Chapter 5

Background color
Font
Font size
Line height

Ang kapal naman talaga ng pagmumukha ng lalaking 'yon! Anong ama ang sinasabi nito?! Baka nakakalimutan mong matagal mo nang pinatay ang anak mo, Arjo!

Hinaplos ko ang buhok ng anak ko. Ngumiti ako para itago ang inis.

"Naniniwala ka bang siya ang papa mo, baby?"

Umiling ang anak ko pero hindi maikakaila ang lungkot sa mga mata nito.

"Wala po ba akong papa? Kanina po, pina-draw po kami ni teacher ng family picture. Sa amin po, ako lang ang walang na-draw na papa kasi wala naman po ako no'n, mama."

Nanatili sa isipan ko ang sinabi ni Thalia. Sa mga nakalipas na taon, alam ko kahit hindi man niya sabihin sa akin, madalas itong nainggit sa mga batang nakikita nito na kasama ang kanilang ama. Kahit hindi man niya ipakita sa akin, alam kong puno ng drawing ng isang lalaki ang likuran ng notebook nito. Papa ang nakalagay na pangalan sa bawat drawing na iyon.

"Goodnight, baby. I love you always. Mama will love you no matter what happen."

Hinalikan ko ang noo nito bago pa siya tuluyang makatulog. Antok na antok na ang mga mata nitong nakatingin sa akin.

"G-goodnight, mama. I-I love you din po."

Sa halos pitong taon, pilit kong inilalayo ang anak ko kay Arjo. Hindi ko kakayaning masaktan ito sa oras na malaman nitong hindi siya tanggap ng kan'yang ama. I can bear all the pain. Ayos lang sa akin kahit masaktan ako ulit ni Arjo lalo ngayong na nagkakalapit ulit ang mundong ginagalawan namin pero labas ang anak ko rito.

Sa lahat ng nagawa niya sa nakalipas na taon, oras na siguro kung sarili ko naman ang mahalin ko, ang piliin kong maging masaya. Kung gugustuhin ko mang ilayo sa kan'ya ang anak ko, may karapatan naman akong gawin iyon. Yes, he's the father of Thalia, but he don't need to be one for her. He doesn't deserve her. We can live without him like how we survived the past 7 years with only the two of us.

"Salamat, pare."

Nakipagkamayan si Lorence sa kakilala nitong empleyado sa in-aplayan kong kompanya. Mabuti na lang ay naipakiusapan niya ito kaya natanggap pa rin ako kahit wala namang bakanteng pwesto. Mas mababa man ang sweldo pero mas maayos naman iyon kaysa walang dumarating sa amin buwan-buwan.

"Pasensiya ka na, Lorence. Naaabala pa tuloy kita dahil sa paghahanap ko ng trabaho."

Ngumiti ang lalaki. "Ayos lang iyon. Masaya akong natutulungan kita, Kristal."

Hindi ako tanga. Hindi rin ako bulag para hindi makita ang ginagawa ni Lorence para sa akin. Kung hindi ko lang siguro nakilala si Arjo, malamang siya 'yung lalaking magugustuhan ko. Minsan, naiisip kong siguro kung siya lang 'yung lalaking pinili ng puso ko para mahalin, mas magiging madali ang buhay ko. He likes Thalia and same with Thalia, she likes him too. He's like a father figure to her.

"May gagawin ka ba ngayon?," tanong ko.

"Wala naman akong trabaho ngayon. Bakit?"

"Samahan mo akong mamili."

Nilingon niya ako. Kapagkuwa'y bigla na lang nanlaki ang mga mata nito.

"Shit! Sandali, anong araw ngayon?"

"July 12," nakangiti kong sagot.

Hindi na ako nagtaka nang makita ang sarili sa loob ng isang mall imbes na sa supermarket. Bigla na lang akong hinila nitong kasama ko kanina dahil ililibre raw niya ako nang kahit anong gusto ko.

Marami naman akong nagugustuhan kaya lang ay hindi ako makapagfocus dahil naiisip ko si Thalia. Kung sanang kasama lang namin siya ngayon, tiyak kong marami itong papabili kay Lorence. Minsan ko lang kasi siya nadadala rito dahil sakto lang ang kinikita ko noon.

"Kristal, come on. It's your birthday kaya dapat masaya ka. May nagustuhan ka na ba para mabili na natin?"

Umiling ako.

