Chapter 6

Background color
Font
Font size
Line height

Chapter 6

"Frappé for Miss Sien."

Tumayo ako at naglakad papunta sa counter para kunin ang order ko. I went out of the shop and strode towards the elevator. Kagagaling ko lang din ng book store dahil bumili ako ng correction tape. I glanced at my watch and I slowed down when I still have half an hour left before my class in the afternoon.

Naglakad lang ako papunta sa university since walking distance lang naman ito mula sa mall. Tina messaged me that she'll be a bit late since her little sister is in the hospital. Sina Yesica ay nasa school na yata.

Pagkarating ko sa main gate ay naki-pila pa ako sa may ID scanner. Mainit ang daanan sa parking lot at sa may center pathway kaya dumaan ako sa may hallway ng elementary. Mas malayo nga lang ang lalakarin pero mas okay na 'yon kaysa naman mabilad ako sa araw, wala akong dalang payong.

I was busy sipping on my drink and scrolling on my phone when someone bumped into me. Muntik ko nang mabitawan ang cellphone ko. Mabilis kong dinaluhan ang batang lalaki na naka-uniform at medyo magulo pa ang lace ng ID nito. I smiled at him and helped him stand up.

"Okay ka lang?" Marahan kong tanong at pinagpagan ang damit niya.

He just stared at me, sweat dripping on his face maybe because he's been playing around. Nakita ko ang ibang mga bata sa likuran niya na naglalaro at naghahabulan sa hallway. Tinitigan ko ang mukha niya pero bigla siyang tumakbo palayo at bumalik sa mga kaibigan niya.

I smiled and shook my head. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa Lecaros. Sumabay ako sa mga tumatawid at naglakad na papasok ng Lecaros Extension.

It's been a month since the school year started. It's my last year in Senior High already. Nagkasundo kaming anim na walang lilipat ng university. May balak kasi si Nicus na lumipat sa SPUP pero napilit naman siya nina Darwin na dito na lang at sama sama kami.

"Ano ba? 'Wag kung anu ano ang tinitingnan mo d'yan!" Sita ni Yesica kay Nicus.

Magkakagrupo kaming tatlo para sa group activity sa Intro to Philosophy. We're using Yesica's laptop since siya lang naman ang nagdala at itong si Nicus, imbes na magtrabaho, nagtitingin tingin sa mga folders.

"Ang damot naman." Nicus scowled like a spoiled child.

"I'm not! Akin na nga," inagaw niya ang laptop mula rito at binuksan iyong document na naumpisahan na namin.

We started brainstorming again. Nilingon ko ang grupo nina Tina kasama ang dalawang kaklase namin. Sinita sila ng guro dahil ang ingay nila. Umiling ako at hinampas si Nicus na walang ginagawa kundi mag-drawing sa notebook niya.

"Mag-ambag ka naman!" I glared at him.

He glared back and pointed at Yesica. "Uy, nag-ambag ako, ah. Itanong mo pa kay Yes."

"Anong ambag mo? 'Yong pancit canton?"

Gumawa kasi kami sa bahay nila no'ng Saturday tas pinakain niya kami ng pancit canton. Iyon lang naman tas tumanganga na lang siya pagkatapos.

"Wow ah, parang 'di ka nasarapan." He mocked.

Muntik ko na siyang sabunutan kung 'di lang nagsalita si Yesica.

"I made him do some research." She said.

"O 'di ba? Napaka-judgmental mo talaga."

I groaned when Nicus smirked at me. Kinurot siya ni Yes at binigyan ulit ng siya ng gawain. Wala kaming ginawa kundi magtalo ni Nicus at kung wala si Yesica na sumisita kay Nicus ay baga nasakal ko na siya.

Pagkatapos ng subject namin na 'yon ay lumabas kami ni Tina para mag-CR dahil wala pa naman 'yong susunod na teacher. Nang makalabas kami ng building ay agad kong napansin ang makulimlim na langit.

"Shit, uulan pa yata. Wala akong dalang payong." I groaned.

"Tapos kapag hindi naman uulan, may dala ka." Umiling si Tina at hinila ako patungo sa restroom.

At kagaya nga ng inaasahan ko, umulan no'ng dismissal namin. Nakakaasar dahil hindi man lang hinintay na makauwi muna ang mga estudyante! Hindi na pupuntang main si Tina dahil diretso siya sa ospital. Si Yesica at Nicus naman may pupuntahan. Si Darwin at Cadeo bigla na lang naglaho.

