Chapter 8

Background color
Font
Font size
Line height


“B...” sambit ni A sa pangalan ko habang nakaupo ako sa tabing dagat. Hindi ako nito pinayagan umuwi sa bahay, kaya nandito ako sa Isla Haven.

“Hmmm?” sagot ko habang nakatulala pa rin sa maliwanag na buwan. Hampas ng mahinang alon ang tanging maririnig.

“Are you okay?” umupo ito sa tabi ko. “What are you thinking? 'Wag mong sasabihin na magpapakalunod ka na naman? Sinasabi ko sa'yo, papatayin ko si Steve!”

Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis sa ka o.a'yan ng kaibigan ko.

“Naisip ko lang, hindi ba ako naging mabuting asawa? Nawalan ba ako ng oras sa kanya? Kasi... Hindi ko alam kung bakit niya nagawa 'yon. Hindi ko alam ang pagkukulang ko bilang asawa. Baka meron, hindi ko lang napapansin—”

“Tumigil ka nga! Wala sa'yo ang problema! Hindi lang talaga marunong makuntento ang asawa mo! Sinabi ko naman sa'yo noon bago ka ikasal sa kanya 'di ba? Hindi ka si Nicole para mapagbago ang gagong 'yon! Alam natin na si Nicole lang nakagawa no'n sa kanya. See? He's still the same Steve, cheater and gago! Tss.” Gigil na saad nito.

“Paano ko siya hihiwalayan? Mahal na mahal ko siya A...” malungkot kong sabi habang unti-unting nanunubig ang aking mga mata.

“Wala naman sa batas na bawal mong hiwalayan ang tao kapag mahal mo pa. Pero, may batas para sa mga taong mapanakit, lalo't asawa mo pa. B, magtira ka naman para sa sarili mo. Dalawang beses ka nang ikinasal sa parehong tao. Ending? Hindi successful. Bakit? Kasi nasasaktan ka lang. Sinasaktan ka lang nang paulit-ulit.”

“P-Parang hindi ko pa kaya A... Hindi ko ata k-kaya...” tuluyan nang tumulo ang luha ko.

Kayanin mo B, maniwala ka. Mauulit at mauulit lamang 'yan. Maawa ka naman sa sarili mo oh... Hayaan mo naman maging masaya ka.”

“Pero... Paano kung siya ang kasiyahan ko?”

“Puta naman! Paanong kasiyahan? Ni minsan hindi ka naging masaya sa kanya! B! Hanggang kelan ka mabubulag ng pagmamahal mo sa kanya?! Hanggang kelan mo matatanggap na hindi mo siya deserve! Gusto mo ba i-untog ko pa ulo mo para lang matauhan ka?! B!!! Please naman! Napapagod na akong nakikita kang nahihirapan at nasasaktan...”

Napayuko ako sa mga tuhod ko at doon humagulhol.

Ang hirap bitiwan ng taong gusto mong makasama habang-buhay, ng taong kasama mong nangarap ng masayang pamilya sa sarili n'yong bahay.

Naramdaman ko ang yakap ng kaibigan ko.

“Alam kong nahihirapan ka magdesisyon. Alam kong nahihirapan ka kung bibitiwan mo siya. Pero, gusto ko lang ipaalala sa'yo na ikaw na lamang ang nakakapit sa kasal n'yong dalawa. Ikaw na lang ang lumalaban B. Mahirap kumapit sa isang relasyon na ikaw na lamang ang nakakapit habang ang isa ay unti-unti nang bumibitaw.” Mahinang sabi nito habang nakayakap sa'kin.

Lalo lamang ako napaiyak dahil sa kanyang sinabi. Dahil totoo naman na ako na lamang ang nagpapahalaga sa'ming dalawa. Ako na lang...

Binitiwan niya ako sa ere para kumapit sa iba...

Nang gabing iyon ay panay ang text sa'kin ni Steve para humingi ng sorry. Panay ang tawag na hindi ko naman sinasagot. Nag-text pa ito na umuwi na raw ako at ayusin namin 'to. Pero hindi kahit isang text ay wala akong ginawa. Binasa ko lamang lahat ng 'yon.

Ilang araw akong hindi pumasok sa trabaho, ilang araw akong nag-iisip sa dapat kong gawin. Araw-araw pa rin akong nakakatanggap ng text mula kay Steve.

From: Steve
Love, I'm sorry. Please, let's talk. Ayusin natin 'to.

Napapaiyak na lamang ako sa tuwing nababasa ko ang text niya. Siguro bibigyan ko siya ng pagkakataon na magpaliwanag ng side niya. Pakikinggan ko muna siya, pero, hindi ibig sabihin ay okay na. Gusto ko lang marinig ang sasabihin niya.

