Chapter 15

Background color
Font
Font size
Line height

Matapos ang tawag, hindi na ako nagtaka nang sunduin ako ni Lorence sa presinto.

Preskong-presko ang dating nito at abot-tainga ang ngiti pagkalabas pa lang ng sasakyan.

"Hop in. We have to talk."

Tinanguhan ko lang siya bago sumakay sa kan'yang sasakyan.

Mabigat ang pakiramdam ko habang nasa loob ng sasakyan. Hindi pa lubos matanggap ng isip ko na tuluyan na nga akong pumayag na magpakasal sa lalaki.

Nilingon ko si Lorence na abala sa pagmamaneho. Totoong ilang araw kong hindi sinasagot ang mga tawag nito dahil tutok sa kaso ni Enzo. Napansin kong mukhang puyat ito dahil lubog na lubog ang mga mata. Marahil ay dahil sa trabaho.

Maya't maya rin ang lingon ng lalaki sa akin na sasabayan pa ng pagngisi. Sa hindi malamang dahilan, nakaramdam ako ng takot. Hindi ko alam kung dahil ba sa itsura nito ngayon o sadyang may nag-iba lang sa awra nito.

"Pwede bang tumigil muna tayo sa isang tindahan? Bibili lang ako ng tubig."

Binuksan ko ang bintana sa tapat upang makalanghap ng sariwang hangin at para na rin maghanap ng mahihituang tindahan.

"Sa bahay ka na lang uminom. Malapit na rin naman tayo."

Napakunot ako ng noo sa sinabi nito.

"Sa bahay mo? Akala ko ba mag-uusap tayo?"

He hummed. "Sa bahay na lang para mas pribado."

Napakapit ako ng mahigpit sa kinauupuan. Bigla akong nakaramdam ng kaba.

"Hmm, si Thalia nga pala, baka hinahanap na ako. Iuwi mo muna kaya ako? Tatawagan na lang kita."

Nagulat ako ng hampasin nito ang manibela. Inihinto nito ang sasakyan sa gilid bago marahas na lumingon sa akin.

"Ang sabi ko, mag-uusap muna tayo. Naiintindihan mo ba 'yon, Kristal?"

Sa sobrang pagkabigla, hindi ko nagawang magsalita. Nanatili akong tahimik hanggang sa muli nitong paandarin ang sasakyan.

Wala ni isa ang nagbalak na umimik sa amin. Kahit pa noong huminto ang sasakyan dahil sa traffic.

Lumingon ako sa labas. Bahagya nga lang napaigtad nang maramdaman ang kamay ni Lorence na humahaplos sa hita ko.

"L-lorence..."

Pinalis ko ang kamay nito saka inilayo ang hita sa kan'ya.

"Bakit? Gagawin ko rin naman sa'yo 'yan kapag mag-asawa na tayo, ah? Huwag ka ng maarte."

Hinila nito ang hita ko at pinirma gamit ang isang kamay. Wala na akong nagawa kungdi hayaan na lang kahit naninindig ang mga balahibo ko sa mga haplos nito.

Huminto ang sasakyan sa isang pamilyar na bahay. Minsan na rin kaming nakapunta rito dahil naimbitahan na ng binata.

Naunang pumasok ang lalaki sa bahay kaya sumunod lang ako sa kan'ya. Diretso lang ang lakad nito hanggang sa makarating kami sa isang silid, sa kwarto ng lalaki.

"Magpahinga ka na muna. Kakausapin ko lang si Lincoln tungkol sa kaso ni Enzo. Babalikan kita mamaya."

Umiling ako. "Pwede naman ako sa bahay na lang magpahinga. Tawagan mo na lang ako kapag naayos na."

Inihilig nito ang ulo at itinuro ang kama. "Magpahinga ka na, Kristal."

Hinawakan niya ang braso ko upang igiya papuntang kama. Humiga na lang ako sa pag-asang aalis na nga ang lalaki. Kinumutan ako nito bago dumiretso sa pinto.

Pinakiramdaman ko ang sasakyan nito. Ilang sandali lang, nakarinig ako ng pag-andar ng sasakyan at pagbukas ng gate. Hudyat na sa akin iyon para umalis na. Balak kong tawagan na lang ang binata at sasabihing hinahanap na ako ni Thalia. Lumapit ako sa pintuan.

"Hindi pwede! Buksan mo ito, Lorence!"

Nakasarado ang pintuan mula sa labas. Kahit anong gawin kong pihit, ayaw nitong mabuksan.

Natakot ako para sa sarili. Kanina pa lang, ramdam ko ng may iba sa kan'ya. Hindi ko alam ang balak nito pero nararamdaman kong hindi ito maganda.

Kinapa ko ang telepono sa bulsa at naroon pa 'yon. Napamura na nga lang ako sa isip dahil konti na lang pala ang baterya nito. Kung gagamitin ko ay baka mamatay na ito. Inilagay ko iyon sa silent mode upang hindi marinig ni Lorence sakaling may tumawag man.

