PART 1

Background color
Font
Font size
Line height

Denise was reviewing some  files when someone knocked on her office. It's her secretary, Alfred.

Having a guy secretary is more easier for her than having a girl secretary.
She already had a female secretary before but she fired her.

Why ?

Because her ex-secretary's everyday routine is to hold a make up in every fucking minutes, and that makes her irritate! Napakatamad na nga nito, sinamahan pa ng maya't maya nitong pagtingin-tingin sa salamin!

Dahil dito ay may nalate siyang meeting noon at umatras ang isang investor. Kung hindi pa niya ito nahuling nagmemake up at hindi pa niya tinanong kung may meeting siya, hindi pa ito kikilos. But it's too late dahil late na siya, at umatras narin ang mag-iinvest sa kompanya niya. It's her job to remind all of her meeting because she's so busy and she can't memorize everything! A secretary is to make her work easier!

She composed herself before pressing the intercom button. "Come in."

Nakangiting pumasok naman ang sekretarya niyang si Alfred pero tipid na nginitian niya lang ito. Nagtaka pa siya dahil may hawak itong isang bouquet na mga rosas.

"Good afternoon mam, I just want to remind you that you have a meeting this afternoon with Mr. Villaflor. Rebels restaurant at 3pm. "

"Is that all?"

Tumingin naman ito sa notebook nito. "Wala na po mam. "

Tumango naman siya at muling tumingin aa hawak nitong bulaklak.

"Mukhang may liligawan ka ah? But I just want to remind you Alfred, no flirting or dating inside my company. Gawin niyo yan pagkatapos ng office hours, okay?"

Napakamot naman bigla ito sa ulo. "Wala pa po akong nililigawan mam." Agad namang sabi nito tsaka ibinigay sa kanya ang bulaklak. "May nagdeliver po nito. Para daw po inyo."

Nagulat man ay kinuha nalang niya ang bulaklak dito. "Sige salamat."
Sino naman kaya ang nagbigay nito?

"Sige po mam." Anito at lumabas na.

Nang makalabas na si Alfred ay pinagmasdan niya ang bulaklak.

Kinuha niya rin ang nakatuping card at binasa iyon.

"You didn't think I forgot your beautiful face did you?:) Roses for a beautiful lady like you...

Calvin

Naiiling nalang siya pagkatapos basahin ang card na galing pala kay Calvin.

Kung noong nasa college pa siya ay ipinamimigay o itinatapon niya ang mga bulaklak na ibinibigay sa kanya ng mga kaklase niya, ngayon ay hindi na. She do flirting and dating now, BUT, being in a relationship again is far from her mind.

Not now, not ever.

Natuto na siya simula ng iwan siya ng lalaking unang minahal niya, at hindi na niya iyon hahayaan pa. Hindi na niya hahayaan pang may lalaking manakit ulit sa puso niya.

Para sa kanya, ang mga lalaki ay kung hindi ka man lolokohin ay iiwan ka nalang basta basta at walang isang salita. Sa una lang naman sila magaling, magaling sa mga pambobola para makuha ang loob mo, pero pag nagsawa na, maghahanap na ng iba o iiwan ka nalang basta basta kagaya ng ginawa sa kanya. Ang masakit pa niyon,

Isa rin ang ama niya sa dahilan kung bakit hindi siya naniniwala sa salitang pag-ibig at sa salitang loyalty. Dahil simula ng maipanganak siya sa mundo ay naging babaero ang ama niya, ayon narin sa kanyang ina.

Pitong taon siya noon ng pumunta sa ibang bansa ang ama niya, at nalaman niyang nambabae ito roon dahil narin sa hindi niya sinasadyang marinig ang pag-uusap ng kanyang ina at kanyang ama sa telepono.

Hindi man niya naririnig ang sinasabi ng kanyang ama sa kanyang ina ay mulat na ang kaisipan niya noon sa mga nangyayari. Naintindihan niya agad ang hinaing ng kanyang ina tungkol sa pangangaliwa ng ama nila. Nasasaktan siya habang naririnig ang kanyang ina na umiiyak dahil sa panloloko ng kanyang ama. Ang pagmamakaawa nitong umuwi na at balikan sila, pero hindi iyon nangyari dahil mas pinili nito ang kalaguyo nito.

