Kabanata 4

Background color
Font
Font size
Line height

Burning

Ilang sandali pa ay kumalma na ako ngunit nanatili kami sa ganoong posisyon. No one dared to move nor speak. I find the moment calming and peaceful, na para bang matagal na kaming ganito sa isa't isa kahit na ang totoo, mula noong high school ay ngayon lang kami naging ganito kalapit sa isa't isa.

His heartbeat is calm but his breathing is heavy. I felt the urge to bury my face in his chest but I stopped myself. I don't think it's right, given our past encounters at school. We're not even friends.

He sighed and hugged me more. "Feeling better now?" He asked.

I nodded. Bahagya akong kumalas sa kaniyang yakap, hinayaan niya akong makawala. Inayos ko ang aking suot na dress. Pinulot niya ang nahulog kong purse at inabot sa akin. Hinanap ko rito ang aking scrunchies para masikop ang magulong buhok. Nanonood lang si Forth sa aking ginagawa.

Nahirapan akong sikupin ang buhok dahil sa hawak na purse. I tried but I fail eventually. Itinigil ko na lang iyon. Hinayaan ko na lang na ganoon ang buhok ko kahit nakakahiyang ganito ang hitsura. Sabog na buhok at mugtong mata.

Natigilan ako nang lumapit si Forth at kinuha sa kamay ko ang panali.

"Let me." He said softly.

Marahan niya akong pinatalikod para maayos ang aking buhok. Matapos iyon ay nakumbinsi niya akong siya ang maghahatid sa akin. Nag- aalangan pa ako dahil nakakahiya at nakakailang iyon, lalo na sa mga napagtanto ko sa sarili ngayong gabi.

Tahimik kami sa biyahe hanggang makarating sa bahay. Ilang sandali kaming nanahimik, walang gumagalaw at nakatingin lang ng diretso sa malaking bahay sa harapan.

I should say something... at least. I turned to him and saw him playing his lips using his fingers. I noticed the bruise in his lip. Kumunot ang noo ko.

"May pasa ka," puna ko. He looked at me intently. He puckered his lips.

"This is nothing," he uttered in a husky voice.

My nape shivered. It's the kind of reaction that isn't scary. Its uncomfortable and dangerous...in a different way.

Umismid ako.

"Bakit ka kasi sumugod ng mag- isa? Hindi ka man lang nagtawag ng bouncer o kung sino. Mas malaking tao iyon kaysa sa'yo. Paniguradong napuruhan ka noon kung hindi mo lang naunahan," I spat.

He raised a brow and smirked mockingly. His eyes stared at me darkly. Like a dark, cold night, his mysterious obsidian eyes looks so intense but playful.

"It's fine now," he said which made me roll my eyes. He chuckled at that. "Ang importante ay ligtas ka."

I sighed. I looked at the bruise in the side of his lips. Halata iyon, tila ba malakas rin ang pagkakasuntok. Bahagya akong ngumuso, feeling really guilty. I saw his Adams apple move as he swallowed hard.

"C-Can you stay for a while?" I asked in a small voice.

I almost slapped myself when it sounded sweet and soft even to my own ears. Natigilan rin siya roon at bahagyang umawang ang labi. Ngunit naguguluhan man ay tumango siya sa sinabi ko.

I went out of his car and hurriedly went inside the house. Kumuha ako ng ice pack at muling lumabas. Naabutan kong nakabukas ang passenger's seat.

Muli akong pumasok sa loob ng kaniyang sasakyan. Titig ni Forth añg agad na sumalubong sa akin nang tuluyan nang makapwesto.

Walang namutawing salita sa amin. I sighed lowly and turned to him. Nanatili siyang nakatitig ng seryoso, pinapanood ang bawat galaw ko. I felt conscious under his gaze. Para bang bawal akong magkamali o makagawa ng ikakahiya ko.

Hindi ako nagsalita at maingat na lumapit sa kaniya. My heart raced wildly. My system feels tense while leaning closer to him. I saw him stunned at my move, ngunit bukod doon ay tinignan niya lang ako.

Ilang dangkal lang ang layo ng aming mukha. Inilapat ko ng marahan ang ice pack sa kaniyang pasa. I looked at his reaction. Parang hindi na siya gumagalaw sa kinauupuan. Pinigilan ko ang sumisilay na aliw sa akin. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang pagkatuwa na nararamdaman ko habang tinitignan siyang halos 'di na makagalaw.

Tumindig ang balahibo ko nang iniangat niya ang kamay at hinawakan ang kamay kong may ice pack. The sudden bolt of electricity traveled to my nerves when our skin touched. Tila napaso akong napabitaw sa bagay na hawak at ipinaubaya iyon sa kaniya.

"It's late." He stated. "You should be sleeping now." 

Humilig ako sa back rest at tumingin sa kaniya. Hawak niya lang ang compress at hindi ito dinadampi sa pasa. His hair is disheveled and his eyes are sleepy. His brown orbs looks expressive and deep, tila bitag na kung tititigan ay mahuhulog ka sa kailaliman ng hipnotismo nito. His pointed noise looks proud, and his sensual red lips is sinful to look at. His jaw is defined and sharp.

Maybe it is the alcohol but he looks ten times hotter in my eyes when he's this close.

Of course. That damn playboy charm of his never failed to spark a woman's interest.

He drove away from our house at 3 am. Halos nahuhulog na ang aking mga mata sa antok at pagod, at ganoon din siya. He looked tired and sleepy.

