Chapter 14

Background color
Font
Font size
Line height

Shai's Point of View


Tumunog ang alarm ko na nagpagising sakin. Thursday ngayon wala paring pasok dahil ika-tatlong araw na ito.


Mabilis akong bumangon at naupo, kinusot kusot ko pa ang mga mata ko at bahagyang nag-inat. Matapos ay kinuha ko ang cellphone sa tabi ng unan ko para patayin ang tunog ng alarm.


Papatayin ko na sana ng cellphone ko ng mag notif sa akin ang picture ni Kiel sa screen ko.


@k.ryekiel send you a message.


Nang makita ko iyon ay binuksan ko kaagad ang instagram ko at tinignan ang text sakin ni Kiel.


@k.ryekiel active now. 🔵

@k.ryekiel : Good Morning, babe. May gagawin kaba ngayon?


Basa ko sa text nya. Wala naman akong gagawin ngayong araw maliban nalang sa paguusapan namin ang nangyari kahapon. At kung bakit nandito sa loob ng bahay at sa kwarto ni Cyn si Aries.


@shaiyieeeeeeee : Good morning too, babe. Wala naman akong gagawin, bakit mo natanong?


Pagkasend ko non ay naseen nya kaagad at nagreply ng mabilis.


@k.ryekiel : Do you want us to go out now? Let's go on a date, babe.


Sasagot pa sana ako ng magring ang hawak kong cellphone, kamuntikan ko ng maihagis sa gulat. Pakshet!


@k.ryekiel wants to video call with you...


Ayan ang nakalagay sa screen ko. Tumatawag si Kiel at gusto pa nyang video call ! Mabilis akong umalis sa kama ko at pumunta sa salamin, ring ng ring ang cellphone ko.


Wala naman akong muta at laway, maayos naman ang mukha ko, medyo magulo lang ang buhok ko na parang binagyo.


I hurried to comb my hair before Kiel's call died. It took me a few minutes to answer.



Bumungad sakin ang naka-kunot ang noo na si Kiel. Ayaw nya talaga ng pinaghihintay sya kahit kailan! Hayy.


" Why did you take so long to answer? " nakakunot noo nyang tanong.


Pinasadahan nya pa ako ng tingin sa screen. Maayos naman ang sarili ko ah. Tumikhim sya at tinitignan ako sa mata.


" Nagsuklay pa ako, nakakahiya naman kung makita mo ang itsura ko na magulo ang buhok. " sabi ko.


Tumango naman sya at ngumiti. Ngayon ko lang napansin na parang nasa kotse sya. Maayos ang ayos ng buhok at damit nya na kalahati ang kita sa cellphone.


" Bakit ka tumawag? Medyo maaga pa naman ha? Pero ehem geste ke ne temeteweg ke seken. "  aniko sabay ipit nang maliliit na buhok sa gilid ng tenga ko.


Natawa naman sya ng mahina at inayos ang necklace na suot nya. " I already told you, we have a date or we will date now. " he said.


Tumango naman ako, " Oo nga. " wala sa sarili kong sambit.


Tumaas ang isang sulok ng labi nya ay dinilaan ang pangibabang labi, " Edi bumaba kana, magde-date na tayo ngayon. " he said. " Nandito na pala ako sa labas ng bahay nyo, I'm in the car. " dagdag nya dahilan para mabilis akong tumakbo papunta sa bintana ko.


Rinig ko ang mahinang pagtawa nya sa cellphone. Maybe it's because of the way I looked and stared. Well, who wouldn't be surprised if he ready to go on a date, and he just waiting for you!


Nakita ko ang kotse nya sa tapat parte ng kwarto ko. Second floor ang bahay naming flames. Lahat ng kwarto namin ay nasa second floor, living room, kitchen, dinning area, restroom, at small bar area. Ako ang malapit sa bintana at kaharap lng ng kwarto ko ang pagilid na kalsada, sumusunod sakin ay si Ruby. Panghuli ay si Alexcy.


" Kanina kapa ba dyan? " tanong ko habang tinatanaw sya sa loob ng sasakyan nya.