Araw-araw naging mesirable ang buhay ng kanyang ina sa pag-iwan sa kanila ng kanyang ama, hanggang sa magising siya isang araw, wala na sa bahay nila ang kanyang ina at iniwan narin silang limang magkakapatid. Lumayas ito at hindi man lang siya isinama, dahil doon ay napuno ng galit ang puso niya sa magulang, —ang pagsuko ng kanyang ina at iwan din sila, pero mas napuno ng poot ang puso niya sa ama.

Pero ilang araw pagkatapos lumayas ng kanyang ina ay bumalik ang kanilang ama. Ilang buwan buwan lang ang lumipas ay umalis ang kanilang ama, at pagbalik nito ay may kasa-kasama na itong babae at ibinahay pa sa pamamahay nila.
Galit siya sa kanyang ama noon at bihira niya itong kausapin kahit pa lagi siya nitong gustong makausap ng masinsinan. Gusto niya ring lumayas noon, magpakalayo-layo sa pamilyang winasal nito, pero sa murang edad niya ay alam niyang siya rin ang mahihirapan. Kaya naman pagkalipas pa ng mga ilang taon at tumuntong na siya sa kolehiyo ay nagkaroon na siya ng lakas ng loob na magsabi sa kanyang mga kapatid na gusto niyang magkaroon ng sariling condo at doon na tumira. Kahit anong gawing pakiusap ng kanyang ama ay hindi niya kayang tanggapin ang babae nito bilang pangalawang ina. Isa lang ang ina niya at wala ng iba.

Noong una ay hindi siya pinayagan ng mga kapatid na magsolo, pero dahil sa kakapilit niya ay hinayaan nalang din siya. Tutal wala rin sa Pilipinas ang dalawang kapatid niya na si Kuya Dariuz at kuya Demien niya, kaya wala ng magagawa ang mga ito. Ang dalawang kapatid naman niyang sina Kuya Duxter at kuya Dyllan ay pasunod narin kila kuya Demien at kuya Dariuz kaya siya nalang ang maiiwan sa bansa, kasama ng ama niya at ang kabit nito.

Naisip siguro ng mga kapatid niya na aawayin niya lang ang kabit ng ama nila, at mas lalong gugulo, kaya mas minabuti ng mga ito na bumukod nalang siya ng tirahan, kaya binilhan siya ng sarili condo ng mga kapatid niya.

Napuno ng poot ang puso niya dahil sa ginawa ng kanyang ama sa kanyang ina kaya naman tumatak narin sa puso't isip niya na hinding hindi siya magpapaloko at magtitiwala sa isang lalaki.
Pero kinain niya rin ang mga salita niya nang ma-inlove siya sa isang lalaki.

And until now,  She hated Isiah for leaving her without explanation.

Kumuyom ang kamao niya pagkaalala sa lalaking sumira ulit sa pagtitiwala niya sa lalaki. Sinira ulit nito ang salitang 'pag ibig' na hindi niya pinaniwalaan noon dahil sa kanyang ama, pero nawala ulit iyon dahil sa pang-iiwan sa kanya ni Isiah ng walang pasabi. Dalawang tao ang mahalaga sa buhay niya ang sumira ng pagtitiwala niya sa mga lalaki.

Ang ama niya,

At si Isiah..

Mahigit isang taon ang pagiging magkasintahan nila ng binata nang iwan nalang siya nito basta basta. Ni hindi nga nalaman ng mga kaibigan niyang si Sam at Crista noon na naging magkasintahan sila ni Isiah dahil pagkatapos niyang makapagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo ay naging abala sila sa kani-kanilang bagong yugto ng buhay.

At ang isa sa bagong yugto sa buhay niya ay ang pagiging kasintahan ni Isiah dahil sinagot niya ito pagkatapos nilang magtapos sa kolehiyo.

Ayaw niya munang sabihin noon kay Sam at Crista ang tungkol sa pagiging magkasintahan nila noon ni Isiah dahil may pinagdadaanan ang mga ito noon. Ayaw niyang magkwento ng masayang nangyari sa kanya, ang tuwa niya na sa wakas ay naging masaya siya at naranasan niyang magmahal, —dahil hindi maganda sa pakiramdam niya na magbabalita siya ng masayang bahagi ng buhay niya samantalang may pagsubok na pinagdadaanan ang dalawa.

