Chapter 4

Background color
Font
Font size
Line height

Chapter 4

I accepted Zion's apology for what happened in the library. I was ready to break up with him but he promised not to do it again.

I can't stop thinking about Axev's gaze. Hindi ko alam kong bakit naba-bother ako ro'n. So what if he saw it? Why does it feel wrong? Crush ko lang naman siya at wala akong balak seryosohin ang nararamdaman kong 'yon. It's just a crush! A fleeting infatuation.

I busied myself with other things just to remove those kinds of thoughts in my mind. It helped that I didn't see him for a week. We're busy with our research since finals are approaching.

"Anong mas maganda? This one or this?"

Pinakita sa akin ni Tina ang dalawang lalagyan ng airpods na magka-iba ang disenyo. The other one is plain pink habang 'yong isa naman ay may disenyo ng We Bare Bears.

"You like WBB?" I raised a brow.

"Hindi naman, ang cute lang." Ngumuso siya.

"Tss. Bili ka ng bili, hindi mo naman nagagamit lahat." I rolled my eyes.

Iniwan ko siya do'n para tingnan 'yong mga bagong display na bag. It's Saturday and we decided to hangout. Kasama namin si Yesica at Darwin kanina kaso umuwi na sila. Naiwan kami ni Tina dahil nag-aya siya sa Minisoo.

Nag-tingin tingin ako sa mga bag. May nagustuhan ako kaso nag-aalangan akong bumili dahil marami naman akong bag at 'yong iba ay hindi pa nagagamit. Tito processed my card already, matagal na at hindi ko masyadong ginagamit. Madalas ay kapag may gustong gusto lang talaga akong bilhin.

I sighed and put down the bag. Maganda talaga siya kaso nga lang baka madalang ko lang din gamitin sa dami ng bag ko. Aalis na sana ako nang may tumayo sa gilid ko. Nagtitingin-tingin din sa mga bag.

My eyes widened a bit when I noticed who it was. Si Brett! Kaibigan ni Axev. He was busy surveying the bags and he might have noticed that I'm staring at him so he glanced at me. I saw the subtle shock in his expression.

"Hi." Ngumiti ako.

"Uy, ikaw pala." Nagkamot siya ng batok.

I nodded and smiled and more. I glanced at the bags then back to him. Pang-babae lahat 'yon.

"Bibili ka?" Maingat kong tanong.

Ngumiwi siya at nahihiyang tumango. He scratched his nape again, looking a bit embarrassed.

"Para sa girlfriend. Birthday niya e." He glanced at the bags. "Kaso hindi ko alam kung anong pipiliin. Iba't iba, e."

My lips pursed, preventing a smile.

"I can help. Sabihin mo lang kung ano 'yong mga tipo niya, baka matulungan kitang pumili." I offered.

"Talaga?" Mahina siyang tumawa.

Sa huli ay napili niya 'yong ibang kulay ng bag na sana ay bibilhin ko. Nagpasalamat siya sa akin. Nang akmang aalis na siya ay natigilan siya at muling humarap sa akin.

"Ah, Sien..." mukha siyang nag-aalangan.

Ibinaba ko ang wallet na hawak at tiningnan siya.

"Bakit?"

"Boyfriend mo pa rin ba si Pascual?"

Nagulat ako. Umabot ng ilang segundo bago ako tumango. Si Zion iyong tinutukoy niya. We've been together for more than a month. Hindi kami madalas nagkikita sa nakaraang linggo dahil busy ako sa research at gano'n din siya lalo't graduating na.

"Kilala mo pala siya?" I smiled a little.

"Oo, tropa ko 'yong Kuya niya." He nodded.

"Ba't mo pala natanong?"

"Ah... hindi naman sa nanghihimasok ako, pero," tumikhim siya at huminga ng malalim. "Nakita ko kasi siya kahapon, kasama ko si Axev... we saw him with another girl. Akala ko wala na kayo kasi... ah, mukhang hindi niya lang kaibigan 'yon e."

Natigilan ako. He looks doubtful, I don't know why. Tumaas ang isang kilay ko. Palaging nag-aaya si Zion kaso nga lang hindi ko napapa-unlakan. He invited me once to their house but I declined. Nag-away kami dahil do'n pagkatapos ay sinuyo niya rin ako.

Brett cleared his throat. "I'm sorry. Hindi ko sana sasabihin kaso boyfriend mo pa pala, tapos may kahalikang iba. Ayoko lang nga gano'n, nakakasira ng imahe naming mga lalaki e." He sounds joking but serious.