Tumango naman sya at lumabas ng kotse, iniangat pa nya ang ulo at kumaway sakin. " Yes, mga ilang minuto lang bago ako tumawag sayo. " sabi nya.


Ngumiti naman ako at kumaway din, " Bakit hindi ka kumatok o nag door bell? Pwede ka namang pumasok dito kasi alam mo na. Okay lang sa mga kaibigan ko. " sabi ko.


" I'm fine here. By the way, are you willing to date me now? " masuyo nyang tanong.


I giggled, " Oo naman, papayag na papayag ako, babe. " sagot ko.


Ngumiti ulit sya kaya napangiti din ako, nakakahawa talaga ng mga ngiti nya. " Alright, hintayin nalang kita, wear a beautiful dress, because it's our date. I love you. " malambing na wika nya bago pinatay ang tawag.


Tumingin naman ako sa baba, nakita ko syang tinitignan ako. Nagsenyas sya na hihintayin nya ako at nag flying kiss pa. Ako naman ay nakilig.



Pagkatapos akong maligo ay mabilis akong nagayos. Hindi na ako nagabalang maglagay pa ng make up dahil okay naman na ako sa itsura ko. Nakasuot ako ng long sleeve dark blue dress na hanggang tuhod at black heels na 1inch lang ang taas. Isinuot ko din ang Necklace at bracelet na ibinigay nya, actually lagi ko itong suot pero pag naliligo ako tinatanggal ko na. Inayos ko ang buhok ng kaunti, lalo na sa baby hair na nakakalat. Linagyan ko ng gel at black hairpin. Nag -lip gloss nalang ako.



Pababa na ako ng makita ko si Drea at Cyn na nasa Sala. Napadako naman ang tingin ko kay Ruby at Liza na nasa kusina, si Khia at Alexcy naman ay nanonood lang. Ang aga naman nila?



" Saan ka pupunta? " tanong sakin ni Thea na kasunod ko pa pala na pababa ng hagdan.



" May date kami ni Kiel. " naka-ngiting wika ko.



" Kaya pala ganyan ang suot mo, halata din naman na may pupuntahan ka." aninya.



Sabay kami'ng naglakad kaya napatingin sila sa amin. Lumapit kami sa kanila Drea at Cyn na nasa Sala nakaupo. Ganon din ang iba.



" Bakit ka nakadress? " tanong naman ni Cyn.



" Date. " maikling sagot sa kanila ni Thea.


Inasar nanaman nila ako. Pagnaririnig nila ang pangalang 'Kiel' ay saakin agad dadapo ang tingin nila. Parang reporter sila na laging updated.



" Yieeeee, yung chicken ko ah," hiyaw ni Cyn.



Tinaasan ko naman sya ng kilay, " May ipapaliwanag kapa sa akin, Cyn. Tungkol kay Aries." Aniko dahilan para mapasimangot sya.



Humalakhak naman si Thea at Alexcy sa di malamang dahilan. Ang iba naman ay napailing nalamang habang natatawa.



Ano?



" Shai, yung milktea ko ha, wag mong kakalimutan! " biglang singit ni Drea na nakataas pa ang kaliwang kamay.



"Burger with fries naman sakin!" wika naman ni Thea.



" Akin, kahit si Xywen nalang." wala sa sariling sambit ni Ruby kaya napatingin kami sa kanya.



Parang nagulat din sya sa sinabi nya dahil di man lang makagalaw sa upuan at napakurap kurap pa bago napayakip ang kamay sa bibig.



Mabilis na tumakbo pataas si Ruby, kaya nagkatinginan kami'ng magkakaibigan.



" Anong meron kay Ruby at Xywen? "








IUSHIANDREA80

__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________
MERRY CHRISTMAS, MY DEAR READERS, tatawagan ko nalang kayong BERRY / BERRIES. Walang meaning ang itatawag ko sa inyo, ayan lang kasi pumasok sa isip ko.

Merry Christmas and Happy Holidays, Berries!

#HisSecretChapter14


You are reading the story above: TeenFic.Net