Chapter 13

Background color
Font
Font size
Line height

Shai's Point of View



" Babe, where do you want to eat? " tanong nya habang pinapatay ang mga nakasaksak na mga kuryente.



Napaisip naman ako, nagcra-crave ako ng pork steak at chicken curry habang may inuman na milktea and water. Natatakam na tuloy ako habang iniisip palang yon.



" Sa resto nalang tayo nila Shai. " suhestiyon ko, mabilis naman nya iyon na sinangayunan.



I was waiting for him here near the door, he turned off the lights and closed the windows and curtains. Pagkatapos ay kinuha nya ang coat nya sa lalagyan. Inayos pa nya ang magulong buhok nya na hindi namin napansin.



Hindi mo talaga maipagkakailang ang kagwapuhan ng nilalang na ito. Parang isa syang greek na lumabas sa libro.



Nung umulan ba ng kapangitan nakapayong sya? Nung bumaha ba ng kapangitan naka sakay sya sa bilog?



Unang kita mo palang talaga ay mabibighani kana sa angking kagwapuhan nito. Pati nga ako nagwagwapuhan sa kanya.



To be honest, I liked one of his good looks. Aminin natin, lahat ng babae ay may mataas na pamantayan, isa na rito ang kagwapuhan ng lalaki. Ugali , Perosnalidad , at marami pa.



Kaya sa nararamdaman ko, swerte ako dahil si Kiel ang lalaking iyon. Si Kiel ang minamahal ko, si Kiel lang.



Ilang beses ko naba sinabi na swerte ako sa kanya? Marami na diba? Hindi kasi ako magsasawang ipagsabi na swerte ako sa taong mahal ko. At si Kiel iyon.



Sabay kaming pumasok sa elevator, medyo magabi gabi nadin dahil nawawala na ang liwanag ng araw.



" Nilalamigan kaba? " tanong ni Kiel ng magsimulang bumaba ang elevator .



Medyo nilalamigan ako, eh bakit naman hindi? Ang lakas ng aircon sa office, ni-hindi ko na maramdaman dahil sa lamig tapos may aircon pa sa labas, dito naman sa elevator may maliit na aircon yung parang nasa bus yung maliliit kaya malamig.



Ngayon ramdam ko na ang lamig kaya napatango ako, " Ang lamig, andami nyo naman kasing aircon. " napapangiwi kong sambit.



He chuckled and removed the coat he was wearing and put it on my shoulder. Lumambot ako doon. Ang lakas talaga ng tama ko, hayy.



" You should have told me na nilalamigan ka o hindi ka sanay sa lamig. " Conyo'ng sambit nito



Natawa ako sa biglang pumasok sa isip ko, parang may naalala ako ng magsalita sya ng conyo.



" Hindi ko naman knows na malamig so much sa office mo," nagpipigil tawa ako habang sinasabi ko iyon.



Halata naman na alam nyang inasar ko ulit sya sa pagiging conyo nya. Umirap sya dahilan para mapanganga ako. Talo! Umirap sya, nagmumukhang baks. Yayyy.



Tumunog ang elevator at bumukas iyon. Lumabas kami at nakita naman namin ang mga ibang nagtratrabaho pa. Mukhang rush ang ginagawa nila. I can't ask Kiel here because they are serious about doing Rush.



" Don't tease me, babe. Baka gusto mong maparusahan dahil lagi mo na akong inaasar at hinahayaan lang kita? Huh? " nakangisi nitong wika habang naglalakad.



Napakagat ako ng labi at napatingin sa mga employee at guards na nagbabantay sa labas. Umirap ako at napangisi.



" Hmm? Try me, Engineer Kuznetsova. " Kinindatan ko pa sya.



Ang landi mo, Shai!



Mas lalong lumawak ang pagka-ngisi ni Kiel at mahinang tumawa.



" Sure, Ms. Esposito soon to be Mrs. Kuznetsova. " he said and then he kissed me on the forehead, " We will do that after dinner date, My wife. " He added.



Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya at mahina ko naman syang pinalo sa braso dahilan para humalakhak sya.



" Ang bibig mo, Kiel! Tsaka napagusapan naman natin na hindi muna gagawin iyon hanggat hindi pa tayo guma-graduate. " utal na sambit ko.



He chuckled and grabbed my waist. " I know, at nirerespeto ko ang desisyon mo. " He whispered.



Napangiti naman ako doon at natanggal na ang mapangasar na mukha. I giggled.










DUMIRETSO kami ni Kiel sa ibinigay na pwesto sa amin ng waitress.



Nagorder nadin ako ng gusto kong kainin, ang pork steak at chicken curry. Si Kiel naman ay, bulalo. Nagpaorder din sya ng isang milktea na ang flavor ay Chocolate , sya naman ay blueberry wine.



Matapos kunin ng waitress ang order namin ay umalis na sya. Nagkwentuhan nalang kami ni Kiel doon habang hinihintay ang order.



" What did you do in the past few days, babe? " tanong nya.



