SPECIAL CHAPTER

Background color
Font
Font size
Line height

ADRIEL KYE POV

“Where are you going?” Sheena asked.

Gulat naman ako sa kaniyang prisensya ngayon dito sa bahay. What is she doing here? I'm really tired of her. I already cleared myself to her, I will never like her nor love her the way she wanted. She's just a friend to me, pero habang tumatagal ang pagkakaibigan namin ay  nag-iiba ang gusto niya. And I can't give that to her. Never...

Hindi ako sumagot at nilampasan lamang siya. Masyado siyang at home rito sa amin kaya anytime ay nakakapasok siya. Rinig ko ang maingay nitong takong na sumusunod sa'kin.

“Hey! Kye! Wait up! Where are you going? Can I join you?”

“No. Stop it Sheena,” tumigil pa ako at hinarap siya. Naging mabuting kaibigan ko rin naman siya noon, kaya hangga't maaari sana ay ayoko siyang saktan.

“Stop what? Gusto ko lang naman sumama, saan kaba pupunta?”

“Stop this, Sheena. I told you, we're just friend. Huwag mong ipilit ang hindi naman pwede,” mahinahon kong saad.

“Kye, we're friends since then for almost fifteen years. Ayaw mo ba talagang subukan? Who knows, baka mag work tayong dalawa since we're best friend.”

“I'm sorry, Sheena. Ayokong masira ang pagkakaibigan na matagal na nating iniingatan. Please, respect our friendship. Hindi lahat ng relasyon na nagsimula sa pagkakaibigan ay successful at may happy ending. We're not in a fairytale, admit it.” Bumuntonghininga ako at hinawakan siya sa magkabilang balikat. “Mahal kita, dahil kaibigan kita. Iginagalang kita hindi lang dahil kaibigan kita kundi dahil babae ka. You know how I respect women. At ayaw kong mawala 'yon. Ayokong masira kung anong meron tayo. Please... let's just stay being best friends. Ayokong mawala ka sa'kin, ayokong mawalan ng kaibigan. Hmmm?” hinawakan ko ang pisngi nito at pinunasan ang tumulong luha.

“Pwede bang mag move-on muna?” tanong nito habang umiiyak kaya natawa ako.

“Sure,”

“Aalis muna ako at lalayo. S-sorry...hindi ako mawawala, babalik ako. Your Sheena will be back, promise! Hindi kasi gano'n kadali na kalimutan ang nararamdaman ko sa'yo,” she said while wiping her tears.

“I know...balikan mo 'ko ha? Hihintayin kita. Kapag nagka-boyfriend ka, sana ako ang unang makaalam huh?”

“Tss. Matapos mo kong i-friendzone, gusto mong ikaw unang makaalam kapag may boyfriend na ako? Ewan ko sa'yo!” pagtataray nito.

“Syempre kailangan kong kilalanin. Gusto kong makasigurado na hindi ka tatanga-tanga ulit at hindi ka iiyak. Gusto ko, last nang iyak 'yang nakita ko ng dahil sa lalaki. Okay?”

“Tss. Ang bossy talaga. Okay!” ngumiti naman ako at niyakap siya.

Ayoko talaga na nakikitang umiiyak o nasasaktan ang mga babae ng dahil sa lalaki. Ayoko sa mga lalaking hindi marunong gumalang ng babae o hindi nakikita ang halaga ng mga babae. Tss. The way they treat their woman is the reflection of how they treat their Mother.

Papunta ako sa company ng parents ko para umattend ng meeting. Tinawagan na ako kanina pero kailangan ko pang pakalmahin si Sheena bago iwan. I want to make sure na okay na siya bago iwan. It's my fault anyway.

Nagsalubong ang kilay ko dahil sa kotse na nasa harapan ko. Bumagal ito at unti-unting itinabi ang sasakyan. Tumigil ako para tignan o itanong kung may problema.

“Pisti!” rinig kong bulyaw ng babaeng nakatalikod sa gawi ko. Nilapitan ko ito.

“Excuse me, do you need help?” I asked.

I stan for a moment when the woman with blueish eyes looked at me. Oh God, she's so...

Ahm...” she said then looked at her car tire.

“Oh... I see, flat tire. Wait...” I call my staff to asked for their help.

