Chapter 3

Background color
Font
Font size
Line height

Chapter 3

"Ano ba 'yan, sabi ko ngayon ang deadline 'di ba?" Galit na tinuro ni NJ ang mga questionnaires sa lamesa.

"Sorry, may ginawa kasi kami no'ng weekend." Si Joana.

"O? Ako nga may mga ginawa rin pero natapos ko naman 'yong part ko, ah?"

Galit si NJ dahil hindi pa nasasagutan lahat ng questionnaires. Sa Thursday na ang submission no'n at Monday ngayon. Hindi kami 'yong naatasan sa questionnaires, sina Joana at Merli, pero hindi nila natapos.

"Kaunti lang naman na, tatapusin namin ngayon." Ani Joana.

"Gavva! E, kailangan pa nating i-interpret 'yan! Iyan na nga lang ang trabaho niyo! Dalawa pa kayo." Sabay bagsak ni NJ ng kamay niya sa lamesa.

Tahimik ang iba kahit ako. Si Nicus na nasa tabi ko ay mukha wala namang pakialam. Tahimik si Merli pero mukhang malapit na ring sumagot dahil salubong na ang kilay niya habang nakatingin kay NJ.

"Sorry talaga, tatapusin namin ngayon. Kabibigay mo lang din naman kasi no'ng last Thursday-"

"Ang dali dali niyan! Ipasagutan niyo lang naman!" Putol ni NJ kay Joana.

Nag-angat ako ng tingin ng biglang tumayo si Merlin ng padabog. I pursed my lips when I saw the tension between her and NJ. Si Nicus na ngumunguso at malapit nang ngumisi ay mahina kong hinampas.

"Ba't mo ba kami pini-pressure? Tangina, rice cooker ba kami, ha?!" She shot at him.

Halos madura ko ang sariling laway sa sinabi niya. Nagkatinginan kami ni Nicus pero agad din akong umiwas dahil alam kong sasabog ang tawa ko kapag tinitigan ko siya ng matagal.

"Merli..." Joana called.

Hindi makapagsalita si NJ sa gulat pero mukhang mas lalo itong naasar. Is Merli joking or what? She doesn't look like messing around though.

"No'ng Thursday lang namin nakuha 'yan! Ang dami niyan tapos ipapapasa mo ngayon? Alam mong wala tayong break kundi lunch time lang 'tsaka ang hirap maghanap ng target respondents. Tapos may trabaho rin kami sa weekends. Ang dami mong ebas, e tatapusin na nga 'di ba?!" She ranted.

Pinulot nito ang folder na naglalaman ng mga questionnaires at nag-walk out sa kubo. May iilang tumitingin sa banda namin dahil sa sigawan. Kaagad naman na sumunod si Joana sa kaniya habang naiwan kaming tahimik sa loob.

Tawa ng tawa si Tina habang kinukwento ko iyong nangyari kaninang umaga. Papunta kami sa main dahil lunch time na. As usual, sa labas kakain ang boys habang si Yesica ay umuwi ulit.

"Sa labas na lang kaya tayo kumain? Ang daming tao," ngumiwi si Tina nang makita namin ang dami ng estudyante sa canteen.

I frowned and nodded. We still have more than an hour so it's fine to go outside. Nasa tapat na kami ng refilling station nang makasalubong ko si Merli. Nang mapansin niya ako ay agad niya akong nilapitan.

"Sien, patulong naman." She nodded at me.

Tiningnan ko ang mga papel sa kamay niya, iyong mga ipapasagot na questionnaires 'yon. Nagkatinginan kami ni Tina.

"Kaunti na lang naman 'to, tulungan mo lang akong maghanap ng respondents. Pwede ka ba?"

I nibbled my lip and bobbed my head. That's her job but we are groupmates, it's just right that I should help her out.

"Tina, ikaw na lang muna. Susunod ako agad kapag natapos namin. Pero kung hindi ako makaabot pabilhan na lang ako." I gave her the money and my order.

Nang umalis si Tina ay agad kaming nagtungo ni Merli sa may learning hall. Mga college students and target respondents namin. Iyong mga estudyante na mula elementary to college ay dito na nag-aral.

Sinuyod namin ang mga naunang table, ang hirap pala talagang humanap kasi mostly bago lang dito o 'di kaya'y from Junior High or Senior High lang narito.

