Special Chapter

Background color
Font
Font size
Line height

"Nakatitig ka na naman sa kan'ya, tss."

Tinulak ko ang lalaki bago inirapan. Paano ba naman kasi, nakita lang niya ang babae, nasa kan'ya na lahat ang atensyon nito.

Hindi ako nagseselos. Actually, I've totally moved on. Wala na akong nararamdaman para sa kan'ya. Tanggap na naming pareho na talagang mas magiging maayos kami nang hanggang magkaibigan na lang.

"Arjo!"

Napailing ako. Mukhang in love na nga talaga sa babaeng 'yon ang ex ko.

Yes, Arjo and I were ex-lovers. Matapos ang higit dalawang taong relasyon, nagdesisyon kaming maghiwalay. Madalas na lang kasi kaming mag-away, hindi tulad ngayong magkaibigan na lang ay mas nagkakasundo pa kami.

Binalingan ako nito. May itinuro ang mga mata sa likuran kaya napalingon ako roon. Si Enzo, ang pinsang kong patay na patay din sa babae.

Nakita ko ang selos sa mga mata ni Arjo nang lapitan ng pinsan ko ang babae. Lalo na't may ibinulong dito ang lalaki na nakapagpatawa sa kan'ya.

"Talo ka na yata, Jo! Wala na, napatawa na niya, e!"

Umismid ito. "Hayaan mo. Siya naman kasi nauna sa amin, e. Ayokong magkasiraan kami ni Enzo dahil sa kan'ya."

"Iyan kasi, hindi tayo kaagad naghiwalay! Ikaw sana ang nauna!"

Sinamaan niya ako ng tingin. "Malay ko bang maghihiwalay tayo at magkakagusto riyan? Akala ko kasi, ikaw na, e." Pabiro kong siniko ang tagiliran nito. He just smiled. Hinapit niya ako palapit sa kan'ya saka inakbayan. "Halika na nga. Lumapit na tayo sa kanila."

Napangisi ako nang makita ang reaksyon ng babae pagkalapit namin. She was uneasy. Bahagyang namumula ang mukha nito at hindi makatingin sa amin.

Poor Kristal.

Sino nga ba talaga ang gusto mo? She's somewhat lucky. Gusto siya ng dalawang importanteng lalaki sa buhay ko.

"Hey, girl!" Binati ko ang babae, samantalang tinanguhan ko naman ang pinsan.

"Hi," she greeted back then smiled.

Pasimple kong tinapakan ang paa ng kasama. Mukhang wala kasing balak batiin si Kristal. Kaya nahuhuli e!

"Tol, kakain na rin kayo? Sabay-sabay na tayo."

Napairap ako ng pansinin nito si Enzo imbes na ang babae. Hindi naman sa mas pinapaboran ko siya, gusto ko lang bigyan ng magandang laban ang pinsan ko.

Somehow, I blamed Enzo for everything. Sa tingin ko kasi, siya ang dahilan ng hiwalayan namin. Pinilit niya si Arjo na gamitin niyang daan para makapagpapansin sa babae. Hindi nga niya ako tinanong kung papayag ba ako o hindi. Hindi man lang niya yata naisip na masasaktan ako. Minsan naiisip ko, naging makasarili si Enzo sa parteng 'yon.

Tumango siya. "Tara, kain na tayo."

Naging ganoon ang routine naming apat sa mga sumunod na araw. Magkikita pagkatapos ng klase at sabay na kakain. Napansin ko nga lang na medyo ilap sa akin si Kristal at hindi ko alam kung bakit.

"Busy ka yata, Carton?"

Hindi ko na kailangan pang lingunin ang nagsalita para malaman kung sino 'yon. Sa tawag pa lang nito sa akin at sa amoy niya, alam na alam ko na kung sino.

It was Neil Anonuevo.

Carton ang tawag nito sa akin dahil sa hulihan ng pangalan ko. Car kaya Carton. Syempre, hindi naman ako nagpahuli. Ginawan ko rin siya ng sa kan'ya. Neil, kaya siya si Neilason.

"Anong kailangan mo?"

Umupo ito sa tabi ko at nakitingin na rin sa binabasa.

"Baka sino. Ikaw lang naman ang kailangan ko."

Sabi niya, frenemy daw kami. Minsan friends, minsan enemies. Napapailing na lang ako sa tuwing tinutukso kaming dalawa. Walang hiya kasi itong lalaki. Babanatan ako kahit sa harap pa 'yan ng klase. Kami pa kasi noon ni Arjo kaya hindi ko pinapansin. Hindi ko rin naman kinumpirmang naghiwalay na kami dahil lalo lang kaming tutuksuhin.

