CHAPTER 3

Background color
Font
Font size
Line height


“Pakilista lahat ng names ng mga present.”

“Pakidala ito sa office ng Music Club.”

“Iannounce mo ito sa mga classmates mo.”

Napairap nalang ako dahil sa sunod-sunod na utos kanina ng demonyong Cohen na iyon bago ito tapusin. Bastos na manyak na nga, ang sama pa ng ugali. Uncrush ko na siya, 'di ko bet at keri ugali niya, hmp. Simula nang maging personal assistant niya ako, lagi niya nalang akong pinapagod. Lagi ring marami ang mga burikat na babae ang palagi akong sinusugod. Katulad nalang nitong babaeng kaharap ko ngayon.

“I'm busy, miss. Can you step aside, please?” Tiis pasensya kong saad dito ngunit mas lalo lang siyang humarang at ngumisi Kasama ang mga alipores nitong mukhang alipunga.

“I heard the news about you and my fiancé, are you flirting with him?” She asked me while raising her eyebrows.

‘Hala, gagi, nilalandi niya iyong taong may fianceé na?’

‘Maganda pa naman sana kaso ganon naman pala.’

‘Kawawa naman si miss Kali, inaagawan pa ng Elixcia na iyan.’

Rinig kong bulungan ng mga chismosa't chismoso na nasa paligid namin. Wow, apple of the eye ang peg. Sure ako na ako na ang bagong laman ng headlines sa Bulletin Board ng university.

I rolled my eyes because of irritation. “Who the fvck is your fiancé?”

“Wow, maang-maangan? 'Di mo ba kilala kung sino ang mga kausap mo? I am Kc Gvski, this is Faith Saji, and this gorgeous lady is Kali Gustav Webbo, we're the famous model in Rus—” Pinutol ko na ang sasabihin ng isang alipores niya.

“Wait! Teka lang,” ani ko saka naghalungkat sa bag ko.

“What are you doing, bitch?!” Galit na bulyaw nito sa akin.

Umirap ako saka sinamaan ito ng tingin. “Wait nga lang, 'di ba? Bitch-bitchin ko mukha mo, gusto mo?” Inis na sabi ko saka binigay sa kanila ang tig-pipisong nakuha ko sa bag ko. “Oh, ayan. Pakitignan sa tindahan sa harap ng University na ito iyong pake ko, bilhin niyo kung meron. Kapag wala kayong nabili, ibig sabihin ay wala akong pake, tss.” After I said those words ay tinalikuran ko na sila ngunit bago ko pa magawa iyon ay hinatak na nila ang buhok ko.

Pvtangina, ang sakit!

“Bitaw! Pvtangina, kapag ako nakawala sa inyo, sisikmuraan ko kayong mga alipunga!” Sigaw ko matapos akong pagtulungan ng dalawang alipores ni Kalipunga, oo, mukha naman siyang alipunga kaysa model. Bwiset na kamalasan ito!

“Faith, Kc, stop it. Let me teach that slut girl a lesson,” pagpapatigil ni Kali sa dalawa. Tumigil nga sila pero hinawakan naman nila ang magkabilang braso ko.

“You know what, miss—” I cut her off.

“Hindi, mukha bang oo?” Pamimilosopo ko dito kaya agad na tumaas ang kilay niya.

“Squater attitude, tsk. I am nice to those person who's nice to me, mukha ka namang mabait but you did some thing that makes me mad. Nilalandi mo ang fiancé ko.” Lumapit siya sa akin saka ako hinawakan sa panga. “Kapag malandi, ganito dapat ang natatanggap,” aniya saka ako malakas na sinampal sa kaliwang pisngi ko. 'Di pa ako nakakaget over ay nakatanggap na naman ako ng isa pang sampal sa kanang pisngi ko naman.

“Ano, masarap ba?” She asked me with a evil smile in her lips.

Ngumiti ako bago nilingon ang dalawang alipores niya saka ko inuntog ang ulo ko sa kanila dahilan upang bitiwan nila ako, lumapit ako sa Kali na iyon bago ko siya malakas din na sinampal na ikinagulat niya.

“Ano, masarap ba?” Ginaya ko padi ang sinabi niya na ikinasama ng timpla ng mukha niya. Akmang lalapit ang mga kasama niya nang tignan ko ito nang masama. “Subukan niyong lumapit at makakatikim kayo,” banta ko dito kaya agad silang umatras.

Muli kong nilingon ang babaeng nasa harap ko bago ko siyang muling sampalin. Naiinis ako, pvtangina! Ang sakit ng anit at pisngi ko e. Sasampalin ko sana siya ulit nang may marinig akong baritonong boses.

“Stop it, Elix.” Napalingon ako dito at sinamaan ito ng tingin. Agad na tumakbo ang hipokrita saka yumakap sa taong nagpatigil sa akin.

“Babe, inaaway niya ako!” Sumbong ni Kali sa lalaking nagngangalang Cohen at may paawa effect pang nalalaman.

Ow, so siya pala ang tinutukoy nitong fiancé. Nilalandi pa ako ng mokong pero ikakasal naman na pala, tsk.

“Arte mo, mukha ka namang tuko,” inis na sabi ko dito dahilan upang magtawanan ang mga nakapaligid sa amin. “Pagsabihan mo nga iyang Kalipunga na iyan, Cohen. Ihambalos ko mukha niyan sa pader,” dugtong ko pa.

“What did you just call me?” 'Di makapaniwalang tanong niya matapos kong sambitin ang pangalan niya.

“Cohen... Aangal ka?”