Kaya naman isang araw sinabi ko kay A ang plano ko. Saktong five days na ako sa kanya kaya siguro naman papayagan na niya akong makausap si Steve.

“A...” sambit ko sa pangalan niya habang kumakain kami.

“Oh?”

“Plano kong kausapin si Steve,” natigilan ito sa pagkain.

Makikipag-ayos ka na?”

“No, not that. Gusto ko lang marinig ang paliwanag niya.”

“Edi makikipag-ayos ka nga,”

“Okay, sige. Depende sa paliwanag niya. Okay na?”

“Sasama ako.”

“Ha? A naman...”

“Sasama ako o hindi ka makipag-usap? Choose.”

Napabuntong hininga na lamang ako sa pagpipilian na binigay niya. I have no choice. Tss.

“Fine. Sasama ka. Pero, hahayaan mo kaming mag-usap, okay?”

“Okay!” ewan ko pero, parang duda ako sa sagot niya na 'yon. Lalo na at sinamahan pa ng magandang ngiti. Tss.

Matapos namin kumain ay naligo na agad kami at nag-ayos. Linggo ngayon kaya balak muna namin sumimba bago pumunta kay Steve.

Pagkarating namin sa simbahan nag-uumpisa na ang misa kaya sa likod na lamang kami pumwesto. Nakatayo lamang kaming dalawa sa likod malapit sa pinto.

Lord, kung ano man po ang kalalabasan ng pag-uusap namin ay tatanggapin ko. Kayo na po ang bahala sa'kin. Salamat po.

Matapos ng misa ay umalis na rin agad kami. Sasakyan ni Amirah ang gamit namin.

“Sa bahay niyo ba?” tanong ni A habang nagmamaneho.

“Yeah,” tipid kong sagot. Nakakaramdam na agad ako ng kaba.

Pagkarating namin sa tapat ng gate ay tahimik at wala ang sasakyan ni Steve. Pero bumaba pa rin ako at pumasok kami sa loob ni Amirah.

“Walang tao B, pero linggo ngayon walang trabaho.”

“Baka nasa condo niya,”

“Oh... Tara! 'Wag mo tatawagan huh!” nakangiting sabi nito na ipinagtaka ko.

“Bakit?”

“Para surprise! Tara!”

Sumang-ayon na lamang ako sa gusto niya at sumunod sa sasakyan niya matapos ko i-lock ang pinto.

Habang nagma-maneho ay napapakanta pa si Amirah habang tumatapik ang mga daliri sa manibela.

“Anong nangyayari sa'yo?” tanong ko dahil nawiwirduhan na ako sa ikinikilos niya. Parang excited kasi ito.

“Ha? Wala naman! Don't mind me.” Nakangiti pa rin nitong sagot. Nagkibit balikat na lamang ako at hindi na ito pinansin pa ulit.

Nang makarating kami sa lobby ng condominium ay napabuntong hininga ako. Ang kabog ng dibdib ko ay mabilis na naman.

“Relax... I'm here! Back up!” nag taas-baba pa ito ng kanyang kilay. Nawiwirduhan na talaga ako sa kanya. “Sana nandito...” bulong pa nito.

Habang nasa elevator kami ay hindi ako mapakali sa kaba. Habang ang kasama ko ay panay naman ang pag-uunat ng kanyang mga braso. Itinali rin nito ang kanyang buhok ng mataas.

“A... Ayos ka lang ba?” tanong ko na.

“Me? Of course! Excited lang. 'Wag mo na akong pansinin.”

“Sabi ko bibigyan mo kami ng time mag-usap huh.”

“No problem!” mabilis nitong sagot.

Paglabas namin ng elevator ay palinga-linga pa ito sa paligid.

“Ako na mag buzz huh!” sabi nito at nag buzz na nga ito ng hindi hinhintay ang sagot ko. Tss.

Natigilan ako sa pagbukas ng pinto.

Si Steve ay natigilan din pagkakita sa'min. Hindi ko alam kung dahil ba masaya siyang makita ako at makakausap na ako o kung ano. Nakatitig lamang ito sa'kin.

“Hey—”

“Baby... Who's there?” natigil ako sa pagsasalita dahil sa narinig na boses ng babae.

“Sabi na nandito e,” bulong ni Amirah pero hindi ko pinansin dahil titig na titig ako kay Steve na napapalunok na ngayon.

Ang kabang kanina ko pang nararamdaman ay lalo lamang nadadagdagan ng galit. Lalo na nang lumabas na ang babae at yumakap pa kay Steve mula sa likod.

____________________

You are reading the story above: TeenFic.Net