Chapter 6

Background color
Font
Font size
Line height

Sa mga marurupok na makalat sa gc. Tignan ko loyalty niyo rito. HAHAHA!

___________

Hindi ko na naman naabutan si Steve paggising ko. Kaya naman, nagluto ako at balak kong dalhin sa kanyang office. Hindi ko ulit sinabi sa kanya ang pagpunta ko.

Pagkarating ko sa company nila ay hinarang na ako ng guard para sabihing wala si Steve.

“Ma'am, umalis po si Sir ng maaga. May kasama pong client daw po niya.” Sabi ng guard sa'kin.

“Kasama ba si Engineer Lopez?”

“Hindi po Ma'am, dalawa lang po sila e.”

“Client? Babae ba?”

“Babae po Ma'am, yung madalas po niyang hinahatid dito sa lobby.” Gulat man ay hindi ko pinahalata sa guard para may masabi pa ito na hindi ko alam.

“Ah... Madalas ba rito yung client? Big client siguro,” nakangiti kong usal.

“Araw-araw po ma'am, mukhang malaking client nga po 'yon ma'am. Araw-araw kasi sila ma'am napunta sa site.”

Site pala? Tss.

“Ah. Sige. Salamat... 'Wag mo na lang banggitin na pumunta ako ha?”

“Sige po Ma'am,” magalang nitong sagot bago ako tumalikod at pumunta sa kotse ko.

Napahigpit ang hawak ko sa aking manibela dahil sa isipin kung nasaan ngayon ang asawa ko.

Sino siya Steve... Bakit mo ginagawa 'to?

Napatingin ako sa pagkain na dala ko para sana sa kanya.

“Bahala na kung ano ang madatnan ko sa condo niya... Dadalhin ko lang ang pagkain, para rin malaman ko kung sino kasama niya.”

Nagmaneho ako papunta sa condo ni Steve. Wala pa man ay nanunubig na ang aking mga mata. Nanlalamig ang aking mga kamay at parang nangangatal. Huminga ako ng malalim.

“Shit!” bulyaw ko sa kalagitnaan ng pagmamaneho ko dahil sa biglang pag gewang ng sasakyan. Agad ko naman itong itinabi sa daan. Mabuti na lamang at walang mabilis na sasakyan akong kasunod.

Lumabas ako at sinilip ang gulong ng kotse ko. Flat ang likurang gulong ng nito.

“Pisti!” inis kong sabi.

“Excuse me? Do you need help?” boses ng isang lalaki sa likuran ko.

Paglingon ko ay bumungad sa'kin ang matangkad na lalaki. Naka white polo ito na nakatupi hanggang siko, naka Ray-Ban na black kaya hindi ko kita ang mga mata nito. May nakaharang na buhok sa noo nito, pero malinis ang gupit sa gilid at may ukit na linya.

Ahm...” nahihiya kong saad sabay lingon sa gulong ko. Tinignan din naman niya ito.

“Oh... I see, flat tire. Wait...” kinuha nito ang kanyang phone sa bulsa niya at may tinawagan.

Mukha itong mayaman, doon ko lang napansin ang sasakyan niya sa likod ng kotse ko. Black Wrangler jeepney type. Nakakahiyang hawakan dahil sa kintab nito.

Maya-maya pa ay lumingon na ito sa'kin.

“Okay na Miss. My staff will be here in a minute. Sila na ang bahala sa kotse mo,” sabi nito.

“Naku! Thank you Mr?”

Adriel Kye,” sagot nito at nakipagkamay, “and you are?”

“Brianna Czes,” nakangiti kong sagot bago nakipagkamay din. “Thank you ulit ha, hintayin ko na lang sila.”

“Medyo matagal 'yan, if you want, let's grab a coffee there?” turo nito sa katapat namin na coffee shop. Napatingin naman ako rito bago bumaling muli sa kanya.

“Ah... Okay sige. Kaya lang, baka kasi may pupuntahan ka pa. Okay lang naman na ako na lang maghintay.” Pormal kasi kaya baka may ka-meeting 'to.

“It's okay, let's go?”

“O-Okay...”

Pagkaupo namin sa loob ay hinubad nito ang kanyang suot na Ray-Ban. Doon ko pa lamang nakita ang mata nito na kulay brown. Pati na rin ang makapal nitong pilik mata at kilay.

Umorder lamang kami ng kape namin. Hindi naman nagtagal ay dumating na ang kanyang tinwagan kanina. Pinapanood namin ang mga ito mula sa loob ng coffee shop, habang kausap niya ang mga ito sa phone niya.

Nang matapos na ito ay sabay kaming lumabas para lapitan sila.

Ahm. How much?” I asked him.

“No, it's okay.”

“Pero—”

“Kapag nagkita na lamang ulit tayo, tsaka na lang kita sisingilin.” Saad nito sabay suot sa kanyang shades.

“Ha?” naguguluhan kong sagot.

“Una na ko, ingat ka.” Bigla itong ngumiti bago ako talikuran kasama ng mga staff niya. Dahilan para mapansin ko ang dalawang maliit na dimple sa magkabilang gilid ng labi nito.

Naguguluhan ko silang tinignan hanggang sa makasakay sa mga sasakyan nila. Bumusina pa ito bago ako lampasan.

“What the hell? Libre yung kape, libre ang gulong? Swerte ko ata ngayon. Tss.”

Nagkibit balikat na lamang ako at pumasok na sa loob ng sasakyan ko. Pinaandar ko na muli ito patungo sa condo ni Steve. Alam kong nandoon siya palagi.