I smiled and nodded. The news didn't affect me at all. Well, I was not expecting Zion to do that. Kung totoo man 'yon, then I really judged him wrong. I thought he was better.

"Gano'n ba. Thank you, ah." Tipid akong ngumiti.

"Uy, baka sabihin mong nangti-trip ako, ah." Tumawa siya. "Kahit i-tanong mo pa si Axev. Kasama ko siya no'ng nakita naman si Pascual, e."

My lips pursed at the mention of his name. Madalang ko na siyang makasalubong sa mga nakaraang linggo. And he was such a snob! Ngumingiti ako at may kasama pang kaway minsan kapag nakikita siya pero umiiwas agad siya ng tingin! Kaya naman itinigil ko na lang 'yon. Nakakahiya rin naman, 'no.

"Naniniwala naman ako. Don't worry, I won't tell him about it." I said and excused myself.

Hinanap ko si Tina at nadatnan siya sa may harap ng mga stuff toys. Adventure Time ang theme ng Minisoo ngayon. Papalit palit naman sila every month. While we're on our way to Gongcha, I told Tina about it.

"Anong plano mo?" Tanong niya pagkatapos.

Nagkibit-balikat ako. I don't really know. I could just break up with him but I need reasons to do that. Hindi ko rin pwedeng sabihin ang binigay na impormasyon sa akin ni Brett ng walang ebidensya.

"I-break mo na 'yan! Malapit na ang exams. You don't need distractions." Umiling siya.

Tumango na lang ako at humawak sa braso niya. Pagdating ng Monday ay hinintay ako ni Zion sa may main gate. May kasama siyang kaibigan nang dumating ako pero umalis din ito nang makita ako.

"Lumabas ka no'ng Saturday? Kasama mo mga kaibigan mo?" Bungad niya sa akin.

Tumango ako at nagsimulang maglakad. Paano niya nalaman 'yon? Hindi ko naman binanggit sa kaniya. Sumunod naman agad siya, mukhang badtrip. Hindi ako masyadong nag-reply sa text niya no'ng Saturday at Sunday. I glanced at him when he laughed sarcastically.

"May oras ka sa kanila pero sa akin wala? Nakakagago, Sien. Ilang beses na kitang inaayang lumabas pero sabi mo busy ka. Pero may oras lumabas kasama ang mga kaibigan..."

Mabilis akong tumigil sa paglalakad para harapin siya. This is such a good morning to be ruined. Iritado ang tingin niya sa akin habang malamig naman ang akin.

"Bawal ba?" My brows furrowed.

"Ba't sa kanila sumasama ka? Sa akin, hindi? Ano? Boyfriend mo pa ba ako o ano?" He's starting to get hyped up.

Humugot ako ng malalim na hininga. Nasa gitna kami ng parking lot. Maraming estudyanteng dumaraan pero wala naman silang pakialam. Tiningnan ko ang relo ko para makita kung ilang minuto pa ang natitira sa akin.

"Zion, they are my friends. Hindi na kami nakakalabas dahil busy tapos kahapon lang ulit-"

"Hindi na rin naman tayo nakakalabas, ah? Naglolokohan ba tayo rito? Ano? Mas matimbang sila kaysa sa akin? Gano'n 'yon 'di ba?" He cut me off.

My lips parted. Hindi ko alam kung anong sasabihin. The soft and gentleman Zion that I had known was gone. I welcomed the thought that I really judged him wrong but I'm still surprised that he's this illogical.

"Let's just break up, Sien. Pang-first base ka lang din naman."

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Hindi ko alam kung bakit nagulat pa ako. Of course, I've met guys like him before but I didn't know he was one of them. Pang-first base? Oh, wow. Hindi ako nakapagsalitang muli dahil nakaramdam ako ng kaunting galit.

"Oh, bakit? Hindi ka sanay na lalaki ang nakikipag-hiwalay sayo? Maganda ka lang, e." Umiling siya at iniwan ako sa daan.

Isang minuto yata akong nakatayo sa gitna ng daan. I feel ironic. Wala akong oras para dibdibin ang break-up. I'm even more thankful that he was the one who broke us apart. His words lingered in my mind for some more minutes but then, I shrugged it off so I can focus for the day. I've heard worse so why am I still surprised?

