CHAPTER 1

Background color
Font
Font size
Line height

“Class dismissed, you can now take your lunch,” saad ng aming professor bago umalis sa classroom namin.

“Hayy, sa wakas! Tapos na ang boring na history subject na iyan, by the way, may assignment ka ba sa Chemistry, Elix?” Tanong agad sa akin ng kaibigan kong si Kierra. Kahit kailan talaga ang tamad nito gumawa ng activities.

“Mahiya ka naman, Kie! Lagi ka nalang kumokopya kay, Elix. By the way, ako din hehehe,” pagsulsol naman nitong si Mau.

Natawa nalang ako bago sila irapan. “Ang kakapal ng mukha niyo, kayo ba naghirap magsagot, ha?” kunwaring inis na sambit ko.

Sumimangot naman silang dalawa at akmang sasagot nang biglang may isang malakas na tili ang nagpatigil sa kanila. Napatingin kami dito at there we saw Dea, panay ang tili nito habang papalapit sa amin.

“Mga sis, may chasemis!” Sigaw nito.

Mau crossed her arms before facing Dea. “'Di ka nawawalan ng chismis, ano? Spill the tea, bilis!”

Punyeta itong babaeng ito, akala ko pagagalitan si Dea kasi chismosa pero isa rin pala siya. Napatingin ako sa kanan ko nang makita ko si Kierra na nakaupo sa isang silya at nagsusulat. Ah, okay, nagsimula na siyang kumopya without my consent, ang galing talaga ng mga animal na ito. Busy sila sa mga ginagawa nila nang may mapansin akong isang grupo ng mga lalaki na dumaan sa hallway. May isang lalaki ang pumukaw sa atensyon ko, he's... he's very handsome!

Lumingon ito sa gawi ko at tila nahipnotismo ako sa kakaibang kulay ng mata niya. Parang hinihigop ako papalapit sa kaniya. Those dark blue eyes, it's amazing. Nabalik ako sa wisyo nang may isang kamay ang tumapik sa balikat ko dahilan upang lingunin ko ito.

“Ayos ka lang?” Mau asked me. I just nodded then sinilip muli ang hallway ngunit 'di ko na nakita pa ang lalaki.

Sayang, 'di ako nagkaroon ng chance to stare at him.

“Si Elix nabaliw na, parang may nakikita siya na 'di natin nakikita.” Rinig kong saad ni Dea kaya agad itong nakatikim ng palatok mula sa akin.

“'Di ba pwedeng may nakita lang na nakapukaw ng interes ko? Ang yummy mga sis!” Masayang ani ko sa kanila.

“Gaga ka! Bakit ngayon mo lang sinabi? 'Di tuloy namin nakita, 'di ka nagshare ng blessing!” Nakatanggap ako ng mahinang sabunot mula sa tatlo.

.......

“So iyon nga, dahil sa iyong babaita ka, 'di ko na nasilayan pa ang irog-to-be ko!” Bulyaw ko kay Mau na ikinairap niya.

“Harot, sis ah. Alam mong siya ang forever mo pero 'di niya alam na nag-iimagine ka diyan!” Singit naman ni Dea.

“Kayo naman, ang sama niyo. Minsan na nga lang managinip ng gising, ang kj niyo pa.” After Kierra said that words ay sabay-sabay silang tumawa, halatang nang-aasar. Mga hayop talaga.

Umirap nalang ako at tumayo upang magrestroom. Habang naglalakad ay iniisip ko pa din iyong gwapong lalaki kanina, 'di siya mawala-wala sa isipan ko. Hanggang makapasok sa restroom ay lutang pa rin ako. Natigil nalang ako sa pag-iisip nang biglang may baritonong boses akong narinig.

“What the fvck, miss?!” Napaangat ako ng tingin at agad na nanlaki ang mata at napasigaw nang malakas dahil sa aking nakita.

