Chapter 19

Background color
Font
Font size
Line height

Kalma lang tayo oy! HAHAHA!

_________

Tulala ako habang nakatingin sa mga bituin sa langit. Nakaupo ako ngayon sa damuhan sa garden ni Mommy. Maya-maya pa ay dumating si Daddy habang tulak-tulak ni Manang palapit sa'kin. Pumwesto ito sa tabi ko kaya napatingala ako sa kanya.

“Hindi ka ba nalulunod?” tanong nito na hindi ko naman agad na-gets.

“Po?”

“Ang lalim na naman kasi ng iniisip mo, hindi ka ba nalulunod?”

“Sa iniisip ko po hindi, pero, sa problema sobrang lunod na.” Sabi ko at tumingin na muli sa langit.

“Bakit ba ayaw mo pakawalan? Bakit hindi mo hayaan lumubog at iligtas mo ang sarili mo?” napatingin muli ako kay Daddy dahil sa lalim ng sinasabi niya. “Hayaan mong malunod ang problema mong 'yan at iligtas mo ang sarili mo. Hindi habang buhay ay kailangan mong isakripisyo ang sarili mo para lamang sa ibang tao. Minsan, ang pilit nating inililigtas, ay siya ring maglulubog sa atin. Sinabi ko naman na sa'yo noon 'di ba? Bitiwan mo ang dapat bitiwan? Kasi, pagtagal ay pagbigat.” Napatitig ako kay Daddy dahil sa mga sinabi nito.

Naisip ko, alam kong naiintindihan niya ako, dahil ang mga nararanasan ko ay naranasan na niya noon.

“Dad...”

“Hmmm?”

“Nang malaman niyong buntis si Mommy, pero, hindi ikaw ang ama, ano po ang naramdaman niyo?” ilang segundo pa niya akong tinitigan bago ito ngumiti ng malungkot.

“Sobrang sakit, siyempre. Kasi, hindi ko siya mabigyan ng anak, pero naibigay ng iba. Para akong sinampal.” Ramdam ko yung sakit Dad. “Pero, wala rin naman akong nagawa, nand'yan na e. Pilit kong tinanggap, pero, hindi rin tumagal, bumabalik 'yung sakit. And I'm sorry... I'm sorry kung sa'yo ko naibuhos ang galit ko kahit alam kong hindi mo naman kasalanan 'yon.” Ngumiti ako kay Daddy.

“Okay na po 'yon Dad. Tapos na po 'yon.”

“Thank you, dahil kahit baliktarin man ang mundo, walang kasalanan ang mga bata. Maaaring nagkasala ang mga magulang, pero hindi ibig sabihin no'n ay kasalanan na ng naging bunga. Infact, kids are indeed blessings.”

Tinanggap ko kahit masakit, dahil alam kong wala rin akong magagawa kagaya ni Daddy. Tsaka wala na rin naman kami, baka si Trish talaga ang para sa kanya. Lalo pa ngayon na magkaka-anak na sila.

Sana lang ay huli na itong problema na dumating sa'kin na involve si Steve. Dahil gusto ko, ang pag-alis ko sa buhay niya ay wala na akong dala na kahit ano mula sa nakaraan. Gusto kong palayain namin ang isa't-isa na tapos na ang lahat, wala ng problema. Para maging masaya naman ako sa future na ako.

Pero... Mailap talaga sa'kin ang kasiyahan at ang swerte...

Pagbaba ko ng aking kotse sa tapat ng gate namin ay napansin ko ang isang pulang kotse. May nakasandal na babae rito na naka pula rin na fitted dress. Mahaba ang medyo wavy na buhok nito. Kahit gabi ay kita ang makinis nitong balat na halatang mayaman. Ngunit natigilan ako nang tumingin na ito sa'kin. Tumayo ito nang maayos at nakataas kilay akong tinignan.

“N-Nicole?” mahina kong sambit.

Nicole Sadie Crimson... Ang mahal na mahal ni Steve.

Ibang-iba na ito kumpara noong huli ko siyang makita six years ago. Mas gumanda pa ito ngayon, at masasabi kong may narating na sa buhay. Mabagal pero may arte itong lumapit sa'kin habang hindi pa rin ako makapaniwalang nakatingin sa kanya.

“Ah!” isang malakas na sampal ang ginawa nito sa'kin na ikinagulat ko.

“Para saan 'yon?!” galit kong tanong.

