Chapter 11

Background color
Font
Font size
Line height

Hindi muna ako mananakit. Wala ako sa mood. HAHAHA!

________

Pumasok ako sa trabaho na namamaga ang mga mata. Natigilan pa ako sa aking naabutan.

Si Amirah at Asher ay seryosong nag-uusap sa receiving area ng floor namin ni A. Ngayon ko lang sila nakitang hindi nagsisigawan. Himala.

“Good morning,” bati ko sa mga ito kaya natigilan sila.

Naupo ako sa tabi ni A. Titig na titig ito sa mukha ko. Inilapit pa nito ang kanyang mukha at mas sinuri pa ang bawat parte ng aking mukha.

Nagkausap kayo?” tanong nito. Alam na agad niya. Tss. Wala talaga akong maitatago sa isang 'to.

“May ginawa ba siya sa'yo?” tanong naman ni Asher.

“Wala. Nag-usap lang kami kagabi para ipaalam sa kanya na ayoko na. Na... Tapos na kami.” Natahimik ang dalawa at napatitig sa'kin. “What are you doing here?” tanong ko kay Asher.

“Nothing, may tinanong lang ako sa kanya.”

“Sige, pasok muna ako.” Iniwan ko sila roon at pumasok sa loob ng office ko.

Wala ako sa mood makipag kwentuhan, wala ako sa mood sa lahat. Feeling ko nakakatamad na.

Napatingin ako sa kamay ko, napatitig ako ng matagal sa singsing na suot ko.

Pakiramdam ko may kulang, pero, alam kong sa simula lang 'to. Darating din ang panahon na masasabi ko sa sarili ko, na tama ang naging desisyon ko. Tama na pakawalan kita...

Natigilan ako sa tatlong katok sa aking pinto at dumungaw ang ulo ng kaibigan ko.

“Pasok na ko ha,” saad nito at pumasok na nga. Lumapit ito sa gawi ko at naupo sa upuan na nasa harap ng mesa ko.

“I know you're not okay, but, I wanted you to know that you made it. I'm proud of you...” ngumiti ito sa'kin kaya nginitian ko ito pabalik.

“Thank you for not leaving me A. Thank you for staying beside me everytime I needed one. Hindi ko alam kung paano ako kung wala ka sa tabi ko. Thank you...”

Tumayo ito at lumapit sa'kin. Niyakap ako nito kaya niyakap ko ito pabalik.

“Kahit wala ako, alam kong kaya mo at kakayanin mo pa. Trust yourself B. Heal yourself from the trauma of your past. Nandito lang ako palagi. Alam kong hindi ka okay, alam kong masakit pa. Pero, cheer up. Okay?”

Tumango-tango ako bilang sagot sa kanyang mga sinabi habang tahimik na umiiyak. Dahil hanggang ngayon, ramdam ko pa rin ang sakit. Alam kong hindi gano'n kadaling kalimutan ang lahat. Pero, kakayanin ko. Kaya ko 'to!

“May bago tayong client, i-me-meet ko siya ngayon. Gusto mo ba sumama?” tanong nito at kumalas na sa yakap.

“New client? Sino?” nagtataka kong tanong. Palibahasa ilang araw din akong lutang, hindi ko na masyado natutukan ang trabaho.

“Mr. Orman, CEO of Car Dealer Company. Magpapagawa siya ng shop. Na check na raw niya ang lupa at nabili na niya. Waiting na lang siya sa'tin.”

“Okay, sama ako. Hindi ko pa rin kasi siya kilala.”

“Hindi ko rin naman kilala, tumawag lang secretary niya para magpa-appointment sa'tin.”

“Gano'n? Akala ko kilala mo. Sige, tara na.”

“Mag re-touch ka muna girl! Halatang bagong iyak ka na naman. Tss.” Napapailing na lamang ako bago kinuha ang pouch ko. Nag face powder lang ako at lipstick, talos nagsuklay.

“Tara!”

“Iba talaga kapag effortless ang beauty!” sabi pa nito bago kami lumabas ng office ko.

“Tss. Kaninong kotse ang dadalhin natin? Hindi naman pwede na mag tig-isa pa tayo.”

“As usual sa'kin, lagi naman 'di ba?” pabiro pa itong umirap kaya natawa ako.

Pagsakay namin ng elevator ay naisip ko itong tanongin tungkol sa naabutan ko kanina.

“A...”

“Hmm?”

“Bakit kayo magka-usap ni Asher? Close na kayo?”

“Close my ass!” singhal nito. Nasagap lang ng chismis! Jusko! May tinatagong ugali!”

“Huh? Ano?”

Ugaling marites girl! Tss. Kalalaking tao gusto ng chismis.”

Sabay kaming lumabas ng elevator pagdating sa lobby.

“Bakit?”

“Tinatanong lang kung ano na raw balita sa inyo. Tapos kinukwento ko yung nangyari sa condo. Walang labis, may konting dagdag.”