Pwede naman akong maghintay ng trycicle sa Lecaros kaso nga lang sobrang dami ng estudyanteng naghihintay do'n at nag-uunahan pa sa pagsakay. I didn't want to call Tito because I don't know if he's already home. It's past 5 already.

Nang makita ko 'yong isang kaklase kong may payong at naglalakad na palabas ng Lecaros ay hinabol ko ito. Hinayaan niya akong sumabay hanggang sa main. Sa Junior High ang tungo niya dahil may kapatid siya ro'n kaya humiwalay na ako.

Sa mga hallway ako naglakad. Dumaan ako sa learning hall patungo sa accounting hanggang sa engineering building. Dumaan ulit ako sa may elementary. Medyo malakas ang ulan kaya alam kong kahit sa main gate ay mahihirapan akong makakuha ng sasakyan.

For the second time today, may nabangga na naman akong bata. And to my surprise, it was the same kid! Lumipad sa harapan ko 'yong laruan niyang Spiderman. Mabilis akong lumuhod at tinulungan siyang tumayo. Pinulot niya ang kaniyang laruan habang pinagpagan ko muli ang damit niya.

Buti na lang at hindi kami sa parteng may basa dahil tumatalsik ang ulan sa may gilid ng hallway. Naka-bag ang bata at gulong gulo ang buhok. He's fair and cute. His hazel eyes look innocent.

"Sorry po." He said in a small voice when he looked up to me.

I smiled and was about to say something when a teacher came up to us. She held the hand of the boy.

"Ely, are you alright?" The teacher asked softly.

The boy nodded and looked at the toy in his hand. I think he's in Grade 2 or 1.

"What did teacher say about playing on the corridors?" The teacher smiled at him.

"I'm sorry, Teacher." Yumuko ang bata at nilingon ako.

Nang tiningnan ako ng guro ay tipid akong ngumiti. I waved at Ely and was about to walk away when someone overtook in front of me. My eyes widened a bit when I saw Axev. May hawak siyang payong at ang T-Square ay nasa balikat niya.

"Good afternoon, Ma'am." He greeted the teacher.

"Oh, Axev. Ikaw ba ang susundo sa kapatid mo?"

My breathing hitched as I watch Axev pull Ely beside him. Kapatid niya? Oh, wow! Tumango si Axev at kinuha ang medyo malaking bag ni Ely. Ely pulled the hem of Kuya's uniform. He murmured something I didn't hear.

"Yes, Ma'am. May inaasikaso po kasi si Mama." He replied.

The teacher nodded and said something about taking care of Ely before she left. Lumuhod si Axev sa harap ng batang kapatid niya at may tinanong dito. Nakatunganga lang ako sa harapan nila. I'm surprised to know that he has a sibling. Ilan kaya silang magkakapatid?

"Nasaan ang tumbler mo?" Tanong ni Axev.

Tinuro ni Ely ang bag na hawak ng Kuya niya at ngumiti. Axev nodded and stood up. Hinawakan niya ang kamay ni Ely at nilingon ako. I blinked twice. Tipid akong ngumiti, hindi alam kung anong sasabihin.

"May payong ka?" Tumaas ang kilay niya.

"Ha?" I swear I look so stupid in front of him!

He licked his lips while staring at me. He swung his gaze to the pouring rain then back to me.

"Malakas ang ulan. May payong ka ba?" He asked again.

I swallowed and shook my head a little. He tilted his head and glanced at his little brother.

"Sumabay ka na sa amin palabas. May susundo ba sayo?" Kumunot ang kaniyang noo.

"Ah, magta-tricyle ako. Pero, uh, no need na. Diyan na lang naman sa labas." Ngumiti ako.

Malaki naman 'yong payong kaso nga lang hindi rin kami magkakasya ng husto dahil may kasama kaming bata. 'Tsaka hindi naman ako maliligo sa ulan, mababasa lang ng kaunti dahil paniguradong maghihintay ako ng masasakyan.

"Sumabay ka na," aniya at tiningnan ang kapatid na nakatingala sa kaniya.

"Thank you but there's really no need for that. Baka mabasa pa ang kapatid mo. Maghihintay na lang naman ang gagawin ko." I insisted.

