Chapter 13

Background color
Font
Font size
Line height


“Czes, anak...” tawag pansin sa'kin ni Daddy habang nag-aalmusal kami.

“Yes Dad?”

“Alam mo bang... Gabi-gabi nasa labas ng bahay natin si Steve?” Sabi ni Daddy kaya natigilan ako sa akmang pag-inom.

“Po?”

“Nang minsang magsasara ako ng aking bintana, napansin ko siyang nakaupo sa hood ng kanyang sasakyan. Nakatingala kung saan ang kwarto mo. Akala ko madali lamang, pero sumilip ako ng hating gabi tsaka pa lamang siya aalis. Mga bandang 12 na siya naalis.” Kuwento ni Daddy. Nanikip ang dibdib ko sa narinig.

Akala ko ay sa umaga at sa gabi lamang niya ako hinhintay, pati pala ang pagtulog ko. Alam niya na eleven ng gabi ako nakakatulog. Pero, sabi ni Daddy ay twelve na siya naalis.

“B-Baka po isang gabi lamang po iyon,” sagot ko naman.

“Simula nang gabing iyon, gabi-gabi ko na siya nakikita anak. Nagkakausap ba kayo?”

“Opo, madalas po niya ako abangan d'yan sa labas bago ako pumasok. Gano'n din naman po kapag uuwi na ako.”

“Alam kong hindi kayo okay, pero, nag-uusap ba kayo ng maayos? Bakit hinihintay ka pa rin niya?”

“Sinabi ko naman po sa kanya na ayoko na. Pero, ayaw pa rin niya tumigil. Hayaan niyo na po, mapapagod din 'yon.”

“Ang totoong nagmamahal, hindi napapagod.”

Natawa ako sa narinig. “Oo nga po, pero dahil hindi naman niya talaga ako totoong mahal, mapapagod siya.”

“Paano mo nasabi?”

“Maghahanap po ba siya ng iba kung ako talaga ang mahal niya? Hahanapin po ba niya sa iba ang wala sa'kin kung ako talaga ang mahal niya? Hindi po 'di ba?” hindi naman nakasagot si Daddy kaya pinagpatuloy ko na lamang ang pagkain.

Minahal niya ako sa kung ano ang meron ako, kaya, wala siyang karapatang magreklamo sa kung ano ang wala sa'kin.

Hindi niya rin pwede idahilan sa'kin ang ugali ko, dahil wala akong ipinakitang mali. Ginawa ko ang lahat para maging mabuting asawa, pero, hindi siya nakuntento. Third chance? No. Kung bibigyan ko siya ULIT ng pagkakataon, bibigyan ko lamang siya ng dahilan na saktan ako ULIT. Napapagod na ko. Nagiging cycle na lang ang lahat sa'min.

I don't deserve the pain. I don't deserved him. Ang daming nasayang na luha, ang daming nasayang na sakripisyo. Ang daming nasayang na oras para maging masaya kaming dalawa. Pero, sinayang niya lahat ng iyon para sa iba. Mas matagal pa ang ipinagloko niya, kesa ang maramdaman kong mahalaga ako.

Paglabas ko ng bahay ay nandoon na naman ito. May hawak na namang bulaklak at nakangiti na sa'kin.

Kung gan'yan ka lang sana noon...

“Brianna—”

“Stop there Steve,” sabi ko sa akma nitong paglapit. “Hindi ka pa napapagod? Hindi ka pa ba nananawa? Pagsasayang ng oras ang ginagawa mo—”

“Hindi pagsasayang ng oras ang suyuin ka Brianna. At hindi ako napapagod o nananawa na gawin ito araw-araw. Kahit ito manlang muna, ang ipakita ko sa'yong pinagsisisihan ko ang lahat ng nagawa ko. Kahit araw-arawin mo ko i-reject, hindi pa rin ako titigil.”

“Kahit wala ka namang mapapala? Dahil kahit anong gawin mo, wala namang mababago Steve. Kaya tama na, tumigil ka na.” Seryoso kong sabi bago s'ya lampasan, pero natigilan ako sa pagpigil niya sa braso ko.

“Nasasaktan ako sa tuwing binabalewala mo ko, pero, wala akong pakialam dahil deserve ko naman ang galit mo. Tatanggapin ko lahat Brianna, ipagtabuyan mo man ako, hindi pa rin ako susuko.”

Hinila ko na ang braso ko sa kanya at tuluyan nang pumasok sa kotse ko. Pinaharurot ko ito palayo sa kanya.

Nakaramdam ako ng inis lalo sa sinabi niya. Tsaka niya lamang ako palagi susuyuin kung kelan nasaktan na niya ako ng sobra. Kailangan pa bang umabot sa sakitan bago niya ma-realize ang halaga ko?