[Yes sir?]

“Needs help,”

[What happened to your car sir?] Agad na tanong ni Roy. One of my staff.

“No, not mine. Ahm...my friend's car,” sinabi ko ang eksaktong address kung saan ito nasiraan. “Make it fast, and please. The most expensive tire, it's all on me. Okay?”

[O-okay, sir. Copy!]

Ibinaba ko na ang phone ko at humarap sa magandang babae. Kahit medyo naiirita na ay maganda pa rin ito.

“Okay na Miss. My staff will be here in a minute. Sila na ang bahala sa kotse mo,” I said.

Naku! Thank you Mr?”

“Adriel Kye,” sagot ko at siya naman ang tinanong ko “and you are?”

“Brianna Czes,” at tinaggap ang kamay ko. “Thank you ulit ha, hintayin ko na lang sila,” nakangiti nitong sabi.

Her beautiful name suit her.

“Medyo matagal 'yan, if you want, let's grab a coffee there?” good timing naman at may coffee shop sa tapat namin.

“Ah... Okay sige. Kaya lang, baka kasi may pupuntahan ka pa. Okay lang naman na ako na lang maghintay.”

“It's okay, let's go?” kahit ang totoo ay malilintikan ako kay Mommy dahil hindi ko na aabutan ang meeting. Pero okay lang, ayokong iwan ang isang ito na hindi nasisiguradong nasa maayos siya.

“O-Okay...”

Pasimple akong sumusulyap sa gawi niya habang kausap ko ang tauhan ko sa phone ko na gumagawa ng kotse niya sa labas. Ayoko naman na patambayin siya sa labas habang ginagawa ito dahil maiinitan siya. Pagkatapos no'n ay sabay kaming lumabas para i-check ito. She even asked me how much she'll pay but I refused.

“Saka na lamang kita sisingilan kapag nagkita ulit tayo,” I said. Nagtaka ito sa aking sinabi. Isinuot ko ang aking salamin at sinabing...

“Una na ko,  ingat ka... ” mamahalin pa kita. Sa pagtalikod ko ay napangisi ako dahil sa nasabi ko sa isip ko.

She is really my type. Mukha siyang mataray pero ang lambing magsalita. Siya 'yong tipo ng babae na parang hindi nakakasawang alagaan.

“Boss, girlfriend mo ba 'yon?” pasimpleng tanong ni Roy habang pabalik kami sa sasakyan.

“Sana...” pero hindi. Tss. Sayang!

Pagsakay ko ay bumusina lamang ako bago siya lampasan. Parang hindi pa rin ito makapaniwala sa hindi ko pagpapabayad sa gulong na ikinabit sa kaniyang sasakyan. Sisipol-sipol naman ako habang hindi mawala ang ngiti sa labi na papunta sa office.

“What the...”

“Hep! Mom, bawal magmura.”

Nagbuntong hininga si Mommy. “Adriel Kye! You're one hour late! Seriously?! Bakit pumunta kapa?”

Tumingin ako sa relo ko sa aking palapulsuhan at napakagatlabi nang makitang isang oras na nga ang nakalipas.

“Oh... Oo nga po 'no? I'm sorry Mom, hindi ko po napansin. May babae po kasing nasiraan sa harapan ng sasakyan ko kaya tinulungan ko na po. You told me, don't be selfish. Tumulong hangga't may maitutulong. Right?”

“Fine,” sagot ni Mommy at nagbuntong hininga muli. Magpasalamat ka at dumating ang Daddy mo at siya na ang sumalo sa'yo. Sa uulitin naman Adriel, please!”

“Yes, Mom. I'm sorry, where's Dad?”

“May pupuntahan pang meeting. Sige na, makakabalik kana sa company mo.”

“Thank you Mom!”

Simula nang makita ko si Czes, hindi na ito nawala pa sa isip ko. I don't know what's gotten into me pero pinaimbistigahan ko ito. Dahil hindi ako sigurado kung magkikita kami ulit kaya ginamit ko ang yaman ko para mas makilala ko pa siya.

Doon, nalaman ko na isa siyang Architect at may sariling company na kasosyo ang isa nitong kaibigan. Nag-isip ako ng paraan kung paano ko siya makikita o makakausap ulit na magmumukhang hindi sinasadya.

