26

Background color
Font
Font size
Line height

Nalaglag ang panga ko roon. Anong pushing him away?! Saan naman niya nakuha iyon?! Never 'yong sumagi sa isipan ko! The heck?! 

@iamnami:
Maverick, hindi kita pinu-push palayo

@iamnami:
Saan mo naman nakuha 'yan???

@iamnami:
But, I'm sorry kung ayon ang dating sayo

@iamnami:
Pero Mav, hindi kita pinalalayo

Ilang minuto na ang lumipas pero wala pa rin siyang tugon pero online siya. Iniisip niya talaga iyon?! At galit siya?!

Hindi ko naman siya pinalalayo!  Kaya ko lang naman ginagawa 'yon because naiirita ako!

Iritang-irita.

Naiirita ako na may nagpapapansin sa kaniya! At ang mas nakakainis pa, Alisha is way better than me.

Is this what they call 'jealousy'?

I don't know how to express, and  communicate my feelings—I don't even acknowledge it!

Kaya ganoon ang chats ko sa kaniya—umasa akong mage-gets niya ang pinahihiwatig ko... na I'm jealous.

Ay ewan!

Mawawala rin naman 'yang tampo niya kuno. At kung magkita man kami sa school bukas, edi, magso-sorry, at magpapaliwanag ako.

Ang poproblemahin ko na lang ay kung paano ko ipapaliwanag kay Maverick kung bakit ako naiirita.

Hindi ko naman p'wedeng sabihing nagseselos ako dahil baka isipin niyang gusto ko na siya.

Ayokong isipin niya iyon hangga't hindi pa talaga ako siguradong-
sigurado sa nararamdaman ko.

"Nami, ano bang ginagawa natin dito?" tanong sa akin ni Noah.

"Basta!"

Kasalukuyan kaming nasa garden dahil hinhintay ko si Maverick—dito kasi siya tumatambay tuwing recess, at lunch, e.

Kaming dalawa ang nandito ni Noah since absent si Katelyn, may sakit.

Binalot kami ng katahimikan. Ako naman ay nagpatuloy sa pag-iikot ng tingin upang hanapin si Maverick.

"I guess this is the perfect timing." Rinig kong bulong ni Noah.

Hind ko siya pinansin, at nagpatuloy sa paglinga-linga.

"Nami, I have something to tell you—"

"Mav!" Tumayo ako, at naglakad patungo sa kaniya ngunit nang makita niya ako ay bigla siyang nag-iba ng daan.

Bumagsak ang balikat ko dahil doon. Nagtatampo talaga siya? So, ayon talaga ang nasa isip niya?

"Nami?" Naramdaman ko sa aking likuran si Noah. "May problema ba?" Sinilip niya ang aking mukha saka ang path na pinuntahan ni Maverick.

Nagpakawala ako ng mabigat na buntong-hininga. "Hayaan mo na nga." Bahala siya sa buhay niya. "Ano nga palang sasabihin mo?"

"Wala. Nakalimutan ko na, e." He pressed his lips into thin line.

"Para kang sira! Ambilis mo naman makalimot!" Hinampas ko ang braso niya na ikinatawa niya lang.

Ang dami-dami ko na ngang iniisip, dumagdag pa siya! Bwisit din, e.

Inakbayan niya ako bago kami bumalik sa classroom. Nakakain na kami ng snacks habang naghihintay kaya hindi na kami dumaan sa canteen.

Ang next period ay vacant since may ginagawa ang teacher namin. Pinayagan naman kaming mag-cellphone, at magchika-han.

Gusto ko sanang maki-chika kay Noah pero may ginagawa siya kaya napagdesisyunan kong mag-cellphone na lang. 

Binuksan ko ang Instagram ko, at nagtungo sa messages. Kumunot ang noo ko nang makitang hindi pa rin vini-view ni  Maverick ang chat ko.

Kaagad kong chineck ang account niya para makita kung naka-follow na siya kay Alisha. Nakahinga ako nang maluwag nang makitang ako pa rin ang natatanging fina-follow niya.

Mabuti naman.

Pagdating sa bakanteng room kung saan kami gumagawa ng decorations ay walang kahit anong sign ni Maverick.

May piano class yata.

Nami:

Noah, punta tayo kay Katelyn bukas a!

Nami:
Ipinagluto siya ni Mama ng sopas

Noah:
Bakit siya lang may lugaw???

Nami:
Bakit?! May sakit ka ba? 🤨🙄

Nami:
Pero sige, ipagbabalot kita basta samahan mo 'ko bukas 🤬🤬🤬

Ayokong mag-isang pumunta roon kila Katelyn dahil sa maraming dahilan.

Una, may sakit si Katelyn, meaning hindi niya ako gaanong ma-e-entertain, at machi-chika. Ang gara naman kung mag-isa lang ako salita nang salita roon.

Ikalawa, si paasa. Nabubwisit sa kaniya.

At lastly, si STEM guy. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya vini-view ang chats ko! At kahit sa school, iniiwasan niya ako! Tatlong araw na simula no'ng nag-away kami pero nagtatampo pa rin siya. Ano 'yan, nagpapasuyo?!

