PART 14

Background color
Font
Font size
Line height

Present....

Mula sa sinag ng araw ay unti unting nagmulat ng mata si Denise. She suddenly felt her head spinning like crazy. Her face contorted in pain but she managed to look around where she was. The last time she remembered was she's in lethal in hell.

Her heart instantly pumped so fast. No! This can't be! How could she forget this room?! How come she's in here?!

Until her mind slowly remembers everything. As in everything! And the kiss? Fuck! No way!

Kinapa niya ang sarili pero wala naman siyang naramdaman na kung ano na masakit sa katawan niya. Pero agad siyang nanigas ng mapansing nakasuot siya ng pantulog. Naalala niya ang damit na suot suot niya. Isa ito sa mga damit niya na nakatago lang sa penthouse ni Isiah.

Ibig sabihin ay hindi pa nito tinatapon ang mga damit niya?

At Ibig din sabihin ay si Isiah ang nagpalit sa kanya ng damit? Damn!

Inilibot niya ulit ang tingin sa kabuuan ng silid ng dating nobyo. Walang pinagbago iyon, Kung ano ang ayos noong huli niyang punta ay ganoon parin. Nang dumapo ang tingin niya sa bedside table ni Isiah ay hindi niya alam kung ano ang mararamdaman. It was their first year anniversary picture in Japan. Nakahalik sa pisngi niya ang binata habang nakangiti naman siyang nakatingin sa camera.

Umiling iling siya para alisin ang mga emosyong pilit na pumapasok sa sistema niya. Nang makita niya ang damit niya sa sofa ay may pagmamadaling naglakad siya para magbihis , saka niya kinuha ang kanyang bag.

She tiptoed and tried not to make a sound. Bahagya muna siyang sumilip bago lumabas ng silid nito. Pigil ang paghinga niya habang mabagal na pumupuslit sa penthouse ni Isiah. Nang mapadaan siya sa kitchen ay narinig niya pa ang mahinang pagkanta ni Isiah habang abala ito sa pagluluto. Pinigilan niya ang sariling pakinggan ang pagkanta nito at muling naglakad ng walang ingay.

Her breathing came back to normal as she got out from Isiah's penthouse.

You shouldn't have drink too much! Pagkastigo niya sa sarili ng makasakay siya sa elevator. Kung hindi siya nagpakalasing kagabi ay nakakatiyak siyang hindi siya mapapadpad muli sa penthouse ng dating nobyo. Agad na naalala niya ang halikang naganap sa kanila kagabi. Parang pakiramdam niya ay nararamdaman parin niya ang malambot na labi ni Isiah sa bibig niya. The way he kissed her making her blood rush up to her face. Still the same effect five years ago.

Erase ! Erase Denise! Stop thinking about him! It's just a kiss! Nothing else! Hindi na pwedeng maulit iyon!

Nang bumukas ang elevator ay lakad takbo niyang tinungo ang labasan. Inip na inip na siya habang naghihintay ng taxi, kaya naman laking pasasalamat niya ng may makita siyang paparating kaya dali dali niya iyon pinara.

Akmang bubuksan na niya ang pintuan ng taxi ng walang ano ano'y may nagposas sa palapulsuhan niya!
Galit na nilingon niya ang pangahas at halos mabitin ang paghinga niya ng nakangiting si Isiah ang bumungad sa kanya. Nakajogging pants lang ito at walang suot pang itaas. Lihim siyang napalunok ng makita ang katawan nito. Kung dati ay apat na abs lang ang meron ito noon, ngayon ay anim na. Mas lumaki at humulma pa lalo ang katawan nito kumpara noon. He became more hot and handsome now than before.

Nakangising ipinosas naman nito ang sarili pagkatapos ay dumukwang para kausapin ang driver ng taxi.

"Boss, pasensya na. Hindi sasakay tong girlfriend ko."

Agad naman siyang nagising mula sa pagkatulala dahil sa sinabi ni Isiah. Dumukwang rin siya para kausapin ang driver. "Kuya wait. Sasakay po ako." Nagmamadaling pumasok siya sa loob ng taxi pero napanganga siya dahil nahila niya si Isiah. Nawala agad sa isip niya na nakaposas silang dalawa.

