Chapter 9

Background color
Font
Font size
Line height

Isinugod ko kaagad sa pinakamalapit na hospital si Thalia. Hinihingal kasi ito at mukhang hirap na hirap siyang huminga. Mabuti na lang at naroon ang doctor kaya kaagad siyang naasikaso sa Emergency Room.

Hindi ko alam ang gagawin habang naghihintay sa doctor. Ito kasi ang unang beses na nangyari ito sa kan'ya. Lagi naman kasing masayahin ang anak ko at normal naman ang lahat ng test results niya sa tuwing monthly check-up nito.

Ilang sandali lang, dumating si Enzo sa hospital. Bakas ang pag-aalala sa mukha nito habang nagmamadali ang mga hakbang papalapit sa akin. Kaagad niya akong niyakap nang makalapit. Sa sobrang pag-alala ko, hindi ko na pinuna ang ginawa nito. Bagkus, ipinalupot ko ang mga kamay sa kan'ya para mayakap din ito.

Ramdam ko ang paghagod nito sa likod ko na tila pinapakalma ako.

"What happened? I heard that-"

Kontrolado ang boses nito na para bang kinakalma ang sarili. Hindi niya naituloy ang sasabihin nang lumabas ang doctor. Kaagad akong kumalas sa yakap nito para salubungin ang doctor. Habang siya ay nanatili sa likod para marinig rin ang sasabihin ng doctor.

Ngumiti ang doctor nang makalapit kami. Nananatili ang tingin nito sa aking likuran. Nanlaki ang mata nito nang makilala ang kasama ko.

"Dr. Dela Cruz?"

Lumapit naman sa kan'ya si Enzo pagkatapos ay nagkamayan ang dalawa.

"Dr. Gutierrez..."

"Anak mo 'yung bata?"

Tumingin sa akin ang lalaki pero nakuha pa ring tumango sa kan'ya. Nagtaas ng kilay ang doctor pero natawa rin kalaunan.

"Huwag na kayong mag-alala kay baby. Nagkaroon lang siya ng mild asthma kaya nahirapan siyang huminga."

"Asthma?," hindi ko napigilang magtanong. Wala naman akong naalalang mayroong asthma si Thalia.

"Hindi n'yo ba alam ang tungkol dito? That's dangerous..."

Dinala kami ni Dr. Gutierrez sa kan'yang opisina para maipaliwanag ang iba pang mga detalye sa kondisyon ni Thalia. Nakahinga ako ng maluwag nang malamang hindi gaanong seryoso ang nangyari sa kan'ya. She's safe. Mabuti na lang daw nalaman na ngayon para mas mapaghandaan ko kung sakaling maulit. Naiwan doon sa opisina si Enzo dahil mukhang magkakamustahan muna ang dalawa.

Mahimbing pa rin ang tulog ni Thalia nang puntahan ko siya. Umupo ako sa upuang nasa harapan nito para mahaplos ang kan'yang buhok.

I felt a sudden guilt in my chest because of what happened to Thalia today. Pakiramdam ko ay hindi ko siya naalagaan nang maayos dahil hindi ko man lang alam ang tungkol dito. Am I really too preoccupied this previous days?

"I'm sorry, baby..."

Bumukas ang pintuan ng Emergency Room kaya napatingin ako roon. Nakita ko ang ang pagsilip ng ulo ni Enzo bago tuluyang pumasok.

"Hindi pa ba siya nagigising?," tanong nito. Umiling ako sa kan'ya saka muling ibinalik ang tingin sa anak.

"Anong ginagawa mo rito?"

"Narinig ko kasing may dinala raw na bata rito kanina kaya pumunta ako. I wasn't expecting it was Thalia but damn..."

Nilingon ko siya.

"Huwag ka ngang maingay. Baka magising ang anak ko."

Tumawa lang ito bago kinuha ang isa pang upuan at lumapit sa kinahihigaan ni Thalia. Tulad ko, hinaplos din nito ang buhok ng bata.

"Sa lahat naman nang mamanahin niya sa akin, bakit 'yon pa?"

Natawa ako. Dahil sa sinabi niyang 'yon, bigla tuloy akong napatingin sa mga mata nito. Akala ko noon namana ni Thalia ang mga mata nito kay Arjo. For years, I believe that everytime I was looking at Thalia's eyes, I was also looking at Arjo's eyes. Akala ko nahulog ako sa mga mata ni Arjo pero mali ako. Then, realization hits me. It was Enzo's eyes.