He sighed heavily and glanced at me again. Ngumuso ako nang makitang seryoso siya. I gasped when the rain poured harder. Humangin ng malakas. Shit. Nananadya ba 'to? O baka senyales na 'to mula sa langit?

"Ano? Sasabay ka o hindi na?" Umangat ang kilay niya.

I pursed my lips to stifle my smile. Hindi ko rin alam kung bakit nangingiti ako. Ba't ang suplado nito? I sighed heavily. Kunwari ay wala akong choice. Tumango ako at tiningnan si Ely.

"Buhatin mo na lang si Ely. Ako na ang hahawak sa payong." I presented.

He looked at me for a second before he nodded. Kinuha ko ang payong habang nilalagay niyang muli sa balikat ni Ely ang bag nito. Then, he carried him like his brother weighed nothing.

Tumikhim ako at lumapit sa kaniya. Nasa hallway pa naman kami kaya hindi ko muna ginamit 'yong payong. Sabay kaming naglakad patungo sa may gate. Ely was playing with his Spiderman toy and I can't help but smile because he's really cute.

"You didn't tell me you have a sibling." I said.

"You never asked." His brows furrowed.

Itinikom ko ang labi. Oo nga naman. How dumb! Diretso ang tingin ni Axev habang ako'y pasulyap sulyap sa kanilang dalawa ng kapatid niya. They look cute! He looks so good with a kid.

"Ilan kayong magkakapatid?" I asked.

Sinulyapan niya ako saglit. "Just the two of us."

My lips parted and I nodded abruptly. Ang layo ng age gap nila, ah. Now I realized, they look like so much alike! Pareho sila ng kulay ng mata at kurba ng labi. Ely is just like a small Axev but cuter. Axev of course, he's full-blown.

I opened the umbrella when were almost at the gate. But coincidentally, we bumped to Axev's friend. Sina Camden at Brett. No'ng una ay hindi nila ako napansin pero nang makita nila ako ay batid ang gulat sa mga mukha nila. Brett smiled at me and when he gazed at Axev, his smile got darker.

"Ilang taon na 'yang anak niyo, bro?"

My face heated at Brett's question. Nagsalubong ang kilay ni Axev at sigurado akong kung hindi niya kasama ang kapatid ay baka namura na niya si Brett. Tumawa si Camden at sumulyap sa akin. Tipid akong ngumiti sa kanila.

"Biro lang, Sien." Bawi naman agad ni Brett at ngumiti sa akin.

I almost blurted out, 'No worries. It's my pleasure' If only I didn't shut my mouth tight. I just smiled to show that it's alright. Lumapit ang dalawa at mabilis na kinulit si Ely.

"Saan kayo galing? Hinahanap kayo ni Sir Alan kanina." Si Axev.

"Binalikan namin flashdrive ko sa comshop. Si Sir?" Tanong ni Camden.

"Sa faculty."

Tumango si Camden at tinapik sa balikat si Brett. Nang umalis sila ay nagpatuloy kami sa paglalakad. I bit my lip when I needed to extend my arm a little higher so Axev's head won't touch the umbrella. Ang tangkad niya kasi! Tumama ang braso ko sa braso niya kaya bahagya akong lumayo.

He glanced at me with elevated brows. His lips twitched and glanced at my arm. His lips protruded giving me a glimpse of the smile that was about to come but did not. He renewed his hold on his brother using his one arm.

"Ako na," he said and reached out for the umbrella's handle.

Umiling ako at ngumuso. "I can do it. Hawakan mong mabuti si Ely. Ba't ang tangkad mo kasi?"

"Ba't ang liit mo?" He shot back.

Humawak ako sa aking dibdib at umaktong nasaktan. How dare him! I'm 5'1, that's not short! Matangkad lang talaga siya. Umiling siya at napangiti sa reaksyon ko. Suminghap ako at napakagat sa labi.

"Ely, ang yabang ng Kuya mo." I pouted at Ely who's watching me.

Inayos muli ni Axev ang pagkakahawak sa kapatid. The little boy looked away shyly and glanced at his brother. Mas lalo akong napangiti. He's just so cute.

"Stop telling him lies, Dea." Axev mocked as we walked towards the front of the main gate.

I rolled my eyes and suppressed my smile. Why the hell am I enjoying all this? Hindi na ako nagsalita nang nasa gilid na kami ng daan. Maraming estudyante ang naghihintay do'n. May pila ang mga tricycle kaso nga lang hindi rin basta basta nakakasakay, depende kung pabor ang driver sa lugar niyo.

