Prologue

Background color
Font
Font size
Line height


“I'm sorry...”

“Putanginang sorry 'yan! Hindi na natapos! Hindi na naubos! Paulit-ulit na lang! Sa bawat pagkakamali palaging sorry na lang!” galit na galit kong sigaw sa kan'ya.

“Love—”

“Stop calling me that fucking endearment!” putol ko sa akma niyang paglapit. “Bakit, Steve? B-Bakit kailangan paulit-ulit?” basag na boses na tanong ko.

Kitang-kita ko sa mga mata nito ang takot at kaba pero wala akong pakialam.

“Please... I'm sorry... Let me explain. Lalaki lang ako, nagkakamali at natutukso—”

“Fuck your reason! Stop justifying yourself! Hindi rason na lalaki ka lang at natutukso! Dahil, tangina! Kung talagang kuntento ka sa 'kin, hindi ka matutukso! Explain?! Fuck explain!” Sigaw ko ulit at hindi na magawa pang pakalmahin ang sarili dahil sa galit at sakit na nararamdaman.

Umiling-iling ako habang walang tigil na nagpapatakan ang aking mga luha. Kagat-labi ako at pinipigilan ang hikbi.

“Two years, Steve...” humihikbi kong saad. “T-Two years akong nagtiis at nagbulag-bulagan. Two fucking years! Pinaniwala ko ang sarili ko sa kasal na 'to! Sabi ko na lang palagi na, okay lang, sa 'kin naman umuuwi. Okay lang, sa akin naman kasal. Lahat okay lang kahit sobrang sakit na!” Lalong lumakas ang iyak ko dahil sa alaalang iyon. “Sabi mo noon, wala kang naging babae sa loob ng four years dahil sa paghihintay sa 'kin. Nagawa mong maging loyal ng four years kahit walang kasiguraduhan. Pero bakit hindi mo nagawa sa loob ng two years? Bakit?!” Puro sigaw ko na lamang ang maririnig sa paligid. Dahil sakit na idinulot ni Steve, hindi ko na kayang pakalmahin ang sarili.

Wala itong magawa kung hindi ang panoorin ako sa pag-iyak habang naglalabas nang sama ng loob.

“I thought, I made a great choice in life when I chose to stay. Pero nagkamali ako, dahil ang piliin ka pala ang mas wawasak sa buo kong pagkatao! Pinalampas ko noon kahit sobrang wasak na ako sa mga ginawa mo. Binigay ko pa rin ang second chance na hiningi mo. B-Bakit naman gano'n, Steve? Bakit kailangan mo akong paulit-ulit na durugin? B-Bakit kailangan paulit-ulit mo akong inaalisan ng dignidad? Ubos na ubos na ako kakaintindi sa 'yo para lang protektahan ang kasal na 'to pero... Mapapagod din pala ako...”

“Love... No. Please... I'm sorry... I-Ikaw ang mahal ko... I'm sorry...” Lumuhod ito sa harapan ko.

“Ako ang mahal mo? Ngayon, hindi ko na makita ang dahilan para maniwala pa sa 'yo. Ang dami kong dahilan para iwan ka kahit noon pa man. Pero nagpakatanga pa rin ako para manatili ka. Para manatili sa kasal na 'to. Kaya, tama na... Respeto naman kahit bilang tao na lang. Dahil nakuha mo nang lahat... Wala ka nang itinira para sa sarili ko. Wala na rin namang dahilan para mag-stay pa ako sa toxic marriage na 'to!”


You are reading the story above: TeenFic.Net