Chapter 6

Background color
Font
Font size
Line height

Shai's Point of View

" Saan tayo pupunta? " tanong ko kay Kiel.


Inimbitahan nya kasi akong kumain ngayong gabi. Dinner lang daw.


Akala ko pa nga dinner date, psh.


" May alam akong bagong tayong restaurant dito. Gusto mo i-try natin? " he asked while driving, pero bumaling naman sya ng tingin sakin.


Tumango naman ako, "Okay! "


Maliwanag ang kalangitan kahit lumalalim na ang gabi. Maliwanag kasi ang buwan at mga bitwin, sila ang nagsisilbing ilaw. May mga lights na din na kumakalat kalat bawat kalsada.


Malapit na pala ang Christmas, 30 days nalang Christmas na.


" Ang ganda! " sambit ko nang makita ang mga nagpapailaw sa itaas gamit ang laruan.


Kahit nandito ako sa loob ng kotse at nadadaanan lang namin ay namamangha padin ako!


Ang liwanag ng paparating na pasko!


Bumalik nanaman ang alaala ko noong bata pa ako,






"Wow! Ang ganda ganda naman po! " I giggled. " Magkano po ito? " I asked and pointed the toy.


Laruan na umiilaw at pwedeng ipalipad habang umiilaw. At yung hairband at wings na umiilaw din.


" Mura lang yan, ineng. Pero libre nalang para sayo. " Sabi ng babaeng matanda na nagbebenta.


Nagulat naman ang batang ako, "Talaga po?"


Tumango ang matanda, nagpasalamat ako at Masaya akong ginamit ang binigay sakin.


Nang ipalipad ko ang laruang umiilaw ay sa pagbaba nya ay medyo malayo kaya hinabol ko iyon para masalo.


Sakto naman na nasalo ko ito at nabangga ako sa parang basura.


" Aww, " I pouted.


Tumingala ako para makita kung sino iyon.


Isang lalake na katulad ko rin ay bata ngunit mas malaki at matanda sya sakin.


Haha! Matanda!


Nakakunot ang noo nito at halatang naiinis.


" Hindi kaba tumitingin sa dinaraanan mo?! " asik nya sakin.


Nagulat ako sa pagsigaw nya sakin.


Bahagya akong yumuko, " Sorry, hindi kopo kasi ikaw nakita. Sinalo ko lang po yung laruan ko, " paliwanag ko.


" Bulag kaba?! " sigaw nya muli sakin.


Maiyak iyak akong tumayo at humarap sa kanya.


Yumuko ulit ako, " S-sorry, " napasinghot ako. " H-hindi ko naman po s-sinasadya, s-sorry, k-kuya. " Paumanhi ko.


Tumingin ako sakanya ng diretso. Para ipakita na totoo ang sinasabi ko.


Bahagya naman syang natigilan ng makita ang umiiyak kong mukha.


" I-im sorry. " paghingi nya ng tawag sakin.


Naguluhan naman ako. Galit sya sakin diba?


" Medyo naiinis lang kasi ako kanina, tapos nabanggaan pa tayo kaya ikaw ang napaganuhan ko ng inis ko. S-sorry din, " paliwanag nya.


Hindi talaga sya nagalit sakin?


" H-hindi kapo ba galit s-sakin, k-kuya? " tanong ko at tumabi sa kanya na nakatayo padin sa harapan ko.


Umiling naman sya, "N-no, I'm not. And by the way, don't c-call me kuya. Hindi naman ako matanda at hindi kita kapatid. " he sighed.


" Eh ano po itatawag ko sayo? " tanong ng batang ako.


" Tawagin mo nalang ako sa pangalan ko. " he stop.


" Ano pong pangalan mo? " ulit kong tanong.


" I'm—" hindi nya naituloy ang sasabihin dahil may dumaang bike sa pwesto nila.


Nanlaki ang Mata ko dahil padiretso-diretso ang bike papunta samin.


Nataranta kaming dalawa, hanggang sa malapit na talaga!


Unti nalang....unti nalang...


Napadaing ako ng matumba ako. Ganon nalamang ang gulat ko ng makita ang lalaking kausap ko na nakaakbay sakin ang isang braso, ang isa naman ay sa harapan ko. Parang prinotektahan nya ako. Natumba pala kami dahil iginilid ako ng batang lalaking kasama ko.


" Are you o-okay? " He asked.


Tumango naman ako, " Oo, ayos lang ako. Ikaw? Okay kalang ba? " tanong ko din.


He just nodded. Tatayo na sana sya ngunit napadaing sya ng isandal nya ang kamay nya.


" Hala may gasgas ang braso mo! " gulat kong sambit.


" Ouch, " daing nito.


Mangiyak iyak naman akong tumingin sa kanya. " Huhuhu may sugat ka! Baka mamatay kana! Wag naman huhu,"


Napatulala sya sakin, hindi ko alam kung bakit.


Hindi ba sya natatakot mamatay?! Huhuhu may malaking sugat pa sya sa tuhod at may gasgas ang braso nya! Baka lumabas lahat ng dugo at mamamatay sya! No po! Wag naman po sana huhuhuhu


Mukhang mabait pa naman sya huhu, my knight in shining armor po.


Napahinto ako sa pagiyak at pagtingin ng mga sugat nya, nang tumawa sya.


" Hahahah! " naiilang na tawa nya.