Sa sobrang inis ko ay napaiyak na lamang ako habang nagma-maneho. Pilit ko naman pinakakalma ang sarili ko. Iiyakan ko na naman ba ang taong nagparamdam sa'kin na hindi ako ka-mahal mahal, na hindi ako mahalaga?

Tangina! Naaawa na ako sa sarili ko... Palagi na lang akong talunan! Lalo na pagdating sa kanya...

Ginugol ko ang buong araw ko sa pag pa-plano ng shop ni Adriel. Hindi na kami lumabas ng lunch at nagpadeliver na lamang. Pagpatak ng hapon ay biglang may dumating na bisita.

“B...” Tawag ni Amirah pagpasok nito sa office. Pagtunghay ko ay gulat akong napatingin sa kasama niya.

“Mr. Osman? Napa-bisita ka?”

“Hi! Ahm. Gusto ko lang sana alamin kung may nabuo na kayo para sa shop ko? Para, kung may suggestions ako ay masabi ko bago niyo ma finalize.”

“Oh. Yeah. Have a sit,” nakangiti kong sabi. Si A ay panay na naman ang ngiti habang panakaw tingin na tumitingin kay Adriel.

Pinag-usapan lamang naming tatlo ang tungkol sa ipagagawa nito hanggang sa abutin na ng ala-sais.

“Can I invite you for dinner? Early dinner?” tanong nito bago kami tinignang dalawa ni A.

“Ah... Kayo na lang, may lakad kasi ako. Next time na lang ako pogi— I mean Mr. Osman.” Natawa naman si Adriel sa sinabi ni A. Lalo lamang kinilig ang loka. Tss.

“Saan ang lakad mo?” tanong ko.

“Wala ka na do'n! Sige na, mauna na ko. Bye! Thank Mr. Osman.”

“So, let's go?”

“S-Sige,” nag-aalangan kong sagot rito.

Sabay kaming naglakad palabas ng office ko hanggang sa makasakay kami ng elevator.

“Okay lang ba na sasakyan ko na lang ang gamitin natin then hatid na lang kita pabalik?” tanong nito.

“Yeah, sure. No problem Mr. Osman.”

“Too formal. Just Adriel,” natatawang saad nito.

“Okay, Adriel then.”

Paglabas namin ay ang nakangiting si Steve agad ang nakita ko. Pero unti-unti rin nabura ang mga ngiti dahil sa kasama ko. Hindi naman siya kilala ni Adriel kaya hindi niya ito tinatapunan nang tingin.

May hawak itong bulaklak, pero pabagsak niyang ibinaba ang kanyang kamay na may hawak na bulaklak nang lampasan ko na ito. Kita ko pa ito sa gilid ng mga mata ko nang pagbuksan ako ni Adriel ng pinto at alalayan ako papasok sa loob.

Pagtingin ko muli sa gawi niya ay siya namang pagtalikod nito na nagpupunas na ng kanyang mga mata. Kita ko pa ang pagtaas ng balikat nito na patunay ng pagbuga niya ng malalim na hininga.

Hanggang sa makalayo kami ay hindi na ito lumingon pa at nakatingala na lamang na parang nagpipigil ng luha.

“Do you know him?” tanong bigla ni Adriel habang nagmamaneho.

“Who?”

“The guy earlier who holding bouquet of flowers?”

“Ah. H-Hindi...” sagot ko sabay tingin sa bintana. Wala naman na akong narinig pa mula sa kanya matapos no'n.

Alam kong nasasaktan ka Steve, ngayon mararamdaman mo na kung ano ang naramdaman ko. Kung tutuusin, wala pa 'yan sa kalahati ng pinaranas mo sa'kin. Pero, hindi ko intensyon na gawin 'to, nagkataon lang. Wala naman sa bokabolaryo ko ang paghihiganti. Dahil kung meron man, sana noon pa. Noong unang beses na sinaktan mo ko, noong unang beses na pinaramdam mong wala akong halaga.


Wala naman akong plano na saktan din siya dahil sa sinaktan niya ako. Naisip ko, wala naman akong mapapala. Hindi rin naman ako magiging masaya. Nadala lang talaga ako ng galit noong makita ko sila ng kabet niya. Pero, hindi ko talaga intensyon na iparanas sa kanya ang ginawa niya sa'kin. Dahil, alam ko kung gaano kasakit.



___________________

Sali kayo sa Facebook group and gc for kulitan. Ayaw n'yo? Edi don't! Char! HAHAHAH!

You are reading the story above: TeenFic.Net