Chapter 9

Background color
Font
Font size
Line height


“Oh! I'm sorry, may bisita ka pala.” Sabi ng babae sa likod ni Trish. Ngumiti pa ito sa'kin ng nakakaloko.

Tibay ng mukha ng kabet. Tss.” Sabi ni Amirah sa tabi.

“Are you saying something?” tanong sa kanya ng babae.

“Woah! Kapag pala kabet nakakabingi?” Nawala ang ngiti ng babae. “Usap muna kayong  MAG-ASAWA, sige na. Ako nang bahala sa GIRL FRIEND mo Steve.” Sarkastiko nitong sabi.

Ito ata ang dahilan ng excitement niya kanina pa. Tss.

“Baby, 'wag kang papayag na maiwan ako sa babaeng 'yan ha!” parang batang sumbong ng babae kay Steve at kumapit pa sa damit nito.

Nagngalit ang ngipin ko sa inis habang pinapanood ang kilos ng babae sa asawa ko. Nang mapansin 'yon ni Steve ay pilit niyang inalis ang kapit sa kanya ng babae.

Tumaas ang kilay ko.

“Sorry pala? Ayusin natin?” nagsisimula nang kumulo ang dugo ko. Nagmamakaawa ka sa'kin na ayusin natin 'to habang kasama mo ang makati na 'to?! Putangina Steve! Ano to joke?!”

“Hey! Watch your words!” duro sa'kin ng babae. “Ouch!”

“Huwag kang epal! Kausap ka? Kausap ka? Hilig mo talaga makisawsaw 'no?” gigil na sabi ni Amirah sa babae matapos nito tampalin ang kamay nito na naka duro sa'kin. Nagtago naman sa likod ni Steve ang babae.

“L-Love—”

Isang malakas na sampal ang ginawad ko kay Steve dahilan para matigilan siya.

“Baby!!” arat ng babae at hinawakan ang mukha ni Steve pero pilit itong inaalis ni Steve.

“Baby my ass!” sabi ko sabay hila sa buhok ng babae palabas.

“Ah!! Ouch! Let me go!”sigaw nito habang hawak ko siya sa buhok at padarag na isinandal sa pader.

“Brianna!” sigaw ni Steve.

“Amirah...” tawag ko kay A. Mabilis nitong hinawakan ang mga kamay ng babae.

“W-What are you doing?” kinakabahang tanong ng babae kay Amirah.

“Ano sa tingin mo? Niyayakap ka? Nakakabobo rin ba maging kabet? Ayaw mo pang magbabagong buhay e!” sabi ni A.

Subukan mong lumapit Steve!” sigaw ko kay Steve na akmang lalapit kay Amirah para pigilan. Subukan mong lumapit, hindi mo makikitang buhay ang babaeng 'yan!” galit kong bulyaw.

“No...” umiiling nitong sagot. “Hindi mo gagawin 'yan Brianna, hindi mo kayang gawin 'yan...”

“Si B hindi kayang gawin, pero ako? Kayang-kaya ko maiganti lang ang kaibigan ko. Kaya subukan mong lumapit Steve, hawak ko ang buhay ng nangangating ito. Ipagahasa ko sa construction workers 'to e!” Sabi ni A. “Doon ka bagay! Hind sa Architect na may asawa! Sa construction workers na sumisipol ka bagay! Gaga ka!” sigaw ni A sa babae habang tinutulak-tulak ang ulo nito.

“Baby!! Help me please!” umiiyak na tawag ni Trish kay Steve. “Ah!” sinampal ko ito ng malakas.

Kapal ng mukha mo! Sa harap ko talaga! Tangina kang babae ka! Saan mo nakukuha ang kakapalan ng mukha mo ha!” galit na galit kong sigaw dito bago ko pinagsasampal muli ito. Ibinuhos ko ang galit ko sa kanyang mukha.

“Brianna! Stop that! That's enough! Brianna!” sigaw ni Steve kaya tumigil ako.

“A, ikaw na bahala d'yan.”

“Yes! Love it!” sagot nito.

Mabagal akong naglakad palapit kay Steve.

“Please love... H'wag mo na siyang idamay, ako na lang. Sa'kin mo ibuhos ang lahat ng galit mo—” natigilan ito dahil sa sapak na ginawa ko.

“Dalawa kayong nang gago sa'kin! Kaya dapat dalawa rin kayong nasasaktan!” sigaw ko.

“Ah!” sigaw ni Trish kaya napatingin ako rito.

Nakadapa na ito sa sahig habag nakaupo sa likod nito si Amirah. Hawak ito ni A sa buhok habang idinidiin ang pisngi ni Trish sa sahig.