"Halos hindi ko naman kailangan ang mga 'yan, e. Saka susunduin ko pa si Thalia mamayang alas singko. Baka matagalan tayo kung bibili pa ng mga 'yan. Kailangan ko pang mamalengke."

Para hindi naman masayang ang pagpunta namin dito, niyaya ko siyang maglaro muna. Nakakatuwa lang dahil para kaming bumalik ulit sa pagkabata noong naroon na kami sa arcade.

Kaya lang ay pagkatapos noon ay niyaya ko na siyang umalis para sa susunod sa gagawin. Wala namang nagawa si Lorence kung hindi samahan na akong mamalengke. Kahit saglit lang kami roon, wala naman akong narinig na reklamo mula sa kan'ya. Sa totoo nga ay mukhang mas masaya pa itong namili kaysa sa akin.

Hanggang sa pagsundo kay Thalia, kasama pa rin namin si Lorence. Mabuti na lang at wala roon si Arjo kung hindi ay baka hindi ko alam ang mangyayari.

Kakaunti lang ang niluto ko dahil para lang sa amin talaga ni Thalia iyon. Pero ngayong kasama si Lorence, walang natira sa mga ito dahil naisipan pa nitong mag-uwi ng sa kan'ya para kinabukasan.

"Salamat, Lorence. Masaya akong nandito ka ngayon," nakangiting sabi ko. Totoo iyon. I'm glad that he's here. And even Thalia was glad that Lorence was there for her.

Ngumiti ang lalaki bago ako hinila para sa isang yakap. Kahit nagulat ay nagawa ko pa ring yumakap pabalik sa kan'ya.

"Happy birthday, Kristal. I'm glad that I found you again."

Masaya ako ngayong araw. This day was very special to me since it's my birthdate but Lorence made it more special because he's here.

Matapos kong maihatid sa labasan si Lorence, pumasok na rin ako sa loob para masimulan ang pagliligpit. Thalia was already sleeping. Mukhang napagod ito dahil naglaro sila kanina ni Lorence.

Kumunot ang noo ko nang tignan ko ang telepono at mapansing may limang missed calls ang isang hindi pamilyar na numero. Wala naman itong text kaya hindi ko kilala ang tumawag. Ang huling tawag nito ay ilang minuto pa lang ang nakararaan kaya hindi na ako nagtaka nang muli itong tumawag.

"Hello..."

"Kristal...." Kaagad na rumehistro sa akin ang may-ari ng boses.

Si Arjo.

"Anong kailangan mo?"

"Nasa labas ako ng bahay n'yo. Lumabas ka, kahit saglit lang."

Tututol pa sana ako pero kaagad itong nagsalita.

"Please, Kristal. Limang minuto lang, may ibibigay lang ako sa'yo."

Wala ng ibang pagpipilian, lumabas ako. Sumalubong sa akin ang malamig na simoy ng hangin at ang preskong pagkakasandal ni Arjo sa sasakyan nito.

"Limang minuto lang, Arjo." Sinulyapan ko ang pambisig na relo. "Simulan mo na."

Nagtaka ako ng buksan nito ang sasakyan saka inilabas ang 15 na mga regalo para ipakita sa akin.

"Ano ang mga 'yan?"

"Regalo." I glared at him. "Hindi ako nakikipag-biruan sa'yo, Arjo."

I heard him sighed. "Tingnan mo na lang."

Lumapit ako sa kan'ya at kinuha ang mga regalo. Isa-isa kong tiningnan ang mga birthday card sa labas ng mga ito. Nabigla ako nang makita na taong 2004 pa ang pinakamatagal sa mga iyon at ngayong taon naman ang pinakabago.

"2004? May regalo ako sa'yo noong 2004?"

He smiled at me. "Remember, when we first met? It was on year 2004. Simula noon, taon-taon akong bumibili ng regalo para sa'yo. Kahit pa... kahit pa noong magkasama tayo sa bahay."

Napabuga ako ng hangin at naguguluhang tumingin sa kan'ya. "Ano ba talagang kailangan mo? Bakit mo ba ginagawa 'to?"

Hindi siya sumagot. Kahit pa noong lumipas ang mahigit limang minuto, hindi siya nagsalita.

"Papasok na ako."

Kaagad ko siyang tinalikuran. Pero, bago pa man ako tuluyang makapasok sa gate, hinigit niya ako para sa isang yakap. He hugged me from behind.

"Pagod na ako, Kristal. Pagod na akong magpanggap."

You are reading the story above: TeenFic.Net