"Kuya, nauuhaw ako." Ely muttered in a small voice.

Nakayakap ang isa niyang kamay sa leeg ng Kuya niya. Malakas ang ulan kay sa may harap ng ATM machine kami pumwesto, kung saan may silong.

"May laman pa tumbler mo?" Tanong ni Axev.

Ely nodded. Axev renewed his hold on his brother. Bahagya kaming umatras dahil sa mga estudyanteng dumaraan. Siksikan pa kaya sobrang hassle.

"Ako na ang kukuha. Ely, talikod ka saglit." I smiled at the little boy.

He nodded shyly and moved his body. Pumunta ako sa gilid at binuksan ang zipper ng bag niya. Kinuha ko ro'n ang maliit na tumbler na may tatak ng Spiderman. I opened it up and gave it to him.

Tiningnan ko si Axev na pinapanood ako. Nagtaas ako ng kilay sa kaniya. He shook his head and glanced at his brother. Ely was drinking slowly on his tumbler when a driver went to us.

"Saan kayo?" Tanong nito.

"Isang Ugac Sur at dalawang Tanza." Si Axev ang sumagot.

Nilingon ko tuloy siya. Makikisabay ba ako sa kanila? Tanza? Hindi ako masyadong pamilyar sa mga lugar dito. Magtatanong pa sana ako nang magsalita ulit ang driver.

"Sige. Dito," anito at iniwan kami.

"Sasabay ako sa inyo?" I asked.

Nagulat ako nang ibinigay sa akin ni Ely ang tumbler niya. I smiled and got it from him. Binalik ko ang takip at tiningnan ulit si Axev.

"Oo. Mahihirapan kang maghintay kapag mag-isa ka." He said.

Tumango na lamang ako at binuksan ulit ang payong. Naglakad kami papunta sa tricycle na naghihintay. Una niyang nilagay si Ely sa loob pagkatapos ay gumilid sa pintuan at ikiniling ang ulo. I smiled and went inside the tricy. Nang nasa likuran na siya ng driver ay umusad na ito.

"Ugac Sur muna, Kuya." He said politely.

Nilingon ko si Ely na nakanguso habang nilalaro si Spiderman sa kamay niya. Mas maputi siya kumpara kay Axev. I wonder if he'd look more like him if he's all grown up.

"Ilang taon ka na?" I smiled at him.

He looked at me innocently and blinked at my face. His lips protruded and looked at his small hands. Binitawan niya si Spiderman at itinaas ang kamay niya.

"Six." He said and showed me his hands, six fingers up.

I smiled and tousled his hair softly. "Ang galing naman. Grade 1 ka?"

He bobbed his head and went back on playing with his toy. I let him play with it while I checked my phone for messages. May text si Tita ro'n tinatanong kung magpapasundo ba ako. I replied and put back my phone on the bag.

Hindi na gano'n kalakas ang ulan at nang makita kong nasa Ugac Sur na kami ay inayos ko na ang sarili. I told the driver our street and he took turns after that.

"Sa may blue na gate lang po." I said when I saw our gate.

"Dito?" Tumigil ang tricycle sa harap no'n.

Inabot ko sa kaniya ang pamasahe ko. Bumaba si Axev ng tricycle habang inayos ko naman ang bag ko. My eyes widened a bit when I saw him beside the door. Nakabukas ang payong na kinuha niya sa akin kanina. Lumabas ako at agad niya namang inayos ang payong para sa aming dalawa.

"Saglit lang, Kuya." Axev said to the driver then looked at me.

Hindi na ako nagsalita nang ihatid niya ako hanggang sa mismong harap ng gate namin. Binuksan ito ni Kuya Julius, ang guard nang nag-door bell ako.

"Naku, Ma'am! Teka lang po at kukuha ako ng payong." Anito nang makita ako.

Hinarap ko si Axev na nakatingin sa akin. I pursed my lips when I felt my heartbeat pounding like I'm on the edge of a building, ready to fall on the solid ground. I swallowed hard and smiled at him a little.

"Thank you..." I said softly.

"Welcome." He said simply.

I wanted to say more but I forced myself to shut up and let it go. Sakto namang dumating na si Kuya Julius na may dalang payong. Tiningnan nito si Axev nang lumipat ako sa kaniya.