"I-try mo ro'n sa kabilang lamesa, ako na sa kabila." Si Merli sabay bigay sa akin ng tatlong blank questionnaires.

Tiningnan ko ang tinuturo niya at nagulat nang makita si Axev at mga kaibigan niya. Apat sila sa lamesa at nagkukwentuhan maliban kay Axev na nagbabasa ng libro. Nilingon ko ulit si Merli na nasa kabilang lamesa na. Bumagsak ang tingin ko sa mga questionnaires sa kamay.

Bahagyang umurong ang tapang ko bigla dahil naro'n si Axev. I've never been really intimidated around guys. Never. Kaya anong problema ngayon?

Mahigit isang linggo na simula no'ng huling usap namin. After he gave me back my marker we never talked again. Wala naman kasing dapat pag-usapan.

"Sien?" Narinig ko ang pagtawag ni Merli sa pangalan ko.

Nalingunan ko siyang kinukunotan ako ng noo, may pagtatanong sa mga mata. I sighed and smiled at her before shaking my head. Naglakad na ako palapit sa lamesa nina Axev para magtanong.

"Uhm, excuse me, mga Kuya..." I said politely.

Nag-angat sila ng tingin. Hindi ako nakatingin kay Axev pero alam kong nakatingin din siya sa akin. Medyo gulat 'yong mga kaibigan niya, kahit 'yong crush ni Tina. Sumulyap ito kay Axev pero wala namang sinabi.

"Uy, ano 'yon?" Ngumiti 'yong nasa gilid ko.

"Magtatanong lang po sana ako kung mayro'n ba sa inyong estudyante ng USL mula elementary hanggang college? Para lang po sa research namin." Ngumiti ako.

Naglingunan sila. Nagtaas ng kamay 'yong katabi ng crush ni Tina tapos bumaling ito kay Axev. Shit, yes!

"Ako, tas si Axev." Anito.

"Pwede po bang pasagot ng questionnaires? Kung okay lang po." Nilingon ko si Axev.

Nakataas ang kilay nito habang nakatingin sa papel na hawak ko. I smiled a little when he looked at me. Pinisil niya ang ilong at tumango. Muntik na akong pumalakpak. I didn't know he's been a Louisian since then! Wow.

"Do we need to put our names?" Axev asked.

I smiled and nodded. Naka-saad naman doon 'yong mga dapat sagutan. Name, department, course and year.

He licked his lips and started answering together with his friend. While the two are answering, the other guy asked my name.

"Sien po, Kuya." I answered.

"Grade 12 ka ba?"

Agad akong umiling. "Grade 11 po."

Umawang ang labi niya at bahagya siyang natawa sabay tingin sa mga kasama niya. I smiled a little. His name is Brett, and Tina's crush is Camden. Iyong kasama ni Axev na nagsasagot ay si Gavrie.

Pagkatapos nilang sagutan iyon ay nagpasalamat ako at nagpaalam. Nagkatinginan pa kami ni Axev nang ibigay niya sa akin ang papel.

"Good luck." He tilted his head and went back to reading his book.

Nahigit ko ang hininga at ngumiti na lang bago umalis do'n. Sinalubong ako agad ni Merli. Nang sumulyap ako pabalik ay nakita kong nagtatawanan sila. Tinuturo ni Brett si Axev na nakakunot lang ang noo.

"Tara na." Aya ni Merli sa akin.

Tiningnan ko ang papel na sinagutan ni Axev. My eyes widened a bit when I saw his name. I thought Axev is really his birth name! Nickname niya lang yata 'yon.

Axelis Evander T. Manzanar

BSA – 2nd Year

Department - SEAIDITE

Kinagat ko ang labi at napa-iling. Ngumiti ako kay Merli at binigay sa kaniya ang papel. Siya na raw ang bahala sa isa kaya umalis na ako.

"Duh, sa tingin mo hindi ko alam? Syempre, gumagalaw din ako noh! Camden Espinoza, oh?" Maarteng sinabi ni Tina nang sabihin ko ang pangalan ng crush niya.

Tumawa ako at kinuha sa kaniya iyong dynamite na naka-plastic.

"Wow, and here I thought you'd still be clueless for now. Saan mo nakuha?"I asked as I started eating.

"Kapag may tiyaga, may napapala. Gano'n," humalakhak siya.

I rolled my eyes and dipped the dynamite sa naka-plastic din na ketchup. Medyo maanghang 'yon pero mahilig naman ako sa maanghang kaya masarap sa panlasa ko.

