Chapter 17

Background color
Font
Font size
Line height

Ngumiti ako sa kan'ya habang magkasugpong pa rin ang aming mga mata. Matalim ang mga matang inirapan ako nito habang ipinagpatuloy ang pagmamaneho.

Napalingon ako kay Thalia nang hilahin nito ang suot kong damit. Nagtatanong ang mga mata niyang tumingin sa akin. Lumapit ito lalo upang bumulong sa aking kaliwang tainga.

"Mama, bakit po naaamoy ko ang pabango ni Dada doon po sa stranger na nagmamaneho ng car?"

Inginuso pa nito ang lalaking nasa harapan na kanina pa seryosong nagmamaneho at tuwid na tuwid ang tingin sa daanan. Napangiti ako sa anak bago inihilig ang anak sa akin.

"Matulog ka muna, baby. Magagalit lalo si Dada kapag makulit ka."

Namilog ang mga mata nitong nakatingin sa akin bago madiing ipinikit ang mga mata. Ilang saglit lang, naramdaman ko na ang pagbigat ng paghinga nito, tanda na malalim na ang tulog.

Masaya kong binalingan ang lalaking nagmamaneho. Mas lalo akong natuwa nang isa-isa nitong inalis ang suot na sumbrero, kulot na buhok at mahabang balbas.

"Enzo!"

Nagtaka ako nang itaas nito ang isang kamay na para bang pinapatigil ako sa pagsasalita.

"Mag-uusap tayo mamaya," saad nito gamit ang seryoso at kontroladong boses.

Natahimik ako. Hindi ko maintindihan ang inaasta nito ngayon. Hindi ko alam kung bakit mukha itong galit.

Gabi na nang makarating kami sa isang pamilyar na subdibisyon. Pumasok doon ang sasakyan namin at huminto sa tapat ng isang pamilyar na porma ng bahay na kahit sa panaginip ko hindi ko na inaasahang mapupuntahan ko ulit.

"Enzo?"

Bumaba ng sasakyan ang lalaki saka nagmamadali ang mga hakbang pinuntahan ang pintuang nasa tapat ko. Binuksan niya iyon saka yumuko upang kuhanin sa akin si Thalia.

Sumunod ako sa kan'ya nang pumasok ito sa loob. Hindi ko maiwasang tingnan ang kabuuan ng bahay. Wala pa rin kasi itong pinagbago simula noong umalis ako.

"Maghintay ka sa kwarto natin. Ihahatid ko lang si Thalia sa kwarto niya."

Sinunod ko ang sinabi nito. Tinahak ko ang pamilyar na pasilyo papunta sa isang pamilyar na kwarto.

Ang kwarto namin ni Enzo noon.

Wala ring pinagbago ang ayos nito. Naroon pa rin sa dingding at nakasabit ang larawan namin ni Enzo noong ikinasal kami. Ang mga nilagay kong mga litrato sa frame, mga accessories at mga souvenirs naming dalawa ay nakahanay pa rin sa isang gilid. Naragdagan lamang iyon ng mga bagong kuhang litrato.

Litrato namin ni Thalia.

Nagulat ako nang makita ang litrato ko noong ipinanganak ko si Thalia. Noong binyag nito, mga kaarawan naming dalawa at maging noong first day ng anak ko sa school. Kung titingnang mabuti ang mga larawan, mukha itong hindi nawalay sa amin ng matagal na panahon dahil sa mga ito.

Pumasok ako sa loob ng banyo at napangiti nang maamoy ang paboritong sabon ni Enzo. Inilibot ko ang tingin doon ngunit nagpasya ring lumabas kalaunan.

Bahagya pa akong napatalon nang makita ang nakatayong bulto ng lalaki sa gilid ng kwarto. Nakatalikod ito sa akin habang nakatanaw sa labas ng bahay.

"Enzo."

"Bakit, Kristal? Bakit mo gagawin 'yon? Dammit!"

Hinilamos nito ang mga kamay sa mukha bago unti-unting humarap sa akin. Matalim ang tingin nito sa akin ngunit hindi naitago ang pamumula ng mga mata nito.

"Enzo..."

"Sabi mo... sinabi mo..." Nabasag ang boses nito. "Sinabi mong mahal mo ako pero bakit? Hindi ko maintindihan!"

Nakikita ko ang halo-halong emosyon sa mga mata nitong nakatingin sa akin. Magkahalong sakit, galit at hinanakit. Hindi ko na matukoy.

"Gagawin ko 'yon kasi mahal kita! Hindi ko kayang makita kang ganoon. N-na wala man lang akong ginagawa."

