Chapter 5

Background color
Font
Font size
Line height

Matapos ang interview na nangyari kanina sa Mall ay kumalat ang mga sinabi ni Ion sa iba't-ibang klase ng social media platform.

Now, I'm reading some comments na hindi naman dapat pero nakuha ang atensyon ko nang isang litrato ng interview nila Ion kanina.

Habang nagbabasa ng mga comments sa isang picture kanina sa interview ay napansin kong madami ang hindi makatanggap. Iyong iba ay nanlalait pa. Iyong iba ay halos below the belt na ang sinasabi.

@prettyrina: no way, #ZavLeelayag.

@u'remyfav: girl, mas bagay pa rin sina Zylee at Zavion. Whoever that girl is, aatras din 'yan.

@darina: guys, what if that girl is reading comments? Be mindful naman po, we can just support Zavion, right?

@asawanizavion > darina
right, if you're really a fan, support him, and if you're not, LEAVE!

@gfnidash: leave my man alone!

I heaved a sigh. Iyan ang mahirap sa pagiging sikat. Hindi mo magagawa ang gusto mo dahil lahat ng iyon ay may masasabi ang mga fans. Hindi man nila iyon buhay ay parang dinidiktahan na rin nila ang idol nila kung sino ang dapat na makatuluyan nito.

My phone rang so I picked it up. "Hello?"

Sinubukan kong hindi magboses na malungkot pero napansin pa rin yata niya.

"Are you okay?" he asked, worried.

I nodded. "Oo naman," humiga ako sa kama at tinitigan ang kisame. "Why did you call?"

"I miss you." he said.

"Ion, baliw ka, nakita mo'ko kanina 'di ba?"

"Uh-huh?"

"Anong miss ka d'yan?" ngumuso ako.

"I didn't get a chance to hug you." He sighed. "Kainis."

I chuckled. "Baliw ka talaga. As if naman na magagawa mo iyon. Nasa loob ka ng Mall, Zavion."

Biglang natahimik sa kabilang linya kaya napabangon ako. "Ion?"

"Labas ka."

"Ha?" gulat na gulat kong saad dahil sa sinabi niya.

"Labas ka, nasa labas ako." aniya at ibinaba ang tawag.

Gulat na gulat ang mukha kong napabalikwas ng bangon at napatingin sa salamin.

Ang gulo ng buhok ko!

I immediately tied up my hair into a ponytail and spray some perfume on my shirt.

"Teka..." Napatingin akong muli sa salamin sa kwarto ko. "Okay lang ba suot ko? Nakakahiya. Ang bango-bango pa naman nun."

Napakamot ako sa aking batok at halos mapatalon sa gulat nang tumunog ulit ang cellphone ko.

"Y-Yes?"

I heard him chuckled. "What took you so long?"

"P-Palabas na!" Taranta akong ibinaba ang tawag at inilagay ang phone sa bulsa ng suot kong maong na short.

Dahan-dahan akong lumabas ng kwarto. Naabutan ko naman si Papa sa sala na nanonood ng TV habang nasa hita niya naman nakaupo ang bunso kong kapatid na si Nathaniel.

Inayos ko muna ang sarili bago lumabas ng bahay. Natanaw ko naman kaagad ang pulang kotse ni Zavion na nakaparada malapit sa pinaradahan ni Nashryl kanina.

Kumatok ako sa bintana ng kotse niya at kaagad niya naman akong pinagbuksan ng pinto.

Hindi pa ako nakakaupo ng maayos nang bigla niya na lang akong hinila para sa mahigpit na yakap.

"I miss you, TNT..." he murmured. Mas hinigpitan niya ang yakap sa'kin. Napangiti ako dahil sa itinawag niya sa akin at niyakap rin siya pabalik.

"I miss you too, Zavion." usal ko.

Nanlaki ang mga mata ko nang iharap niya ang mukha niya sa leeg ko at humalik doon.

"Ion..."

"I missed you so much." usal niya.

Kumalas ako sa yakap niya at tumitig sa mga mata niya. "Ion, nagkita lang tayo kanina."

"Pero hindi ganito kalapit." ngumuso siya at yumakap muli. Naramdaman ko naman ang paghaplos niya sa buhok ko.

