PROLOGUE

Background color
Font
Font size
Line height

“What do you want, Cohen?” mataray na ani ko dito.

Ngumisi ito bago sumagot. “I want your heart, Elix,” saad nito dahilan upang magsalubong ang mga kilay ko.

“Gago ka ba? May sariling puso ka naman, kukunin mo pa ang akin, hmp!”

Akmang tatalikod na ako nang bigla niyang hinapit ang katawan ko papalapit sa kaniya. Halos isang dangkal nalang ang pagitan namin, naamoy ko ang bango ng katawan niya. Napatitig ako sa mga mata niya, kita ko ang pagnanasa dito. Tumingin ito sa mga mata ko, pababa sa labi. Bago pa ako makapagsalita ay naangkin na nito ang labi ko.

That... That was my fvcking first kiss!

Gumalaw pa ang mga labi nito at 'di ko mapigilan na tumugon. Tila may kusa ang mga braso ko kaya napakapit ako sa leeg niya, ramdam ko ang pagngiti nito sa aking ginawa. Nang maubusan ng hangin ay binitiwan na niya ang labi ko.

“W-Why... Bakit mo ginawa iyon?” Hinihingal na tanong ko.

He smirked at me and put his hands on his pockets. “That kiss is a sign that you're already mine. Anyone who will come closer to you and will try to get you away from me will be killed by my own hands. Remember that, baby.” Iyon ang huling salita na narinig ko mula sa kaniya bago ako nito iwan na nakatulala.

H-He... He owns me?


You are reading the story above: TeenFic.Net