I focused on the finals. I remained offline in my social media accounts until the exams were done. Minsan kasi ay kapag nasimulan ko na ang mag-surf online, I won't be able to stop. Pagkatapos ng finals ay gumaan ang pakiramdam ko. We have only a week to go before vacation except for the College.

"Luna mamayang gabi?" Ngumisi si Cadeo.

"Hindi ka ba nagsasawa d'yan? Sa may RGT na lang." Umiling si Nicus.

"Saan sa RGT, pre? Wala yata akong alam na inuman do'n."

"May snack house malapit do'n, lakarin mo lang mula RGT. Puro tayo Luna, nakakaumay."

I rolled my eyes at them. They're thinking about chillnuman again. Wala namang problema dahil last week pa natapos ang exam at wala na kaming masyadong ginagawa. And tomorrow is Saturday so

"Suki ka talaga sa mga ganiya'n, ano?" Umismid si Yesica.

Inakbayan siya ni Nicus at ginulo ang buhok nito. Tinulak siya ni Yesica at inayos ang uniform nito. Hindi na ako umangal nang mag-desisyon silang sa may RGT daw. I've been to RGT once, no'ng kumain kami nina Tita sa famous na bulaluhan do'n. Pero hindi pa ako nakakapunta sa sinasai ni Nicus.

"Sien, wala na kayo ni Pascual?" Mahinang tanong ni Darwin na nasa tabi ko.

I glanced at him. Seryoso siya pero nang tumango ako ay nakita ko ang pag-relax ng ekspreson niya. I don't really go in details about my relationship with them except for Tina. Malalaman na lang nila kalaunan na may boyfriend ako o kaya break na kami.

"Bakit?"

"Nakita ko siya kahapon sa Plaza, may kasamang babae. Ang sweet nila, e. Muntik ko nang lapitan at sapakin, buti nakapagtimpi pa ako." Ngumisi siya.

Umiling ako at tumawa. I haven't seen Zion for two weeks now. It's not like I want to see him, I'm even thankful though. Nag-usap usap pa sila tungkol sa lakad namin mamayang gabi. After that, we went our way home to prepare.

Si Tito lang ang nasa bahay nang dumating ako. Sa hospital matutulog si Tita ngayong gabi, which is usual for me. Tinanong ni Tito kung sinong mga kasama ko at saan kami pupunta. Hinatid niya ako at sinabing mag-text lang ako kung magpapasundo pero ani ko'y hindi na kailangan. Sanay naman silang gano'n pero I always tell them who I am with and where I'm going so they'd know where to find me if something happens.

I'm wearing a cropped top knitted blouse and high waist navy shorts. Inilugay ko ang mahabang buhok pero nagdala rin ng ponytail. Sa harap ng RGT ang tagpuan at ako na lang ang hinihintay nila. Agad naman kaming dumiretso sa snack house na tinutukoy ni Nicus.

The place is cozy. There are hanging lights everywhere. The pathway is made of stone and there are huts lined on both sides. Ang mga kubo sa paligid ay napapalibutan din ng mga ilaw. Sa gitna ay mga pahabang lamesa at ang iba ro'n ay okupado na.

"Ano? Sa may kubo tayo o dito na?" Tinuro ni Tina ang mga lamesa.

"Dito na," si Cadeo sabay upo sa isang bakanteng lamesa.

Sumunod kami sa kaniya. We sat on the high chairs, Tina and Cadeo is on my side while Yesica is with Nicus and Darwin on the other side. Si Nicus at Cadeo ang pumunta sa may counter para mag-order. We started talking about our plans for vacation. Naglapag ng tatlong bucket ng iba't ibang beer sina Cadeo at Nicus sa lamesa. Light lang ang iba habang 'yong iba'y medyo malakas ang tama.

I chose the flavored San Mig for a warm up. The music enveloping the place was not a hindrance for us to talk to each other. Mas malakas pa yata ang tawa ni Tina kaysa sa kanta. Nasa kalagitnaan kami ng pangalawang bucket nang mahagip ko ng tingin ang pagpasok ng isang grupo sa snack house.

I almost choked on my beer when I saw Axev, scrolling through his phone. He's wearing a white printed tee-shirt, khaki shorts and topsider. Kasama niya ang mga kaibigan niya. Umiwas ako ng tingin nang makita ko ang pag-angat ng kaniyang tingin.

Huminga ako ng malalim at tumitig sa bote ng alak sa harapan ko. It's funny because I realized I still have a crush on him. Ilang linggo ko siyang hindi nakita at naka-usap pero parang walang nagbago. Narinig ko ang boses ni Brett, tinatanong kung saan sila uupo.