"Car, tara na?"

Tinanguhan ko si Arjo na nasa labas ng classroom. Tumayo na para lapitan ang lalaki nang pigilan ako ng isang kamay. Ramdam ko ang marahang hawak nito sa aking braso.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Bakit?"

"May meeting tayo, 'diba? Saan ka pupunta?"

"Kakain ng lunch." Tinuro ko si Arjo na nakatingin lang din sa amin. "Sinusundo na niya ako. Babalik na lang ako pagkatapos kumain."

Nakita ko ang palitan nila ng tingin ni Arjo. Naunang nag-iwas ng tingin si Neil. Binalingan ako nito. "After lunch. Bawal malate."

Hindi na ako nag-abalang sumagot pa at dumiretso na ako kay Arjo. Nagtatanong ang mga mata nitong nakatingin sa akin.

"Wala 'yon. Chismoso mo talaga. Tara na nga!"

Alam kong hindi ito kumbinsido sa sagot ko. Nakumpirma ko 'yon nang magtanong kaagad siya pagkatapos naming makahanap ng mauupuan.

"Pinopormahan ka ba ng lalaking 'yon?"

"Bakit? Nagseselos ka ba?," I teased.

"I'm serious here, Car. Baka naman dahil may gusto na akong iba ay magpapauto ka na rin sa lalaking 'yon?"

Napamaang ako sa sinabi nito. "Alam mong hindi ako bitter, Jo. Ayos lang sa akin kung may gusto ka ng iba. Hindi ako nililigawan no'n kaya kalma ka lang."

Pero iyon lang pala ang akala ko.

"Hiwalay na raw kayo ni Arjo?," salubong na tanong sa akin ni Enzo.

Napailing na lang ako sa ginagawa nito. Pwede naman kasi niya akong tanungin pagkatapos ng klase, hindi iyong nandito pa sa classroom.

Natigil sa pag-uusap ang mga kaklase at maging sina Neil ay nakatigin na rin sa amin, marahil ay hinihintay ang sagot ko.

"Sa labas tayo. Bakit ba ang ingay mo?"

Inakay ko siya palabas ng room. "Totoo nga?"

"Ilang buwan na. Magkaibigan na lang kami."

Marami pa itong tinanong. Sinubukan kong ipaliwanag sa kan'ya pero kakausapin na lang daw niya ang kaibigan. Nilingon ko si Neil. Base sa mukha nito, alam kong nakumpirma na nito ang kung anumang naiisip. Ipinagsawalang-bahala ko 'yon.

"Gusto kita, Carton. Liligawan kita."

Akala ko noong una, pustahan lang nilang magbabarkada iyon. Pero, biglang nagbago ang pakikitungo nito sa akin. He became sweet and.... caring?

Inabala niya ako sa lahat ng bagay. Na para bang siniguro nito na sobrang dami kong gagawin ay wala na akong oras para makipagkita pa kina Arjo. Siya na rin ang bumibili at nagdadala ng kakainin ko. Hinahatid pa nga ako sa bahay kahit gabi na kung umuwi ako.

Dagdag pa na nabalitaan kong nag-away sina Arjo at Enzo. Sinubukan ko silang kausapin pero pareho pang abala dahil malapit na ang graduation. Wala tuloy akong pagpipilian kungdi pumayag na samahan ang lalaki.

Falling in love with Neil wasn't in my plan. Tulad ni Arjo, mayaman at kilala rin ang pamilya ni Neil. Kailanman ay hindi ko sinubukang makipagkita noon sa mga magulang nito dahil sa takot. Sigurado akong ganoon din ang kay Neil. Pero, traydor pala talaga ang puso. Bigla ko na lang nakita ang sarili na nahuhulog na sa lalaki.

"Maricar, alam mo bang gusto ng gagong ex mo si Kristal? Liligawan daw niya pagkatapos ng graduation. Niloko niya tayong pareho. Magtulungan tayo, bawiin mo si Arjo!"

Ngumisi ako bago umiling. "Hindi niya tayo niloko, Enzo. Simula pa lang, alam ko na."

"At hindi mo sinabi sa akin?"

"Huh? Katulad ba ng hindi mo pagpapaalam sa akin na gagamitin mo si Arjo para magpapansin kay Kristal?"

Natahimik siya sa tanong ko.

"Pasensiya na, Enzo. Wala na akong magagawa pa para matulungan ka. Mauna na ako. Hinihintay na ako ng boyfriend ko."

