Chapter 13

Background color
Font
Font size
Line height

Arjo's mother died because of me.

Matapos sabihin ng doktor na hindi nito nakayang isalba ang buhay ng babae, nakaramdam ako ng panghihina. Sunod kong nakita ang paghagulgol ng asawa nito at pagsuntok ni Enzo sa pader.

Kasalanan ko 'yon, alam ko. But seeing Enzo now, with the pain evident on his eyes, I know that he's blaming himself.

Nalaman kong malala na pala talaga ang sakit ng matanda. Dalawang beses na itong inatake sa puso habang nasa ibang bansa kaya umuwi muna rito para magliwaliw. Nagpaalala na pala noon ang doktor na baka sa susunod na atake nito ay hindi na niya makayanan.

Sinadya talagang ilihim ni Arjo ang sakit sa mga magulang at ang papagpapalit nila ni Enzo. Ilang buwan pa lang mula ng lumipad siya papuntang America, nakahanda na 'yon hanggang sa sumunod si Enzo.

Napabuntong-hininga na lamang ako habang nakatingin sa kabaong ng matanda. Nasa tabi ko si Thalia na nakatulugan na ang pag-iyak nang malamang wala na nga ang lola nito. Hinaplos ko ang buhok niya bago inilibot ang tingin. Hinanap ng mga mata ko si Enzo na mula kanina'y hindi pa nagpapakita.

Binalingan ko ang matanda na nakaupo sa kabilang hilera ng mga upuan. Seryoso itong nakatingin sa kabaong ng asawa. Kung pagmamasdang maigi, alam kong galit ito. Kinuha niya mula sa bulsa ang telepono nang tumunog ito saka sinagot.

Mahina ang boses nitong kinausap ang nasa telepono. Base sa reaksyon niya, mukhang nagugustuhan nito ang sinasabi ng kausap. Ilang sandali pa, biglang napalakas ang boses nito kaya halos kami ay napatingin sa kan'ya.

"Huwag n'yong hahayaang makalabas ang kriminal na 'yan!"

Rinig ko sa boses niya ang pagtitimpi habang may kausap sa kabilang linya. Hindi alintana ang tingin ng naroon, ipagpatuloy nito ang pakikipag-usap. Ilang minuto pang nasa kausap ang atensyon nito bago ibinaba ang telepono. Nakita kong kumuyom ang kamay nito  at matigas ang ekspresyong ibinalik ang tingin sa asawa.

Napakunot ako ng noo sa sinabi nito. Sino kayang kriminal ang tinutukoy niya?

Iniwan ko sa isang kasambahay ang natutulog na anak saka nilapitan ang matanda. Umupo ako sa tabi nito.

"Pa..." Nilingon niya ako. "Ayos lang po ba kayo?" Hindi siya nagsalita pero tumango naman bilang sagot.

Panandaliang naghari ang katahimikan sa amin. Lumingon ako sa kan'ya upang basagin 'yon.

"Pa...sorry po. Hindi ko alam..." Nabasag ang boses ko nang sabihin 'yon. Hinawakan nito ang kamay ko kaya napalingon ako roon.

"Wala kang kasalanan, hija. Kung mayroon mang dapat sisihin dito, walang iba kungdi ang kriminal na 'yon!"

Ibinalik ko ang tingin sa kan'ya.

"P-po? Ano pong ibig n'yong sabihin?"

Hindi niya ako sinagot. Tumitig lamang ako sa kan'ya hanggang isang realisasyon ang pumasok sa isip ko nang makita ang pagngisi nito.

Si Enzo!

Kaya ba hindi ko makita ang lalaki mula pa kanina?

"Pa, huwag niyong sabihing... Ipinakulong n'yo po ba si Enzo?!"

Mas lalo ko pang nakumpirma ang hinala nang makita ang pagkuyom lalo ng kamao nito. Napailing-iling ako. Hindi maaari!

Kaagad kong kinuha mula sa bag ang telepono at tinawagan ang numero ni Enzo.

Ilang beses kong dinial ang numero nito pero walang sumasagot. Hindi na ako mapakali sa kinauupuan.

"Tessa, ikaw muna ang bahala kay Thalia. May pupuntahan lang ako."

Tumango ito bilang sagot. Binalingan ko ang matanda at nakitang nakatingin pa rin ito sa akin. Umiling ito, matigas pa rin ang ekspresyon.