Agad na pinanlisikan niya ito ng mata. "Give me the key!" Nilingon niya ang taxi driver ng biglang umandar ang sasakyan. "Kuya wait lang. Hindi ko kasama tong lalaki na to. Ako lang ang aalis." Muli na naman niyang pinanlisikan si Isiah. "Ano ba Isiah! Hindi ka ba talaga titigil ha? Please! Stop pestering my life!"

"Let me explain first love. Please..... Hindi kita papakawalan hanggat hindi tayo nakakapag usap ng maayos. Just hear me out okay?"

"Aalis ba tayo o papanuorin ko ang pag aaway niyo?" Nilingon siya ni kuyang driver. "Pasensya na po mam pero naghahanap buhay po ako. Kung hindi pa po tayo aalis, labas nalang po kayo at mag usap po kayo ng maayos ng boyfriend niyo." Inginuso pa nito si Isiah. "Tignan niyo ang boyfriend niyo mam, mukhang nakalimutan pang magsuot ng damit para lang makausap kayo. Pag bigyan niyo na mam kesa naman magbangayan kayo ng magbangayan dito sa loob ng sasakyan ko."

"O Diba Mahal, makinig ka kay kuya."

Mariin niyang ipinikit ang mata, kasabay ng mariing pagtikom niya ng bibig para payapain ang sarili. Saglit lang ay Nagmulat ulit siya pagkatapos. "Sige kuya. Lalabas na po kami." Gigil na saad niya habang pinapatay ng tingin si Isiah na nakangiting pinagmamasdan siya.

Sa inis ay itinulak niya ito dahilan para mauntog ito sa itaas ng pintuan ng taxi. "Aray ko naman Mahal! Ang brutal mo talaga." May panguso nguso pa nitong hinaplos haplos ang noo nitong natamaan.

"Shut up! And don't call me again! Hindi na kita boyfriend para tawagin mo pa ako ng ganyan! Argh! Nakakainis ka!"

"Okay lang mainis, love parin naman kita ng over over over."

Nang makalabas na sila ng taxi ay pansin niyang nakatingin halos karamihan ng kadalagahan kay Isiah. Paanong Hindi? Dito talaga mababaling ang atensiyon dahil wala itong pang itaas na damit. Ngayon niya lang din napansin na nakapaa lang ito, kaya naman ang tanging suot lang nito ay jogging pants.

Padabog na nauna na siyang naglakad pero napangiwi siya dahil nasaktan ang palapulsuhan niya sa malakas na paghatak niya sa binata.

"Shit. Love, masakit ba?" Nag aalalang hinawakan ni Isiah ang kamay niyang nasaktan. "Tignan mo, namula na tuloy. Ikaw naman kasi."

Her heart almost stopped beating while staring at his worried face. Nakaramdam siya ng kakaibang kuryente sa katawan ng ihipan ni Isiah ang kamay niyang namula. Nakarinig pa siya ng tilian sa paligid dahil sa ginawa ng binata.

Stop it Denise! Huwag ka ng magpapadala diyan! He's an asshole!

She cleared her throat and stared at him with her poker face. "Mag uusap ba tayo o tutunganga nalang dito? I'm a busy person Isiah, and being with you is a waste of time." Napansin niyang may dumaang sakit sa mukha nito pero wala siyang pakialam. "So let's go and tell me what you want to say. Sayang ang oras."

"Love...."

"It's Denise. I'm no longer your girlfriend so stop calling me that." She arched her right brow. "What now? Dito nalang ba tayo mag uusap? Kasi sakin okay lang, basta pagkatapos ng sasabihin mo, ipangako mong aalisin mo na to." Itinaas niya ang kamay nilang dalawa na may posas.

"Let's go. Sa penthouse ko tayo mag usap."

Hindi na niya ito inimikan at nagpatuloy na sa paglalakad.

"Careful. Baka masaktan na naman yang kamay mo."

Mas masakit pa diyan ang ginawa mo! Gusto niyang isigaw sa mukha nito jaya naman galit na nilingon niya ito saka itinaas ang kamay nilang nakaposas. "Ikaw naman ang may pakana dito diba? Kung masaktan man ako, kasalanan mo. Oh, oo nga pala no? Matagal mo na pala akong sinaktan. Mukhang sanay na sanay ka ngang saktan ako eh."

"That's not true. Parehas tayong nasaktan Denise. Hindi lang ikaw. Mahal na Mahal kita, kung alam mo lang."