“Gaga!” natawa kaming dalawa. Pero agad din natigil dahil sa lalaking nakatayo malapit sa kotse namin.

“Bakit nandito 'yan?” bulong ni Amirah habang nakatingin sa harapan.

“Hindi ko alam...”

Naglakad palapit sa gawi namin si Steve, seryoso lamang itong nakatingin sa'kin.

“Mauna ka na sa kotse mo A, susunod na lang ako.”

“Seryoso ka d'yan?” tanong nito.

“Oo, sige na. Nand'yan lang kotse mo oh. Kitang-kita mo pa ako rito,” sagot ko. Bumuntong hininga naman ito.

“Okay...”

Pagpasok ni A sa kotse ay tumingin ako kay Steve na kanina pa hindi inaalis sa'kin ang tingin.

“Ano na naman ang kailangan mo?” walang emosyon kong tanong.

“Love... Please... I'm really sorry—”

“Steve pwede ba? Naririndi na ako sa kaka-sorry mo! Tama na! Hindi ko rin naman tatanggapin!”  inis kong sabi.

“Okay lang...” sagot nito na ipinagtaka ko. “Okay lang kung hindi mo pa ako mapatawad ngayon. Hindi pa rin ako titigil sa paghingi ng tawad sa'yo. Araw-araw ko pa rin hihingin ang kapatawaran mo.”

“Anong sinasabi mo? Pwede ba Steve?! 'Wag ka na mag-aksaya ng oras gawin 'yon dahil wala rin naman mangyayari. Hindi rin naman mabubura ng sorry mo ang lahat ng sakit na ginawa mo sa'kin. Hindi maibabalik ng sorry mo ang mga luhang ibinuhos ko habang nasasaktan ng dahil sa'yo! Kaya tama na! 'Wag mo na ipilit ang hindi na pwede!”

Nilampasan ko ito habang natitigilan pa sa narinig. Pagsakay ko ng kotse ni A, agad kong pinunasan ang aking mga mata bago pa man pumatak ang aking luha.

“Kaya pa?” mahinang tanong ni A.

“Kakayanin. Let's go?”

Habang papaalis kami ay nakatayo pa rin si Steve kung saan ko siya iniwan. Nakamasid ito sa papalayo naming sasakyan.

Sa tuwing nakikita ko siya, naaalala ko ang lahat ng ginawa niya. Naaalala ko kung gaano ako naging tanga. Naaalala ko ang sakit ng nakaraan.

Nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko siya. Dahil hindi ko pa tanggap ang mga nangyari. Hindi ko pa tanggap na ma-uuwi kami sa wala sa pangalawang pagkakataon.

Sa sobrang lalim ng iniisip ko, hindi ko na namalayan ang pagdating namin sa isang malaking bakanteng lote. Bumaba si Amirah kaya bumaba na rin ako.

“Nasaan ang client?” tanong ko kay A.

“Papunta na raw,” sagot nito habang nakamasid sa lote.

“Ang laki naman nito. Ano nga pinagagawa niya?” tanong ko.

Lutang ka! Shop nga! Yung may second floor ang gusto. Sa baba raw ang mga kotse na binebenta niya. Sa taas daw ang office niya.” Paliwanag ni Amirah sa'kin.

“Ah... Bigatin ha!”

“Excuse me... Are you Architect Dela Cruz and Architect Tianson?” tanong ng boses lalaki sa likod ko kung saan nakatingin si Amirah. Lumingon naman ako rito.

“Y-Yes... And you are Mr. Osman?”  tanong ni A.

Titig na titig sa'kin ang lalaki na ipinagtaka ko.

“It's you again...” ang sagot nito na malayo sa tanong ni Amirah.

“Huh?” nagtataka akong napatingin kay A.

“Kilala mo?” bulong sa'kin ni A. Umiling ako.

“Hindi...”

“My bad, nakalimutan mo na agad?”

“Excuse me sir? Have we met before?” I asked him.

Sikat ka girl? Bakit knows ka ni pogi?” bulong ni Amirah.

“Yeah. Noong ma-flat ang gulong ng kotse mo.” Sabi nito na ikinalaki ng mga mata ko. Ngumiti ito, doon ko napatunayan na siya nga 'yon dahil sa dimple niya.

“Mr. Adriel?” gulat kong tanong.

“Yeah. Nice to see you again... Architect...”

“Pisti! Ang gwapings naman niya girl! Lalo na kapag nakangiti! Makalaglag panty!” kinikilig na bulong ni Amirah kaya pasimple ko itong kinurot sa tagiliran.

“Baka wala lang garter suot mo, gaga!” Napahawak naman ito sa bewang niya na parang kinakapa kung wala ngang garter. Tss. Sira ulo talaga.

_______________________

You are reading the story above: TeenFic.Net