"Uy, Nicus!" It was Brett's voice.

Nag-angat ng tingin si Nicus, gano'n din kami. Tumayo si Nicus at lumapit sa kanila. Tumuwid ng upo si Tina nang makita si Camden. Tinulak niya ang bote ng SmirnOff palayo at ngumuso nang makitang nakataas ang kilay ko sa kaniya.

Nicus talked to them for a while. Nang sumulyap ako sa kanila ay bahagya akong napaigtad nang mahagip ang tingin sa akin ni Axev. Umiwas din naman siya at may sinabi kay Camden. Tumayo sila pareho at nagtungo sa may counter. Sumunod ang tingin ni Tina sa kanila at pinilit ko naman ang sariling hindi na lumingon.

When Brett caught my gaze, he smiled and nodded at me. Ngumiti ako pabalik at kumaway. Cadeo and Darwin join Nicus. Magkakakilala naman yata sila.

"Namumula ba ang mukha ko? Mukha ba akong naka-inom?" Tina whispered beside me.

I rolled my eyes and laughed at her. "Sis, mukha kang bangag."

She glared at me and excused herself to go to the bathroom, probably to fix her light make up. Naiwan kami ni Yesica sa lamesa. Kinausap niya ako tungkol sa research namin na tapos nang na-ipasa. Lumihis ang titig niya sa akin patungo sa likuran ko. In my peripheral vision, I saw Axev and Camden going back to their table with four buckets of different liqours.

Hindi ko sila tuluyang sinundan ng tingin dahil nakita ko si Tina na pabalik sa lamesa namin. The boys went back to our table, leaving Axev's group. I can hear their noise too but I didn't want to pry.

"Ayaw mo na?" Tanong ni Darwin kay Tina nang makitang hindi na ito umiinom.

Tumawa ako at nilingon si Tina na naka-upo ng tuwid. Mukha siyang babaeng marangal ngayon. Umiling siya at nagsalin ng malamig na tubig.

"Na-realize ko na masama pala ang sobrang pag-inom. Water tayo, guys." She said a bit loud.

Nagsapo ng noo si Yesica. Nicus laughed beside her while watching Tina. The boys realized what she's plotting. I have the urge to stop drinking too but I disregarded it. Tumikhim si Cadeo na nasa tabi ni Tina at tumingin sa katabing lamesa.

"Camden, nasaan girlfriend mo?" He asked suddenly.

Nanigas si Tina sa tabi ko. I was surprised too so I was forced to glance at the other table. Nakatingin sila sa amin, nangunguna si Camden na nakakunot ang noo kay Cadeo. I froze next when I caught Axev's serious gaze on me. Umangat saglit ang kilay niya bago siya umiwas ng tingin at uminom sa alak na hawak niya.

I pursed my lips. Bakit parang mas lalo siyang sumusungit habang lumilipas ang araw? Starting from the day he caught me and Zion in the library, I never talked to him. Kagaya na nga rin ng sinabi ko, I don't always see him especially these past weeks.

"Wala akong girlfriend, pare. Bakit?" Si Camden.

Tumikhim ang mga lalaking kasama namin sabay baling kay Tina na nakapikit at nakayuko. She's blushing, I don't know if it's because of the alcohol or because of the teasing. I looked at Nicus and glared at him. He suppressed his smirk and shrugged.

"Ah, wala. Akala ko may girlfriend ka-aray pota!" Ngumiwi si Cadeo nang sikuhin siya ni Tina.

"Cadeo, hinayupak ka, sinasabi ko sayo iibahin ko ang password ng Netflix account ko." Bulong bulong ni Tina.

I can't help but laugh. Tina glanced at me sharply. Ngumuso ako nang magtaas siya ng kilay sa akin.

"Baka gusto mo ring ilaglag kita?" She mocked and sneered at Axev.

I shrugged and smiled. "Ihatid pa kita sa tabi niya, e."

She smirked but in the end, she just rolled her eyes on me. The boys stopped teasing her. Pinandigan niya ngang hindi siya iinom kaya naman ako lang ang nakakasabay sa mga lalaki dahil hindi rin naman masyado si Yesica. Later on, Yesica and Cadeo had to go home. Pasado alas nwebe na kasi, sumabay si Yesica kay Cad dahil naka-motor ito.

"Brett, lipat na kayo rito. Malawak pa naman 'tong lamesa." Nicus offered when we're already half-way through the third bucket.