Simula noon, hindi na kami nag-usap pa. Dumaan ang graduation at mga selebrasyon kasama ang pamilya, hindi kami nagkita-kita. Nabalitaan ko na lang na lumipad papuntang America si Arjo para magbakasyon. Samantala, si Enzo naman ay itinuloy ang pag-aaral ng medisina sa tulong ng mga scholarship.

Neil:

Hindi mo sinasagot ang mga tawag ko.

Napangiti ako sa mensahe nito. Sinagot ko si Neil, ilang araw pagkatapos ng graduation. At masasabi kong naging tama ang desisyon ko. Minahal niya ako nang higit pa sa pagmamahal na ibinigay sa akin ni Arjo. Iyong tipo na hindi ko kakayaning kaibiganin pa ang lalaki kung sakaling maghiwalay man kami.

"Ipapakilala na kita kina mama, Carton baby," malambing nitong sabi sa akin, isang araw. Iniyakap nito ang bisig sa aking baywang upang mas lalo akong mapalapit sa kan'ya.

Umiling ako. Pilit kong kumawala sa kan'ya ngunit hindi niya ako pinahintulutan.

"Sige, ipakilala mo ako sa kanila kung gusto mong maghiwalay tayo, Niel. Alam mo kung anong tingin sa akin ng mga magulang mo. Hindi nila tayo matatanggap."

"Hindi natin kailangan ang pagtanggap nila hangga't tanggap natin ang isa't isa. Ikaw lang at ako..."

Gaya din ng ibang magkarelasyon, nagkakaroon din kami ng hindi pagkakaintindihan. Isa na nga riyan ang mga magulang niya. Tulad ng inasahan ko, hindi nga nila ako tanggap para sa anak nila.

"Wala ka bang pangarap, hija? Ang mga taong walang pangarap kumakapit sa mga mayayaman. Balita ko, ex ka raw ng kaisa-isang anak ng mga Lozano. Pagkatapos niya, ang anak ko naman ang peperahan mo?"

Ang sabi ko sa sarili ay papatunayan ko na hindi totoo ang mga sinabi nila. Pero hindi ko nakayanan nang magpunta na ang mga ito sa amin upang alukin ako ng pera basta layuan ko ang anak nila.

"Magkano ba ang dignidad ng isang tao? Bibilhin ko na para sa'yo."

So, I broke up with him. Maybe no. I left him. Bigla ko na lang hindi sinagot ang mga tawag nito. Nagpalit pa ako ng numero para lang hindi na niya talaga matawagan. Lumipat na rin kami ng tirahan nang makahanap ako ng mas malapit sa trabaho ko. Balak ko kasing mag-ipon muna bago magtake ng board exam.

"Maricar, may naghahanap sa'yo."

Aaminin ko, kabado ako sa tuwing may naghahanap sa akin. Pakiramdam ko kasi ay baka isang araw, bigla-bigla na lang sumulpot sa harapan ko si Neil. Itanggi ko man, gusto ko siyang makita pero alam kong imposible na 'yon. Baka nga hindi na niya hinanap pa at nakalimutan na.

Lumabas ako para alamin kung sino 'yon. Halos takbuhin ko ang kusina nang makilala siya.

"Arjo!"

Hilaw itong ngumiti sa akin. Nagtaka ako nang pandalian lang ako nitong niyakap at humiwalay kaagad.

At doon ko nga nalaman ang totoo. Hindi na si Arjo ang nasa harapan ko ngayon kungdi ang pinsang si Enzo.

"Pumayag ka naman?! Paano kapag nalaman ni Kristal? O ng mga magulang niya? Baka sampahan ka pa ng kaso ng mga 'yan!"

Hindi ko mapigilang magalit sa katangahan nito. Masyadong nagpapadalos-dalos sa mga desisyon nito basta tungkol kay Kristal.

Yumuko ito. "Chance ko na 'yon, e. Baka mahulog na sa akin si Kristal. Kung ito na lang talaga ang daan para mangyari 'yon, gagawin ko, Car."

Napailing na lang ako sa sagot niya. Nasabi rin niyang inilihim pala niya ito sa mga magulang niya. Ang alam nina tita ay siya ng namatay at hindi si Arjo.

But still, I supported him. Ako na lang ang malalapitan niya. Kailangan niya ako.

Ayos na sana ang lahat sa amin kungdi nga lang muling nagpakita sa akin ang lalaki.

Si Neil. Kasama ang bagong kasintahan nito.

Nanliit ako sa sarili ko nang makita ko sila. Kumpara sa akin, walang-wala ako sa estado ng babae. Sa itsura palang at pustura, talo na ako.