Hindi ko na rin mapigilang umiyak sa harapan nito. Ibinalik nito ang tingin sa labas na para bang hindi ako kayang makita na nasa ganoong ayos.

"Sa tingin mo ba, hindi ko kayang magtiis sa loob ng kulungan, huwag lang kayong mawala sa akin? Walang-wala 'yon sa sakit na naramdaman ko nang malaman kong ikakasal ka sa gagong 'yon!"

Hindi ako nakapagsalita. Nasasaktan ako. Pero alam kong mas nasasaktan siya.

"Kristal, mahal kita. Ilan taon na akong nagtiis na wala kayo sa akin, hindi ko alam kung kakayanin ko pa kung..."

Hindi na nito naituloy ang sasabihin nang mabasag ang boses nito, tanda ng pag-iyak. Kaagad ko siyang nilapitan at niyakap.

"I'm sorry, Enzo. I'm sorry."

He just cried on my shoulder. Mahigpit ang yakap nito na para bang maglalaho ako kapag niluwagan niya 'yon.

Makaraan ang mahigit kalahating oras, naging kalmado na itong nakayakap sa akin. Ayaw ako nitong pakawalan kahit kanina pa ako nagpipilit.

"Huwag mo ng subukang ulitin 'yon, Kristal. I'm warning you, don't try me."

Natawa ako ng mahina sa sinabi nito.

"I love you."

"Yeah, said by the woman who was ready to marry another man just a while ago."

Kinurot ko ang tagiliran nito. Napaigik ito kaya napahiwalay sa akin.

"Hindi nga. Mahal kita, Enzo."

He smiled while looking directly on my eyes. Hinaplos nito ang pisngi ko.

"Mas mahal kita, Kristal."

Bago pa ako makapagsalita, sumalubong na sa akin ang malambot na labi nito. His kisses were soft and calm. Ilang sandali pa, nakita ko na lang ang sarili, sa ibabaw ng kama kasama si Enzo habang pinagsasaluhan ang mainit na gabing 'yon.

-

Lorence was admitted to a mental institution. Bigla na lang kasi itong sumugod sa amin habang may dala-dalang baril. Galit na galit ito dahil sa hindi ko pagsipot sa kasal. Mabuti na lamang at kaagad na nakaalerto ang mga guwardiya ng subdivision kaya nakatawag ng pulis. Balak pa sanang magsampa ng kaso ni Enzo kaya lang ay kaagad ding iniurong nang malaman ang kalagayan nito. Lulong ang lalaki sa droga na labis na nakaapekto sa pag-iisip nito.

Nalaman ko rin na iniurong pala ng matanda ang kaso nito laban kay Enzo kaya nakalabas na ng kulungan. Halos manlumo ako nang maisip na kung sakali man ay maloloko pala ako ni Lorence. Hindi ko lubos maisip kung paano ko inilagay sa kapahamakan ang buhay namin ng anak ko.

"Maiwan muna ako rito saglit. Kakausapin ko lang siya."

Kita ko ang pag-aalinlangan sa mga mata nito pero tumango pa rin kalaunan. Hinintay ko munang makalayo ang dalawa bago muling humarap sa puntod.

Sa puntod ni Arjo.

"Alam mo, ang daya mo. Sobrang patay na patay ako sa'yo noong kolehiyo, alam mo ba 'yon? Ganoon ka rin pala sa akin, bakit hindi ka umamin? Ayaw mo sigurong matali kasi alam mong wala ka ng kawala, 'no?"

Kunwari akong naismid habang nakatingin sa pangalan nito.

"Sabi nila, first love never dies. Bakit namatay ka?"

Bahagya akong natawa sa mga nasabi. Hindi ko alintana na magmukha akong baliw dito habang kausap siya. Alam ko kasing naririnig niya ako. Nakumpirma ko 'yon nang maramdaman ang malamig na hanging yumakap sa akin.

Hinaplos ko ang pangalan nitong nasa puntod. Bahagya ng maalikabok ito dahil matagal nang hindi nalilinisan.

"Hindi man lang kita naging asawa. Hindi ko man lang naramdaman kung paano ka magmahal."

"Kristal!"

Humarap ako sa pinanggalingan ng boses. Si Enzo. Kahit kailan talaga, napakaseloso nito!

Binalingan ko muli ang puntod upang titigan sandali bago tumayo na.

Arjo was the husband I never had, I thought. Pero, kung bibigyan man ako ng pagkakataong makapili sa kanila, walang pag-aalinlangan kong pipiliin ulit si Enzo.

My love for Enzo made me strong. At wala akong pagsisihan sa lahat ng nangyari.

Ngumiti ako nang magtama ang mga mata namin.

"Tara na, love?"

"Yes, love."

You are reading the story above: TeenFic.Net