“Dad,” I called my Dad for my plan.

[Yes, anak? Any problem? Are you in trouble?] sunod-sunod nitong tanong kaya natawa ako. Palagi silang ganito ni Mommy sa tuwing bigla na lamang akong tatawag.

“Dad...calm down. I'm fine, I'm not in any trouble.”

[Oh... So, what's with the sudden call?]

Ahm... I need new shop,”

[New shop? Pero katatapos lang ng bago mong shop, hindi ba? ]

“Yes, but I need one more Dad. Please? Can you help for this?” kailangan ko ng back up ni Daddy dahil siguradong raratratin ako ng tanong ni Mommy. Lalo pa at katatapos lamang ng isa kong branch tapos ay gusto ko na naman ng bago.

[Okay...] Napa 'yes' naman ako nang pabulong.

“Dad, kukuha po ako ng bagong architect for this one. Ako na po bahala—”

[What? Pero may architect na tayo since day one. Bakit kailangan ng bagong architect? Baka mamaya palpak 'yan—]

“Trust me to this one, Dad. Magaling 'to, promise! ”

[Pero—]

“Thank you po Dad! Bye!” agad kong ibinaba ang tawag.

Doon ako nabuhayan ng dugo. Walang araw akong sinayang para humanap ng malaking lupa na mabibili. Malaking shop ang ipagagawa ko para mas matagal kong makita si Czes.

When the day came that I need to meet them, I act cool in front of her. But, deep down on me, I feel nervous. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako na makita siya.

Napansin ko na parang mapungay ang mga mata nito. Hindi ko alam kung galing sa iyak o antok ang dahilan.

“Nice to see you again... Architect,” bati ko kay Czes.

Doon na nagsimula ang araw na palagi ko siyang nakikita. Pero ang mga ngiti nito ay hindi ko makita-kita dahilan para mapaisip ako na may pinagdadaanan ito. At dahil nga roon ay napagpasyahan kong tumambay sa labas ng bahay nila. Medyo may kalayuan sa gate nila pero sapat na para makita siya.

May nakita akong lalaki sa labas ng gate nila. Akala ko noong una ay sa kapit-bahay pero natigilan ako sa mga nasaksihan ko.

Parang halos magmakaawa ang lalaki kay Czes pero nagmatigas ito. Mababasa ang awa at galit sa mukha niya pero tinalikuran nito ang lalaki at umalis sakay ng kaniyang sasakyan. Hindi agad ako umalis at pinanood ang lalaki habang nakatanaw sa malayong sasakyan ni Czes. Bago pumasok sa kaniyang sasakyan ay yumuko pa ito at sumubsob sa ibabaw ng kaniyang kotse na tila umiiyak. I feel sorry fo him, pero siguro may malalim silang pinagdadaanan na dalawa.

Pumunta na lamang ako sa AB Company at dinahilan ang pinapatrabaho ko sa kanila. Kahit na ang totoo ay gusto ko lamang alamin ang lagay ni Czes matapos nang nangyari sa kanila no'ng lalaki. Mugto na naman ang mga mata nito na madalas kong makita. Awang-awa na ako sa kaniya at gustong-gusto ko na siyang yakapin sa tuwing makikita ko s'ya. Pero, ayokong samantalahin ang kahinaan niya at ang sitwasyon nila. Dahil baka naman pagsubok lamang ito sa kanila.

“Adriel, kumusta naman ang pinagagawa mo? Maayos ba ang nakuha mong architech?” my Mom asked when I came home.

Wala ako sa mood nitong nga nakaraang araw. Oo nga at madalas kong makita si Czes kagaya ng gusto kong mangyari. Kaya lang, hindi ko naman ito nakikita na masaya. Palagi itong parang wala sa sarili.

“Yes po, Mom. Excuse me, magpapahinga lang po ako.”

“O-okay...” nagtatakang sagot ni Mommy.

Araw-araw nag-aalala ako sa kaniya. Araw-araw dinadasal ko na sana kayanin pa niya ang pagsubok na meron siya.