Nagpaubaya ako kahit masakit, nagpakalayo-layo ako kahit alam kong mahirap. Hindi ako nanggulo pa. Isa lang ang hiniling ko sa'yo Brianna, ang 'wag mo siyang susukuan. 'Yon lang hindi mo pa nagawa?! Sinayang mo ang pagpapaubaya ko sa'yo?! Mahirap bang gawin ang hiniling ko?! Ha?!—Ah!!” siya naman ngayon ang sinampal ko ng malakas.

“Pupuntahan mo ako para isumbat ang pagpapaubaya mo, na hindi ko naman hiniling?!” galit kong sabi.Isinusumbat mo sa'kin ang pakiusap mo na h'wag ko siyang sukuan, pero wala ka namang alam!” hindi ko na napigilan pa ang sigawan siya. “Ang lakas ng loob mong sugurin ako rito para questionin ng gan'yan! Wala kang alam! Kahit katiting ay wala kang alam! Kaya anong karapatan mo na isumbat sa'kin 'yan?!” galit na galit kong sigaw dito.

“Dahil sinayang mo ang pag sa-sakripisyo ko para sa kasal niyong dalawa?! Alam mo kung gaano akong nasaktan Brianna, kita mo at rinig mo ang lahat. Wala kang narinig sa'kin, 'wag mo lang siyang sukuan ang hiningi kong kapalit. Pero ano?! Gusto mong makipag divorce?!”

“Tapos ka na?” seryoso kong tanong sa kanya pero hindi ito sumagot. “Ako naman.” Pinipilit pakalmahin ang aking sarili. “Akala mo ginusto ko na agawin siya sa'yo? Nicole, biktima lang din ako. Ni minsan hindi ko hiniling na masira kayo para lang pakasalan niya. Dahil tangina! Tangina talaga Nicole!” sigaw ko. “Kung alam ko lang na magiging impyerno ang buhay ko kasama siya, sana hindi ka na lang pumayag na mawala s'ya sa'yo! Sana sinamahan mo siyang lumaban para sa relasyon niyo! Pero ano? Tumakbo ka palayo kahit gusto niyang lumaban! Iniwan mo siya at nagpaubaya ka kahit hindi naman namin hiniling! Naging impyerno ang buhay ko kasama siya! Hindi niya ako minahal, ginago niya ako, harap-harapan niloko. Nawalan ako ng anak ng dahil sa kanya! Nawala lahat sa'kin dahil sa kanya! Ngayon mong sabihin na hindi ko dapat siya sinukuan!” galit na galit kong sambit dito habang pilit pinipigilan ang aking hikbi. Pero ang mga luha ay hindi papigil.

“H-Hindi niya m-magagawa 'yan...” umiiling na sabi nito kaya tumawa ako ng sarkastiko.

“Putangina! Hindi pa rin? Anak ko ang nawala Nicole! Ako ang nagdudusa noong mga araw na 'yon at hindi ikaw! Ako ang nagdudusa dahil iniwan mo siya! Sinira niya ako! Pero, pinatawad ko pa rin siya pagkatapos ng ilang taon. Nag proposed siya sa'kin, nagpakasal ulit kami. Pero dalawang taon pa lang, may babae na naman siya?! Sinubukan ko ang lahat ng makakaya ko Nicole! Bago mo ko husgahan sa pagsuko ko, sana alam mo ang paghihirap at pagtitiis ko ng sobra bago ko siya sinukuan! Sasabihin mo na hindi niya magagawa ang lahat ng 'yon?! Sa'yo oo! Pero iba ako sa'yo! Hindi niya kayang mahalin ako kagaya ng ginawa niya sa'yo noon! At tanggap ko 'yon! Pero, 'wag naman sana dumating pa sa puntong winasak niya ko. Dahil tangina! Hindi mo alam kung gaano kahirap at kasakit!! Wala kang alam!!” umiiyak kong sigaw. Nakatitig lamang ito sa'kin habang tumutulo ang kanyang luha.

“Alam mo ang mas m-masakit?” biglang nabasag ang boses ko. “Ang babaeng pinangloko niya sa'kin, nagdadalang tao at siya ang ama.” Nanlaki ang mga mata nito sa narinig. “Ngayon mong sabihin sa'kin na 'wag ko siyang sukuan. Dahil kahit baliktarin man ang mundo, walang sapat o magandang dahilan ang mga ginawa niya sa'kin. Wala akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao kung ayaw ko na. Dahil ako lamang ang nakakaalam kung bakit. At ako lang ang makakapag sabi kung deserve niyang patawarin. Dahil para sa'kin? Hindi na...”

Titig na titig ito sa'kin habang napapalunok pa.




“He's... in c-coma for two days now...”

_____________________

You are reading the story above: TeenFic.Net