am. " Dumiretso si Alfred sa mini pantry niya at mula sa gilid ng mata niya ay gumagawa na ito ng kape niya kaya naman inabala niya muli ang sarili sa trabaho hanggang sa naglakad muli  si Alfred bitbibitbit ang pinatimpla niyang kape.

"Thank you."

"Welcome po. Ipapasa ko na po ito mam." Anito sa hawak nitong folder.

"Go ahead. At saka oo nga pala Alfred, ibigay mo sakin yung resume ng kapalitan ni Mang Felipe. "

"Noted ma'am."

Nang makalabas na si Alfred ay kinuha niya ang kapeng tinimpla nito saka dahan dahan iyong tinikman. Napasandal siya sa kanyang swivel chair at saka pumikit. Pero agad rin siyang nagmulat ng mata ng isang isang imahe ang sumingit sa isipan niya.

Ipinilig niya ang kanyang ulo at nagpatuloy nalang sa pagbabasa ng papales. Hindi na dapat niya hinahayaang pumasok pa sa sistema niya ang taong iyon sa isip niya. Ilang sandali pa ay may kumatok na naman sa opisina niya at nagtuloy tuloy na pumasok si Alfred, may hawak itong brown folder.

"Eto na po yung resume ng bagong mensahero ma'am."

"Thank you. Papuntahin mo na siya rito."

"Yes ma'am."

Paglabas ni Alfred ay sakto namang tumunog ang cellphone niya. It was Calvin. Agad naman niyang binasa ang mensahe nito.

"Hey beautiful. How are you?Did you receive my gift? Can't wait to see you.."

Agad na nangunot ang noo niya dahil wala naman siyang nakukuhang regalo mula rito.

Baka hindi pa dumadating?

Narinig niya ang pagbukas-sara ng pintuan niya pero hindi muna siya nag angat ng tingin at nagtipa ng mensahe kay Calvin.

"I'm perfectly fine. How about you?What gift? I didn't receive anything. Baka hindi pa dumadating?"

"Good morning ma'am."

Agad na nanigas ang katawan niya ng marinig niya ang pamilyar na boses ng nagsalita, ang puso naman niya ay biglang kumabog ng malakas at ang mga kamay niya ay nanlamig. Mabilis na nag angat siya ng tingin at hindi nga siya nagkamali sa narinig ng makita niya si Isiah na nakangiting nakatayo, nakapamulsa ang dalawang kamay nito sa bulsa ng pantalon nito, at ang nakapagpagulat sa kanya ay suot suot nito ang uniporme ng messenger nila! Para lang itong modelo na nakatayo sa harap niya.

Pasimple niyang ipinilig ang ulo ng mahimasmasan siya. "What are you doing here? Bakit suot suot mo yan?" Gulat na tanong niya agad sa binata. Parang biglang nanakit ang ulo niya ng makita si Isiah na suot suot ang uniporme ng messenger nila! Unti unting pumapasok sa isip niya ang nangyayari ngayon. Gusto niyang iuntog ang sarili para magising siya pero alam niyang hindi panaginip ang nangyayari!

"I'm the new—

"Stop!" Itinaas niya ang kamay at pinatigil ito sa pagsasalita saka mabilis na binuklat ang binigay na folder ni Alfred sa kanya.

Hindi makapaniwalang tinignan niya ang resume ni Isiah.

Isiah Williams
27 years old
6'2

Hindi na niya itinuloy ang pagbabasa at pagalit na isinara ang folder at matatalim ang matang tinitigan ang dating nobyo. "What is your problem Isiah? Ano na naman ba to ha? Di ba nakapag usap na tayo?!" Galit na sabi niya sa dating nobyo.

Parang walang pakialam na naglakad si Isiah at umupo sa harap niya, ni hindi tinablan sa nakakamatay na tingin niya. "I applied to be a messenger here and I got hired instantly?"

Napamasahe siya sa kanyang nose bridge saka muli itong tinignan. Why the HR hired him?! Isiah is over qualified! Mas madaming nangangailangan ng trabaho, bakit ito pa ang tinanggap ng HR? Isiah is a rich man! Hindi man lang ba binackround check iyon ng HR?

