Chapter 16

Background color
Font
Font size
Line height

Napaigtad ako nang bumukas ang pintuan. Pumasok doon si Lorence.

"How's your sleep?" he asked softly.

"Hmm, okay lang."

He nodded. Naglakad ito palapit sa akin at umupo sa upuang naroon.

"Kasal natin ngayon, Kristal. Aren't you happy?"

Hindi ako sumagot. Nakatingin lang ako rito at ganoon din naman siya sa akin. Umismid ito nang walang nakuhang sagot mula sa akin. Tiningnan nito ang relong-pambisig bago ako muling binalingan.

"Alas-diyes ang kasal natin. You have almost two hours to prepare. May pagkain na sa baba, kumain ka na."

Hindi pa rin ako nagsalita. Huminga ito ng malalim.

"Pagkatapos ng kasal natin, saan mo gustong mag-honeymoon? Mamayang gabi lang, asahan mong sa parehong kwarto na tayo matutulog. Sigurado akong matutuwa si Thalia, hindi ba? Matagal na niyang pinapangarap na magkaroon ng buong pamilya. Hindi ka ba masaya para sa kan'ya? Hindi ka ba natutuwa sa pamilyang bubuuin natin?"

Ngumiti ito, bakas ang saya sa kan'yang mukha. Ngunit kaagad din iyong napawi nang wala pa ring makuhang sagot mula sa akin. Nagulat na lang ako nang damputin nito ang isang vase at ibinato sa sahig.

"Dammit, Kristal! Huwag mong inuubos ang pasensiya ko!" Matalim niya akong tiningnan at bumalik sa kinauupuan kanina. "Kapag nagtatanong ako, sumagot ka!"

Nanginginig akong tumango. "S-sorry."

I heard him sighed. "Mauuna na ako sa munisipyo. Aayusin ko pa ang mga papeles natin. May susundong sasakyan sa'yo mamaya. Parating na ang mga tinawagan kong mag-aasikaso sa'yo. Maghanda kana."

"O-oo. Hihintayin ko sila."

Nakahinga ako ng maluwag nang tumayo na ito at dumiretso sa pinto. Bago makalabas, muli ako nitong binalingan.

"Huwag mong susubukang tumakas sa akin, Kristal. Dahil kapag ginawa mo 'yon, sisiguraduhin kong hindi lang si Thalia ang madadamay dito. Hindi lang sa kulungan ang balik ng gagong 'yon, ididiretso ko na siya mismo sa impyerno. Tandaan mo 'yan, Kristal. Huwag mong susubukang kalabanin ako."

Nanginig ang labi ko sa mga sinabi nito. Pinunasan ko ang mga nagbabadyang luha at bumangon na. Hindi lang sarili ko ang dapat kong isipin ngayon kungdi pati ang anak ko. Pareho kaming nasa poder ni Lorence ngayon dahil sa mali at padalos-dalos na desisyon ko.

Matapos mag-ayos, dumiretso ako sa kwarto ni Thalia. Nadatnan kong mahimbing pa ang tulog nito habang yakap-yakap ang isang unan. Napangiti ako. Hangga't nandiyan ang anak ko, magiging malakas ako.

Napagpasiyahan kong bumaba na muna habang tulog pa ang anak. Sumalubong sa akin ang dalawang kasambahay na mukhang katatapos lang maglinis. Takot ang mga itsura nito at parang may gustong sabihin sa akin base sa pagpapalitan nila ng tingin. Hula ko'y nakaalis na rin si Lorence kaya kahit papaano ay panatag ako.

Nginitian ko sila. "Kakain na po ako."

Sumunod sila sa akin nang naglakad ako papuntang hapag-kainan. May mga pagkain na nga. May dalawang platong naroon na para sa amin ni Thalia.

Hindi ko alam kung paano ko nairaos ang pagkaing 'yon. Bukod sa tutok na tutok sa akin ang dalawang kasambahay, hindi rin mawala sa isipan ko na maya-maya lang ay ikakasal na nga ako kay Lorence.

Kamusta na rin kaya si Enzo? Kung totoong nakalaya na nga ito, hinahanap niya kaya kami ng anak ko? Aaminin ko, umaasa akong darating siya. Hindi ko man alam kung paano pero umaasa kong maililigtas niya kami.

"Ma'am?"

Mula sa malalim na pag-iisip, napukaw ang atensyon ko nang may tumawag sa akin. Binalingan ko ito, iyon pa lang kasambahay ni Lorence.

