04

Background color
Font
Font size
Line height

Medyo malapit lang ang faculty mula sa room–ilang room lang mula sa amin kung kaya't onting lakad lang ay naroon na ako.

"Ay put—" Hindi ko napigilan ang dila ko nang saktong pagkapasok ko ay may sumalubong sa aking kung sino. At hindi basta salubong iyon—muntik pa kaming magkabungguan! "Sorry po!"

Nanlaki ang mga mata ko nang sa aking pag-angat ng tingin ay si Kendrick ang bumulaga sa akin.

Imbes na sagutin ako ay tinaasan niya lang ako ng kilay.

Ay, hindi pala si Kendrick 'to. This guy is Maverick!

Ang isa sa pagkakaiba ng kambal ay ang kanilang aura, at vibes na nira-radiate.

Mabigat ang aura ni Maverick habang ang kay Kendrick naman ay sobrang gaan.

Sa sobrang gaan ng aura ni Kendrick, kahit tarayan o taasan ka pa niya ng kilay, hindi mai-intimidate because you know na he's harmless, and just probably joking, and playing around.

On the other hand, si Maverick naman, simpleng tingin pa lang ay kinikilabutan ka na. He has this 'doberman' aura which makes him intimidating—sobrang kabaligtaran sa kapatid niyang 'golden retriever'.

Kaya mas maraming may gusto kay Kendrick, e.

Gaya nga ng sabi ko, pagdating kay Maverick, imbes na kiligin ang admirers niya, matatakot lang ang mga 'yon.

"Sorry po ulit, and good morning!"

"Good morning, too, Nami," he stated with a weary tone before he left.

Nagtungo na ako sa table ni Ma'am Suarez, at sinimulang hanapin ang pinakukuha niyang clipboard. Sa kalagitnaan ng aking paghahanap, bigla kong naramdaman, at nakita sa peripheral vision ko na may nagtungo sa tabi ko. May hinahanap din sa table ng ibang teacher.

I screamed at the back of my mind nang mapagtantong pamilyar ang pabangong pagmamay-ari ng nasa gilid ko.

I turned around to confirm my guess, and shit, it's Kendrick! Tama ang hinala ko!

As usual, kitang-kita kung gaano kaayos ang pagka-plantsa ng uniporme niya, at ang ayos ng buhok niya. Ang bango-bango rin!

Malakas ang amoy ng pabango niya pero hindi masakit sa ilong. Pati rin ang shampoo niya ay naaamoy ko rin dahil sa maliit naming distansiya.

"Oh hey, Nami!"

"H-Hello!" I secretly closed my right fist to remind myself to calm down. Ang lapit niya sa 'kin!

"May pinahahanap din sa'yo ang teacher mo?" Sumilay ang isang matamis na ngiti sa kaniyang labi dahilan upang bahagyang maglaho ang kaniyang mga mata.

Ang cute talaga niya ngumiti!

His smile is, and will always be my favorite. Nakahahawa ang ngiti niya, tuloy, ang puso ko nagwawala na sa kilig.

Kung nakamamatay lang ang ngiti niya, limang beses na akong nai-reincarnate.

"A, oo. Si Ma'am Suarez."

"Good luck sa paghahanap." He let out a small chukle. "Nahanap ko na ang pinahahanap sa akin." Ipinakita niya ang isang lesson plan. "Mauuna na 'ko, Nami."

Ay, sayang. "Hm, okay! Ingat!"

Napamura ako sa isip nang mapagtanto ang sinabi. Ingat?! Saan? Para saan? Nasa school kami, at ilang metro lang ang layo ng room naming dalawa!

Muli siyang ngumiti bago ako tinalikuran. Ako naman ay binalik na ang atensyon sa pinapahanap sa akin.

Wala pang isang minuto ay nakita ko na kung ang ipinapahanap sa akin. Umalis na ako kaagad sa faculty, at naabutan ko pa nga si Kendrick na pumapasok sa room niya.

Magkakapareho kaming nasa Grade 10–kaming tatlo nina Noah, at Katelyn, at ang kambal kahit pa mas matanda sila ng isang taon.