"Ingat kayo ni Ely. Salamat ulit." Mas tipid na ang ngiti ko.

Tumango siya at nilingon ang tricy. Nang makasamay siya sa loob ay umandar agad ito. Iniwas ko na ang tingin at naglakad kasabay ni Kuya Julius.

That event dawdled in my mind the whole night. It kept me awake and thinking. Come to think of night, I really don't always see him in school. Then every time we bump into each other, something unexpected always happen. But how come my feelings are consistent?

"Kung naibebenta lang ang eyebags, sobrang yaman mo na." Ngumisi sa akin si Tina nang salubungin niya ako sa main gate.

I glared at her while fixing my necktie. Akala ko ay sobrang late na ako nagising kaya nagmamadali ako. 'Tsaka ko lang natingnan ang oras no'ng nasa tricycle na ako. I still have fifteen minutes!

"Ba't ka puyat? Wala ka namang boyfriend na ka-late night talks, ah?"

"Hindi ka tatahimik?" Pinagtaasan ko siya ng kilay.

She shrugged and acted like she's zipping her lips. Sumaglit kami sa canteen para bumili ng fresh milk. I pulled out my phone to reply to Darwin's message when we're already at the learning hall. Pag-angat ko ng tingin ay nahagip ko agad si Axev kasama si Gavrie, naka-upo sa konkretong upuan sa pathway na nakaharap sa field.

Hawak niya ang storage tube sa kamay at naka-dekwatro habang kausap si Gavrie. May lumapit sa kaniyang babae, kaklase niya yata dahil naka-architecture uniform din ito. Ngumuso ako nang ngumiti siya dahil sa sinabi ng babae.

"Wala raw girlfriend si Axev."

Kunot noo kong nilingon si Tina. Ngumisi siya sa akin kaya mas lalong nagsalubong ang kilay ko.

"Sinong nagsabi? At tinatanong ko ba?" Inangat ko ang aking kilay.

"Si Camden. Share ko lang naman." She laughed tauntingly.

Natigilan ako at pinanliitan siya ng mata. Si Camden? At paanong...

"Nag-uusap kayo?"

"Nakaka-chat ko na. Syempre kailangan ko ring kumilos, 'no!"

Muntik ko na siyang palakpakan kung hindi ko lang naalala 'yong sinabi niya. Walang girlfriend si Axev? As if I'm asking and I'm not curious! So what if he has one or not?

"I bet you did the first move." I rolled my eyes.

"Then who will? Siya na halos 'di ako pansinin? There's nothing wrong in doing the first move, Sien. At 'tsaka kung 'di lang naman makakati ang mga bunganga niyo e 'di sana hindi niya alam na may gusto ako sa kaniya 'di ba?"

I rolled my eyes and shoved her softly so we could move on. I took one glance at Axev who is busy talking to Gavrie and the architecture girl. I sighed heavily and pursed my lips.

Weeks passed peacefully. Mas maraming pinapagawa ngayon dahil graduating na kami idagdag pa ang mga activities sa school. We had our first exam too and thankfully, I did good.

"Plaza?" Pag-aaya ni Tina nang mag-uwian.

"Pass. May laro kami." Si Nicus.

Gano'n din ang rason nina Darwin at Cadeo. Sumimangot si Tina at tumingin sa akin. I waved my hand to dismiss the invitation.

"May gagawin ako sa NBS, remember?" I said.

She pouted and glanced at Yesica.

"Next time na." Agad na sinabi ni Yes.

Tina groaned and stomped her feet. I rolled my eyes and glanced at my watch. It's past 5 already.

"Yes, tara na. Sabay ka na sa akin." Sinulyapan ni Nicus si Yesica.

Nang makaalis sila ay sabay kami ni Tina na nagtungo sa main pero naghiwalay din sa main gate dahil do'n siya kumuha ng masasakyan. Nang makarating ako sa mall ay kaagad akong dumiretso sa book store.

Nagtungo ako sa may book section. I smiled when I saw what I'm looking for. Tiningnan ko ang lalaking nakatalikod sa akin at nakaharang.

"Excuse me, Kuya..."

I was about to add more when he looked at me. My eyes widened a bit when I realized it was Axev! Hindi ko siya napansin agad dahil naka-sumbrero siya ng itim. Nagsalubong ang kilay niya nang makita ako.

I bit my lip and

You are reading the story above: TeenFic.Net