Chapter 11

Background color
Font
Font size
Line height

Matalim ang tingin kong binalingan siya.

"Stop it, Enzo. Hindi pwede 'yang iniisip mo. Nasa taas lang ang anak mo."

He raised his brows innocently, but a ghost smile appeared on his lips.

"I didn't say anything, love. Ikaw lang ang nag-iisip ng gan'yan."

Pinamulahan ako sa naging sagot niya. Hindi ko tuloy naiwasang abutin ang mga sofa pillow na nasa tabi at ibinato sa kan'ya. Seriously? Ako pa talaga ang nag-iisip ng ganoon?

"Umuwi ka na!"

Naglakad siya papalapit sa akin kaya muli kong itinaas ang mga unan at akmang ibabato sa kan'ya.

"Bakit ka nagagalit, huh? Sabihin mo lang, gusto mo ba?"

"Bwiset ka! Ako pa ngayon ang may gusto, ah?"

He just laughed. "Ang cute mo talagang magalit."

"Umuwi ka na lang. Hindi ka pwede rito. Darating si Lorence, bukas.

He stopped laughing. The humor on his face was gone, then immediately changed into a serious aura.

"Then, the more I need to be here. Hindi ko hahayaang angkinin kayo ng gagong 'yon!"

Hindi na niya hinintay pa ang sagot ko. Bagkus, dire-diretso itong umakyat sa taas.

"Enzo!" Hindi niya ako pinakinggan.

Napasapo ako ng noo. Saan ko naman kaya patutulugin ang lalaking 'yon?

Isang oras ang nakalipas nang maisipan kong hanapin siya. Balak kong sa sala na lang ito patulugin. Hindi naman pwedeng sa kwarto ni Thalia dahil maliit lang ang kama nito. Mas lalong hindi pwede sa kwarto ko, hindi ako papayag.

"Enzo, nasaan ka?"

Una kong pinuntahan ang kwarto ni Thalia, baka naisipan nitong siya na ang magpatulog sa bata pero wala siya roon. Nagmamadali akong tumungo sa kwarto ko at nakita siyang prenteng nakahiga na sa kama ko.

"Hindi ka pwede riyan!"

He just hummed. Inilibot ko ang tingin. Napansin kong wala itong pang-itaas na suot kaya hindi na nagtaka nang makitang nasa lamesa ang damit nito. Pero, ang labis na nagpagulantang sa akin nang makita rin ang pantalon nito. Then, a realization hits me. Enzo used to sleep with only boxers on. Hindi naman problema sa akin 'yon dati pero iba na kasi ngayon.

"Enzo! Sa sala ka matutulog!"

Bumangon siya mula sa pagkakahiga.

"And why not here?"

Umismid ako. "Basta. Hindi pwede."

"Mag-asawa tayo, Kristal. Normal lang na magkatabi tayo sa higaan."

Napabuntong-hininga ako, wala nang magagawa pa.

"Kailangan may space pa rin sa pagitan natin. Bawal kang lumagpas."

Inilagay ko ang isang unan sa pagitan namin. Tiningnan niya lang iyon bago muling bumalik sa pagkakahiga.

"Maligo kana para matulog na tayo."

Inismiran ko lang bago pumasok sa banyo. Ang kapal!

Madilim na ang silid nang lumabas ako. Tanging ang lampshade na lang kasi sa tabi ko ang nakabukas.

Pinagmasdan ko si Enzo. Pikit na pikit na ang mga mata nito, tanda na malalim na ang tulog. Nasa ulunan nito ang isang kamay habang nasa tiyan naman ang isa.

Pinatay ko ang lampshade saka na humiga sa tabi nito. Sinadya kong talikuran ang lalaki sa takot na hindi makatulog.

Ilang sandali lang, naramdaman kong gumalaw siya. Unti-unti nitong iniyapos ang isang kamay sa baywang ko.

"Enzo, anong ginagawa mo? Matulog ka na."

Hindi ito nagpatinag. Inalis niya ang unang nakapagitan sa amin saka mas lalong lumapit. Hinapit niya ako palapit sa kan'ya.

Napitlag ako nang maramdaman ang kan'yang hininga sa batok. Inamoy-amoy niya iyon pagkatapos ay hinalikan naman ang puno ng aking tainga.