Tumabi muna sya sakin at humawak sa bewang ko. Inamoy amoy pa nya ang buhok ko. Mabuti nalang nag-shampoo ako ng Palmolive!




" Nothing, " I shrugged. " Tinapos ko lang ang mga kailangang gawin like mga activities, performances and assignments." aniko.



Patuloy padin si Kiel sa kakaamoy ng buhok ko hanggang sa bumaba ito. Hell.



" That's it? " tanong nya ulit.



Umiling naman ako, " Nagshopping kami ng mga kaibigan ko, and nanood ng movie marathon. Tumatambay din kami minsan sa Starbucks. Pero lagi akong kasama ka, diba? " tinaas ko ang isang kilay ko sa bandang kaliwa.



Sumilay ang isang magandang ngiti sa labi ni Kiel, oo, maliit ako at nasa tabi ko sya kaya malamang kita ko. Kung tumayo si Kiel ay hanggang balikat nya lang ako.



" Ofcourse, that's why I'm thankful because you're always by my side." aninya.



Naramdaman ko tuktok ng ilong nya na sumagi sa batok ko. Gumilid pa ang mukha nya at bahagyang inamoy ang batok ko papunta sa gilid ng leeg ko.



Ramdam ko ang hininga nya doon dahilan para mapatawa ako ng mahina. May kiliti kasi ako doon, pag may nagtatangkang humawak o mahawakan ang leeg ko ay iniiwas ko.



I giggled when I felt his fingers on my neck. I'm obviously tickled.



" Ano ba Kiel! " nakikiliting sambit ko.



Pero imbis na huminto sya ay pinagpatuloy nya iyon. Mas lalong kiniliti ako ni Kiel kaya napahalakhak na ako. Iwas na iwas ko ang mga kamay nya at bibig nya sa leeg ko.



" Isa, Kiel! Hinto sabi! " natatawa kong sambit.



Huminto naman sya at natawa ng mahina bago isiniksik ang mukha sa leeg ko. Hindi ko alam pero bigla nalamang kumabog ang dibdib ko ng maramdaman kong humahalik halik sya doon.



Pinapatakan nya ng munting halik ang leeg ko. Napasinghap ako ng dilaan nya at kagatin ang parte ng leeg ko kung saan ang kiliti ko.



" Ah, ah-ano ba Kiel! " I breathed a sigh of relief.



Huminto sya at ramdam ko na huminga sya ng malalim at bumuntong-hininga. Humalik sya muli bago ako yakapin. Gumanti naman ako ng yakap.



"I almost couldn't hold back, babe. " paos nitong sambit.



Humalik halik sya sa tuktok ng ulo ko at tinignan ako sa mata. "If the time ever comes when I can't hold back, stop me and it's better to run and leave me. " makahulugang wika nito.



Anong ibig nyang sabihin?



Napailing naman sya at hinalikan ang labi ko, " Ignore what I said, okay? I love you. "



Nagtataka man ay tumango nalang ako. Hindi ko mabilang kung ilang naka-iloveyou na kami sa isa't isa. Halos oras oras ata.



Sasagot pa sana ako ng may umubo. Umubo nanaman, hindi lang si Xywen ang umubo ng makita ang sitwasyon namin kundi ang tatlong waitress din na nahawak sa mga pagkain namin.



Nahihiya naman akong kumalas sa yakap ni Kiel. At mahina ko syang siniko. ' bumalik kana sa upuan mo ' I mouthed.



Sinunod naman ni Kiel ang sinabi ko. I cleared my throat And smiled at the waitresses who were looking at us while smiling.



" Ang sweet po ninyo, ma'am! " nakikilig na sambit ng aleng waitress at inilapag ang pagkain sa hapag kainan.



" Oo nga po! Bagay po kayo! " sabi naman ng isang waitress.



" Parang magasawa po kayo kanina! May yakapan at halikan po! " napahagikhik sila.



Paniguradong namumula na ako ngayon. Kinagat ko ang pang ibabang labi at tumingin sa gawi ni Kiel na nakangiti ngayon. Malawak ang pagkangiti nito.



I dodged and looked back at the waitresses who had finished arranging and putting our food on the table.



" Alis napo kami, Ma'am, Sir. " paalam nila at bahagya pang yumuko.



" Enjoy po kayong magasawa! " nakangiting sabi ng isang waitress at tuluyan na silang naglakad papalayo.



Ano ba naman! Namumula na tuloy ako! Haytss! Pero teka....magasawa?!



Tumingin ako kay Kiel na tumatawa. " See, wife? Bagay tayo. We are a sweet couple. "



Ang kaninang malawak nyang ngiti ay mas lalong lumawak pa iyon at sumingkit pa ang mga mata nya dahil sa lawak ng ngiti.








IUSHIANDREA80

__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________
correction: ba-gay ( ibig sabihin ay bagay silang dalawa, hindi bagay na things. ) *Haha*

#HisSecretChapter13


You are reading the story above: TeenFic.Net