Na-late silang magkambal sa pagsisimula ng pag-aaral since hinintay pa nila si Katelyn, gusto kasi nilang magkakasabay sila.

After class ay hindi muna ako nakisama sa gala nina Noah, at Katelyn. Wala ako sa mood maggala, e. Baka kapag pinilit kong sumama, mag-iinarte lang ako nang mag-iinarte—masisira ko pa ang gala nila.

Umuwi na lang ako, at nagbabad sa social media. Wala naman kasi kaming assignment.

"Naks..." bulong ko sa sarili nang story ni Kendrick ang bumungad sa 'kin pagka-open ko ng Instagram. Kaagad ko iyong clinick.

Picture nila iyong magto-tropa. Nasa basketball court sila ngayon, at halatang katatapos lang maglaro dahil sa pawis.

Wala ka bang tagapunas ng pawis? Available kasi ako.

Tiningnan ko isa-isa ang mga kasama niya; kung sino ang lagi niyang kasama maglaro, ayon pa rin.

Wala roon ang kambal niya.

Well, magkaiba naman kasi sila ng hilig. Isa pa, nagkaiba sila ng section kung kaya't magkaiba rin ng tropa.

Nag-switch ako sa dump ko para mag-myday ng 'patama'—siyempre, para kay Kendrick.

Tumaas ang kilay ko nang mabasa ang nasa note ng isang account ni Kendrick.

kendrickisaiahn:
cute

Nag-reply ako.

Tumatapang ako ngayon, e. Isa pa, ngayon pa ba 'ko mahihiyang magpapansin? Pagkatapos niyang mabasa labat ng mga chat ko sa kaniya sa mga nagdaang buwan? Sus!

Isa pa, hindi naman niya 'ko kilala. Wala akong dapat ipag-alala.

notyourcinthia:
para sa 'kin ba 'yan???

Napangisi ako nang viniew niya iyon kaagad.

kendrickisaiahn:
funny, haha

kendrickisaiahn:
idk ; )

notyourcinthia:
May iba ka pa bang alam bukod sa ‘idk’??? 🙂👍

kendrickisaiahn:
meron naman, paasahin ka

Nalaglag ang panga ko roon.

What the?! Baliw ba 'to? Nakahithit? May sakit? Bakit ba ganito ang reply niya?! Parang tanga?!

I didn't know na may side pala siyang ganito. Oh, Kendrick, andami ko pa rin talagang hindi alam tungkol sa'yo kahit pa almost five years na kitang gusto.

You never fail to surprise me.

notyourcinthia:
????????????????????

kendrickisaiahn:
just kidding.

notyourcinthia:
ge, ayos lang, lagi naman akong pinapaasa e

kendrickisaiahn:

sorry to hear that : (

kendrickisaiahn:
i'm sad, look

*sent a photo

notyourcinthia:
Baliw HAHHAHAHA


kendrickisaiahn:
you're crazier.

kendrickisaiahn:
tingnan mo nga mga pinagcha-chat mo sa 'kin.

notyourcinthia:
Kalimutan mo na 'yang mga 'yan! Last year pa 'yan!


kendrickisaiahn:

Really? It's only been a couple of days since New Year, lol

notyourcinthia:
Sinapian lang talaga 'ko sa mga panahong 'yan. PAST IS PAST


kendrickisaiahn:
so does that mean that you don't like me anymore?

Napalunok ako sa chat niyang iyon.

Tila siya ang sinasapian ngayon. Bakit naman may pa-ganiyan? Nakakagulat naman! Nambibigla si idol! Hindi ako ready! Sandali lang!

Ilang minuto ang tinagal bago ko iyon ni-reply-an.

kendrickisaiahn:
ang tagal, a.

notyourcinthia:
eto na po 👍

notyourcinthia:
Kung hindi na ba kita gusto sa tingin mo magre-reply ako sa note mo???

notyourcinthia:
Ang slow mo naman masyado. hmp!


kendrickisaiahn:
okay, okay haha.

kendrickisaiahn:
chill, m'lady.


You are reading the story above: TeenFic.Net