Bumaba ang haplos niya sa likod ko at dahan-dahan siyang kumalas sa yakap. Napatingin ako sa kaniya. Matagal siyang tumitig sa mga mata ko bago ko mapagtanto ang paglapit ng mukha niya sa'kin.

He immediately pressed his lips on mine. He cupped my both cheeks and he continue caressing my back.

I held his neck and that's when I heard his groan. Napunta ang halik niya sa aking pisngi pababa sa aking leeg hanggang sa aking dibdib.

I gasped when he sucked on it. "I-Ion..."

"Damn it."

I opened my eyes as I heard him uttered. He suddenly grabbed my both cheeks and he's so cute while checking my whole face.

Natatawa kong hinawakan ang kamay niyang nakahawak sa mukha ko. "Ion, I'm okay."

Napatingin siya sa markang na sa dibdib ko. "Does it hurt?" He fixed my shirt and kissed me on my nose.

I pinched the bridge of his nose. "It's not."

"Are you sure?"

Instead of answering his question, I kissed him on the lips. That's when he shut his mouth up.

Napatitig siya sa'kin. "You're pretty."

Sumama ang mukha ko. "Baliw."

"Sa'yo." He pulled me for a hug. "I will see you tomorrow."

Ngumiti lang ako at tumango. Nagkwento siya tungkol sa nangyari kanina sa interview. Nagkataon daw na parehas sila ng schedule ni Zylee. Ang mauuna raw talaga ay siya pero pinagsabay na lang sila. Save pa ng time.

He's cute when explaining. Hindi ko naman tinatanong sa kaniya pero lahat ng nangyari kanina ay ikine-kwento niya.

Nagpaalam rin siya na uuwi na dahil tumawag ang manager niya. Kasama raw nito ang Mommy niya. Kung ano ang meron ay hindi ko na itinanong pa. May tiwala ako sa kaniya at isa pa, Mommy niya ang kasama niya.

Kinabukasan nang makauwi galing sa school ay kaagad akong inutusan ni Mama na sunduin si Nathaniel dahil wala pa si Papa para sumundo sa kaniya.

Nalungkot rin ako dahil hindi ko nakita si Zavion ngayong araw kahit pa man na sinabi niya na magkikita kami ngayon.

"Nathaniel!" tawag ko sa nakababata kong kapatid. He's in elementary, a grade 4 student.

"Ate!" Kaagad siyang tumakbo palapit sa'kin kaya ginulo ko naman agad ang buhok niya. "Wala po si Papa?" tanong niya.

Umiling ako. "Hindi pa umuuwi. Mamayang gabi pa 'yon, kaya ako muna." saad ko.

Habang naglalakad pauwi sa bahay ay hindi ko maiwasang mapatingin sa lalaking kanina ko pa napapansin ang pagsunod.

Mula kanina na papunta ako sa elementary school ay nakita ko na siyang nakatingin sa'kin. Nakakabahala pero hinayaan ko na lang. As long as hindi siya lumalapit ay wala namang masama doon. Napadaan lang yata siya.

"Nandito na po kami," saad ko nang makapasok ng bahay. Kaagad namang bumitaw sa hawak ko si Nathaniel.

"Talaga bang nag-aaral ka, Trixie?!"

Napayuko ako sa biglaang pagsigaw ni Mama. Napatingin ako sa kaniya. Galit na galit ang mukha niya habang nakatingin sa'kin. She's holding my Math notebook. Nagkalat rin ang mga papel ko sa sahig na alam kong hinalungkat niya.

Nanlaki ang mga mata ko nang ipakita niya sa'kin ang notebook ko na may score na pulang-pulang zero.

Lumapit ako sa kaniya at mas tinitigan ang notebook, just to see Claire's handwriting. May punit rin sa gilid niyon na alam kong kagagawan ni Claire. Pinalitan niya lahat ng sagot ko. At alam kong siya rin ang nagmarka nito.

"Gayahin mo naman iyang kapatid ni Vie na si Vieraine. Wala nga 'yun nakukuhang mababang score, tapos ikaw zero?!" bulyaw niya pa. Itinapon niya ang notebook ko kaya kaagad kong naramdaman ang namumuong luha sa mata ko.

What about my other notebooks? Nakita niya ba? Halos makuha ko na ang perfect score sa ibang subject pero...

Mali ko lang ang nakikita niya.


You are reading the story above: TeenFic.Net