"Huwag mo akong pinipiloso Isiah ha? Because we both know that you're up to something! Hindi ka ba talaga titigil? Damn it Isiah! Hindi laro ang kompanya ko!" Gigil na gigil na sabi niya rito.

"Okay okay, I applied here because of you. Pero gagawin ko naman ng maayos ang trabaho ko rito. At least mababantayan pa kita."

Kahit mahina ang mga salitang huling sinabi nito ay narinig parin niya. "Sino ka ba para bantayan ako? You're just an EX Isiah." Nakita niya ang pagdaan ng sakit sa mukha ni Isiah pero wala siyang pakialam.  "Please, stop acting like a child. Madaming mas nangangailangan ng trabaho tapos inalisan mo pa sila ng chance just because you want to keep an eye on me?!"

"Madami pa namang hiring diyan. There's a lot of opportunities out there for them, but I only have one opportunity to be with you. They needed a job? Yes, but me? I need you."

Umiwas siya ng tingin rito. "You're fired."

Sa gulat niya ay bigla itong natawa. "You can't fire me love. This is my first day of work. You can't fire me without a valid reason. I already  signed a contract. Gusto mo bang magpaDOLE ako? That your company will hire a person, but suddenly will be fired without a valid reason?"

Pinanlisikan niya ito ng mata pero Nangalumbaba lang ito sa lamesa niya at nakangiting tinitigan siya. "Are you scaring me?"

He grinned naughtily. "Hindi po. Sayo nga ako takot eh."

"Hindi na ako magpapadala sa makasalanan mong dila."
"Ha! Akala ba nito madadala siya ulit nito sa pambobola?!

"But it can make you scream in pleasure love. Don't you remember?"

Nanlaki ang mata niya sa sinabi ni Isiah kaya naman agad niyang kinuha ang folder na naglalaman ng resume nito at malakas na ipinalo iyon sa ulo ng binata. "Bastos ka talaga!"

"Aray naman Mahal!" Agad na umupo ng tuwid si Isiah at nakangusong hinaplos nito ang ulo nitong hinampas niya. "Napakabrutal mo talaga sakin kahit kailan. Hindi ka parin nagbabago, kagaya ng pagmamahal ko sayo."

Pinigilan niyang magpaapekto sa sinabi nito. "Yang bunganga mo bastos parin!"

Ngumisi na naman ito. "Gustong gusto mo nga ang ginagawa ng bunganga ko eh."

She angrily pointed the door. "Get out!"

Isiah cleared his throat and composed himself. He looks serious now. "I'm sorry. Namiss lang kitang asarin."

"If you want to work here, stop playing around and be professional! Argh! Ang tigas talaga ng ulo mo! Akala ko ba nagkaintindihan na tayo? Narinig ko na ang paliwanag mo diba? Pinatawad na kita. Ano pa ba ang gusto mo at ginugulo mo na naman ako?"

"You don't understand. I want you back remember? I'm sorry. Kasalanan ko naman ang lahat kaya gusto kong bumawi sayo. Hindi na kita iiwan, pangako. Kahit anong mangyari promise. Mamatay man yung sinasabi mong kuno na boyfriend mo."

"Hindi mo ba alam ang salitang taken na? Paulit ulit nalang Isiah?I have a boyfriend!"

"Liar. Tinanong ko si Alfred kanina, sabi niya wala kang boyfriend."

Bwisit na Alfred Yun! Tinaasan niya ng kilay si Isiah. Be a good actress Denise! Hindi niya dapat malaman na wala kang boyfriend! Panangga mo iyon sa kanya!  "Don't you know our company's policy? No dating inside my company. No courting. Nagdidate kami ng boyfriend ko sa ibang lugar. Hindi ko siya pinapapunta rito dahil ako mismo ang gumawa ng policy na iyon kaya dapat ako yung nangungunang dapat sumunod. I am a private person Isiah, at walang nakakaalam sa mga empleyado ko na may boyfriend ako. Kaya malamang sasabihin sayo ni Alfred na wala akong boyfriend, kasi hindi naman niya nakikita ang boyfriend ko."