Kaya naman si Jennie at Sophia lang ang nakaalam tungkol sa kanila ni Isiah. Kaya lang, nang maghiwalay silang dalawa ni Isiah ay nabanggit ni Jennie iyon kay Crista. Kaya naman hanggang ngayon ay si Sam nalang ang hindi nakakaalam na ex boyfriend niya si Isiah, pero para sa kanya, hindi na iyon mahalagay at  ayaw na niyang ipaalam pa iyon kay Sam.

She hated Isiah for breaking her heart and trust, and for leaving her.

He made her feel like she's a goddamn worthless....

Mariin niyang ipinikit ang kanyang mata.

She shouldn't think of Isiah...

Matagal na niya itong inalis sa buhay niya, kaya bigla siyang nainis sa sarili ng ipaalala na naman ng utak niya ang nakaraan.

Nagmulat siya at pinagmasdan muli ang bulaklak. Hindi niya inaasahan na papadalhan siya ni Calvin ng bulaklak gayong saglit lang sila nakapag-usap noong kaarawan ng pangalawang kapatid niyang si kuya Demien. Calvin is thirty two years old, kaedad at bestfriend ito ng kapatid niya.

Hindi siya manhid para hindi malaman kung anong gustong ipahiwatig nito. Kaya pala kinuha nito ang numero niya at lagi itong nagmemessage sa kanya at lagi siyang kinukumusta ay dahil may gusto itong ipahiwatig sa kanya.

Kung pakikipagdate ang gusto nito ay okay lang iyon sakanya, basta hindi na aabot pa sa usaping  pakikipagrelasyon.

Bigla siyang napatingin sa kanyang cellphone ng magring iyon.

Napakunot noo pa siya dahil numero sa ibang bansa ang tumatawag sa kanya, pero saglit lang iyon dahil naalala niyang nasa France pala ang kaibigan niyang si Sophia kaya naman nakangiting sinagot niya iyon sa pag-aakalang kaibigan niya ang tumatawag.

"Hey love, how are you?" Tanong niya agad.

Nakarinig siya ng pagsinghap kaya bumalik ang pagkakakunot-noo niya.

"Love?" Tanong ng kung sino sa kabilang linya .

Nanlaki ang mata niya ng mabosesan ang tumawag. "Calvin?"

"Y-yeah.. I'm glad you recognized my voice Denise.. ahhmm, anyway, who is love? May boyfriend ka na pala? I thought you're single."

"Oh that.. love is my endearment to my bestfriend. I thought she's the one who's calling me. And I don't have a boyfriend."

"Oowkay? A girl bestfriend?" Pagkumpirma nito

Mahinang natawa siya. "Yeah." Pagkasabi niya niyon ay narinig niya ang malakas na pagbuga nito ng hangin.

"Thank god! I thought you already have a boyfriend. Akala ko huli na ako."

Napangisi siya. Sinasabi na nga ba niya. "I don't do boyfriend, Calvin. I only allowed myself to date, nothing more nothing less. Serious relationship is not my thing." She frankly said.

Saglit na natahimik ito, maya-maya pa ay mahinang tumawa ito na ikinanoot-noo niya. "Hindi kaya kainin mo yang sinabi mo Denise?"

"I know myself Calvin.  You don't know the reason why I don't want to have a serious relationship."

"I know. "

Napatikwas ang kilay niya sa sinabi nito. "Yeah? Tell me then." Paghahamon niya.

"Heartbreak Denise. That's the only reason why you're like that. That's the only reason I know why you're elusive in terms of serious relationship. Ganyan naman kayong mga babae diba? Kapag nakaranas ng sakit pagdating sa pakikipagrelasyon, akala niyo, lahat ng lalaki hindi na nagseseryoso o manloloko, that's why you're so scared to be attached again. To be hurt. Fear that everyone or every man will gonna break your heart. Afraid that—

''—Wait..." Putol niya sa sinasabi nito. "Pinaimbestigahan mo ba ako?"

Narinig niya  muli ang malakas na tawa nito. "I got you. Tama ako diba? , And to answer your question, -NO.. Hindi kita pinaimbestigahan. And why would I do that? Dalawa lang kasi ang rason diyan sa takot mo,—" Tumigil ito sa pagsasalita at seryoso ang boses ng magsalita itong muli. "—If you experienced being hurt by someone you love, or, you have a pistanthrophobia. Yun lang ang alam kong pwedeng dahilan mo."

Hindi siya nakapagsalita sa paliwanag nito. Mabilis na natumbok nito ang katotohanan.

