Chapter 4

Background color
Font
Font size
Line height


Kinabukasan ay hindi ko muna iyon itinanong kay Steve. Ang tungkol sa aking narinig. Linggo ngayon at pareho kaming walang trabaho.

“Love, sama ka ba?” Tanong ko habang naghahanda ng mga plato sa mesa. Busy naman si Steve sa phone niya habang natatawa pa.

“Saan?” tanong nito na sa phone pa rin niya nakatingin.

“Bibisitahin si Daddy, pupunta rin ako sa puntod ni Mommy.”

“Ah. Hindi na, love, masakit ang ulo ko, e. Ikumusta mo na lang ako kay Daddy.”

“Sino ba ang ka-chat mo at ngiting-ngiti ka riyan?” tanong ko at naupo na sa tapat niya.

“‘Yong mga kasama ko lang kagabi. Kain na tayo,” sagot nito at ibinaba na ang kanyang phone.

Habang kumakain ay panay ang ilaw ng cellphone nito kaya napapatingin ako roon. Titignan lang naman ito ni Steve at hindi hahawakan.

Matapos namin mag-almusal ay nilinis ko rin agad lahat bago ako pumasok sa kwarto. Naabutan ko pang kabababa lamang ni Steve sa tawag ng kung sino.

“Sino 'yon?”

“Ah. Si Engineer lang.” Tumango lang naman ako at pumasok na sa banyo para maligo.

Ayoko nang naiisip ko. Ayokong pinaghihinalaan ang asawa ko pero, naninibago ako sa mga ikinikilos niya.

Matapos kong maligo at mag-ayos ng sarili ay nagpaalam na ako rito.

“Aalis na ako. Sure ka ba na ayaw mong sumama?” tanong ko pa muli rito.

“Hindi na, love, masakit talaga ang ulo ko. Ingat ka!” Tanging sinabi nito bago muli nagpatuloy sa pagtetext.

Nagtataka man ay umalis pa rin ako para puntahan si Daddy. Habang nagmamaneho ay pumasok sa isip ko ang sinabi ni A na nagloloko ang asawa ko. Ayaw ko man pero, sa ikinikilos niya ngayon ay nakakadudang talaga.

“Dad!” Masiglang bati ko kay Daddy na nagbabasa ng dyaryo sa may garden ni Mommy. Favorite na niya ang lugar na ito mula noong mawala si Mommy.

“Hija! Mabuti napadalaw ka!” Agad akong humalik sa pisngi nito at yumakap.

Napapansin ko ang pagpayat ni Daddy simula nang magkasakit ito. Sabi raw sa kanya ng doctor ay sadya raw ganito.

“Kumusta po? Pinapupunta niyo pa rin po ba rito ang doctor niyo monthly para sa check-up niyo?” Umupo ako sa bakanteng swing na nandoon sa tabi ng wheelchair niya.

“Huwag mo akong alalahanin. At oo, nagpapacheck-up naman ako. Ikaw, kumusta? Hindi mo ata kasama ang mister mo?”

“A-Ah... Nagpapahinga po, naging busy po kasi siya this past few weeks.”

“Ganoon ba, buti pinayagan ka magmaneho mag-isa? Hindi ba ayaw niya raw na nagmamaneho ka mag-isa?” Iyon kasi si Steve noong bagong kasal pa lamang kami. Masyadong protective. Hindi ko alam kung ano na ang nangyari kung bakit unti-unti na itong nawawala.

“Ahm. O-Opo, okay lang po sa kanya. S-Sabi ko po kasi ayaw kong malibanan ang pagbisita ko sa inyo. Weekly na nga lang po ako nakakabisita, e.”

Medyo may kalayuan kasi ang bahay namin kay Daddy kaya weekly lamang ako nakakabisita rito. Nagpatayo kami ng aming bahay dahil ayoko nang balikan ang bahay namin noon.

“Ano ka bang bata ka! Maayos naman ako rito, hindi mo ako kailangan palaging isipin.”

“Tss. Hindi niyo po maaalis sa'kin 'yon, Dad.” Sagot ko. “Dad...” seryosong tawag ko rito.

“Hmm?”

“Noong pinakasalan niyo ni Mommy ang isa't-isa, minahal niyo po ba ng totoo si Mommy?”

“Ang totoo?” tanong nito kaya tumango ako. “Mahal na mahal ko ang Mommy mo pero, hindi ako sigurado kung minahal niya ako.” Ngumiti ito ng malungkot. Nasaktan ako para kay Daddy. Dahil alam ko ang pakiramdam ng magmahal ng isang tao pero hindi ka minahal pabalik.

I've been there too...

“Mahal ka naman po siguro ni Mommy, hindi naman po siguro siya magtatagal kasama ka kung hindi.”

