Kabanata 5

Background color
Font
Font size
Line height

Agreed

I bit my lower lip as I indulge myself inside his car. I can smell his perfume mixed with a fresh lemon scent. Musika lamang mula sa kaniyang stereo ang ingay sa loob ng sasakyan. Pareho kaming tahimik at nakikiramdam.

"Are you cold?" he asked.

Nilingon ko siya at naabutang sumusulyap ito sa akin. Bumaling siya ulit sa daan, ang isang kamay ay nasa manibela at ang isa ay nakatukod sa bintana, playing his lower lip.

I shrugged. "Medyo."

My eyes feasted at his side profile. His narrow nose and prominent jaw got more defined, his long lashes and thick brows made him look like a bad boy with a playful aura. I tensed when he glanced at me. He raised his brow, probably sensing my stares. Nag- iwas ako ng tingin.

"Kanina  pa ba kayo ro'n?"

"Yeah," I lazily said and leaned on the backrest. "Wala ang driver namin."

Silence engulfed us after his curt nod. I just stared outside the window to ease the awkwardness. Medyo tumila na ang ulan, hindi na kasinglakas noong kanina. The road looks slippery and every corners are soaked, giving my eyes a gloomy vibe. 

Napasulyap ako kay Forth nang ihinto niya ang sasakyan sa tapat ng isang ramen house. Iyon ang pinakasikat na ramen house dito sa Laguna, pinupuntahan din naming magkakaibigan kung minsan.

Walang imik na bumaba si Forth sa sasakyan dala ang payong. Napakunot ang noo ko sa kilos niya. Agad ding nasagot ang pagtataka ko nang buksan niya ang pinto sa gawi ko. 

"Come on," he ordered. Napataas ang kilay ko sa tono niyang demanding.  

"I'm not hungry," I replied. He arched a brow. Mukhang ipipilit ang gusto niyang mangyari. 

"Lumalakas ang ulan, Cary," he said, ignoring my words.

I rolled my eyes. Sino ba kasing may sabing bumalandra siya sa ulanan?

Walang imik akong bumaba. He was quick to shield me from the rain. Malaki naman ang dala niyang payong kaya hindi kami siksikang dalawa. 

Siya na ang nag order para sa amin as soon as we got inside. Mine is spicy seafood ramen while he had the beef one.

I looked around the area. The wooden structures and the minimal design with the paintings and frames displayed on the wall gave off a peaceful and warm ambiance.

Naupo kami sa pandalawahang table at parehong tahimik na hinintay ang aming order. Seryoso niyang sinusuyod ng tingin ang paligid habang ang isang kamay niya ay tina-tap ang mesa.


"Staring is rude," he smirked when he noticed me.


My eyes widened a bit at that. Baka isipin nitong type ko siya? Medyo assuming pa naman ang mga playboy.

I gave him a deadpanned look.



"I'm not staring. Syempre may mata ako kaya napapatingin ako."


He chuckled as his tongue grazed his lower lip. His playful eyes never left mine like every little thing about me amuses him.

How I hate how he looks at me. I'm reminded on how he look with his girls when he flirts with them! Ayoko ngang igaya niya ako sa mga 'yon!

"Okay. Sabi mo, eh."

Hindi ko na lang siya pinatulan at muling nanahimik. Kaunti lang ang baon kong kabaitan araw-araw at mukhang lagi akong out of stock kung ganitong tao ang lagi kong kasama.



"I thought you're not hungry?" he mocked playfully when he noticed that I am too focused with my food.

"Masarap eh," I shrugged.

Kahit sa pagkain ay tahimik kami. Kaya lang, madalas kong nahuhuli si Forth na nakatingin sa akin. He is shamelessly gawking at me with amused expression. Kahit mahuli ko ay hindi nag iiwas at mas lalo pang dumidiin ang titig.

The guts. Palibhasa ay batak na sa pambababae ang isang 'to.


I cleared my throat and glanced at him. Tapos na siyang kumain at agad na sinalubong ang tingin ko. 

Saka ko naalala na hindi pa pala ako nagpapasalamat sa ginawa niya. I owe him my safety that night. Ilang araw ko siyang nakakasalubong pero hindi ako nag abalang I-approach siya para doon.

"About the night in the bar, salamat pala sa pagligtas sa akin," I smiled.

"Kung hindi ka dumating, something could have happened so... Thank you for being there," I smiled softly at him. 