Sinermonan ko naman ito, " Y-yah! Bakit ka tumatawa, huh? May s-sugat ka na nga e! Huhuhu,"


" Pfftttt–! " pigil ang tawa nito.


Tiningnan ko ito ng masama. At pinunasan ang mga luha at sipon ko. Tumigil naman na ito at pilit na tumayo.


" Halika, upo muna tayo doon, " turo ko sa may bench.


Hindi naman sya nagsalita pero sumunod naman sya. Kita ko din ang pag ngiti nya pero ipinagsawalang bahala ko nalang, baka kasi happy sya na mamamatay na sya?!


Huhuhu wag naman sana, ang bad po!


" Help me, " he said.


Tinulungan ko syang gamutin ang sugat nya dahil ang sabi nya ay hindi daw sya mamamatay dahil unting galos lang naman daw iyon.


Pumitas ako ng malunggay at halaman na malaki para pang takpan ng sugat na may gamot na malunggay.


" Okay kana? " mahinang tanong ko. Tumango naman sya.



" Hindi kana ba mamamatay? " tanong ko ulit. Umiling naman sya at napangiti.


" Ayos kung ganon, ang bad naman kasi kung mamamatay ka. Iniligtas mo pa naman ako huhu, " ani ko.



Humagikhik sya kaya napatingin ako sa kanya. Ang pogi po pala nya.



Nagulat naman ako ng yakapin nya ako, " I'm okay, it's fine. Let's just play your toy na ilaw ilaw. " he said.


I smiled.


Naglaro kami kahit may sugat sya. Paminsan-minsan ay inaaalayan ko sya. Pinapalipad naman nya ang laruan ko at ako ang sumasalo. Hinahabol pa nya ako, ginagamit ko naman ang maliit kong pakpak na ibinigay ni lola na nagbebenta.


" Ang cute mopo! " puri ko ng masuot ni my knight in shining armor.


My knight in shining armor nalang po ang tawag ko dahil diko pa naman alam ang name!


Magpapalipad na naman sana sya ngunit may tumawag sa kanya.


" Son! " rinig kong tawag sa kanya.


Son' ba pangalan nya? Huh?


Lumapit ako sa kanya at may binulong.


" Son ba ang pangalan mo? " natawa naman sya sa tanong ko at umiling.


" My name is—" hindi nya ulit naituloy ang sasabihin dahil may tumawag na sakanya.


" Nandito kalang pala, anak. " tono ng lalaki. " Tara na dahil naghihintay na ang mommy at kapatid mo doon. " sambit nito.


Nalungkot naman ako, aalis na sya?


" Opo, susunod na ako. " He said.


Tumango naman ang dad nya at napatingin sakin at ngumiti bago naglakad paalis. Nauna naman na ang daddy nyang maglakad.


Oo daddy nya kasi magka-mukhang mukha sila.


Bumaling sya sakin, napanguso naman ako.


" Aalis kana? Hindi na ulit tayo maglalaro? " mahinang tanong ko.


" I-i don't know, nagbakasyon lang kasi kami dito sa La Union. " mahina rin na sagot nya.


Nalungkot ako, hindi na kami magkikita?


" Don't worry, babalik ako kung pwede, " ngumiti sya sakin kaya ngumiti din ako.



" Promise? " I asked with pink promised.


" Promise. " Sabi nya at yinakap ako.


Huhuhu aalis na ang my knight in shining armor ko po,


Nagulat naman ako sa sunod nyang ginawa. Hala! Bawal daw yon sabi ni Mommy!


" Tsup. " Halaaa!


Hinalikan nya po ako sa lips!

Yung first kiss ko!


" Hala! " sambit ko pero ngumiti lamang sya at nagsimula nang maglakad palayo.


" T-teka! Anong pangalan mo? H-hey! " sigaw ko.


Lumingon ulit sya sakin at may sinabi, sapat na para narinig ko.


" My name is Kye, " at umalis na sya.

Nabalik ako sa reyalidad ng may pumitik sa noo ko!


" Ay kabayongKye! " Mabilis na sambit ko.


Nagtaka naman si Kiel sa sinabi ko, " KabayongBangkay? " nagtatakang tanong nya.


Natawa naman ako, " Wala! Hahaha! "


Umiling nalamang sya, siguro nasanay na sa pagiging ganto ko.


" You're spacing out again, " he said.


" May naalala lang, " I said.

Kye....hmm, nasan kana kaya?
Kilala mo paba kaya ako? Naaalala mo pa kaya ako?
Saan na ang pangako mo?
Pwede bang kay Kiel muna ako?


Tumango naman sya at ikinalas ang belt ng sasakyan.


Doon ko lang napagtanto na nandito na pala kami sa bagong restaurant.


Lumapit naman sya sakin na nagpalaki ng mata ko! Oh my!


Sys na ang nagkalas ng belt ng sasakyan na suot ko at lumabas bago nagtungo sa pinto naman na banda ko.


Pinagbuksan nya ako at inayang pumunta na.


" Let's go? " he asked, softly.


Nagulat naman ako sa paghawak nya sa bewang ko. Ngunit naka recover din ako after seconds.


Napangiti ako at tumango,
" Let's go." Sabi ko at hinawakan din ang braso nya.





IUSHIANDREA80

__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________
:)


You are reading the story above: TeenFic.Net