Kabanata 11

Background color
Font
Font size
Line height

Kabanata 11

Responsibility

I arrived in Manila at 5 am in the morning. Mabuti na lang ay may flight agad nang nagpunta ako sa airport sa Siargao. My body felt so tired after what happened, but I wasn't able to sleep in the whole flight. Ang isip ko ay kasamang lumulutang sa himpapawid.

I want to rest on my condo, but I can't do that anymore. Hindi na ako on leave kaya kung hindi ako papasok, siguradong absent na ako. Mas lalo lamang akong matatambakan ng gawain kung hindi pa ako papasok ngayon.

I took a bath and changed my clothes before I went to the office. Nakarating ako sa opisina ng alas otso pero wala pa rin si Papa, at kahit hanggang sa umabot na ng alas nuebe. I need to know the updates from him so that I can cope up to the days that I'm not here.

Kung hindi lang pumasok ang isang aplikante sa aking opisina, tiyak hindi ko malalaman na wala si Papa ngayon sa Pilipinas. He's in States for a business, together with Tita Martha and Zoey. They will surely have a vacation there also, dahil hindi naman sasama ang dalawa, lalo na si Zoey, kung hindi magbabakasyon.

Agad kong tinawagan si Papa nang malaman kung nasaan siya. My phone is low-batt and I left my charger in my luggage. I used my laptop instead for a video call with him.

"Before I give you the updates, tell me what happened in Siargao first. Napapirma mo na ba?" unang tanong ni Papa nang tinanggap niya ang tawag.

Lumihis ang isip ko sa mga nangyari kagabi. I suddenly felt uncomfortable with his sudden question. Hindi ko iyon napaghandaan.

"He's been occupied with the medical mission kaya maybe, his decision is not yet ready. Mahirap siyang lapitan for the past days, just like I always say to you, dahil palaging abala."

Hindi ko na alam ang patutunguhan nang pagsisinungaling ko. But I'm determined not to let my father in using Ares for his own benefit.

Itinigil niya ang pagpirma sa isang dokumento para tignan ako. He's on his office on the States, and I can clearly see the skyscrapers at the back of him.

"Kung hindi mo napapirma, anong silbi ng pagsama mo sa kanya kung ganoon?" mariin at iritado niyang sabi.

I remained formal and composed, even when my heart is loudly banging inside my chest.

"I did my best, but he's...too hard to convince." I lied miserably.

Kumunot ang kanyang noo sa sinabi ko. He's now suspicious, hindi dahil sa tono ng pagkakasabi ko kung 'di sa sinabi ko mismo.

"Hard to convince?" he said sarcastically, kulang na lang ay matawa.

Nanuyo ang lalamunan ko.

"He's fond of you, Anais. That's the reason why I let you go to Siargao!" patuloy niya.

Umawang ang aking labi at agad iprinoseso ang kanyang sinabi.

"Zoey got mad at me because I let you go with that Madriaga. She's jealous, but still hindi kita pinabalik sa Manila because you have a purpose in going to that place!" malakas na sabi niya at napatayo na sa kanyang kinauupuan sa frustrasyon.

Nawalan ako ng sasabihin. I want to explain myself, but I can't since it's true that I haven't done anything about the contract while I'm in Siargao.

"Naisama ko pa si Zoey dito sa States para mabawasan ang pagtatampo tapos ngayon, hindi mo pala napapirma?" dagdag niya at pagak na natawa.

Yumuko ako, tanda ng pagsuko. He's fuming mad and for sure if he's here in Manila, I will receive another beating and hurtful words from him again.

I'm not scared to physical and emotional abuse anymore. Sa ilang taon na lumipas, naging sanay at manhid na ako.

The only reason that I'm holding now is that they're only the people I have. Kung papalag ako, wala akong patutunguhan at babagsakan. I will only have myself, and I don't think I can handle that.

People will surely think that standing alone is better because it only means that I'm strong, but I'm not and I think, I will never be. I'm not strong enough to handle things all by myself. Hirap nga akong hawakan ng maayos ang sarili, ang mundo pa kaya na mag-isa.

Papa was so mad when he ended the call. Hindi niya nagustuhan na walang kinalabasan ang pagpunta ko sa Siargao, lalo na sa mga 'sakripisyo' niyang nawalan din ng silbi.

I don't want to think about the consequences he will give me after what I did. Kung anuman ang gagawin niya sa akin sa pagbalik niya ng Manila, maghihintay na lamang ako. The bruises I will get will be fine, as long as I was able to stop him from using Ares.

Muling nagbalik ang iniisip ko kay Ares. I'm not sure if he's now in Manila. Kung nakarating na sila, mabuti kung ganoon.