Nakakalokong nginitian niya ito. "And I hate you. Sana hindi ka nalang bumalik. O kaya, kung bumalik ka man, sana hindi ka na nagpakita pa sakin. Maayos na ang buhay ko oh, tapos babalik ka pa? What for?"

"I came back because I love you."

"I love you your ass!"

"I love your ass too." He smiled and winked. "Matambok at malambot, kay sarap panggigilan."

Agad naman siyang pinamulahan ng mukha. "Shut up!" She hissed. "Bastos!"

Nang makapasok sila sa penthouse nito ay agad siyang umupo sa sofa. Walang emosyon na tinitigan niya ang dating nobyo. "Let's get over this. TALK."

Malungkot na napabuntong hininga si Isiah. "I love you."

"So? I don't love you anymore. Maghanap ka ng babaeng pagsasabihan mo niyan. At saka pwede ba? Kung may sasabihin ka, sabihin mo na! Huwag ka ng magpaligoy ligoy pa. You're wasting my time. Hindi lang-"

"I was engaged before I met you."

Hindi agad siya nakaimik dahil sa sinabi nito. Pakiramdam niya ay may sumabog na bulkan sa mukha niya. Hindi siya makagalaw. Ang mga katanungan sa isip niya noon ay nanunumbalik na, madami na siyang gustong itanong pero walang salitang lumabas sa bibig niya.

Until her body started to trembling, her palm started to get sweaty and cold. She pressed her lips together as she shoot daggers in his eyes.

Gamit ang isang kamay ay walang pag aalinlangan na sinampal niya ito ng malakas. Isiah's head twisted to the side of what she did. Her hand stings as the burning feeling began to spread through her palm but she doesn't care. She's furious. "How dare you! You cheated on me? You cheated on both of us?" She sarcastically laughed so hard. "Oh, you cheated your fiancée using me?"

"No! It was a arranged marriage. She knew that I don't love her. And she's the reason why I flew back here years ago because I wanted to clear my mind. I wanted to enjoy my life before I got tied up with her until I met you. I fell for you Denise. "

Tumawa na naman siya ng pagak. "But she's still your fiancée. Niloko mo parin ako! Niligawan mo ako kahit may fiancé ka na pala! Na hindi ko man lang alam!"

Sunod sunod naman itong umiling. "No. Naalala mo ng ihatid kita sa condo mo pagkagaling natin sa family outing nila Yohann at Sam? Bumalik ako sa states para iurong na ang kasal. Because for me, you're the only woman I wanted to be with Denise, for the rest of my life. Hindi ko alam pero ang bilis kong nainlove sayo."

Umiling iling siya. "Really? Then why did you leave me all of a sudden? No text, no call, anything! And you're telling me that you love me? That's bullsh*t! You should've told me everything! No secrets! No lies! That's how to prove your love but you didn't! You left me hanging because you're a coward!"

Ginamit ni Isiah ang isang kamay nito para hawakan ang balikat niya pero ipiniksi niya iyon. "Listen to me first." He frustratedly took a deep breath. "Nang sabihin ko sa ama ko na uurong na ako sa arrange marriage na iyon ay pumayag siya basta kausapin ko ng maayos ang pamilya Fowler. My fiancee's parents. But they didn't agree. Kasi diba nga, pumayag na ako tapos bigla akong umatras. Naipamalita narin kasi nila na ikakasal kami." He sighed. "Pinagbantaan nilang pababagsakin nila ang negosyo ni papa pero hindi ako nakinig kasi ng mga oras na iyon, ikaw lang ang importante sakin Denise. I fell for you easily and hardly. Ganoon kita kamahal para ipagsawalang bahala ang pagbabanta nila sa negosyo ni papa."

"B-bakit hindi sila pumayag na iurong mo ang kasal?" Hindi niya naiwasang tanungin. Pero may palagay na siya kung bakit, ang kailangan niya lang ay marinig iyon galing mismo sa bibig ni Isiah.

"Because Madonna, my fiancée, is my ex- girlfriend. Pero hiwalay na kami bago pa kami irrange marriage. Pero alam kong mahal parin ako ni Madonna dahil lagi niya iyon sinasabi sakin. At siya rin ang rason kung bakit may arrange marriage na naganap. Kinausap niya ang ama niya at sinabing gusto niya akong pakasalan."