“Ahhh! Oh my virgin eyes! Manyak!” Agad akong tumalikod at tinakpan ang mga mata. “Susumbong kita kay nanay! Bastos! Bastos! I fvcking saw a peni— a hotdog! Nanaaaay!” Umiiyak na sambit ko habang nakatakip pa din ang mga mata.

“I'm not a fvcking pervert, you enter a wrong restroom, tss,” masungit na sambit ng lalaki kaya nilingon ko ito. Good thing at nakataas na ang pantalon niya. I look at his face and agad na nanlaki muli ang mga mata ko nang makilala ko kung sino ito. Si kuyang dark blue eyes!

“Ikaw nga iyon..” Bulong ko.

Tumaas ang kilay nito. “What?” He coldly asked. Akmang sasagot na sana ako nang may isang boses ang tumawag dito.

“Mr. Cohen, the university board meeting is about to start. Let's go na po, they need to know your approval about their projects.”

Matalim na tumingin sa akin ang lalaki saka nagsalita. “After this fvcking meeting, I'll find you, woman. I'll gonna punish you hard for calling me a fvcking pervert,” madiing saad nito bago ako iwan sa loob ng restroom.

Nang tuluyan itong makaalis ay bigla akong napahawak sa dibdib ko. Ang lakas ng tibok ng puso ko, grabe ang kalabog. Sheeet! Ang gwapo niya hihihi.

So, Cohen pala ang pangalan mo, ah. What a nice name and a... Big hotdog pfft.

.......

“Anong size ng hotdog na nakita mo, sis?”

“Anong kulay? Mamula-mula ba? Brown?”

“Kung ako iyan, nilamutak ko na HAHAHAHAHA.”

Namumulang napatakip nalang ako sa tenga ko dahil sa mga kahalayang lumalabas sa bibig nitong tatlong bruha na ito. Ang babastos! Akala mo 'di babae, e.

“A-Ano ba? Mahiya nga kayo,” pagsuway ko sa mga ito ngunit mas lalo lang silang tumawa. Mga animal talaga.

“Uy, namumula siya. Akala mo naman kung sinong inosente, g na g ka nga magkwento, ngayon ka pa mahihiya? Wala ka non, remember?” Ani Mau na ikinairap ko. Pasalamat siya at best friend ko siya dahil kundi masasampal ko na ito.

Bakit pa kasi ako nagkwento about doon sa big hotdog na iyon? Tsk.

Natigil sila sa pagtawa nang pumasok ang subject teacher namin sa music. Ang laki ng ngiti nito kumpara sa ugali niyang palaging masungit at galit. For the very first time good mood ito.

“Ehem! Listen, everyone. We have a very important visitor today, please be nice. This is Mr. Cohen Cerujano, isa sa mga sikat na tao sa angkan ng Cerujano. He owns a music company. Sa mga gustong maging singers diyan, this is your chance to shine because he will be your teacher until the end of the month.” Kasabay ng pagbigkas niya ng mga salitang iyon ay ang pagpasok ng lalaking kanina pang bumabaliw sa sistema ko.

He's here...

Nakapamulsa ito habang walang ekspresyong inilibot ang paningin sa buong classroom. Dumako ang tingin nito sa pwesto ko at kita ko kung paano unti-unting umangat ang sulok ng labi niya. Naalala ko na naman iyong huling kataga niya, kapag nakita niya ako, paparusahan niya ako. Katapusan ko na ba?

“I'll just sit on the chair over there then I'll observe all of you,” anito saka dahan-dahang naglakad papunta sa likod. Umiwas ako ng tingin dito dahil sa likuran ko siya uupo.

Bakit kasi dito pa?!

“Paano ba iyan? Nakita kita, are you ready to know and experience your punishment, baby?” Bulong nito sapat na upang marinig ko.

Agad na nanindig ang mga balahibo ko sa sobrang lamig ng tinig niya. Dahan-dahang napalunok sa kaba at napahawak sa dibdib nang muli itong tumibok ng mabilis.

Ano ba itong pinasok ko?


You are reading the story above: TeenFic.Net