Chapter 18

Background color
Font
Font size
Line height


Ilang araw pa ang lumipas, walang Steve na nagbabalik ng divorce paper na hihintay ko. 'Yon lang naman ang hinihintay ko, hindi naman talaga siya.

Ilang araw na rin akong walang balita sa kaibigan ko. Hindi ko rin ito makontak kaya nag me-message  na lamang ako sa email nito. Pero, wala itong sagot kahit isa. Nagaalala na ako para sa kanya, kaya naman pinagpasyahan ko na puntahan siya sa bahay niya sa Isla Haven. Pero, ilang minuto na ako sa labas, walang Amirah na lumalabas hanggang sa....

“Ay iha... Walang tao riyan,” sabi ng isang katiwala ng resort.

“Po? Nasaan po?” tanong ko.

“Umalis noong nakaraan pa may dalang maleta.”

Natigilan ako sa narinig. Walang nabanggit sa'kin si A na aalis siya ng bansa, akala ko rito lamang siya sa isla niya. Pero, bakit siya umalis na may maleta? Ibig sabihin ay nasa ibang bansa ito. Bakit hindi siya nagpaalam?

Napabuntong hininga ako sa aking naiisip.

“Gano'n po ba? Sige po, salamat po.” Sabi ko na lamang bago umalis sa lugar na iyon.

A... Nasaan ka? Bumalik ka ba ng New York? Bakit? Ano ba talagang nangyayari sa'yo?

Malungkot akong bumalik sa office dahil wala akong nakuhang balita kay Amirah. Pagdating ko ay naabutan ko si Asher sa receiving area ng floor namin. Napabuntong hininga ako dahil eto na naman, sasakit na naman ata ang ulo ko.

“Brianna...” tumayo ito para salubungin ako.

“Asher please... Pagod ako, 'wag muna ngayon—”

“Alam mo ba kung nasaan si Amirah?” tanong nito na nagpatigil sa'kin.

Napakurap-kurap pa ako dahil sa kanyang tanong. Nag-aalala ang mukha nito at malungkot ang mga mata.

Napatagilid nang bahagya ang ulo ko at nagtataka siyang tinignan.

“A-Anong kinalaman mo sa pag-alis ng kaibigan ko?” siya naman ngayon ang natigilan.

“Pag-alis?” nagtatakang tanong nito na halata mong wala talagang alam.

“Oo, umalis siya at hindi ko alam kung saan nagpunta. Hindi ko rin alam ang dahilan. Anong kinalaman mo roon Ash? Inaway mo na naman ba siya?”

“N-No... I'm sorry. I have to go,” paalam nito bago madaling umalis.

“Teka—” pero agad itong sumakay ng elevator.

Anong nangyayari? Anong meron sa kanila?

Maghapon akong ginulo ng isipin na 'yon, kung anong nangyayari sa dalawa. At kung ano ang meron sa kanilang dalawa. Pakiramdam ko tuloy ay pagod na pagod ako paglabas ko ng company. Walang gana akong naglakad papunta sa kotse ko dahil sa pagod na nararamdaman ko.

“Hoy babae!” sigaw ng kung sino kaya salubong ang kilay ko na hinarap kung sino 'yon.

Lalong nag-init ang ulo ko sa kung sino ang nag hoy sa'kin. Maarti itong naglalakad palapit sa'kin habang nag-iingay ang kanyang takong. Naka-dress ito na puti at napapawid pa ng hangin habang naglalakad ito.

Buhay pa pala ang higad na 'to?

Naalala ko ang sinabi ni Amirah tungkol sa babaeng ito.

Trishia Marie Hernandez, secretary ni Engineer Lopez. Pinalabas lang na bigating client para hindi ma-issue sa company nina Steve. Pero ang totoo, kalingkisan pala nito. Tss. Hindi ito mayaman, kaya ang jinojowa ay puro mayayaman.

“Where's Steve?” taas kilay nitong tanong sa'kin.

Kapal ng mukha ng hayop na 'to. Nanggigigil na naman ako.

“Buhay ka pa pala? Tss. Sayang!” sagot ko sabay ngisi. Sumama naman ang tingin nito sa'kin.

“Just answer me, where's Steve?”

Aba! Hoy! Hindi ako tanongan ng nawawalang kandeng aso. Dapat naaamoy mo kung nasaan man siya dahil kande ka rin!” inis kong sabi rito.