Kumabog ang dibdib niya dahil biglang nagbago ang itsura ni Isiah. Gone the naughtiness in his face, and replaced by anger. "Saan kayo nagdidate?" May diing tanong nito. Hindi agad siya nakasagot dahil hindi siya sanay na nakikita itong galit at parang handang pumatay.

Hinamig niya ang sarili at muli na naman itong tinaasan ng kilay. "Bakit ko naman sasabihin sayo?"

"Dinadala ka ba niya sa hotel?!"

Namula naman ang mukha niya sa tanong nito. "What? No! Bak—

"Good." He said, cutting her words and crossed his arms. Mukha itong batang nagtatantrums.

Bigla tuloy uminit ang ulo niya. "Kung gusto mong magtrabaho rito, umayos ka ha?" Gigil na sabi niya rito. Para lang kasi itong nakikipag laro sa kanya. At kung makipag usap, parang hindi siya ang boss!

"Maayos naman ako love. Ikaw naman kasi, pinainit mo ang ulo ko eh."

"Abat—" Hindi makapaniwalang pinaikutan niya ito ng mata. Grabeng pagtitimpi ang ginawa niya para hindi  ito sigawan at hampasin.

She calmed herself and took a deep breath before facing him with her cold look. "Okay fine. Because you already signed a contract, I just want to welcome you." Labag sa kalooban na paninimula niya. "But I want to remind you again, no flirting inside my company. Kung may matipuhan ka man rito, dalhin mo sa labas. Because my company is not a dating place. Do you understand?"

Ngayon niya lang kasi napagtanto na malamang ay si Isiah ang pinag uusapan ng mga kababaehan kahapon, pati narin ang pagkukumpulan ng mga babae sa men's room kanina kaya naman hindi imposibleng lapitan ito ng mga babaeng empleyado. Naikuyom niya ang kanyang kamao. Para tuloy siyang nagkaroon ng mabigat na pasanin sa kompanya dahil sa binata.

"So pwede tayong magdate sa labas love?"

"I'm not a cheater Isiah. And can you please stop calling me that? Mahiya ka naman, sinabi ko na sayong may boyfriend ako diba? Can you give me, just a little respect?"

"Okay." Tipid na sagot lang nito saka muli siyang tinitigan. Kahit naiilang siya sa paninitig nito ay brinifing niya ito sa mga bagay bagay na dapat nitong malaman sa kompanya.

"Do you have any questions? Kung wala na, makakaalis ka na. I will endorse you to Alfred."

"I have a question."

Hindi siya nagsalita at hinintay lang ang sasabihin nito. "Bakit lalaki ang sekretarya mo?"

"So?"

"Hindi ba pwedeng babae?"

Hindi niya alam kung bakit biglang uminit ang ulo niya dahil sa sinabi nito. "Diba sinabi ko na sayo? No flirting inside my company! Bakit ba pati sekretarya ko pinapakialaman mo?"

Malakas na napabuntong hininga naman si Isiah. "You don't understand." He sighed. "I have no question."

Ilang segundo silang nagkatitigan pero siya ang naunang umiwas ng tingin. Para kasing lumiit bigla ng espasyo na nakapagitan sa kanila. "You can go now. Dumiretso ka na kay Alfred para iassist ka."

Sa gulat niya ay bigla siya nitong kinindatan saka pasipol sipol na lumabas ng opisina niya. Nang maisara na nito ang pintuan niya ay nahahapong umupo siya.

Para tuloy gusto niyang magbakasyon muna. Hindi niya alam kung ano ang kahihinatnan ng pagsasama nila ni Isiah sa kompanya niya.



Hindi namalayan ni Denise ang oras hanggang sa makaramdam siya ng gutom. Napatingin siya sa orasan at twelve thirty na pala ng tanghali kaya napagpasyahan niyang mag-ayos ng sarili para kumain sa labas.

Ano kaya ang ginagawa nun ngayon?
Mabilis siyang umiling dahil sa naisip.

Stop thinking about him! Kastigo ng utak niya.