I'll just forget about what happened last night. It's just a one-night stand, and I'm sure it will be easy for him to forget it. It's not like it was his first sex-experience. He seems to be an expert with that activity, it's impossible for me to think that he is a virgin.

Tumikhim ako at naglakad palabas ng opisina. I'm just going to borrow a charger. I need to track my schedules for this week.

Nagtungo ako sa right-wing para manghiram ng charger. Agad din namang may nag-abot kaya mabilis din akong nakabalik sa opisina.

I charged my phone and opened it. My jaw dropped when the first thing I saw was the sixty-five missed calls coming from Ares!

Tila nilipad ang isip ko, at wala pa ako sa sarili nang muli na namang nakatanggap ng tawag mula sa kanya. With my shaking hands, I hurriedly declined the call and turned off my phone.

There's no way he's calling me because I left without telling him anything. What did he expect though? We're not in a relationship, and basically it only means that it's just a one-night stand!

I don't know if I need to tell him that I regret it, even when I'm not. I'm engaged, at siguro sa pananaw ng iba kasalanan iyon. I'm not comitted to it, the same with Dean. But then, if sleeping with him is forbidden, then I will accept that I have sinned.

Pilit kong kinalimutan ang iniisip at pinagpatuloy ang pagtatrabaho. I left the building at 10 pm to meet the clients.

Sunod-sunod ang schedule ko at hindi ko na iyon ikinagulat dahil ilang araw din akong nawala. Nagtagumpay akong mailipat ang atensyon sa trabaho mula kay Ares. I left my phone in the office for my piece of mind. Ang tanging dala ko lang ay laptop at mga dokumento na kakailanganin ng kliyente.

The last meeting I had is a dinner with a foreign client. Malapit na mag alas 10 nang napagdesisyunan kong tapusin ang araw. Hindi na ako bumalik ng opisina para kunin ang cellphone dahil maaga rin naman akong papasok bukas.

Ang plano ko sana ay dumiretso na nang condo para makapagpahinga. Pero matapos ng mga nangyari sa Siargao, siguradong hindi rin ako agad makakatulog. It's funny because I believed that I can forget it so easily, but I was wrong.

Nang nawalan na ako ng gagawin, bumalik ang isip ko sa bahaging iyon. Lalo na nang maalala ang mga tawag na natanggap ko kay Ares kanina.

I'm not sure if he's still calling until now. Sinadya kong iwan iyon sa opisina pero ngayon, nais ko na kunin para mapunan ang kuryosidad na pilit ko ring pinipigilan.

I will be occupied with these thoughts once I get home. Kaya imbes na magmaneho pauwi, wala sa sarili akong pumili ng bar. I will surely get distracted with the crowd. Tiyak malilimutan ko rin ang iniisip.

Ipinarada ko ang sasakyan sa parking lot. Kagaya ng nakasanayan ko, nagbihis muna ako ng damit bago lumabas sa kotse.

I'm now wearing a white top that is slightly loose on the chest part, making my cleavage a bit visible. I paired it with a black leather skirt and purse.

I walked confidently until I reached the entrance of the bar. The bouncer greeted me as I walked inside.

Ang malakas na tunog sa loob ang sumalubong sa akin. Lihim akong napangiti dahil siguradong mawawala talaga ang iniisip ko dahil sa ingay ng lugar.

The place is not that crowded, but there are lots of people. Hindi lang sumisikip ang dinadaanan dahil sa laki ng espasyo ng bar.

Nilibot ko ang tingin. I can see many influential people, may mga kakilala akong galing sa negosyo at habang ang iba ay hindi pero sikat.

Hinanap ko agad ng mga mata ko ang bar counter. Hindi ito ang unang beses na nakapunta ako sa bar na ito. This is where I basically saw Ares for the first time and before I damaged his car.

Naglalakad ako papuntang bar counter nang hindi ko inaasahang makasalubong si Dean. Babati sana ako kaso natigilan nang makita ang kanyang madilim na ngisi. I instantly looked at the woman he's holding. I smirked when I realized what's going on.

I was about to tease him, when my eyes unconsciously darted into the place where I felt someone was watching me. And to my horror, I immediately recognized Ares watching me darkly while holding his glass of alcohol and leaning at the right side of the bar counter.

Hindi ako nakagalaw sa magkahalong gulat at takot. Ang pagtakbo ang unang pumasok sa isip ko na hindi ko rin magawa dahil hindi ako makagalaw!

Nilingon ni Dean ang tinitignan ko at kalaunan ay ibinalik din sa akin ang tingin. Hindi ko na siya nagawang bigyan pa ng pansin. I felt like if I remove my eyes on Ares, he will suddenly pop out in front of me.

Humakbang si Dean papalapit sa akin at bahagyang yumuko.

"I think you should go home now..." he whispered teasingly, obviously having fun with my situation now.

