Chapter 1

Background color
Font
Font size
Line height

“Love, aalis na ako ha?” paalam ni Steve na ipinagtaka ko.

“Pero... Maaga pa ah? Hindi mo ba ako ihahatid?”

“Maaga kasi kami ngayon dahil may pupuntahan na site. Sorry love, hindi kita maisasabay.”

Hindi na ako nakapagsalita pa at pinanood na lamang siya na nagmamadaling umalis. Ni hindi manlang ako hinalikan bago umalis kagaya ng ginagawa niya noon.

Siguro kailangan talaga niyang pumasok ng maaga.

Naligo na lamang ako pagkaalis niya at naghanda na rin para sa pagpasok kosa trabaho.

Malapit na kaming mag second wedding anniversary ni Steve. Noong mag-proposed siya sa 'kin, one month lang na preparation at i-kinasal na kami. Naalala ko tuloy ang sabi ng kaibigan ko after the proposal.


Two years ago...
Engagement

“Girl, seryoso ka na r'yan?” tanong ni A habang nakadapa sa kama. Kauuwi lang namin galing sa resto kung saan nag-proposed si Steve sa 'kin.

“Seryoso saan?”

“Yes agad-agad?” taas kilay nitong tanong kaya napatingin na ako sa gawi niya habang nagsusuklay ng buhok.

“Bakit? Mali ba na nag-yes ako sa proposal niya? Dapat ba hindi ako pumayag?” natatawa kong tanong kay A.

Mula sa pagkakahiga ay nag indian seat ito sa dulo ng kama at seryoso akong tinignan.

“Hindi sa gano'n B, I'm happy for you believe me. But, aren't that fast? I mean, B, you know how the two of you started. He made you suffered a lot. Then, here you are, got engaged to the man who made your life hard as hell.” She said seriously that made me shut. “I'm sorry for saying this, nabibilisan lang kasi ako. Oo nasabi niya na he waited for you for four years. He's been loyal for you kahit na hindi naman siya sure. But, B, hindi ako naniniwala na ganoon na lamang kabilis magbabago ang taong babaero.”

“Is four years not enough? Hindi ba four years naman siya walang babae sa buhay niya?”

“How can you be so sure?” tanong nito na ikinatigil ko. “Hindi porque sinabi niya ay 'yon ang paniniwalaan mo B. I know you love him, hindi ka naman magy-yes kanina kung hindi. Pero sana pinag-isipan mo munang mabuti. Marriage is a lifetime commitment. What if, sa kalagitnaan ng marriage life niyo ay magloko siya?” natahimik ako dahil sa tanong niya.

Paano nga kung gano'n? Pero, naniniwala ako sa sinabi ni Steve na binago niya ang sarili niya para sa 'kin. Sa pangako niya na ako lang.

“But of course, the decision is still on you, B. I'm always here for you, no matter what. Gusto ko lang ipaalala, bago pa man siya makilala ni Nicole ay gago na siya. Nabago lang siya ni Nicole, pero hindi ikaw si Nicole, B.”



Nagbigay ng maraming tanong sa 'kin ang sinabi na 'yon ni Amirah. Pero, sa huli ay nagpakasal pa rin ako. Mahal ko e. Ganoon ata talaga kapag mahal mo, wala kang pakialam sa negative side niya. Hindi mo makikita kung ano ang mali sa kaniya.

Pagkarating ko sa AB Company ay naabutan ko si A sa office ko.

“What are you doing here? Sa kabila ang office mo ah?”

Ito na naman ang tingin niya sa 'kin na nanunuri.

“Hindi ka na naman inihatid ng asawa mo?” she asked while slowly sipping to her coffee.

“Maaga umalis kasi may site visitation sila today,” sagot ko.

“Hmmm...” tumango-tango ito. “Araw-araw talaga?” Napabuntonghininga naman ako dahil ito na naman ang tono niya.

“A, may problema ka na naman ba sa asawa ko?” naupo ako sa aking swivel chair habang si A ay nakaupo sa sofa.

“Wala naman, I'm just asking. Hindi ka na kasi niya hinahatid. Samantalang, dati halos ayaw na umalis sa tabi mo. Nakakapanibago lang,” wika nito.