Saglit na dumaan ang pagkamangha sa kaniyang mata. Hindi ko alam kung guni guni ko lang iyon  dahil agad ding nawala. Tumikhim siya.

"I forgot to inform you," he said. "He is on jail now."

Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya,, hindi inaasahan at naguguluhan sa narinig. Jail? Wala naman akong pinagsabihang kahit sino. At wala rin akong maalalang nagsampa ako ng kaso.

I looked at Forth with questioning eyes. He arched his brow for confirmation. 

"Paano?" 

He shrugged simply. "My uncle's connections. Napabilis ang usad ng kaso. We made sure he'll be jailed as soon as he got discharged." 

Nagtaka ako doon. Hindi naman gaanong napuruhan ang lalaki noong niligtas niya ako. I was sure he doesn't need to be confined. Unless...

He looked away with brows furrowed and eyes dark. I sensed something on his reaction. Parang may itinatago siya at naiinis dahil unti unting nabuko. 

Did he involve himself? Hindi naman na bago na takaw gulo siya. Galing man sa prominenteng pamilya ngunit sanay ito sa pakikipagbasag ulo. Minsan ko na siyang nakikitang pumapasok dati ng may pasa at sugat. Isa rin iyon sa kinaiinisan ko sa kaniya. 

Kung may ginawa pa siyang malala doon sa manyak, talagang hindi ako sasang-ayon. Gusto ko mang maparusahan ang taong iyon, ayaw ko namang madamay pa siya. Kaya sana lang...mali ang naiisip ko. But his reaction says otherwise. My eyes narrowed at him. 

"May ginawa ka ba sa kaniya?" tumakas ang iritasyon sa tono ko.

He scoffed, still avoiding my gaze which confirmed my hunch. I looked at him with sharp eyes this time. 

"Binugbog mo?" I probed. 

"Tss. He deserves it anyway," he said raspily.

Suminghap ako at humalukipkip. 

"You don't have to do that," singhal ko.

"I want to help you. Unlike you, I can't let it pass. And that asshole deserves to be beaten and jailed."

I glared more at his words. 

Ako na nga ang niligtas, ako pa ang galit ngayon. But a part of me was thankful for what he did. I feel safer and more secured that the guy was on jail now. Hindi ko nga lang maiwasang mag-alala...na baka madawit siya sa gulo ko.


Inayos ko ang sarili bago lumabas ng restroom. Uwian na at ako na naman mag - isa. Si Macy ay absent at si Gianna ay kasama ang boyfriend. Si Shane naman ay hindi ko alam kung nasaan, wala tuloy akong kasama.

For today, I am going to hail a cab. Wala pa rin kasi si Manong, nagpaalam iyon noong nakaraan pa dahil manganganak ang asawa. Wala din ang dalawang driver dahil inutusan ni Daddy.

Well, hindi naman ako nagrereklamo dahil kaya ko namang magcommute. Binilisan ko ang lakad palabas ng campus. Kung maaari ay ayaw kong gabihin. Mahirap na at mag- isa lang ako. Baka maulit iyong nangyari sa bar.

My brow raised when I saw a frame leaning on a familiar car. Nakatagilid siya sa akin, tila may hinihintay. Malaya kong napagmamasdan ang side profile niya. Wala talagang mapipintas sa kaniyang itsura. He looked like a model endorsing a luxury car.

Napaismid ako nang mamataan ang sigarilyong inilapit niya sa bibig. He puffed and cooly exhaled the cigarette's smoke. Kumalat ang usok sa hangin at halos mapangiwi ako.

Though he look hot while doing that, I hate smokers. Kahit pa malakas lalo ang dating niya kapag naninigarilyo, ayaw ko pa ring nakikita siyang ganoon. It is bad for the health. Ano kaya ang nakakatuwa sa paggamit ng ganiyan kung kalusugan mo naman ang nakataya?

Natigilan siya nang mamataan ako. Tumuwid siya sa pagkakatayo at inapakan ang sigarilyo. I rolled my eyes. Kung hindi pa ako makikita ay hindi pa titigil.

"Wala kang sundo?" he asked nang makalapit ako.

Sinuyod ko ng tingin ang paligid at napansing wala na halos estudyante.

"Wala eh. I'll just hail a cab."

Napatango siya at napahawak sa kaniyang batok na parang naiilang. Pasimple akong tumikhim.