I texted my friends the next day. I said sorry for leaving without a word. Nag alala ang mga ito dahil bigla na lang akong nawala. Nagdahilan na lang ako na nagpasundo dahil inaantok na, pinili kong ilihim ang nangyari.

The next days passed like a whirlwind. Simula noong nangyari sa bar, medyo umayos ang pakiramdam ko sa presensiya ni Forth.

"I'll be leaving next month," Jayle pouted sadly.

Nandito kami sa cafeteria para sa lunchbreak. Kaming dalawa lang dahil may klase pa ang iba. Giana is a stem student, si Shane ay may cooking class at si Macy ay humms. Kaming dalawa ni Jayle ay abm, kaya minsan lang talaga na makumpleto kami dahil abala rin ang ibang kaibigan sa ginagawa.

I sighed too, nalulungkot rin sa nalalapit na pag-alis niya. "Isang buwan ka lang naman doon. You'll be back for college." I said and stared at her.

She sipped on her fruit shake. "Ilang vacant ka ring mag-isa non." She raised a brow.

"Yeah but it's fine. I'll miss you, though." Sabi ko.

"I can still reach out naman, you know." She shrugged.

I raised a brow when I remembered something.

"What about your boyfriend?" I asked.

Her shoulders slumped a bit, tila namroblema sa binaggit ko. Kanina ko pa rin napapansin na parang may iniisip siya.

Jayle is in a relationship since high school. Isa rin sa mga pinagkakaguluhan ng mga kababaihan dahil guwapo at mayaman. Grade 9 kami noon nang maging sila. Til now, they're going strong.

"Iyon nga. First time naming mahiwalay sa isa't isa. Pero alam niya naman na pangarap ko iyon noon pa. Kaya nga noong sinabi ko sa kaniya ang tungkol sa pag-alis ko, even though he's sad na magkakalayo kami, hindi niya ako pinigilan sa gusto ko."

"Oh? Pero bakit mukhang namomroblema ka parin?" I asked.

"What if..." She trailed off. "What if may magbago? Kasi diba, kilala mo naman kami. Hindi kami sanay na hindi nagkikita. Kahit ayos lang naman sa kaniya at sinusuportahan niya ang gusto ko, paano kung..."

"Isang buwan lang naman, Jayle," I said.  "Tsaka kung mahal niyo talaga ang isa't isa, kakayanin niyo. Maybe this will test the both of you, kung talaga bang may pundasiyon na ang relasiyon niyong dalawa."

She sighed again. "But what if...natalo kami ng distansiya? Paano kung...di namin kinaya?"

For me, hindi dapat pinagsasabay ang pangarap at pag-ibig, lalo na kung determinado ka na abutin ang ambisyon mo. May isang mabibitawan sa huli, na paniguradong masakit.

But it is a matter of choice. If you choose to hold it both, dapat alam mo kung paano ibalanse.

I smiled at her. "You cannot tell it yet. Kung kayo, kayo talaga. Hindi mo kailangang mag-alala dahil kung kayo talaga sa dulo, kahit anong mangyari, siya talaga ang makakasama mo. Kaya unahin mo muna ang pangarap at future mo." I said. "Give this a try. Maybe its a way for the both of you to grow and learn."

She smiled, finally. "Paano ka nakakapag advice ng ganiyan? Akala mo naman nagka boyfriend na."

I spent the days with my friends. Dumalas ang paglabas namin at kung saan saan pumupunta. Wala namang kaso iyon dahil hindi naman pinagbabawalan ng mga magulang. I don't think my parents care about my whereabouts, though.

The harsh rain poured. Para kaming mga takot na kambing na nakasilong sa maliit na shed. Isa ito sa mga araw kung saan nagkakayayaan at kumpleto kami. After class ay agad kaming tumungo sa kainan malapit sa school para tumambay.

And unfortunately, inabutan kami ng malakas na ulan. We didn't see it coming since maaraw naman kanina. Bigla na lang itong bumuhos sa kabila ng maganda at maaliwalas ang panahon.

Pinagsisihan ko talagang hindi ako pala- dala ng payong. Si Shane lang ang mayroon noon at hindi naman kami magkakasyang lima. I shivered when the cold wind touched my skin.

"Hello, Kuya," Shane said. "What? Bakit ngayon pa walang bakanteng sundo? I'm with my friends...Okay."

"Susunduin sana tayo ni Kuya. Kaso lang, nasa gitna ng klase iyon at two hours pa ang dismissal. Lahat pa ng sasakyan ay gamit at walang available," she groaned.

Ilang sandali kaming natahimik at tiniis ang lamig at pagkabagot hanggang sa may tumigil na dalawang magarang sasakyan.

The car's window rolled down and revealed a handsome man's face. I rolled my eyes when I saw who it was. Kent Torres, one of the alpha assholes' member flashed his friendly smile.

"Wala kayong sundo?" He asked.

"Wala pa," Jayle answered.

I glanced at the other car and saw Forth Axel looking at me seriously.

There is a part of me that is okay with his prescence. Ang kabilang parte sa akin ang nagsasabing hindi dapat makipaglapit dahil para kang nakikipaglaro sa apoy. Its like the fire in his eyes will burn you.

But his burning eyes were mesmerizing. Na kahit alam mong mapapaso ka ay lalapitan mo pa rin ang ningas dahil sa ganda ng alab nito.

My stomach fluttered when he went out of the car with an umbrella on his hand. Kahit paglalakad niya ay nanatili ang kaniyang tingin sa akin, never minding my friend's acknowledgements.


You are reading the story above: TeenFic.Net