“Busy na kasi, naiintindihan ko naman.”

“Kailan mo ba hindi naintindihan ang asawa mo? Palagi naman 'di ba?” natigilan ako sa kaniyang naging turan. Tumayo na ito dala ang kaniyang tasa. “Balik na ako sa office ko, marami pala akong gagawin.”

Simula nang maikasal ako kay Steve ay madalas na kaming magtalo ni A. Palagi kasi itong naghihinala kay Steve na parang siya ang asawa. Madalas tuloy namin pagtalunan, dahil lagi kong ipinapaintindi sa kanya na nagbago na si Steve. Pero, ewan, hindi pa rin siya kumbinsido. Hinayaan ko na lamang.

Inabala ko ang aking sarili sa mga trabaho rito sa office. Muntik ko nang makalimutan ang lunch kung hindi pa ako kinatok ni A. Sanay kasi ako na tinatawagan ako ni Steve para yayain na sabay mag-lunch. Pero ngayon ay masiyado siyang busy.

“Lunch time, let's go?”

“Okay,” tumayo na agad ako dala ang aking bag.

“May bago raw na kainan, mga half hour drive. Try natin?” A asked.

“Ikaw bahala,” walang gana kong sagot. Ewan, pero namimiss ko nang kasabay kumain ang husband ko. Pero naiintindihan ko naman na busy siya.

“Okay ka lang ba?” tanong ni A habang nagmamaneho.

“Yeah, why?”

“May masakit ba sa 'yo? Bakit ang tamlay mo?”

“Wala. Okay lang ako, 'wag mo akong pansinin.”

“Tss.”

Naging tahimik ang biyahe namin matapos no'n hanggang sa makarating na nga kami sa resto na tinutukoy nito. Maganda ito at may second floor. Medyo marami rin ang nakain.

Naglakad kami papasok sa loob, pero natigilan ako sa aking nakita sa may dulong table. Tinitigan ko pa ito para makasigurado. Nakatalikod ito pero kilalang-kilala ko kahit ang likod nito. Napatingin si A sa tinitignan ko.

“Oh... Busy nga...” sabi nito.

“Baka client, tara na.”

“BAKA!” sarkastiko nitong sagot. Naupo kami sa medyo malayo sa puwesto nila. Pagkaupo ko ay kinuha ko ang phone ko.

Tinext ko siya kung nasaan na siya. Nakita ko naman na tinignan lamang nito ang kaniyang phone bago ibinaba muli sa mesa.

“Tss. Ang busy masiyado para hindi maka-reply.” Doon ko napansin na pinapanood pala ni A ang bawat galaw ko.

“Kita mo naman na may kausap pa 'di ba?”

“Sabi mo eh!” tinawag nito ang waiter at nagsimula nang umorder kaya ganoon din ang ginawa ko.

Habang naghihintay sa pagkain ay nakatingin pa rin ako sa asawa ko na may kausap na babae. Nagtatawanan na ang mga ito habang nag-uusap. Mayamaya pa ay tinext ko muli ito para itanong kung nasaan.

Kinuha nito ang phone at itinago sa ilalim ng mesa habang binabasa. Kita ko naman na nagta-type na ito. Nang natanggap ko na ang kaniyang reply ay hindi ko na muli ito kinulit.

From : Love
Meeting with client.

“Sumagot na ba?” tanong bigla ni A.

“Yeah, may ka-meet daw na client. I told you, she's a client.”

“Wala naman akong ibang sinasabi B, okay. Client then.”

Hindi na lamang ako sumagot dahil alam ko, ano mang oras ay magtatalo na naman kaming dalawa.

Nang tumayo na ang dalawa ay humawak pa si Steve sa baiwang ng babae habang binubuksan ang pinto ng resto. Nagtataka man ay hindi ko na lamang muna pinansin. Itatanong ko na lamang mamaya sa bahay. Baka kasi mataas na client ito kaya ganoon ito kabait sa babae. Kaya kailangan niyang alalayan sa paglabas.

Wala lang 'yon Brianna, ikaw ang asawa. Malabo na lokohin ka ng asawa mo.


You are reading the story above: TeenFic.Net