"Good morning! Can I take your order, ma'am/sir?"

Nilingon nila akong dalawa. Pinasadahan ako ng tingin ng babae, samantalang tinitigan ako ni Neil.

"Ano pong order n'yo?," ulit ko.

Ang babae ang umorder ng kakainin nila at puro tango lang ang sinagot ng lalaki habang nakatitig pa rin sa akin. Umiwas ako ng tingin.

Pagkatapos kong ihanda ang order nila, hindi na ako lumabas pa. Hindi ko alam pero nasasaktan ako sa mga nakikita ko. Bagay na bagay sila sa isa't isa. Napakasaya nilang tingnan at hindi ko matanggap iyon.

Pasado alas syete ng matapos ako sa trabaho. Mabilis akong nagpaalam sa manager para makauwi na. Siguradong siksikan na naman sa sakayan dahil sa dami ng mga commuters.

"Ah! Wala po akong pera!"

Isang braso ang yumakap sa akin. Marahan lang ang pagkakayapos nito na sakto lang para hindi ako makawala.

"I miss you, Carton. Damn, I miss you."

Tumigil ang pagtibok ng puso ko nang makilala ang boses nito. Yakap-yakap ako nito mula likod habang nakapatong ang baba sa puno ng ulo ko.

"P-pero...may girlfriend ka na..."

Tinadyakan ko ang isang paa nito para makawala. Hindi na siya nilingon, mabilis akong tumakbo. Narinig kong tinawag niya ako pero hindi pa rin ako tumigil. Isa lang ang nasa isip ko, kailangan kong makalayo sa kan'ya.

Ginawa ko ang lahat para iwasan siya. Mula kasi ng gabing 'yon, araw-araw ng pumupunta roon ang lalaki. Pagbukas pa lang, siya na ang unang kostumer na hanggang sa magsara ay naroon pa rin kaya siya rin ang huli. Dumadaan naman ako sa likod ng restaurant para hindi kami magkasalubong. Tumatalon na lang ako sa mataas na bakod para lang maiwasan siya.

Tulad na lang ngayon, patalon na sana ako nang bigla kong makita ang lalaki sa kabila ng bakod.

"Talon!" Napaigtad ako sa sigaw nito. "Talon!"

Tumalon ako. Ganoon na lang ang kaba ko nang saluhin niya ako dahilan para mapakapit ako sa kan'ya. Karga-karga pa ako, naglakad na ito palapit sa sasakyan nito.

"Ang tigas ng ulo mo. Huwag mo ng subukang makawala pa, Carton. Magkakasubukan tayo."

Then he kidnapped me. Basta ang alam ko, nagising na lang ako sa isang lugar na hindi pamilyar sa akin. Ilang beses pa akong nagmakaawa sa kan'ya na bumalik na kami pero hindi ito pumayag.

"Babalik lang tayo sa Maynila kapag nagkalaman na 'to." Hinawakan niya ang tiyan ko. "Para wala ka ng kawala."

Tinotoo nga niya ang banta. Araw man o gabi, hindi ako nito tinigilan.

Binuntis nga ako ng lalaki. Bumalik kami ng Maynila para magpakasal. Pamilya lang naming dalawa ang naroon bilang saksi. Humingi na rin ng tawad sa akin ang mga magulang nito. Matagal na raw nila akong hinahanap.

"Ikaw lang ang minahal ng anak namin, e. Sino ba kami para tumutol?"

Nanggigigil na lang ako kapag naaalala ko ang nangyari sa ospital. Nakita ko kung paano magmakaawa si Kristal sa pinsan ko. Hindi ko yata kakayanin kapag sa akin sinabi ni Neil 'yon. Kaya ang ending, pinabugbog ko siya sa asawa ko.

"Huwag mo muna siyang sundan, Enzo. Fix yourself first. Ipakita mo sa kan'yang ikaw ang nararapat para sa pag-ibig niya."

Isa na lang ang hiling ko para sa kanila. I wish them a happy ending. Katulad ng akin.

"Rhett!"

Napasapo ako ng noo nang makitang naglalaro pa ito sa computer. Alas onse na kasi at may pasok pa siya bukas.

"Carton, baby, hayaan mo na siya. Halika na sa kwarto, gawa na lang tayo ng isa pa."

Kinurot ko ang tagiliran nito. Pilya akong ngumiti sa kan'ya.

"Isa lang? Ayaw mo ng basketball team?"

Napangiti na rin ito saka ako binuhat.

"No, Carton, baby. Football team ang gusto ko."

You are reading the story above: TeenFic.Net