My eyes widened at him. I tried to stop him but when I heard Brett taking the offer I shut my mouth. Umupo si Gavrie at Brett sa kabilang banda. Umusog ako sa pinakagilid para walang umupo sa tabi ko kaso nga lang, hindi gumalaw si Tina kaya nang umupo si Camden sa tabi niya ay natulala siya.

"Tina!" I hissed to call her attention so she'd move towards me but she didn't even flinch on her seat!

Suminghap ako nang malingunan si Axev na nakatingin sa space na nasa pagitan namin ni Tina. Napatitig ako sa kaniya ng ilang segundo. Nahigit ko ang hininga nang bumaling siya sa akin.

"Oh, Axev?" Nilingon siya ni Brett.

I puckered my lips and looked away. I felt Axev sitting down on the space between me and Tina. Naamoy ko agad ang matapang na panlalaking pabango. I gulped on my bottle to divert my attention. Tumama ang hita niya sa akin pero kaagad naman niya iyong inilayo. Halos diretsuhin ko na 'yong natitira sa bote dahil sa pagbilis ng paghinga ko.

"Chill na lang kayo, ah. Tapos na exams?" Tanong ni Brett.

Ngumisi si Nicus at tumango. Nilingon ko ang dalawang bucket na natitira sa kanila. Axev is holding a bottle of hard liquor on his left hand while the other one is busy with his phone. His brows are furrowed and his jaw is a bit tensed while reading something. I looked away and sighed heavily.

Hindi ko alam kung anong nangyayari kay Tina dahil nasa pagitan namin si Axev. She's probably having a good time! Umiling na lang ako at nakinig sa mga kwentuhan nila. Kung hindi tungkol sa basketball ay tungkol naman sa mga taong hindi ko kakilala.

"Kilala mo 'yong taga-Peñablanca 'di ba? Engineering yata, ang bilis uminit ng ulo no'n. Muntik nang maka-suntukan si Garcia kahapon." Pahayag ni Gavrie nang mapunta ulit ang usapan nila sa basketball.

"Iyong freshmen na varsity player? Medyo mayabang 'yon, e." Tumawa si Camden.

Gusto ko tuloy lingunin si Tina dahil sa pagsasalita ng crush niya. I felt my throat dried. Wala nang laman ang bote ko. Instead, I reached for the glass pitcher and poured myself a cold glass of water. Naramdaman ko ang paglingon ni Axev sa akin.

"Sien, pang-banlaw." Inabot sa akin ni Nicus ang isang light drink.

I'm a bit tipsy but I can manage. I accepted the bottle after Nicus took off the cap for me. Ininuman ko kaagad 'yon para hindi mawala ang lamig. Narinig ko ang malalim na paghinga ni Axev sa tabi ko. I glanced at him and he's on his phone again. What's that? Girlfriend?

"Itong si Axev, sobrang busy. Ano ba 'yan, bro? Chicks ba 'yan?" Gavrie laughed and guzzled his own beer.

Nag-angat ng tingin si Axev at kinunotan ng noo ang kaibigan. "Gago, 'yong PDF ng last topic natin."

Umiling si Brett habang tumatawa. Ngumuso ako at iniwas ang tingin sa kaniya. Nahagip ko ang pag-ngisi ni Nicus sa akin kaya inirapan ko siya.

"Review na naman, pre? Come on, straight na uno ka na nga e. Relax ka muna!" Si Brett.

So he's really intelligent, huh. Ano 'yan? Multitasking? Umiinom habang nagrereview? Gusto ko tuloy mag-ngiti pero pinigilan ko na lang.

"Ang mahalaga pumasa tayo!" Humalakhak si Gavrie.

"Pumasa amp. Iyong grade mo, hindi ko alam kong passing o passingko, e." Camdem mocked making the whole table laugh.

Narinig ko rin ang tawa ni Tina kaya naman talagang nilingon ko na ito. She was laughing, with her hand on her mouth, looking graceful. I rolled my eyes as I restrained myself not to tease her because we have guests on our table.

"Pasado ako, matik na 'yon." Gavrie scoffed at them

"Baka pasadon't." Brett said and consumed his beer.

Axev shook his head while the guys laughed at the joke. Natawa rin ako kaya naman sumulyap siya sa akin. Nagkatinginan kami kaya natigil ako sa pagtawa. He raised his brows on me, his gaze is dark but amused. Ngumuso ako at tipid na

You are reading the story above: TeenFic.Net