Simula

Background color
Font
Font size
Line height

"P-Please, save my boyfriend." I begged. Tears were all over my face. Kung kailangang lumuhod ako para pagbigyan nila ako sa gusto ko ay gagawin ko.

Gagawin ko lahat mailigtas lang ang boyfriend ko.

"Hanggang dito na lang po," saad ng nurse. Umiling ako.

"S-Sasama po ako sa loob!" hindi ko na alam ang gagawin ko kaya napasigaw na ako. "Sasama po a-ako..." hikbi ko.

"Ma'am, hindi po pwede." hinila niya ako palayo sa emergency room kaya mas lalo akong naiyak.

Napaupo ako at napahilamos ng mukha. Save my boyfriend, please.

"I'm sorry, Ion." napahagulhol ako at rinig sa buong sulok ng hospital ang boses ko. "I'm sorry... d-dapat sinagot ko 'yung mga tawag mo,"

Hindi ako matigil sa pag-umanhin kahit pa man na kung iisipin ay may kasalanan siya sa'kin. Handa akong patawarin siya basta mangako lang siyang magiging okay siya.

I couldn't breathe properly when I saw him earlier. Puno ng dugo ang buong katawan niya, lalo na sa bandang noo niya. I'm not alright after seeing him in such a situation. I couldn't even look at him for even a second. It hurts me.

Kasunod lang nila Ion si Yosef pero hanggang ngayon ay wala pa rin siya.

Muli akong napatingin sa pinto ng emergency room at napahilamos na lang sa aking mukha dahil sa hindi ko na alam kung ano ang nararamdaman ko.

Halo-halo ang nararamdaman ko ngayon. Halo-halong kaba, hilo, sakit at pangangamba.

Ion, please, be okay... baby.

"You!"

Napatayo ako dahil sa sigaw at kaagad nakatanggap ng sampal. Dinuro niya ang noo ko at tinulak ang balikat ko.

"I-I told you to stay away from my son!" she shouted. Namumula na ang mga mata nito, halatang umiyak habang papunta pa lamang dito. "What did you do to my son?!"

Wala po akong ginawa...

Muling bumuhos ang luha ko nang makatanggap na naman ng isa pang sampal. Napayuko ako at napahawak sa aking pisngi.

"S-Sorry-"

"Sorry?! Really?! Bakit hindi mo iyan sinabi noong pinapalayo kita sa kaniya ha?! Bakit ngayon ka humihingi ng tawad kung kailan na-aksidente na siya! K-Kung kailan, kritikal ang lagay niya!"

Kahit ilang beses na niya yata akong sampalin ay wala pa ring tatalo sa sakit ng damdamin ko dahil sa nangyari kay Zavion.

Sobra akong nag-aalala sa kaniya.

Napahagulhol ako at unti-unting nanghihina nang hindi siya matigil sa pagsumbat. Wala akong ibang masabi kun'di ang salitang sorry.

"You, b*tch!"

Napaupo ako nang malakas akong sampalin ng kapatid ni Zavion na kararating lang dito sa hospital. Hinawakan nito ang buhok ko upang ipaharap sa kaniya ang mukha ko.

Kahit na alam na nila ang sitwasyon ko ay nagagawa pa rin nila ang gusto nila sa'kin.

"I told you to stop meddling with our family! 'Wag mong ipinagsisiksikan ang sarili mo dahil kahit kailan ay hindi kita matatanggap!" sigaw nito.

"M-Micka, sorry..." ipinaglapat ko ang aking mga palad at yumuko sa harap niya. "I-I'm sorry. K-Kasalanan ko-"

"Kasalanan mo talaga! Kung hindi dahil sa p*tanginang birthday mo, hindi sana nangyari 'to!"

My birthday? I-It's my birthday? Is it really my birthday? I almost forgot that today is my birthday.

"Ma'am, pinapapunta po kayo ni Sir sa labas." Kuya Darel said. Masama rin ang tingin nito sa'kin.

Now I feel bad. Sinisisi ko ang sarili ko kung bakit nangyari 'to.

Umuwi ang Daddy ni Ion?

Habang nakaupo sa sahig ay sinubukan kong tumayo. Muntik na akong matumba dahil sa tamlay ng katawan ko. I tried to looked at them but I really couldn't. Sa tingin ko pinapatay na nila ako sa mga titig pa lang nila.

"Go home, Trina. You're not going to see my son anymore." saad ni Mrs. Zerrudo na nagpahina sa'kin.

Mas lalo akong nanghina nang bumaba ang tingin niya sa tiyan ko. Napahawak ako rito.

"Abort it." she uttered. "And don't let me see your face again, you know what will happen." she then walked away from the hospital together with her daughter.

Unti-unti akong napaupo sa upuan at hindi makapaniwala sa sinabi niya. Bumigat ang dibdib ko at halos hindi na ako makahinga dahil sa bagal ko suminghap ng hangin.

"N-No..." tumaas-baba ang balikat ko dahil sa labis na pag-iyak. "No... m-my baby." a tear fell from my eyes.

I gasped for air. No. I won't do that! No... not my child. Our child.

-----
🤔 :(


You are reading the story above: TeenFic.Net