Umiling lang siya sa sinabi ko kaya umirap nalang ako at saka naglakad palayo sa kanila. Bwiset na lalaki iyon, nagiging malas araw ko dahil sa kaniya.

........

“Pinapatawag ka ni Mr. Cohen sa office niya,” ani ng isa sa mga kaklase ko. Muli akong umirap bago sumunod sa kaniya upang puntahan ang damuhong lalaking iyon.

Habang naglalakad sa pasilyo ng university ay rinig na rinig ko ang mga samut-saring bulungan nila tungkol sa nangyari kanina. I secretly laugh because of it. See? Sikat na naman ang maganda kong pangalan. Kasalanan ito lahat ng lalaking iyon.

Ilang saglit pa ay nasa harap na ako ng opisina niya, saglit akong kumatok bago pumasok. Busy siya sa pagtitipa ng computer at tila 'di napansin ang presensya ko na ikinarita ko.

“Pinatawag mo ba ako para lang paghintayin, SIR COHEN?” Tanong ko sa kaniya while emphasizing the ‘sir’ and ‘Cohen’ word.

“Take your seat, Heignné,” sabi nito habang pinagkrus ang mga daliri niya bago ipatong ang baba niya rito.

“Don't call me Heignné, it sounds too girly!” Naiinis na bulyaw ko sa kaniya ngunit tumaas lang ang sulok ng labi nito at tila naaamuse sa akin.

“I just realized that Heignné suits on you, so fvcking sexy.” He chuckled after he said those words.

Lihim akong natuwa sa sinabi niya ngunit agad din itong pinagsawalang bahala at bumalik sa pagiging mataray. “Stop calling me that name, will you?” I hissed but he just laugh.

“Alright then, I'll stop now.”

“What do you want, Cohen?” mataray na ani ko dito.

Ngumisi ito bago sumagot. “I want your heart, Elix,” saad nito dahilan upang magsalubong ang mga kilay ko.

“Gago ka ba? May sariling puso ka naman, kukunin mo pa ang akin, hmp!”

Akmang tatalikod na ako nang bigla niyang hinapit ang katawan ko papalapit sa kaniya. Halos isang dangkal nalang ang pagitan namin, naamoy ko ang bango ng katawan niya. Napatitig ako sa mga mata niya, kita ko ang pagnanasa dito. Tumingin ito sa mga mata ko, pababa sa labi. Bago pa ako makapagsalita ay naangkin na nito ang labi ko.

That... That was my fvcking first kiss!

Gumalaw pa ang mga labi nito at 'di ko mapigilan na tumugon. Tila may kusa ang mga braso ko kaya napakapit ako sa leeg niya, ramdam ko ang pagngiti nito sa aking ginawa. Nang maubusan ng hangin ay binitiwan na niya ang labi ko.

“W-Why... Bakit mo ginawa iyon?” Hinihingal na tanong ko.

He smirked at me and put his hands on his pockets. “That kiss is a sign that you're already mine. Anyone who will come closer to you and will try to get you away from me will be killed by my own hands. Remember that, baby.” Iyon ang huling salita na narinig ko mula sa kaniya bago ako nito iwan na nakatulala.

H-He... He owns me?

.......

Tulala pa rin akong naglalakad pabalik sa classroom ko. Paulit-ulit kong sinasariwa sa isipan ko ang mga katagang sinabi niya kanina sa opisina niya. Kung nagbibiro siya, pwes, hindi ako natutuwa. And kung hindi naman siya nagbibiro, dapat ko na siguro siyang layuan at iwasan. Magiging delikado ang puso ko sa kaniya.

Aaminin ko na nagkaroon ako ng little crush sa kaniya nang makita ko siya sa hallway noong umaga na iyon pero 'di ko alam na sa simpleng ginagawa niya ay magiging malala ang epekto nito sa sistema ko. At alam kong hindi iyon maganda.

“Back to earth, Elixcia Heignné Morgan!”

Nabalik ako sa wisyo nang biglang may pumitik sa harap ko. Nakita ko ang nakakunot noong mukha ng vice president sa classroom namin, which is my gay friend Shawn a.k.a Shawyn.

“Huh?” Wala sa sariling tugon ko dito.

Umikot ang mga mata nito bago napahawak sa ulo niya. “Gosh, girl! Kanina pa kita kinausap pero wala ka sa sarili! Boylet ba iyan?”

Tumikhim ako bago sumagot. “Ah, may iniisip lang. By the way, ano bang kailangan mo?” I asked.

“Tomorrow morning daw ay may meeting tayo for upcoming intramurals next month,” sagot nito sa akin saka sumabay sa paglalakad.

“Ganon ba? Sige, salamat. Una na ako sa cafeteria, hinihintay na ako nila Kie, Mau, at Dea, e.” Nang sabihin ko iyon ay agad siyang bumeso sa akin saka nagpaalam na din.

Magpapatuloy na sana ako sa paglalakad nang mapansin ko ang isang pares ng mga mata na matalim ang tingin sa papalayong si Shawyn. Lumingon ito sa akin at agad na tumiim ang panga niya, tila galit. Napalunok ako dahil sa klase ng tingin niya sa akin.

Mr. Cohen Cerujano, ano bang ginagawa mo sa akin?

..........

Hi, long time no update. I just want to inform you na every Sunday po ako magsusulat ng updates for this story.

Fb: @Alcaeus Pen Vonturri
TikTok: @alcaeuspen

Stay tuned and thank you for reading!


You are reading the story above: TeenFic.Net