Naglakad na siya palabas ng kanyang opisina. Pasimple siyang luminga linga para hanapin si Isiah at para tignan kung anong ginagawa nito. Baka kasi puro kalokohan lang ang ginagawa nito.

Binagalan niya ang paglalakad nang makarinig siya ng tawanan pagkabukas ng elevator. Lumabas doon ang dalawang babaeng empleyado at si Isiah. Nakilala niya ang dalawang empleyado, iyon ang dalawa sa tatlong nakaabang kanina sa men's restroom.

Abala sa pag uusap ang mga ito at hindi pa siya napapansin. Napansin niya ang hawak ng dalawang babae, tig dadalawang box ng imported chocolates ang bitbit ng dalawa with ribbon at stuff toy pa.

Tumigil ang dalawang babae sa paglalakad kaya napatigil rin si Isiah.

"Salamat talaga dito sa chocolate at stuff toy Isiah ha? Ikaw naman, nag-abala ka pang bigyan kami." Parang kinikilig na sabi pa ng isa.

"Oo nga, tapos imported pa tong chocolate. Mukhang mamahalin. Diba first day mo palang dito nag abala ka pang bumili."

Naikuyom niya ang kamao. Kasasabi niya lang dito na no flirting ah?! At bumili pa talaga ito ng chocolate's at stuff toy!

"Selos ka?" Panunudyo ng isang bahagi ng isip niya.

"Ha! Bat naman ako magseselos? Matagal na kaming wala! Naiinis lang dahil hindi sumusunod sa rules ng kompanya!" Depensa naman ng isang bahagi ng isip niya.

Napansin niyang alanganing ngumiti si Isiah. "A-ah eh. Welcome." Iyon lang ang tanging nasabi nito.

"Ayaw mo ba talagang sumama sa bar? Pawelcome namin sayo. Kami na ang bahala sayo, tutal binigyan mo kami ng mamahaling chocolates."

"Oo nga naman Isiah, pambawi namin sayo. Masaya yun for sure. Malapit lang dito yung bar na pupuntahan natin."

Nakita niyang ngumiti ang binata, lumabas tuloy ang dimple nito, dahilan para mapansin niya ang dalawang kasama nitong babae na parang kinikilig na naman. "Sorry girls, hindi ako umiinom eh. Wala akong hilig sa bar."

Talaga Lang ha?

"Ah ganun ba? Good boy ka pala." Parang nangangarap na sabi ng isa.

Pasimple siyang nagtago sa pader.

Good boy his face! Gusto niyang matawa sa sinabi ng isa.

"Ganito nalang, pahingi ng number mo, para kung sakaling magbago ang isip mo, matatawagan ka namin."

Agad na tumikwas ang kilay niya dahil sa narinig.

Pero bigla siyang napaayos ng tayo. "Teka, bakit ba ako nakikinig?" Pagkausap niya sa sarili.

"Bago lang kasi yung number ko, hindi ko pa memorize."

"Nasaan ba yung cellphone mo?"

Napagdesisyunan niyang maglakad na at tunguhin ang elevator ng mapansin siya ng tatlo. Agad na natahimik ang dalawang babaeng kasama ni Isiah, habang ang binata ay napaayos ng tayo at nakangiting tumitig sa kanya.

"Good afternoon Ma'am." Bati sa kanya ng dalawang kasama ni Isiah. Tinanguan lang niya ang dalawa. Napansin niya ring hinihila ng isang babae ang manggas ng damit ni Isiah.

Mukhang naintindihan naman agad ng binata ang ginawa ng kasama nito kaya naman mas matamis na nginitian siya ni Isiah. Tumili pa ang dalawang babae pero agad ring nagtakip ng bibig.

"Good afternoon maha— Ma'am Denise."

Agad na namula siya dahil muntikan na naman siya nitong tinawag sa ganoong pangalan. Tinignan niya ang dalawang kasama nito, buti nalang at hindi iyon napansin ng dalawa.

"Sige, mauna na kami Isiah. Mamaya nalang." Wika ng isang babae saka magalang na nagpaalam. Sumunod din agad ang kasama nito kaya dalawa nalang silang naiwan.