Binalikan nga ako ng binata makaraan ang ilang oras. Iyon nga lang, may kasama itong lalaki. Base sa itsura nito, mukhang ito na ang sinasabi ni Lorence na kapatid niya. Matalim kong tiningnan si Lorence. Samantalang, nilapitan naman ako ng isa pang lalaki.

"Hello, Kristal. I'm Atty. Lincoln Gonzales. Ako ang hahawak ng kaso ni Enzo."

Napukaw ang atensyon ko sa sinabi nito. Kinamayan ako ng lalaki bago ipinagpatuloy ang mga sinasabi.

"Base sa mga ebidensyang nakita ko sa presinto kanina, mukhang mahina lang naman ang kaso ni Enzo. Wala naman kasing matibay na ebidensiya laban sa kan'ya. Bukas na bukas lang, makakalaya na siya."

Hindi ko naitago ang tuwa sa mga sinabi nito. Kahit pa medyo kahina-hinala ang bilis ng aksyon nito, ang importante sa akin ngayon ay ang paglaya ni Enzo.

Napalingon kaming dalawa kay Lorence nang tumikhim ito.

"Ang usapan ay usapan, Kristal. Huwag mong kakalimutan 'yon."

Nakita kong kumunot ang noo ng kapatid nito.

"Anong usapan 'yan, kuya?"

"Wala ka na roon. Mabuti pa, umalis ka na."

Magsasalita pa sana ang lalaki pero itinuro na ni Lorence ang pinto. Naiwan kaming dalawa sa loob.

"Papunta na rin pala rito si Thalia. Pinasundo ko na siya. Bukas na lang 'yong mga gamit n'yo."

Galit ko siyang nilingon.

"Hindi kasama sa usapan natin ang ikulong mo ako rito! Mas lalong hindi kasama sa usapan natin si Thalia! Hindi ko pa nasasabi sa bata. Hindi ko siya pipiliting ituring kang ama gayong nariyan naman si Enzo para gawin 'yon. Uuwi muna kami ng anak ko!"

Nakita kong nagdilim ang mukha nito at balak na akong lapitan nang bumukas ang pinto. Iniluwa noon si Thalia na nagtatanong ang mga matang nakatingin sa akin.

"Mama?" Tumakbo ito palapit sa akin at yumakap. "Dito na raw po tayo titira? Kasama po ba si Dada dito? Baka hanapin niya tayo, Mama, kapag umuwi na siya."

Si Lorence ang sumagot sa mga tanong ni Thalia.

"Simula ngayon, ako na ang papa mo. Dito na kayo titira kaya huwag na huwag mo nang mabanggit ang pangalan ng gagong 'yon!"

Umalingawngaw ang boses ni Lorence sa buong silid. Mukhang natakot doon ang anak ko kaya mas lalong napakapit sa akin.

"Delia!" tawag ni Lorence sa kung sino. Pumasok sa kwarto ang isang babaeng hula ko ay edad trenta. "Pakisamahan na lang ang anak ko sa magiging kwarto niya."

Nagpumiglas si Thalia nang hawakan siya ng babae. Maging ako ay pinipigilan ito pero wala na ring nagawa nang hawakan ako ni Lorence.

"At ikaw naman, magpahinga ka na rin. Huwag ka ng magmatigas pa. Hindi ba't ito rin naman ang gusto mo? Maghanda ka, bukas na mismo ang kasal natin."

"Kasal pa kami ni Enzo kaya hindi pa tayo pwedeng ikasal, Lorence."

Ngumisi ang lalaki.

"Wala akong pakialam kung kasal ka pa sa kan'ya. Ang mahalaga sa akin ngayon ay ang ikasal tayong dalawa. Si Lincoln na ang bahala roon. Magaling siyang abogado kaya baka ilang araw lang, magagawan na niya ng paraan iyon. Bubuo tayo ng masayang pamilya ng magkasama, Kristal. Pinapangako ko 'yan."

Wala akong nagawa kungdi umiyak ng gabing 'yon. Umaasa na lang ako na hindi matutuloy ang kasal dahil nakarehistro pa ang kasal namin ni Enzo. Iyon nga lang ay nangagamba pa rin na baka magawan pa ng paraan ni Lorence dahil sa abogado nitong kapatid.

Nagising ako sa mainit na sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Napatingin ako sa telepono ko nang makitang umiilaw 'yon.

Sunod-sunod na rumehistro roon ang mga tawag at mensahe ng taong pinakagusto kong makita ngayon.

Si Enzo.

Enzo:

Where the fuck are you, Kristal?

Answer your phone, love. Dammit!

I'm worried. Please answer your phone.

Paanong natatawagan na niya ako gayong nasa kulungan pa ito? Hindi kaya.....?

Dali-dali akong nagtipa ng mensahe para sa kan'ya. Nabitawan ko ang telepono nang mamatay ito eksaktong pagkapindot ko ng send button.

Ako:

Ngayong araw ang kasal namin ni Lorence. Tulungan mo ako. Tulungan mo kami ng anak mo.

Isa na lang ang hiling ko ngayon.

Enzo, please save me. Save us.

You are reading the story above: TeenFic.Net