Chapter 21

Background color
Font
Font size
Line height

Cherry POV

"Common Cherry!! Mabilis lang naman ibigay ang mga papers na iyan sa Kabilang Section!! " Maarteng sabi ni Klara saakin sabay tulak papauntang Fourth floor kung saan section nang mga First class.

Kung,saan Section nang pinaka iniiwasan ko!

Bumuntong hininga nalang ako at saka tumanggo nalang kaya napapalakpak pa siya tsaka mabilis akong iniwan sa Hagdan...

Napatingin nalang ako sa Hawak kong mga Test papers para sa Section Nang First class dahil ngayon ang Time nang Exam nila sa Math sub.

Tahimik kong tinahak ang daan at wala naman masiyadong tao,dahil lahat yata nang nasa Fourth floor ay nag e-exam kaya tahimik lang akong naglalakad dahil alam kong pwede kong makuha ang atensyon nang mga nasa loob na estudyante...

Lahat nang mga Matatalino ay nandito sa fourth floor dahil gusto nila ang tahimik na lugar dahil pareho pareho lang naman silang mga seryoso pag dating sa pag aaral..

Seryoso naman ako ah!!

Sabagay.....hindi naman ako ganon katalino kaya nasa second class lang ako kung saan lahat nang Mga second class ay nasa Third floor. At second class naman ay ang nasa second floor. At! Ang huli...ay ang mga last Section kung saan nasa First floor sila dahil DAW! wala silang pakeelam sa kahit na ano! Kaya ayun. Nilagay sila sa first floor para daw hindi sila makagulo sa itaas dahil sila ang pinaka maingay, kaya pag lalabas sila deretso na sila sa ibaba para hindi na sila makakaistorbo na, DAAN nang Daan sa hallway kaya hindi kami na iingayan kasi nasa Ibaba na sila...gets?. Okay fine.

Hindi ko alam pero habang papalapit ako nang papalapit sa section nang mga First class ay kinakabahan ako at nanginginig....hindi lang siguro ako sanay na pumunta rito.

Nang makaharap ako sa pinto nila ay agad ko silang nakitang nakaupo lahat at walang umiimik habang nakatingin lang sa Board, na May mga nakasulat na Eschedule.

Agad ko naman nasilayan si Ms. rev na nakaupo sa table niya kaya mabilis ako kumatok.

Nang makakatok ako ay mabilis silang lahat bumaling saakin at saka May mga naririnig akong mga Bulungan at mga pumipito...

"Cute..bruhh"

"Si Cherry iyan?"

"Tsk. Attention seeker"

"Anong pangalan niyan? Ngayon ko lang nakita"

"Bitch!"

"Baka taga First floor?"

"Nope...."

"She is, Cherry Santos. Iyong pinaupo nila sa Table nang mga Walt's family."

"Taga third floor niyan... inutusan yata na ibigay ang mga test papers natin."

"Shut up!"

Mabilis akong napatingin sa pinakalikod na row nang mga upuan at nakita ko ang mag kakaibigan na ngayon ay seryosong nakatingin sa akin kaya napalunok ako at umiwas nang tingin bago naglakad patungong table ni Ms. Rev.

"Ms..Rev. ito napo iyong mga test papers na pinakuha--"

"Thank you, Ms.Santos. You may know Leave.." Sabi ni Ms. Rev habang hindi nakatingin saakin dahil busy siya sa pag babasa nang ibang papers..

Para akong pinahiya sa sinabi niya pero pilit kong pinatatag ang sarili ko. Mabilis lang ako maiyak sa maliit na bagay....pero hindi ako iiyak dahil lang dito. Baka upakan ko pato mamaya eh!!

*Pout*

"Yes ma'am.." pilit na ngiti ang binigay ko sakaniya bago magsimulang mag lakad ngunit mabilis akong napatigil nang May pagalit na nagsalita...

"How dare you, to talk to her like that. Ms. Rev?"

Mabilis akong napatigil dahil sa sinabi ni vill...

Naglalakad ito patungo sa table ni ma'am Rev at saka tumayo sa harap nang table nito.....napalunok ako dahil sa galit na itsura niya.

"Wh-at?" Parang takot na sabi ni ma'am Rev.

Hindi ako makagalaw at saka pinanood lang sila. Alam kong ako ang tinutukoy nila pero natatakot akong makeelam. Ngunit natatakot rin ako sa pwedeng gawin ni vill dahil galit ang itsura nito ngayon.

"Is that, how you talk to a Student's here,Ms Rev? " Galit na sabi ni vill

Mabilis na naging tahimik ang buong klase,dahil sa galit na boses niya. Napalunok si ma'am dahil doon at saka tumayo saka hinarap si vill na galit na nakatingin sakanya..

"Look, I'm just busy--"

"Busy?....your fired" seryosong sabi ni vill bago ito humarap sa akin kaya napaatras ako nang konti.