Matakaw ka rin naman pumulot ng basura, hayan! Linisin mo ang maruming sahig, kasing dumi mo! Pisti kang babae ka! Maganda ka lang pero tanga ka! Makati ka! Hindi mo pa kinamot na lang 'yan mag-isa nandamay ka pang hinayupak ka!”

“Ouch! Stop!” sigaw ng babae habang pumipilwag ang mga paa.

“Tanginang ito! Nakangudngud na umi-english pa! Gago!” kagat labi pa si A.

“Brianna! Stop her! Pag-usapan natin 'to!”

Manahamik ka!” sigaw ko. “Akala mo talaga nadadala sa usapan lang ang kahayupan mo?! Fuck you Steve! Sobra! Sorry? Ayusin natin 'to? Putangina ka! Nagso-sorry ka habang may ibang babae kang kinakama?! Kung meron pang mas hayop pa sa hayop, ikaw 'yon?!”

Dahil sa ingay namin ay naglabasan ang mga nakatira sa katabing unit ni Steve pero wala akong pakialam.

“Brianna please... H'wag dito, pinagtitinginan na tayo oh.”

“Naisip mo pa ang kahihiyan mo?! Hindi mo naisip ang kahihiyan na ginagawa niyong dalawa?!”

Napayuko ito dahil sa aking sinabi.

“B, let's go. Paakyat na ang guard.” Hinihingal na sabi sa'kin ni A pagkalapit sa'kin.

“Anong ginawa mo sa babae?”

Nagpapahinga siya, napagod ata.” Walang ganang sagot nito.

Napatingin ako sa kinaroroonan ng babae. Nakadapa pa rin ito pero tulog.

“Anong ginawa mo Amirah?!” nanlalaking matang tanong ni Steve.

“Relax! Nakatulog lang 'yan sa pagod, pinagod mo ata. Tss.” bumaling muli ito sa'kin. “Tara, hinampas ko lang nang bahagya batok niya para makatulog. Ingay e.” Bulong nito sa'kin. Napahinga naman ako ng maluwag.

Nagpadala na ako sa hila niya pero bigla akong hinawakan sa kamay ni Steve.

“Brianna please... Mag-usap tayo ng maayos. H'wag ganito...” hinampas naman ni Amirah ang kamay nito kaya napabitaw.

Kapal ng mukha mong mag demand ng usap Steve! May hiya ka pa ba? Nakuha mo pang makiusap para ayusin ang sa inyo? Wow! Nakaka tangina!”

“Lumayo ka sa'kin Steve. Dahil baka mapatay na kita. Nandidilim ang paningin ko sa'yo.” Seryosong saad ko kaya napa-atras ito.

Tinuloy namin ni A ang pag-alis sa lugar na 'yon. Pagkasakay sa kotse ni A, doon ako nakaramdam ng panghihina. Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga kasabay ng pagtulo ng luha ko.

Ahhhh!!!!!!!” Sigaw ko sa loob ng kotse habang umiiyak para mailabas ang bigat sa dibdib ko. “Hindi ko na kaya!!! Ayoko na!!!” sigaw ko ulit.

Hinila ako ni Amirah at niyakap ng mahigpit.

Kayanin mo B. Nandito pa ako, okay?”

“A... Hindi ko na kaya... Ang hirap magpanggap na matapang ka kahit sa loob-loob mo, durog na durog ka na...” iyak ako nang iyak sa balikat ni Amirah.

“Kelan ba magiging tama ang desisyon ko? K-Kelan ba ako magiging m-masaya? Gusto ko na lang sumuko... B-Baka sakaling m-matapos na ang paghihirap ko.” Nahihirapan kong sabi habang sinisinok sa pag-iyak.

“No B, h'wag kang susuko. H'wag mong sukuan ang sarili mo. Si Steve lang ang sukuan mo. Please... Mahalin mo ang sarili mo higit pa sa iba. Magiging masaya ka rin. Kasama mo ko sa lahat. Hmm?”

“May katapusan ba ang paghihirap ko? K-Kapag ba binitiwan ko ang nagpapabigat ng buhay ko, gagaan na ba ang lahat sa'kin? M-Magiging m-masaya na ba ako?” kumalas ng yakap si A at hinawakan ako sa magkabila kong balikat.

“Let go the heavy one B. Free yourself from the burdens and you'll be happy. We will be happy. Bitiwan mo ang sobrang bigat na problema, isuko mo, pangako, magiging masaya ka.”


“S-Sige...” sagot ko sa kaibigan habang mabagal na tumatango. “Isusuko ko ang dapat isuko... Bibitiwan ang dapat bitiwan...”

______________________

You are reading the story above: TeenFic.Net