Walang emosyon na nilagpasan niya ito saka naglakad papasok ng elevator. Pipindutin na sana niya ang close button ng pumasok agad si Isiah.

"Saan ka pupunta?" Tanong nito pero hindi siya nagsalita.

Nagsara narin ang elevator. Buti nalang at dalawa lang sila sa loob.

"Hindi ka pa nanananghalian diba? Lumabas na ako, binilhan kita ng lunch mo."

Agad na napatingin siya sa hawak nitong paper bag. "Ikaw na kumain niyan. Kakain ako sa baba."

"Love naman—

Pinutol niya ang pananalita ni Isiah ng nakakamatay na tingin. "Can you act like we don't know each other? And i don't have any names Isiah, so call me DENISE, or much better, MA'AM while you're inside my company."

Nginitian naman siya ng binata, na parang walang pakialam sa pagsusungit niya. "Okay ma'am Denise. Pero saan po kayo pupunta?Binilhan na kita ng pananghalian mo, huwag ka ng lumabas."

Akmang magsasalita siya ng bumukas ang elevator at pumasok doon ang dalawang lalaki at dalawang babaeng empleyado. Pagkakita sa kanya ay kanya kanya ang mga ito ng pagbati na tipid na tinanguan lang niya.

Lihim na nagpasalamat siya sa sarili ng hindi na muling nagsalita pa si Isiah, dahil kung ipinagpatuloy nito ang pangungulit sa kanya habang may mga nakakakita, sigurado siyang pagtsisismisan na sila. Iyon pa naman ang ayaw niya at iniiwasan niyang mangyari.

Pagbukas ng elevator ay mabilis siyang naglakad. Pero mula sa gilid ng mata niya ay pasimpleng sinundan siya ni Isiah. Gusto man niya itong suwayin ay baka mas lalo lamang silang pag usapan kaya hinayaan nalang niya ang binata.

Pumasok siya restaurant na umuukupa sa kompanya nila. Mabilis naman siyang nilapitan ng manager at iginiya sa reserve seat. Nang makaupo ay pasimpleng inilinga niya paningin pero hindi na niya nakita si Isiah. Agad naman siyang nakahinga ng maluwag saka nag order na.

Habang hinihintay ang order niya ay kinuha niya ang kanyang cellphone. May missed call galing kay Calvin kaya tinawagan niya ito thru video call.

"Hey miss beautiful!" Nakangiting sabi agad ni Calvin. Nakabusiness suit ito at gwapong gwapo itong tignan. Pero hindi niya alam kung bakit hindi man lang siya makaramdam ng kahit konting atraksiyon rito.

"How are you?" Nakangiting tanong niya.

"I'm fine. Namiss ko na sa Pinas pero hindi pa ako makakabalik diyan. How about you? Bakit parang gumaganda ka lalo?"

Natawa siya sa pambobola nito. "Ang aga mo namang mambola?"

"Magkaiba ang nambobola sa nagsasabi ng totoo Denise. Anyway, did you receive my gift?"

Umiling siya. Wala naman kasing dumadating na regalo sa kanya.
"Wala eh. Ano ba yun? Baka sa ibang babae mo naipadeliver?" Biro niya.

Halata sa mukha ni Calvin ang pagtataka. "Sabi kasi ng tauhan ko diyan naideliver na sa kompanya mo. I wonder why you're still didn't receive it."

"Sige mamaya tatanungin ko sa sekretarya ko. Advance thank you kahit hindi ko pa nakukuha." Tipid na nginitian niya ito.

"Welcome. Basta ikaw."

Pansin niyang  parang may gustong sabihin ito kaya naman siya na ang nagtanong. "What is it?"

"U-uh,i don't want to end this call Denise—

"It's okay, it's okay." Putol niya agad sa sinasabi nito. Nakabusiness suit ito kaya malamang ay abala ito.

"I'm really sorry beautiful. Mag uumpisa na kasi yung meeting. Okay lang ba?"

Nakangiting tinanguan lang niya ito.

"Bye

You are reading the story above: TeenFic.Net