"Denise....? Are you still there? I'm sorry if I went too far. Alam kong hindi pa rayo masyadong close pero—

"-—it's okay Calvin. You're right. Someone broke my heart." Pag-amin niya. Wala namang halaga kung ikakaila pa niya. "I used my heart deciding to trust him, but I end up broken and hurt because of him.
And that someone, made me realize that every man is a liar. Paiibigin ka, at Pag nag sawa, iiwan ka nalang basta basta. Mga manloloko." Hindi niya alam kung bakit dito niya naibunton ang hinaing niya tungkol sa mga lalaki.

"Hey hey, that's not fair. Hindi lahat ng lalaki manloloko at sinungaling. May mga lalaki paring loyal at stick to one."

"Talaga? Kagaya mo? Hindi ka manloloko?"

Napangisi siya ng hindi ito agad nakapagsalita sa kabilang linya.

"Ahmm, babaero." Halos bulong na pag amin nito.

Hindi niya alam pero natawa siya sa prangkang sagot nito. Hindi ito kagaya ng iba na todo deny pa na babaero.

Napangiti siyang muli. Bilang lang ang lalaking nakakapagpatawa at nakakapagpangiti sa kanya. Limang lalaki lang.

Ang mga kapatid niya at si....

Umiling agad siya nang maisama niya sa isip si Isiah. Well, totoo namang lagi siyang pinapatawa ni Isiah—

Muling nagsalita sa kabilang linya si Calvin. "Pero dati yun. Mukhang nagbago na simula ng makilala kita. Maybe you're the one for me."

"Really? Pero bakit kaya hindi ako naniniwala?" Naalala niya bigla dito si Isiah. Parehas ang mga itong mabulaklak ang bibig.

He chuckled. "I really like you Denise. Why don't you try to date me?"

"Just a date? No serious thingy?"

"Yeah, a lot of dates pag nakabalik ako diyan sa pilipinas,....but, after that, we can go up for the next step for a more serious thingy."

Natawa siya sa panggagaya nito sa salitang thingy na sinabi niya kanina.
"Not a chance Calvin. I'm not into a serious thingy."

"Hey, Hindi mo pa nga nasusubukan. What if I can change your mind? Or heart? Baka magulat ka nalang, in love ka na sakin."

"Impossible."

"Try me. I'll make you fall in love with me."

"Don't be full of yourself Calvin." Nakangiting binuksan niya muli ang card na kasama ng bouquet at pinaglaruan iyon. "Pero sige, ikaw ang bahala. Do what you want, but don't expect something in return.

"Hell yeah!"

"Pero ipinapaalala ko sayo, labas ako kapag wala kang napala sakin, kasi binalaan na kita."

"That's fine with me." Ani Calvin pagkuwa'y tumikhim ito. "Anyway, did you receive the flower?"

Napabaling muli ang tingin niya sa bulaklak. "Yeah. Thank you kasi kahit nasa ibang bansa ka nagawa mo pang magpadeliver ng bulaklak sakin. I appreciate it. Ang ganda ng bulaklak"

"Welcome. I always remember your beautiful face and came up with an idea to give you a flower even if I'm away from you. And just so you know, for me, rose symbolizes your beauty."

She chuckled. "Alam mo, kagaya ka ng rosas na bigay mo."

"And why is that?" He sounds amused.

"Matinik. Kasi halatang matinik ka sa babae. Pero mukhang mas matinik ka pa sa rosas. Ang galing mong mambola eh."

"Nagpapabola ka na?"

"Hmmmm.. Hindi pa. Try harder."

Ilang Segundo itong natahimik hanggang sa malakas itong natawa. Hindi nga niya maintindihan kung bakit ito tawa ng tawa. Palagay niya tuloy, nati-thrill lang ito sa kanya. "I really really like you Denise. Promise me you'll date me okay?"

Sumandal siya sa kanyang swivel chair. Kung nati-thrill ito sa kanya, she can play along. "Okay. Basta siguraduhin mong walang mang aaway sa aking babae pag nakipagdate ako sayo. I just want you to know that I'm a black belter Calvin, so sabihan mo yung mga babae mo, kung meron man, na huwag akong lalapitan kung ayaw nilang magkaroon ng instant eye shadow, instant blush on at instant lip lift. Remember that Calvin."