Pupuntahan ko sana siya sa office niya pero sa parking pa lang ay natigilan na ako sa hindi kalayuan. Nasaksihan ko na lamang ang pagsampal nito sa kausap at paghampas ng bulaklak. Hindi ko rinig ang isinisigaw nito sa lalaki. Pero kitang-kita ko sa luhaan niyang mata na sobra na siyang nasasaktan at nagagalit.

Sinundan ko ang sasakyan nito. Ang kabog sa dibdib ko ay hindi magkamayaw dahil sa bilis nang pagpapatakbo ni Czes.

“Oh God! Please... Guide her,” sambit ko habang pilit na hinahabol ang sasakyan nito. Nakahinga naman ako nang maluwag nang tumigil ito sa tabi.

Agad akong bumaba at kakatukin ko na sana siya nang maaninag ko ang nakasubsob nitong ulo sa manibela. Panay ang taas-baba ng balikat nito marahil dahil sa sobrang pag-iyak. Napa-atras na lamang ako at hindi na siya inabala.

Hindi ikaw ang kailangan niya... Hayaan mo siya at umalalay ka lamang. Hindi ito ang tamang oras.

Pagpapaalala ko sa aking sarili bago bumalik sa aking sasakyan. Ilang segundo lamang ay umandar na muli ito kaya sumunod na ulit ako.

Nag-park ito sa isang bar at sinundan ko naman ito. Naupo ako sa medyo malayo sa kaniya pero 'yong tanaw ko naman siya.

Czes, ano ba talaga ang problema? Sana pwedeng kunin ang sakit para hindi ka sobrang nasasaktan ngayon.

Lumapit na ako nang makita kong marami na itong nainom. Nakilala naman niya agad ako kahit pa medyo pumipikit na ito. Pilit kong inaalam ang nangyari pero idinadaan niya sa biro ang lahat. Doon ko nakita ang masaya nitong mukha. Doon ko narinig ang halakhak na matagal ko nang gustong marinig.

“Those laugh of yours...hiding so much pain. Isn't it?” natigilan ito at lumihis nang tingin para iwasan na naman ang tanong ko. “You can tell me anything. I'm all ears, don't worry. I won't judge you.” Never ko siyang huhusgahan.

Akala ko wala nang pag-asa na malaman ko ang lahat. Pero nang magsimula na itong magkuwento, naramdaman ko ang sakit na naramdaman niya. Nalaman ko ang pinagmumulan ng galit niya. Hindi ko siya masisisi, walang sino man ang pwedeng manisi sa kaniya kung naging matigas siya. Pero nakakahanga na nakaya niyang harapin ang lahat ng iyon. Babae siya, pero, masasabi mo talagang hindi siya basta babae lang.

“I can't blame you. He doesn't deserve you anyway. I hope, you can still find what your hearts really desires. Give yourself a break from heartaches. Pwede naman magpahinga. 'Wag mo pilitin kung hindi pa kaya. Kung talagang mahal ka niya at seryoso na siya this time, hindi ka niya mamadaliin. Maghihintay siya kahit gaano pa katagal. Hihintayin niya na mabuo ka na ulit.”

“Tapos ano? Magpapawasak ulit sa kaniya?” she asked.

“You're really traumatized by him.”

“Buong pagkatao ko ata na trauma.”

Ramdam ko na mahal pa niya pero nangingibabaw ang takot. Takot masaktan siya ulit, takot na lokohin ulit.

Kinuha ko ang susi niya at isinakay ito sa kaniyang sasakyan.

Nakakamangha rin ang pagmamahal niya sa kaibigan niya. Siguro dahil sobrang minahal at inalagaan din siya ni Architect Tianson. Sino ba naman ang ayaw na alagaan ang kagaya niya? Babaeng napaka tapang tignan pero durog na durog ang kalooban.

Tinitigan ko ang maamo nitong mukha na nakapikit. Hinawi ko ang ilang hibla ng buhok na nakaharang.

“Ang sarap mong alagaan, pero, bakit sinayang ka niya? Stupid man. He never know how to handle you, yet, he can handle random girls. Tss.” nakaramdam ako ng galit para sa lalaki. Ang sakit lang na wala akong magagawa at hindi ako pwedeng makialam.

“If I were him, I won't hurt you. I won't let you cry in bed. A girl like you deserves everything. You are tough outside but fragile inside. How I wish I can have a chance to take care of you forever. But, you're not mine.”