“Sana nga 'yon ang dahilan anak. Sana dahil mahal niya ako kaya gano'n. Hindi dahil ayaw niya lang ma disappoint ang mga parents namin.”

“Bakit mo po nasabi? Hindi po ba nasabi ni Mommy na mahal ka niya?” Tumingin ito sa 'kin ng ilang segundo bago mabagal na umiling.

“Never niyang nasabi. I understand. Alam ko naman kung sino ang totoong mahal niya.”

I feel sorry for my Dad to feel this way but, I also understand Mom. And I see myself to Dad before.

Nagtagal pa ang usapan namin ni Dad, sinabayan ko lamang din ito sa lunch bago nagpaalam umalis.

Dumiretso naman ako sa puntod ni Mommy. Pagkarating ko sa puntod nito ay naupo ako sa tabi.

“Mom, I hope you feel better now with my baby,” I said. “Mom, alam ko po na minahal mo si Dad. Natakot ka lang siguro aminin sa kanya noon. Hindi naman po kita masisisi, dahil nagsimula kayo sa mali. Like us before, pero sana, minahal mo si Dad kahit papaano. I already forgive him, I hope, you too.” Hinaplos ko ang pangalan nito sa lapida niya. “I missed you... Sana nandito ka para isang sabi ko lang na 'Mom, I'm tired. Mom, hindi ko na kaya' tapos yayakapin mo ko nang mahigpit.” Tumulo ang luha ko.

I really missed having her. Nawala siya nang hindi nasasabi sa 'kin ang totoo. Nawala siya nang hindi nakakapagkuwento sa 'kin tungkol sa totoo kong ama.

Matapos ko sa puntod ni Mommy ay umuwi rin ako bago maghapon. Iniisip ko na kailangan ko pang magluto ng gabihan dahil masama ang pakiramdam ni Steve.

“Love...” Tawag ko pagkapasok ko sa bahay.

Walang tumutugon sa tawag ko kaya naisip ko na baka tulog ito sa kwarto. Doon ako dumiretso para tignan siya pero walang kahit anino manlang nito.

Nasaan siya? Akala ko ba masama ang pakiramdam niya?

Kinuha ko ang phone ko at tinawagan siya. Ilang dial pa ang ginawa ko pero ring lang ito nang ring. Sa maka-ilang ulit kong pagtawag ay ni-reject na niya ito.

Hindi ko na muli ito tinawagan at bumaba na lamang sa kusina para magluto ng gabihan. Habang nagluluto ay napapaisip pa rin ako kung bakit wala siya, samantalang hindi niya ako nasamahan dahil masama raw pakiramdam niya.

Pagsapit ng gabi ay sinubukan ko muli itong tawagan pero nakapatay na ang phone nito. Nakaramdam na ako ng inis.

Naghintay lamang ako sa sala at hindi na nakakain kahihintay sa kanya. Nang mga bandang 10 pm na ay kumatok na ito sa aming pinto. Agad naman akong lumapit para pagbuksan siya.

Bumungad sa 'kin ang lasing na si Steve. Agad ko itong inalalayan papunta sa sofa at doon inihiga.

“Nasasanay ka naman atang umuuwi ng lasing? Akala ko ba masama pakiramdam mo dahil lasing ka rin kagabi?”

“Tss. Gabi na! Sermon pa?! Bukas na 'yan!” lasing na sabi nito na kinainis ko.

“Pwede ba, Steve? H'wag mo naman gawing vitamins ang alak. Hindi mo ko nasamahan dahil masama ang pakiramdam mo. Pero hindi naman kita naabutan dito tapos uuwi kang lasing?” galit kong saad.

“Ano ba?! Sabi ko bukas ka na magbunganga, 'di ba?! Antok na 'ko! Hayaan mo kong matulog! Tss. Ingay-ingay!”

Nanahimik na lamang ako at pinanood itong matulog. Gustuhin ko man na magalit at bungangaan siya, wala rin namang saysay dahil hindi niya maiintindihan. Tss.

Nang mahimbing na ang tulog nito ay kinapa ko ang bulsa nito at hinahanap ang phone niya. Mabuti na lamang at hindi pa ito naka lock, marahil ay kalalagay lamang niya nito sa bulsa niya. Kaya naman chineck ko agad ang inbox.

Walang laman ang inbox nito kung hindi isang text sa isang unregistered number na ipinagtaka ko. Binuksan ko ito na nagpatigil sa 'kin.

Unregistered Number
Thank you for today Architect.❤️

Ito lamang ang laman nang message at wala ng iba pero ang lakas ng kaba ko. Tinignan ko ang recent calls nito. Bukod sa 'kin ay 'yong unregistered number lang din ang laman nito. Nanlulumo akong napatingin sa asawa ko na mahimbing na natutulog sa sofa.

Totoo ba ang sinasabi ni A?


You are reading the story above: TeenFic.Net