"Bakit?"

May tiningnan ito sa labas bago tumingin sa akin. "Nandiyan na raw po 'yung mga mag-aayos sa inyo. Papapasukin ko na po ba?"

Tumango ako. Huminga ako ng malalim. Ito nga iyon, hindi na ako pwedeng umatras. Hindi na ako pwedeng tumakas.

Pumasok doon ang tatlong babae. Ang isa'y dala-dala ang mga susuotin ko, ang dalawa naman ay bitbit ang mga gamit pang-ayos. Trenta minutos lang raw ang ibinigay na oras sa kanila ni Lorence dahil nga'y maya-maya lang ay nariyan na iyong sundo ko.

"Ma'am, ang ganda! Bagay n'yo po iyong suot n'yo!"

Tiningnan ko ang sarili mula sa malaking salamin. Simpleng puting dress lang ang suot ko ngayon at inayusan ng kaunti ang mukha. Sinubukan kong pasiglahin ang itsura dahil sa mga papuring nakuha. Nginitian ko lamang sila bago nagpasalamat. Maging si Thalia ay handa na rin kahit pa panay ang tanong nito sa kung ano raw ba ang okasyon.

Ilang sandali pa, narinig ko na ang pagbusina ng isang sasakyan sa labas. Lumabas ang isa sa mga kasambahay at nakitang iyon na nga raw ang susundo sa amin.

Huminga ako ng malalim. Kailangan ko ng tanggapin at ihanda ang sarili ko. Hindi na ako pwedeng umayaw. "Tara na, baby?"

Inilahad ko ang kamay sa kan'ya upang sabay kaming lumabas. Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay nito kaya nagtatanong itong tumingin sa akin. Ngumiti lamang ako bilang sagot.

Isang itim na sasakyan ang sumalubong sa amin. Lumabas doon ang isang lalaki upang pagbuksan kami ng pinto. Ngumiti na lang din ako sa kan'ya dahil mukhang natulala pa ito nang makita kami. Mukhang bata pa iyong lalaki kungdi lamang sa kulot na buhok nito na natatakpan ng sumbrero at balbas nitong mahahaba.

"Mama, saan po tayo pupunta? Hindi pa ba tayo hinahanap ni Dada?"

Tumikhim ako. "Hmm, baby, ayaw mo bang maging dada si Tito Lorence?"

Hindi pa man nakakasagot ang anak ko nang biglang magpreno ang driver dahilan upang bahagya kaming masubsob sa upuan.

"Manong, magdahan-dahan naman kayo! Balak n'yo ba kaming patayin?"

Hindi ito sumagot at ipinagpatuloy lang ang pagmamaneho. Ibinalik ko ang tingin sa anak ko. Ganoon na lang ang pagtataka ko nang makitang nakatingin ito sa driver.

I held her hand tightly. "It's okay, baby. Nandito si Mama, huwag kang matakot sa kan'ya."

Tinanguhan ako nito pero nasa driver pa rin ang tingin. "Mama, uuwi na po ba tayo?"

"No, baby. Mamaya na ipapaliwanag sa'yo ni Mama, ah?"

"Opo."

Hinalikan ko ang pisngi nito, dahilan para mapangiti siya. Bahagya nga lang akong nagtaka nang mapansing wala pa kami sa destinasyon. Pakiramdam ko kasi'y kanina pa kami bumabiyahe. Tiningnan ko ang pambisig na relo at ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang makitang pasado alas-onse na.

"Manong, saan po tayo pupunta? Malayo pa ba tayo sa munisipyo?"

Nataranta ako nang hindi pa rin ito sumagot. Sigurado rin ako na hinahanap na kami ni Lorence. Wala naman akong dalang telepono kaya hindi ko matawagan ang lalaki.

"Manong!"

Ramdam ko na ang kaba at takot na baka anong magawa sa amin ni Lorence sa oras na makarating kami sa munisipyo. Lalo na ngayong mahigit isang oras na kaming huli sa itinakdang oras ng kasal.

"Manong! Wala pa po ba tayo? Pakibilisan naman!"

Galit kong binalingan ang driver. Handa na sa mga salitang bibitawan upang pagalitan ito nang magsalubong ang mga mata namin sa rearview mirror ng sasakyan.

The moment our eyes met, those eyes, those familiar eyes...

One thing is for sure...

I know, we're safe.

You are reading the story above: TeenFic.Net