"You...go to your room. At wag kang papayag sa kahit na anong Utos na hindi naman ipinagawa sa'yo." Seryosong sabi niya saakin at saka humakbang nang konti para makalapit saakin..

Bawat hakbang niya ay hindi ko maiwasang kabahan dahil rin sa presensya niya.

"Ayos lang sakin ang ipinagawa nang kaibigan ko. Busy rin kasi iyon, kasi hindi pa tapos ang mga sinasagutan niya....tsaka kusa naman akong pumayag kaya hindi naman problema iyon" nakangiti kong sabi sakaniya bago inilagay ang mga kamay ko sa likuran ko.

"I don't care. Just don't that again... that's not your job, anyway.." Walang buhay niyang sabi tsaka mabilis ako nitong hinila pero hindi pa kami nakakalabas nang pinto nang May humablot sa isa kong kamay...

"What do you think your doing vill?" Malamig na tanong ni Dark na kinalunok ko.

Mabilis na hinila ako ni vill patungo sa likod niya kaya kita ko ang tingin ni Dark sa magkahawak naming mga kamay....his face was starting darkened as I expect to him. Lagi namang ganyan iyan...

"Why do you care?" Medyo galit na tanong ni vill

Alam kong kahit anong Oras ay mag aaway na ang dalawang to, kaya kailangan kong gumawa nang paraan....ako lang naman ang dahilan kung bakit sila nag aaway ngayon.

"Ahm..kaya ko naman bumalik nang mag isa sa room namin vill--"

"Shut up!" Vill

"Don't talk to him!" Dark

Sabay nilang sabi kaya mabilis akong natahimik. Nakakarinig nanaman ako nang mga Bulungan kaya hindi ko maiwasang mahiya dahil paulit ulit nalang nangyayari ang mga bagay na ito saakin...

Mabilis na lumapit sila Ken at ang iba pa nilang kaibigan rito para patigilin silang dalawa ni dark pero hanggang ngayon ay mahigpit parin ang hawak ni vill sa mga kamay ko.

Hindi ko maintindihan kung bakit ito umaakto nang ganito.... ayaw ko mag assume pero para itong may Gusto saakin Kung maka titig at nakahawak saakin na parang ayaw ako ibigay kay Dark.

"Teka...tumigil na kayo. Hindi ko kailangan nang maghahatid---"

"Let's go!" Mabilis akong hinila ni Dark pero mabilis rin ang mga kilos mo vill kaya mabilis akong napunta sakaniya..

"What the hell are you doing guys?!" Galit na sabi ni Ken habang siya naman ang humila sa akin patungo sakaniya...rinig ko ang mahinang tawa nila zein na kinainis ko...nakakatawa roon? Hindi ba sila naawa saakin ngayon!?

"Tama na!" Inis kong sigaw at saka bumitaw sa mga hawak nila.

Mabilis na tumahimik ang room nila kaya natahimik rin ako... nakakahiya iyong ginagawa kong pag sigaw pero tama lang iyon,para matigil sila.

"Kaya ko. Tsaka bakit ba kailangang ihatid pa ako? Tsaka May exam kayo diba? Iyon nalang ang bigyan niyo nang atensyon!" Inis na sabi ko.

Nagagalit nanaman ako kahit hindi ko alam ang dahilan! Nakakainis. Minsan ay wala naman silang pakeelam saakin tapos ngayon ganito sila kung umakto na para bang pinag-aagawan nila ako?! How dare them!

"Cherry,go to your room know." Maawtoridad na sabi ni jave na ngayon ay sumingit...dito rin pala ang section nito kahit hindi sila okay nang mga kaibigan niya....matalino rin kasi.

Mabilis akong tumango sa sinabi niya kaya kita ko ang pag tagis nang bagang nang dalawang kinaiinisan kona ngayon!

Bumitaw ako sa kung sino man ang humahawak saakin at saka mabilis silang tinalikuran lahat...pero hindi nakaiwas saakin ang sinabi nang boses na kilalang kilala ko.

"Hands off vill. Even you are May best buddy....I can kill you right know. "

It was Dark...

Gusto Kong bumalik sa klase nila pero pinilit kong wag nalang kahit ano pa ang narinig ko galing sakaniya...

Sa totoo lang. May pakiramdam rin ako, at hindi ako manhid para hindi sila mapansin sa mga ginagawa nila....Pero hindi ko magawang mag assume dahil alam kong imposibleng magkagusto saakin ang dalwang iyon...lalo na't ang hirap nilang abutin.

Ayaw kong masira ang pag kakaibigan nila nang dahil saakin...kaya siguro iwasan ko nalang sila para matapos na ito.

Parang ang hirap naman yata? Dahil halos araw araw kaming nagkikita dito sa unibersidad nato!

_

votes and comments


You are reading the story above: TeenFic.Net