Hindi pa rin ako nagpapigil. Hahanapin ko si Enzo kahit saan pang presinto ito nakakulong. Kung siya man ang sinisisi ng matanda sa pagkamatay ng asawa, hindi pa rin 'yon sapat na dahilan para ipakulong siya. Hindi ito ginustong mangyari ni Enzo at lalong walang kasalanan ang lalaki sa nangyari.

Una akong tumigil sa pinakamalapit na presinto. Maswerte na lang nang makitang nandoon ang lalaki.

"Enzo!"

Bakas ang gulat sa mata nito nang makita ako. Ngunit, napalitan din iyon ng kaseryosohan, kalaunan.

"Anong ginagawa mo rito? Umalis ka na, Kristal. Hindi ka nababagay sa lugar na ito."

Umiling ako. "Enzo naman, eh!"

Nalaman kong kasong identity theft ang isinampa laban sa kan'ya dahil sa pagpapanggap umano nito bilang si Arjo at kasong pagpatay din umano sa lalaki.

Wala namang papeles na maipakita sa kanila si Enzo para patunayang plano nilang magkaibigan 'yon. Basta nagkausap lang daw ang dalawa at hindi na ipinaabot pa sa abogado.

Ang mas malala pa rito, hindi hinayaang magpiyansa si Enzo. Nagbanta rin ang matanda sa mga abogadong tutulong sa kan'ya. Wala ring nagawa ang mga sekretarya ng lalaki para tulungan ang amo.

Nilapitan ko si Enzo na nakaupo sa tabi ng rehas.

"Ilalabas kita rito. Gagawa ako ng paraan."

Inabot niya ang kamay ko mula sa loob. Hinawakan niya ito ng mahigpit nang maramdaman ang panlalamig at panginginig ko.

"Love, calm down. Okay lang ako. You have to rest. Huwag mo na lang pagurin pa ang sarili mo. Hayaan mo na lang muna ako rito. After all, I think I deserve this."

I glared at him.

"Anong hayaan kita ang sinasabi mo?! Ilalabas nga kita riyan!"

Napatawa ito ng bahagya sa kabila ng nakikita nitong inis ko sa kan'ya.

"Chill ka lang. Papangit ka niyan."

Hindi ko pinansin ang sinabi nito.

"Paano si Thalia, ah? Anong sasabihin ko sa anak mo kapag hinanap ka niya?"

Biglang lumambot ang ekspresyon ng mukha nito.

"Pwede bang huwag mong sabihin sa kan'ya ito? Huwag mo siyang isasama rito. Ayaw kong makita niya akong nasa ganitong sitwasyon."

Nakaramdam ako ng lungkot sa sinabi nito. Mas hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya.

"Kaya nga kailangan mo nang lumabas diyan. Paano ako? Sinong katabi kong matutulog?"

"Yakapin mo na lang muna ang unan ko. Saka na lang ako babawi kapag nakalabas na ako. Higit pa ro'n ang gagawin natin."

Tinampal ko ang kamay nito. "Tse!"

Pasado alas-kwatro nang palabasin ako. Sobra na raw kasi ako sa kalahating oras na pagbisita.

Wala rin akong nagawa kungdi ilapit sa PAO ang kaso ni Enzo. Ang problema nga lang ay marami rin palang nakapila roon para humingi ng tulong kaya tiyak na matatagalan pa.

Bumuntong-hininga ako, nawawalan ng pag-asa. Napaigtad ako nang tumunog ang telepono mula sa bulsa.

Si Lorence.

"Hey, Kristal. How are you? You're not answering my call these past few days."

"Hmm, pasensiya na. Medyo naging busy lang."

He just hummed. Ibababa ko na sana ang tawag nang may ideyang pumasok sa isip ko.

"Lorence, may kilala ka bang abogado?"

Bahagya itong natahimik sa kabilang linya.

"Actually, Kristal, my brother is a lawyer."

Nabuhayan ako ng loob sa sinabi nito. Kaagad kong ikinuwento sa kan'ya ang nangyayari kay Enzo. Nakikinig lang naman ito sa akin at paminsan-minsan ay nagtatanong.

"Hmm, matutulungan kita."

"Talaga?!" Hindi ko naitago ang saya sa boses ko.

"Yes. Pero sa isang kondisyon."

Kumunot ang noo ko. Nakaramdam ako ng kaba sa sinabi nito pero nagawa pa ring magtanong. "A-ano?"

"Papayag lang akong tulungan ang lalaking 'yon kung hihiwalayan mo siya at magpapakasal ka sa akin, Kristal."

You are reading the story above: TeenFic.Net