"Enzo!"

Pilit kong inilayo ang sarili sa kan'ya pero mas lalong humigpit ang yakap nito.

"Promise, I won't do more. I just missed you."

Hinayaan ko lang siya sa ginagawa. Aminin ko man kasi, sobrang komportable rin ako sa ibinibigay na init nito sa likod ko.

"I really miss hugging you. I really miss having you this close."

'Yon ang paulit-ulit na binubulong niya sa akin. Unti-unti akong dinapuan ng antok pero bago pa man magsara ng tuluyan ang talukap ng aking mga mata, narinig ko ang mga sinabi niya.

"Good night, love. I love you so much."

The next day, I woke up feeling light. Bigla ko nga lang naramdaman ang mabigat na brasong nakadagan sa akin. Mahimbing pa rin ang tulog nito. Pansamantala kong tiningnan ang mukha nito. Ano na kaya ang mukha ni Enzo matapos ang ilang taon?

"Done eyeing me?"

Napairap ako bago bumangon. Kailangan ko pang magluto para sa almusal namin ni Thalia.

"Lilipat na kayo bukas sa bahay. Nagpahanda na ako ng sasakyan para sa mga gamit n'yo."

Tumango ako.

Bumili nga talaga ng bagong bahay si Enzo. Bukod sa maganda ang lugar, malapit lang  din sa eskwela ni Thalia. Masaya pa nga ang bata dahil sa wakas daw ay magkakasama na kami. Napangiti na lang ako. Mukhang tama naman pala ang mga desisyon ko.

"Your lolo and lola will be here next week. Dito muna sila titira. So, be a good girl, okay?"

"Yes, mama." Tinapik ko ang ulo nito nang biglang maalala ang bilin sa akin ni Enzo.

"Hmm, one more thing, baby, your Dada's name is Arjo. Iyon muna ang pangalan niya habang nandito sila, okay?"

Nangunot ang noo nito. "Hindi po ba Enzo ang name niya, mama?"

"Yes, baby. Pero, papalitan muna natin 'yon habang nandito sila. And also, don't tell them that we didn't live with Dada for how many years, okay? Si mama na ang magsasabi noon."

"Opo."

Aaminin ko, kabado ako nitong mga nakaraang araw. Habang papalapit kasi ang pagdating nila, hindi ko maiwasang mangamba. Minsan ko lamang silang nakita at iyon ay noong kasal pa namin. Hindi ko alam kung paano sila patutunguhan.

Araw ng miyerkules nang sabihan ako ni Enzo na pabiyahe na raw ang mga ito papunta rito. Sinadya kong hindi papasukin si Thalia para salubungin sila.

"Relax, love."

Ilang sandali pa, dumating na ang mga ito. Kaagad akong ngumiti bago sila sinalubong ng yakap. May katandaan na ang mga ito pero bakas pa rin ang pagiging elegante sa mga awra nila.

"Kristal, hija, long time no see."

"Oo nga po, ma. Matagal na rin tayong hindi nagkausap."

Ngumiti ang matanda. "Don't worry, sweetheart, we have a lot of time for chitchats."

Matapos kumain, napagpasyahan ng mag-ama na maglaro ng chess. Isinali ng mga ito si Thalia kaya naiwan ako sa tabi ng babae.

"Balita ko'y nalugi raw ang kompanya n'yo? We're really sorry, hija. We didn't know."

"Okay lang, ma. Maayos pa rin naman po kami ngayon."

Pinigilan ko ang sarili. Hindi ko naman pwedeng sabihin na ang anak nito ang nagpabagsak sa amin, hindi ba?

Panandalian kaming natahimik. Pinanood lang  namin ang masayang tawanan ng mag-aama.

"I'm really happy for Arjo. Masaya akong nakilala ka niya."

Ngumiti lang ako.

"Akala ko talaga, hindi ko na siya makikitang gan'yan. He was really devastated when Enzo died."

Napawi ang ngiti ko ng marinig ang sinabi niya.

"Po? E-enzo died?"

Mukhang nagulat pa ang matanda sa sinabi ko.

"Hindi ba sinabi sa'yo ni Arjo? Enzo died years ago because of heart failure."

You are reading the story above: TeenFic.Net