Ngumiti siya ng mapait. "At pumayag ka? Kasi Mahal mo pa kaya okay lang sayo na makasal sa kanya?" Hindi niya alam kung bakit siya nakakaramdam ng kirot. Dapat wala na dahil matagal na silang tapos. At Hindi pa Siya nito nakikilala ng pumayag ito sa arrange marriage na iyon.

"No. Hindi ako pumayag sa arrange marriage dahil mahal ko siya. Nakiusap sakin si papa na pumayag nalang dahil malaki ang ikakabuti ng kompanya ni papa kung sakaling maikasal ako kay Madonna. Makapangyarihan ang Fowler family kaya pabor iyon kay papa. My father is a business minded person, basta ikakabuti at ikakaangat ng kompanya ay gagawin niya. And for me, that time, being tied up with my ex-girlfriend is not a bad thing, matutulungan ko pa si papa. Pero days had passed, I started to regret everything so I told to my father that I needed a vacation to clear my what if's in my mind. And then I met you that changed everything."

May pagsusumamong tinitigan siya ni Isiah. "I love you so much Denise. Please believe me." Again, he took a deep breath. "Before our first year anniversary, my father told me that our company is in the verge of bankruptcy but I didn't listen to him. I have my own life, I have business, and I have you in my life. But before the day I left you, my father had a heart attack and he was rush to the hospital, that day, he almost lost his company. Ang ilang taong paghihirap niyang mapatayo at mapalago iyon ay muntikan ng mawala dahil sa ginawa ko. I blamed myself for what happened to him. Nagsisisi ako na Hindi. Litong lito ako noon. Naisip ko, paano pala kapag hindi ako pumunta dito sa Pilipinas at nanatiling engage kay Madonna? Mangyayari kaya iyon kay papa? Pero nawawala ang pagsisisi ko kapag naiisip kita. Kasi hindi ko pinagsisihan na nakilala kita Denise."

"Why didn't you tell me? Lagi kitang tinatanong noon diba? But you always smile and say nothing. Laging ganoon, tapos sasabihin mo you're okay. To work our relationship, trust and honesty must exist because if they don't, there's no use to continuing our relationship. I trusted you, but you're the one who broke it."

"I planned to tell you everything, but Madonna's father called me. He informed me about what happened to my dad but I already know it. Si mama ang unang nagsabi sakin niyon. I thought that was the only reason he called, but it wasn't. He said he would bring back my father's company. But in one condition, to Marry her daughter, Madonna. Of course I said no, but the old man convicted me. Na dahil sa akin napahamak si papa. He gave me an agreement,at malalaman ko lang iyon kapag nakipagkita ako Kay Mr Fowler. But again, he told me that i should leave you, stop calling you. And without thinking straight, I left you without a word. Gulong gulo na ako ng mga panahon na iyon."

"Dahil doon hindi ka nagsabi sakin?Umalis ka para magpakasal sa Madonna na Yun?Sana man lang kahit konting pagpapahalaga sa relasyon natin ginawa mo. Okay, fine, given na magulo ang sitwasyon mo. But why now? After five years ngayon ka lang nagpakita? I promised myself I will give you a chance, basta bumalik ka lang. I waited for you, waiting for your explanation." Pagak siyang natawa. "Ang tanga ko nga eh, isang taon ang ibinigay ko sa sarili ko sa paghihintay sayo. Ganoon kita kamahal." She tried to fight back her tears to fall but she couldn't. Nagtuloy tuloy parin iyon pababa sa kanyang pisngi. "I wasted my one year, waiting for you."

"I'm sorry love. I'm sorry." Pansin niyang namumula na ang mata ni Isiah pero pinatigas niya ang puso. Bakit siya maaawa rito? Samantalang ito ang unang nang iwan?

"Balak ko naman magsabi sayo. Bumalik ako sa America para kausapin si Mr Fowler, pero inuna kong bisitahin si papa. Pero nang makita ko ang kalagayan ng aking ama, para akong binagsakan ng mga troso. My father is so helpless. Nalaman ko rin na madami ng nagresign sa kompanya ni papa. My mother begged me to talk to Mr Fowler. That's why I decided to talk to him first before telling you everything. Nang magkita Kami ni Mr Fowler, Sinabi kong ayaw kong pakasalan ang anak niya dahil may Mahal akong iba. Pero may sinabi siya na nakapagpapayag sakin. Pumayag ako hindi dahil gusto ko, kundi dahil gusto kong bumawi kay papa. Kasalanan ko naman ang nangyari sa kanya kaya dapat ako rin ang aayos ng gulong ginawa ko. And saving his beloved company is the only way to clear my conscience."