Tuluyan niya na akong nilagpasan habang hila-hila ang babae niya ngayong gabi. Nananatili akong nakatayo roon, halos wala ng planong umalis. Kung hindi ko lang nakita ang paglapag ni Ares ng kanyang baso sa counter, tanda ng pagpunta sa akin, hindi na talaga ako tuluyang makakagalaw.

I turned my back as I hurriedly walked towards the exit. Hindi ko alam kung ilang mura na ang nasabi ko sa sobrang kaba at pagmamadali. Maraming tao ang nasa loob ng bar pero sa paglabas ko, sobrang tahimik at halos wala akong makitang tao maliban sa bouncer.

Diretso akong naglakad sa parking lot. Habang nagmamadaling maglakad, binuksan ko ang purse at hinagilap ang susi. Hindi ko alam kung kasama ko ba ang kamalasan dahil nang mailabas ko ang susi, agad ring nahulog iyon at sa pagyuko ko para kunin, natapilok pa ako.

"Fuck. Shit." sunod-sunod kong mura.

Hindi ko na ininda ang pagkirot ng paa at walang lingon-lingon na naglakad patungo sa sasakyan. I clicked the button on the key to unlock the car, it made a sound. I held the door hinge and was about to open it when a strong hand pulled me.

Sa lakas ng pagkakahila, marahas akong napaharap. Naubusan ako ng dugo sa mukha nang matignan si Ares na malalim ang paghinga at matalim na nakatingin sa akin.

Nanliit ako at sinubukang umatras ngunit hindi nagtagumpay dahil sa higpit ng hawak niya.

"Did I not satisfy you?" mariin at galit na sabi niya.

Mariin niyang ipinikit ang mga mata, tila hindi iyon ang tamang salita na gusto niyang sabihin. Nananatiling awang ang labi ko, hindi makapaniwala na siya nga ang nasa harapan ko. The least thing that I'd expect tonight is to see him!

"You should've wake me up if you wanna leave." nakakagulat ang biglang rahan ng kanyang boses, ramdam ko ang pagpipigil.

Ang dilim sa kanyang mga mata ay sobrang lalim, halos wala na akong makita. He looks fuming mad while restraining himself not to say anything when obviously he's damn curious on why I left. Gustong-gusto niyang sumbatan o pagalitan ako pero hindi niya ginagawa.

Tinignan ko ang hawak niya sa braso ko. Dumapo ang kanyang tingin doon bago lumuwag ang kanyang hawak hanggang sa tuluyan ng bumitaw. Tumikhim ako at pilit inayos ang sarili.

"It's a one-night stand. What did you expect me to do? C-Cuddle with you?" matapang na sabi ko, but then I still struggled a bit.

Mas lalo lamang siyang nagalit sa sinabi ko. His jaw clenched dangerously.

"Did you really think I am someone with no balls? You were a virgin when I took you, and for whatever you say, that's not a fucking one-night stand." aniya, tila sapat na dahilan na iyon para hindi ako umalis sa tabi niya matapos ng mga nangyari.

I remained calm and composed.

"What do you want to happen then? I never knew that virginity is big deal to you," I said honestly.

He's an expert with that activity. It's impossible that I'm the first one he took that is a virgin. Kaya ang ipinupunto niya ngayon ay hindi ko talaga makukuha.

My virginity is important to me, but I have no plans in giving him the responsibility because in the first place, I gave him the permission. I won't kiss him back if I don't want that to happen to us.

Kung may magkakaroon man ng responsibilidad sa aming dalawa, ako lang iyon. I will take responsibility to the consequences that will happen after what we did.

"Ganyan kababa ang tingin mo sa akin?" aniya, tila ako pa ang iniinsulto.

Humakbang siya palapit, kulang na lang ay isandal ako sa kotse para hindi makawala. I glared at him.

"Why are you acting like you were the one who's virgin that night? I will forget what happened, you should too!" sabi ko, bahagya ng iritado sa pinag-uusapan.

"It's not fine with me. I will take responsibility for what happened," he stated with emphasis.

Tumindig ang balahibo ko at agad naisip ang patutunguhan ng kanyang gusto kung mangyayari. My father will get benefit from this, and it will also affect Ares!

"What do you mean by responsibility? You're aware that I'm promised to someone!" sabi ko tila nababaliw na siya para hindi maisip iyon.

Pero sa sitwasyon ngayon, mukhang ako pa ang mauunang mababaliw.

"What? You want to have a relationship with me?" dagdag ko.

Umigting ang kanyang panga at hindi agad nakapagsalita, tila tama ang ipinupunto ko. I stilled and my jaw dropped.

"If that's what I want, what will you do?" seryosong sabi niya.

Hindi na ako nakapagsalita pa at tila naging tuod na lang sa kanyang harapan. 


You are reading the story above: TeenFic.Net