He chuckled. "You're really something Denise. Simula ng makilala kita, wala na akong babae. I can't wait to see you again."

"I can wait." Sabi naman niya. "Kahit magtagal ka pa diyan." Biro niya.

"Ouch. Mas lalo ko tuloy gustong makita ka."

"Sige mambola ka pa. I'm used to it.
She admit, she's enjoying their conversation.

He chuckled again.

Ito ang kauna unahang may matagal siyang kinausap na lalaki na may ngiti sa labi niya. Masarap itong kausap at hindi boring. No dull moment. Ilang minuto pa silang nag-usap hanggang sa magpaalam na ito sa kanya.

Ilalapag na sana niya ang kanyang cellphone nang magring ulit iyon, sa pagkakataong iyon ay nakaregister na ang numerong tumatawag at ang kapatid niyang si Kuya Demien ang tumatawag.

Mabilis na sinagot niya ang tawag nito. "Yes kuya?"

"Why your phone is busy? Kanina pa ako tawag ng tawag sayo. "

Napahawak siya sa kanyang sentido. "Obviously kuya, may kausap ako. Your bestfriend called me."

"Calvin?"

Tumango siya kahit di nito nakikita. "Yeah."

"And? Don't tell me nagkakamabutihan na kayo ?Nililigawan ka ba niya? Sis, Calvin is a Playboy!" Sigaw nito.

She arched her brow. "Kagaya mo, kuya?"

Saglit na hindi ito nakasagot. "Huwag mong ibahin ang usapan Denise." Mariing sambit nito.

"Totoo naman kuya, babaero ka rin naman diba? Bakit nagagalit ka sa kaparehas mong babaero din? You're talking like you're a loyal man but we both know that you are not."

"Because you're my sister! And I know Calvin from head to penis!"

"Kuya!" Namumulang bulalas niya.

"I'm just telling the truth. He bedded two women in bed."

She sarcastically laughed. "Kuya, hindi mo ba napapansin na sinisiraan mo sakin ang bestfriend mo?"

"Dahil kapatid kita! I'm just telling what kind of man he is, peanut. Kaya huwag ka ng lalapit pa sa kanya o makikipag-usap!"

"You are both Playboys."

"Denise!"

Napabuntong hininga siya. "Diba  magbestfriend kayo? That means, hindi niya paglalaruan ang kapatid ng bestfriend niya." Sabi nalang niya. "You should faith in him, like I am too you. Na magbabago ka." Aniya na ikinatahimik ng kapatid niya. "I'm sorry kuya, I need to hang up. Bye, love you."

Nagbuga muli siya ng malalim na hininga pagkapatay niya ng tawag .
Isa pang dahilan kung bakit wala siyang tiwala sa lalaki dahil ang malalapit sa puso niyang lalaki ay nananakit din ng kabaro niya.

Sa apat kasi na kuya niya ay dalawa ang babaero sa kanila. Ang kuya Demien niya at ang sumunod dito na si Kuya Duxter. Nagpapasalamat nalang siya at hindi babaero ang panganay na kapatid niya na si kuya Dariuz at ang pang apat na kapatid niya na si kuya Dyllan.

Her brothers, kuya Dariuz is thirty four years old, kuya Demien naman ang sumunod na thirty two, duxter is thirty, while dyllan is twenty eight, and the funny thing is, lahat silang magkakapatid ay dalawang taon ang age gap, because she is twenty six years old.

Lima silang magkakapatid at siya lang ang nag-iisang babae. Mukhang hinintay lang siya ng kanyang ama na maisilang sa mundo, na magkaroon ng babaeng anak, dahil pagkatapos nun ay nambabae na ito at iniwan sila.

Kinuha niyang muli ang kanyang cellphone dahil tumatawag na naman ang kapatid niyang si kuya Demien.

"Why did you end the call?" Tanong agad ng kapatid niya.

"Because you're lecturing me? But you must apply that to yourself first Kuya. You should lecture yourself for being a Playboy. Magbago ka muna."

"Don't talk to me like that Denise. Kapatid mo ako. I'm older than you at pinoprotektahan lang kita." He said in a warning tone.

She sighed. "Why did you call kuya?" Pang-iiba niya ng usapan.

Hindi agad ito nagsalita pero ilang segundo lang ay nagsalita rin ito.
"Where are you? Should I fetch you or mauuna na

You are reading the story above: TeenFic.Net