Aynami Cervantes shared a post.

Manukan sa tapat ng bilibid
Ano ba, di mo ba talaga ko     papansinin hahayaan mo na lang ba kong mamatay dito

"Uy, Katelyn, ano, ayos ka na ba?"

"Yup! Back to normal na ang temperature ko. Makakapasok na 'ko sa Monday."

"Mabuti naman. Wala akong kadaldalan sa room!" Pinisil ko ang pisngi niya.

"Nga pala, bakit kayo nandito?"

"Malamang, to check up on you!" singit ni Noah bago kumuha ng piraso ng popcorn. Manonood kasi kami ng movie ngayon, e. Mean Girls ang panonoorin namin.

"Talaga lang, huh?" Makahulugang bumaling sa akin si Katelyn. Hindi ko maiwasang mag-iwas ng tingin.

Sa kalagitnaan ng movie ay naramdaman ko ang pagtawag ng aking bladder kung kaya't nagpaalam na ako para mag-cr.

Ayon kay Katelyn, may problema pa rin daw ang cr nila sa baba kung kaya't wala akong choice kundi mag-cr sa second floor.

Déjà vu?

Pumasok ako sa cr, and did my thing. Naghugas ako ng kamay pagkatapos.

Saktong pagkalabas ko sa banyo ay ang paglabas din ng kung sino mula sa kwarto.

Naramdaman kong bumilis ang takbo ng puso ko nang makita ang mukhang iyon ngunit paunti-unti rin iyong bumalik sa dating bilis nang bumaling ako sa mata ng taong kaharap ko ngayon.

Kendrick.

"Nami..." He gulped. "It's Kendrick." I know.

"Hello?"

Wala na akong ibang nararamdaman ngayong kaharap ko siya bukod sa dismaya. Akala ko talaga si Maverick na.

"Can we talk?"

Ilang segundo ang tinagal bago ako tumango.

"I just want to say sorry. Sa pagpapaasa ko sa'yo. And alam kong may idea ka na rin kahit papaano tungkol doon—lalo na kung nabanggit din sa'yo ni Maverick ang naging argument namin last time."

Nag-away sila?

"I'm really sorry, Nami. Ginawa ko lang ang mga iyon just to annoy Maverick... at alam ko ring kahit papaano, you blamed yourself sa pag-asa mo, but, Nami, it's all my fault. Lahat ng iyon, intentional. Intention kitang paasahin, at mas lalong pa-in love-in."

"I-It's okay. A-Ayos lang, wala kang dapat ipag-alala." I pressed my lips into thin line.

Actually, wala na akong pakielam sa mga nangyari, at sa kung anong naramdaman ko para sa kaniya noon.

But, I appreciate his apology kahit hindi naman na talaga kailangan.

"Sa totoo lang matagal na akong may pakiramdam na you like me, at nakumpirma ko naman 'yon. Kaya nga ako nagpapansin para paasahin ka kasi gusto ko ngang inisin ang kambal ko na matagal nang may gusto sa'yo."

Matagal na siyang may gusto sa akin?! Kailan?! Paano?!

"But I realized na sobrang foul ng ginawa ko kasi he genuinely, and sincerely adores you.

Halatang-halata sa kaniya iyon since last month. Laging may kakaibang spark ang mga mata niya. Nagsimula na rin siyang mag-open up. Lagi ko siyang nahuhuling nakikipagkuwentuhan kay Katelyn, and I'm one hundred percent sure na ikaw ang topic nila."

"Really...?"

"Yup! Gusto ka na niya noon pero mas ginusto ka niya noong naging close na kayo." Tumawa siya. "Sorry ulit, a. And thank you."

"Ayos lang talaga, Kendrick." Ngumiti ako para mas mapanatag siya.

"Do you like him, too?" I remained silent, but he let out a chuckle—tila mas sigurado, at alam pa niya ang nararamdaman ko kaysa sa akin.  "Kapag talaga kayo ang nagkatuluyan, dapat ako ang best man, a."

Nanlaki ang mga mata ko roon. Saan naman nanggaling iyon?! Hindi nga ako pinapansin ng kambal niya! At hindi rin ako sigurado sa nararamdaman ko para kay Mav!

"Uy, saan mo naman nakuha 'yan?!" Hindi na namin napigilang matawa.

"Siyempre, kung hindi naman dahil sa account ko na hinack niya, hindi kayo magiging close 'di ba?"

Mas lalo akong natawa nang maalala ang tungkol sa account na iyon—ang mga chat ko sa kaniya, ang convo namin ni Maverick, at ang mga hiyaw, at tili na crineate ko dahil sa kilig.

"Malabo talaga 'yang sinasabi mo!" Napatakip ako sa aking bibig nang maramdamang dumoble ang init ng aking pisngi.

Natigil lang kami sa pagtawa nang bumukas ang pinto na malapit sa pwesto namin. Iniluwa noon si Maverick...

Bumaling siya sa amin—sa akin.

We made eye contact for a couple of seconds bago siya bumalik sa kwarto niya.

Walang kahit anong spark ang mga mata niya—pero may emosyon iyong hindi maintindihan.

Mav...



You are reading the story above: TeenFic.Net