Pagka-park ko ay bumuntong hininga pa muna ako bago lumabas ng kotse ko dala ang mga pagkain. Malamig na ito, kaya kailangan pang initin mamaya.

Dumiretso na agad ako sa elevator at pinindot ang 16th floor kung nasaan ang unit ni Steve. Panay ang tapik ng paa ko dahil sa kaba na kanina ko pa nararamdaman. Palapit nang palapit ay lalo lamang nadadagdagan ang kaba ko. Pagtigil ng elevator sa 16th floor ay mabigat ang bawat hakbang ko. Napapaisip kung itutuloy ko pa ba.

Kaya ko na ba? Hindi. Pero, kakayanin. Bahala na!

Napapalunok ako sa sobrang kaba pagtapat ko sa pinto ni Steve. Ang kamay ko ay nangangatal na inaabot ang doorbell nito. Pag buzz ko ng tatlong beses ay bumuntong hininga muli ako.

Eto na B... Kalma...

Nang marinig ko ang pagbukas ng pinto ay mabagal akong nag-angat nang tingin dito. Isang magandang ngiti ang sumalubong sa'kin. Ngiti na hindi ko inaasahan sa taong hindi ko rin inaasahan. Napalunok ako sa taong nagbukas ng pinto.

Isang magandang babae, nakasuot ng t-shirt ni Steve na regalo ko pa. Kulay puti ito na my letter S sa kaliwang dibdib. Hindi ko alam kung ito lang ba ang suot nito, pero kitang-kita ang puti ng hita nito dahil nag mukhang mini dress sa kanya ang t-shirt.

“Yes?” mataray nitong tanong sa'kin pero hindi ko magawang makapagsalita. Napatingin ito sa paper bag na dala ko. “Baby!” sigaw nito sa nasa loob.

“Yes?” sagot ng nasa loob na nabosesan kong si Steve. Doon pa lang ay parang sinaksak na ako.

“Nag-order ka ba ng food?” tanong ng babae.

“Hindi. Bakit?” rinig ko ang yabag nito papalapit sa gawi ng babae.

At nang makarating ito sa pinto, doon ko nakumpirma na si Steve nga ito. Hubad ito at naka short lamang. Natigilan ito sa akmang paghawak sa bewang ng babae nang makita ako. Pigil-pigil ko naman ang luha ko.

“B-Brianna...” Kinakabahan nitong sambit sa pangalan ko.

Dinalhan kita ng pagkain ASAWA KO, baka hindi siya marunong magluto. Ayokong nagugutom ka.” Walang emosyon kong sabi rito sabay tingin sa babae.

Natigilan ang babae at napa-atras ng isang hakbang palayo sa'kin.

“B-Brianna—”

“Anong ipapaliwanag mo? Meron ka pa bang dapat sabihin? Ito ba ang site na araw-araw niyong binibisita? Maganda.” Seryoso kong saad habang pabalik-balik ang tingin sa kanila ng babae.

“H'wag dito Love, please—”

“Wow! Saan mo gusto? Sa office?” sarkastiko kong usal. Tumingin ako sa babae. “Ikaw? Sobrang kati na ba kaya pati asawa ng may asawa pinatulan mo?”

“Siya ang lumapit sa'kin. Sabi niya wala siyang asawa!”

“Naniwala ka naman agad?!” galit kong bulyaw.

“Love please... 'Wag dito.” Awat sa'kin ni Steve habang napapatingin sa paligid.

“Okay.” Sagot ko sabay pasok sa loob ng kanyang unit. Sumunod naman ang mga ito sa'kin. Pagharap ko ay isang malakas na sampal ang ginawad ko sa babae dahilan para mapadapa ito sa sofa.

“Ah!” daing nito.

“Trish!” sigaw ni Steve at agad nilapitan ang babae. Napaismid naman ako sa nakita.

Tangina! Ang tibay!

“Trish my ass!” hinili ko ang damit ng babae para iharap at kinubabawan ko ito at pinagsasampal.

Punyeta kang higad ka! Mangangati ka na nga lang sa asawa ko pa ikaw nagpakamot!” sigaw ko habang sinamasampal ito. Awat awat ako ni Steve at pilit akong inaalis sa ibabaw ng babae.

“Brianna tama na!” binuhat ako nito paalis sa ibabaw ng babae. Umiiyak na ito habang inaalalayan ni Steve maupo sa sofa.

Fuck! What a scene?!

Hey... Are you okay?” malambing na tanong nito sa babae.

“Tangina!” naibulalas ko dahil sa nakikita. “Ako hindi mo manlang tatanongin kung okay lang ako?! Ako na asawa mo na ginago mong hayop ka!”

“Tama na Brianna! Sa bahay tayo mag-usap!” sigaw nito na nagpatigil sa'kin.

Tangina talaga!

Tinignan ko ang babae na nakangiti na ngayon sa'kin.

“H'wag ko lang makikitang pakalat-kalat ang mukha mo. Manghihiram ka ng mukha sa aso. Kande ka!” sabi ko sa babae at nagpaawa na naman ito kay Steve.

“Ayusin mo desisyon mo sa buhay Steve.” Huling salita ko bago sila iwan sa condo na 'yon.

Doon ko pa lamang pinakawalan ang luhang kanina ko pa gustong bitiwan. Hinayaan ko itong tumulo nang tumulo habang naglalakad ako palabas ng condo na 'yon.

Mukhang hindi ko na kailangan pang papiliin si Steve. Kita naman sa kilos niya kanina. Talo ako. Pero, ako ang legal na asawa. Hindi pa rin ako papayag.

___________________________

At sabay-sabay natin saksakin si Steve. :)

You are reading the story above: TeenFic.Net