Hindi pa ngayon... Pero kung mabibigyan ng pagkakataon, kayang kong maghintay kahit gaano katagal.

Sobrang napapahanga niya ako sa lahat ng aspeto. At mas pinahanga pa sa katapangan niya nang dumating ang sunod-sunod na problema nito.

Umalis ang nag-iisa nitong kaibigan sa hindi niya malamang dahilan. Nalaman niya na nagbunga ang panloloko ng asawa niya. Bumalik ang ex ni Steve at na-comatose pa ito na isinisisi sa kaniya ng in-law niya. Mag-isa niya itong hinarap dahil wala ang kaibigan nito.

And when her birthday came... Naghanda ako ng maliit na sorpresa para lamang maibsan kahit saglit ang lungkot na pinagdadaanan niya. She deserves a break after all.

Czes, I wish you a happy life without no one. I mean, make yourself happy and heal by the traumatized he has done to you. I hope, one day will come that I'll see you again, finally happy. And I hope, I will see the genuine smile of you again. Be happy, because you are worth to be happy. Stay strong. May God guide you always.” My birthday wish for her. Titig na titig ito sa'kin kaya nginitian ko naman siya.

Habang nakapikit ito at nagwiwish para sa kaniya ay taimtim akong nagdarasal sa loob ko habang nakatitig sa nakapikit niyang mga mata.

Lord God, I hope she'll get through all of the struggles and problems you gave to her. She doesn't deserve the pain, please heal her and make her happy. Please grant her wish.

But after a minute of laughter, another problem came. Another heartache for her came. Her Dad died. The only person she have, already left her.

Wala nang mas sasakit pa na makita siyang durog na durog. Bakit kailangan niyang maranasan ang lahat ng ito? Bakit kailangan sa magkakasunod na pagkakataon?

Hindi ko siya iniwan hanggang sa libing ng Daddy niya. Hindi siya umiiyak sa ilang araw na burol hanggang sa libing. Pero nang marinig niya ang boses ng kaibigan, doon siya humagulhol. Doon ko rin napatunayan na walang kahit sino ang pwedeng tumibag sa pagkakaibigan ng dalawa.

Sa dami ng kaniyang pinagdaanan, naiintindihan ko kung gusto niyang lumayo at magpahinga. Kaya inihanda ko na ang sarili ko nang kausapin niya ako para magpaalam.

“Keep going Czes, sana magkita ulit tayo. At sana, kapag nangyari 'yon, okay ka na.”

Five years... Nagtiis ako na wala ang prisensya ni Czes sa loob ng five years. Never akong nakipagdate sa kahit sinong babae dahil nangako ako sa sarili ko na hihintayin ko siya. Nangako ako sa sarili ko na saka lamang ako titigil maghintay kapag kasal na siya ulit sa iba.

Nang umattend ako sa kasal ng bestfriend ko sa New York, kasabay ng business trip namin ay nagkita kami sa isang bar. 'Yong saya na nararamdaman ko nang gabing iyon ay hindi ko maipaliwanag. Lalo pa nang sagutin nito ang tanong ko kung saan mas lumakas ang kumpyansa ko na maghintay ulit.

“Can I ask you something?”

“Yeah, sure!” sagot nito.

“Are you in a relationship right now?” seryosong tanong ko at bigla akong kinabahan lalo na at hindi agad ito nakasagot.

“No. I never get into a relationship for five years now. Why?”

Hindi ko na naitago pa ang ngiti sa labi ko dahil sa narinig.

“Good to hear that. Looking forward to see you again, Czes. I'm always waiting to see the new you. The healed Czes. I'm glad you're okay now.”

I've waited for seven years. Yes, six years akong patagong nagmamahal sa kaniya. One year akong nanligaw dahil hindi ko siya minamadali. Gusto kong maramdaman niya ang halaga niya sa araw-araw na nanliligaw ako. Gusto kong matutuhan niya akong mahalin sa kung ano ako at hindi dahil malungkot siya. And finally, after seven years of waiting to my girl. She's already mine.

After three years being boyfriend-girlfriend, I asked her to marry me. I marry her in New York, after six

You are reading the story above: TeenFic.Net