Napangiti ako sa aking mga naisip.

"Why are you smiling?"

Umiling lang ako pero nanatili sa akin ang kan'yang tingin. Nauna akong nag-iwas nang mapansin na ang namumuong ngiti sa kan'yang labi.

"I'm happy that she's okay. Hindi ko alam na makukuha niya sa akin 'yan dahil hindi ko naman siya nakasama ng matagal. Huwag kang mag-alala, nagkausap na kami ni Rico kanina. Naibigay na niya sa akin ang mga dapat bilhin kaya ako na ang bahala roon..."

"Akala ko ba hindi ka na ulit magpapakita sa amin?," pabirong tanong ko rito. Nalukot ang mukha niya pero wala namang sinabi.

"Thalia got your eyes," saad ko.

Nanlaki ang mga mata nito kaya dinugtungan ko ang mga naunang sinabi.

"Kapag nakatingin siya sa akin, pakiramdam ko nakatingin ka rin sa akin..."

Nakita ko ang pagpula ng tainga nito kaya nag-iwas ng tingin.

"Lagi naman akong nakatingin sa'yo, kung alam mo lang..."

Nanatili ang tingin ko rito. Matapang akong gawin 'yon dahil hindi naman siya makatingin sa akin. He was completely avoiding my gaze.

Natigil lang 'yon nang muling bumukas ang pintuan ng Emergency Room. Pumasok doon ang humihingal na si Lorence. Halatang nagmamadali itong nagpunta rito kaya ganoon ang itsura. Kaagad niyang nahanap ang mga mata ko kaya mabilis na lumapit.

"Anong nangyari sa baby ko? Okay lang ba siya, Kristal?"

Nilapitan nito ang anak ko saka tinignang mabuti. Hindi naman ako makasagot dahil mukhang wala pa ito sa tamang wisyo at hindi pa kalmado.

Nilingon ako nito bago nalipat ang tingin sa katabi ko. Kaagad na nagdilim ang paningin nito.

"Kasalanan ba ng lalaking 'yan kaya nagkaganiyan si Thalia? Hindi ba't sinabi kong wala na siyang karapatan sa bata? Bakit mo pa pinapunta ang lalaking 'yan dito, Kristal?!"

"Lorence, magtigil ka nga. Kumalma ka riyan. Baka magising ang bata..."

Sinubukan kong pigilan siya ngunit wala akong nagawa nang bigla niyang hablutin ang kwelyo ni Enzo.

"Lumayas ka rito. Wala kang karapatang pumunta rito. Ako na ang ama ni Thalia kaya umalis ka na!"

Nang marinig ko 'yon mula sa kan'ya, hindi ko napigilan ang sariling hilahin si Lorence at tuluyang masampal ito. Kita ang pagkabigla sa mukha nito at ang unti-unting panlalaki ng kan'yang mga mata.

"Kristal..."

Itinuro ko muna ang pintuan bago magsalita.

"Umalis ka na, Lorence! Kahit anong sabihin mo, gawin mo para sa amin, wala ka pa ring karapatang angkinin ang anak ko. Kahit anong mangyari, siya pa rin ang ama ni Thalia!"

Nawalan ng eskpresyon ang mukha nito. Natawa ang lalaki bago walang lingong lumabas ng pintuan.

Nasapo ko ang noo dahil sa nangyari. Hindi ako makapaniwalang ganoon ang iniisip ni Lorence.

"Kristal?"

Umiling ako.

"Enzo, please umalis ka na rin muna. Hayaan mo muna akong makapag-isip. Baka magising na si Thalia..."

"Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa'yo 'to..." tumigil ito para huminga ng malalim. "Next week, uuwi ang mga magulang ni Arjo. Hindi pa nila alam ang nangyari sa atin sa nagdaang taon."

Nakuha nito ang atensiyon ko.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Kailangan mo nang bumalik sa bahay, Kristal kasama si Thalia. Inaasahan nilang naroon ka at ang apo nila..."

Nagulat ako sa narinig habang siya'y naglakad na palapit sa pintuan para umalis ngunit bago siya tuluyang makalabas, muli itong nagsalita.

"One more thing, call me Arjo again even if it hurts me so bad. I only exists as your husband when I am him..."

You are reading the story above: TeenFic.Net