"I-Ikaw? Bakit ka pa nandito?"

"I'm just killing time before going home," he answered. "Mahirap nang makasakay ng ganitong oras. Baka gabihin ka. Do you want me to give you a ride home?" dagdag niya pa.

Natigilan ako at mataman siyang tinitigan. What's with him today? Hindi naman porket iniligtas niya ako ay close na kami at pwede niya na akong ihatid diba?

But he's right. Magdidilim na at hindi pa naman ako sanay magcommute. So maybe, on the practical side... it's okay if I consider his offer?

"Pwede rin kitang samahan maghintay ng sasakyan kung ayaw mo," sambit niya nang mapansing natahimik ako.

I looked at him intently. Mukha siyang playboy at basagulero ngunit mukha namang hindi niya ako ipapahamak. In fact, iniligtas niya pa ako sa nagtangka sa akin. At hindi rin naman ako naiilang sa kaniya and besides, wala namang malisya ito.

"Okay," I huffed a breath.

"Okay?" he probed.

"Pumapayag na akong ihatid mo," I gave him a deadpanned look.

He licked his lower lip and nodded slowly. A ghost of smile appeared on his lips but it was shortlived. Binuksan niya ang pinto ng front seat at iminuwestra iyon sa akin.

"Get in, then," napapaos niyang sinabi.

Agad akong sumunod. I gasped softly when he gently put his hand on my head for support as I bent down to get in his car. Inalalayan niya akong makapasok sa kaniyang sasakyan.

"Sorry. I just did that in case you'll bump your head," he smirked.

For some reason, my heart reacted violently against my chest. It's beating a little bit abnormally than it's usual rythm. Lumunok ako at nag-iwas ng tingin sa kaniya.

Tahimik kami nang paandarin niya ang sasakyan. Nasa labas lamang ang tingin ko, pinapanood ang mga bahay, tindahan at posteng nadadaanan namin.

"Bakit wala kang sundo?" basag niya sa katahimikan.

Malayo pa kami sa village, sumisilip ang sinag ng papalubog na araw mula sa bintana. Nilingon ko si Forth na seryosong nagmamaneho.

His brown eyes were focused on the road. Kahit nakatagilid ay depina ang mahahabang pilikmata. His brows were a bit furrowed and his plump lips on a thin line.

Ang kaniyang panga perpekto ang ukit at ang kaniyang matangos na ilong ay tila pinag- igihang ililok ng isang iskulptor. I bit my lower lip to stifle a smile. He is beyond handsome. I can say his physique is... perfect and godly. His manly and badboy aura made girls crazy for him.

"Hey. Are you okay?" I blinked when he suddenly spoke.

Umayos ako sa pagkakaupo at tumikhim. Nakakahiya. Nahuli niya pa yata akong nakatunganga sa kaniya.

"U-Uhm... Y-Yeah," my cheeks heated in embarassment. "Walang available na driver kaya... walang akong sundo."

"Si Kuya Andres, wala?" tukoy niya sa driver ko.

"How did you know him?" I asked.

"I just know. I always see him outside the school," tamad niyang sagot.

"Nanganak ang asawa niya kaya umuwi siya ng probinsya."

He nodded and pursed his lips.

"Kailan ang balik niya?"

I shrugged. "In two weeks pa yata? I don't know exactly when."

Ngumuso siya at tila napaisip. I stared at him more, waiting for another bunch of questions from him.

"I can be your driver if you want," he suddenly blurted out that made my eyes widened.

Napansin niya ang gulat ko kaya bumaling siya sa akin at ngumisi.

"Just for two weeks, and only if you agree. I won't force you if you're not comfortable," aniya.

"Are you trying to hit on me, Forth Axel?" tumaas ang kilay ko.

It earned a chuckle from him. Ngumisi siya at umiling na para bang may nakakatawa sa sinabi ko.

"What's funny?" irita kong tanong.

"It's funny coz you got it right," ngumisi siya.

Aba! As if naniniwala ako!

Tumalim ang tingin ko sa kaniya. "I don't believe you. Stop playing around."

"I'm not playing around," nagngingiti niyang sabi. "Kung hindi ka naniniwala, give me those two weeks to prove you, then."

Napailing ako. This playboy really thinks he can play with me, huh?

Let's see.


You are reading the story above: TeenFic.Net