"A-and?"

"Hindi ko pakakasalan si Madonna, pero engage parin ako sa kanya for five years.Alam kong ginawa nila iyon dahil iniisip nila na matututunan ko ring mahalin si Madonna. I also signed an agreement that I will cut our connections, gusto nilang isipin mong iniwan na kita dahil kapag hindi ako sumunod sa sinabi nila, ang kompanya na pinapatakbo mo ang isusunod nilang pababagsakin."

Malakas na tumawa siya. "Hindi mo man lang ba naisip na kaya ko ang sarili ko? Hindi man ako kasing yaman ng mga Fowler na yan, nakakasigurado akong kaya kong protektahan ang kompanya namin. My four brothers also got my back. And for your information, My brother, dariuz is a billionaire, same as Kuya demien. Hindi rin nagpapahuli ang dalawa ko pang kapatid kung yaman at kapanyarihan lang ang pag uusapan." Malungkot na ngumiti siya. "Kung sana nagsabi ka nalang sakin. Kasi ang sakit ng ginawa mo. You made me fall in love with you deeply. You're my first love Isiah, pero sinayang mo."

May munting luha na tumakas SA gilid ng mata nito. "I'm sorry. Napangunahan ako ng takot na mapahamak ka dahil sakin. And I don't want to bring you into my mess."

"M-masaya ka ba? Naging masaya ka ba sa piling ng fiancé mo? Natutunan mo ba siyang m-mahalin? Five years kayong magkasama diba? Compared to us." Tears form again in her eyes, and her voice shakes as she speaks. "Really Isiah, what is the reason why you're here? To wash your guilt for leaving me?"

"No. Ikaw ang laging laman ng isip ko noon hanggang ngayon. If I learned to love her, why am I here Infront of you now? Explaining and winning you back? That five years without you, all I did is to run my father's company. Ako ang tumayong CEO ng kompanya habang wala siya. Our company now are stable. Hindi na iyon basta basta mapapabagsak, kahit pa ang pamilya Fowler ang gumawa."

Biglang nanginig ang labi niya, may naisip kasi siyang itanong rito pero natatakot siya sa magiging sagot nito. "A-anong ginawa niyo sa limang taon na pagiging engage niyo sa isa't isa? Did you two .... " Huminga muna siya ng malalim. Asked him ! You want closure right? "D-did you two did it?"

Mukhang naintindihan agad nito ang ibig niyang ipahiwatig. At nang mapansin niyang parang nag alangan ang itsura nito kung sasagutin ang tanong niya ay parang alam na niya agad ang isasagot nito. Para siyang sinikmuraan ng ilang beses habang iniisip na may nangyari na rito at sa fiancé nito.

"L-love..." His voice cracked.

"I said stop calling me that!" Sigaw niya. Parang hindi niya matanggap na may hinalikan na itong iba.

"W-we almost did it. But I swear, walang nangyari samin, m-muntikan lang. Lasing ako noon at hindi ko alam ang nangyayari. I was alone drinking that time in my unit until she came. She kissed me, seduced me and I thought It was you, but after realizing that I'm just hallucinating-Imagining your face, I stopped her. Maniwala ka sakin, hindi ko iyon ginusto."

"O-okay." She swallowed the lump on her throat and looked at him with no emotion. Just imagining him kissing and touching someone else is like hell to her. Her heart broke into tiny pieces as the air suffocating her to breath. "Y-you still cheated on me." She whispered.
With a heavy heart, more tears came in her eyes as she imagined the root of her anger and her broken trust. She clenched her fist, controlling all her emotions that wanted to come out.

Tama naman diba? They didn't have the proper break up, that means he cheated.

But you did the same! You flirted and kissed someone else! Enjoying your single life! Dancing and partying to forget him! " Kastigo naman ng isang bahagi ng isip niya.

Masuyong pinunasan ni Isiah ang Luha na sunod sunod na naglaglagan sa mata niya pero ipiniksi

You are reading the story above: TeenFic.Net