“What the heck?! I'm just asking you where is he. Ang dami mo nang sinabi! Paanong hindi mo alam kung nasaan siya e ikaw ang asawa?”

“Gago ka? Matapos ng ginawa mo? Ninyo? Aasahan mo pang magiging ayos kaming dalawa? Gusto mo ata mangudngod ulit ang mukha?!” humakbang ako ng isang hakbang palapit dahilan para umatras naman ito.

“Hep! Stop right there.” Nakangisi nitong sabi na ipinagtaka ko.Hiwalay na kayo? Good to hear that.” Humalukipkip pa ito.

“Really? Aasa ka na ba agad na ikaw ang pipiliin niya? Girl, hinahabol pa rin niya ako dahil ayaw na niya sa'yo!”

“We'll see... Kapag nalaman niyang ipinagbubuntis ko ang panganay niya, sa tingin mo pipiliin ka pa niya?” she smirked. Feeling ko ay binuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa narinig. Unti-unting bumaba ang tingin ko sa tyan niya, hinawakan niya ito habang nakangisi sa'kin. Doon ko lamang napansin ang may kaumbukan niyang tyan.

“Sigurado naman ako na hindi ka niya hahabulin dahil hindi mo siya mabigyan ng anak. E ako? Dala-dala na ang kanyang anak. Ano pang laban mo?” maarti nitong turan.

Totoong hindi na ako nagbuntis ulit mula noong makunan ako. Pero, sabi naman ng doctor, may pag-asa pa naman. Hindi nga lang agad dahil nga sa nangyari sa'kin noon. Totoo rin na gusto na ni Steve ng anak noon pa, at ngayon na meron na, magiging masaya siguro siya, kahit hindi sa'kin.

“So, where is he? Gusto kong ibalita sa kanya ang magandang balita na 'to.” Maganda pa ang ngiti nito sa'kin.

Galit man ako ay hindi ko magawang manakit ngayon dahil sa nagdadalang tao ito. Ayokong madamay ang bata na wala namang kasalanan. Pero... Ang sakit... Para akong sinampal sa nalaman.

Ilang buwan at araw niya akong sinuyo, mabuti na lamang at hindi ako bumigay dahil masasaktan na naman pala ako.

Steve... Meron ka pa bang hindi nagagawa para saktan ako? Kasi, kung meron pa, gawin mo na. Para isang sakitan na lamang, para mapagkasya ko pa ang sakit sa puso ko.

“Hindi ko alam kung nasaan siya, umalis ka na.” Madiin kong sagot sa babaeng higad sa harapan ko.

“What happened? Kanina lang pinagmamalaki mong hinahabol ka niya? Pero, nalaman mo lang na buntis ako kay Steve, nanghina ka na?” tumawa pa ito. Napakuyom naman ang mga palad ko dahil sa pagpipigil.

“Umalis ka na. Baka makalimutan kong buntis ka, at wala pang ilang minuto ay duguin ka d'yan.” Walang emosyon kong sabi rito habang nakatitig ako sa mata nito. Napaplunok naman ito at halatang natakot pero ayaw ipahalata.

“Fine. Invite na lang kita sa kasal namin at sa binyag ng anak namin huh. Bye!” nag flip pa ng kanyang buhok bago maarti akong tinalikuran.

Napabuntong hininga ako at napasandal sa isang sasakyan. Napahawak ako sa aking dibdib at tuluyan nang tumulo ang mga luha ko. Alam kong sa sarili ko na ayoko na, pero, nasaktan pa rin ako sa nalaman dahil nagbunga ang kanyang panloloko.

Ito na ata ang pinakamasakit. Kung meron pa, hindi ko alam kung kakayanin ko pa. Dahil punong-puno na ako. Hindi ko na alam kung paano magsisimula ulit, kung paano ko pa sisimulan buo-in ang sarili ko. Durog na durog na ako, nagmahal lang naman ako. Pero bakit ganito ang isinukli sa'kin? Bakit ako? Bakit sa'kin?

AHHHH!!!! TAMA NA!!!! AYOKO NA!!! AWA NA!!!” Sigaw ko habang umiiyak, walang pakialam na nasa parking area pa rin ako. Napaupo ako habang sapo ang aking dibdib at patuloy na humahagulhol nang iyak.




A... Where are you? I need your shoulder... I need your warmth hug. Help me... Please...


_________________________

You are reading the story above: TeenFic.Net