Nakipagsiksikan ako sa mga estudyanteng palabas ng main gate. Gabi na, pasado alas sais at nauna nang umuwi sina Tina. Susunduin daw ako nina Tita dahil sa labas kami kakain.

I was watching how the vendor puts the cheese on the corn when someone stood beside me. Bumibili ako ng cheese corn para sana kainin habang naghihintay kina Tita.

"Hi," I smiled at Axev even though I was a bit shock to see him.

He glanced at me, hindi naman siya gulat o ano. He nodded a little and looked at the vendor. He ordered one too and remained standing beside me.

Nasa kaniyang balikat ang T-Square na palagi niyang dala. Tahimik ako habang pinagmamasdan siya. He's handsome, alright. He looks chic to me.

"Uwian niyo na?" I asked to open a conversation.

"Oo. Last class na." Sinulyapan niya ako.

I pursed my lips and nodded before smiling. Ano pa bang pwedeng itanong? I puffed a breath and nibbled my lip. Nang binigay na sa akin ang order ko ay nanatili akong nakatayo sa tabi niya. Nang hindi na ako muling nagsalita ay nilingon niya ulit ako.

"Ikaw? Uuwi ka na ba?" It was his turn to ask.

Pinigilan ko ang ngumiti. "Oo, may hinihintay lang ako."

Natahimik siya at nagtagal ang titig sa akin. Pagkatapos ng ilang segundo ay umiwas siya ng tingin.

"Boyfriend?"

My lips parted at his question. I laughed a bit and shook my head. Why would he assume that I have a boyfriend?

"Hindi. Iyong Tita ko. Susunduin nila ako, e."

He swallowed and nodded before gazing at me. I remained smiling. I don't know why either. I don't smile for no particular reason but right not, I just feel like it.

"Midterms niyo na next week 'di ba?" I asked when he didn't say anything after.

"Yes," he nodded.

"Good luck sa exam." I said cheerfully.

Sinulyapan niya ulit ako. Kumuyom ang kaniyang panga at huminga ng malalim. Ang seryoso niya talaga. Mukha rin siyang masungit sa unang tingin.

"Thank you. Good luck din sa research niyo."

"Oh, salamat... Kuya Axev." I said and looked away.

I can feel his stare on me. I looked at the cheese corn in my hand. Huminga ako ng malalim at tiningnan ang cellphone ko sa kabilang kamay. Wala pa ring text sina Tita.

"Just Axev, no need to address me like that." Tumikhim siya.

Nag-angat ako ng tingin, kunwari'y hindi naintindihan ang sinabi niya. It's just right to call him Kuya, since he's years ahead of me.

"Ha?"

His lips twitched while watching me. His eyes waned for a little before he slanted his head.

"I want you to call me Axev. Huwag mo nang dagdagan ng Kuya." Mas seryoso niyang sinabi.

Umawang ang labi ko. Our eyes met and his brows rose when he saw me smile. He swallowed again and scratched his nose.

"Then, call me Sien." I took a deep breath.

Hindi na siya nakasagot dahil inabot sa kaniya ng vendor yung cheese corn na naka-plastic. Binigay niya 'yong bayad dito bago humarap sa akin.

"Mas gusto ko ang Dea," aniya.

Bahagya akong natigilan sa sinabi niya. How did he know my first name? But then, I remember that he found my ID one time. I bit my lower lip and forced a smile.

"Ayokong... tinatawag ako sa pangalan na 'yan."

Nagtagal ang titig niya sa akin, tinatantya ang reaksyon ko. Sobrang lapit naming dalawa, amoy na amoy ko ang pabango niya. Maraming estudyante ang napapadaan sa harap namin pero ni hindi ko maibaling ang atensyon ko ro'n.

"That name suits you," he said meaningfully.

Kumunot ang noo ko at napaiwas ng tingin. Hindi ko kayang tagalan ang titig niya sa akin.

"I hate that name." I said in all honesty.

"But I like it." He muttered coldly.

Kinagat ko ang labi nang biglang humampas ang puso ko. Nagkatinginan ulit kami. Seryoso siya habang ako'y hindi na siguro maipinta ang ekspresyon sa mukha. I am both disappointed and amazed.

Tumunog ang cellphone ko sa tawag ni Tita bago pa ako makapagsalita. Mabilis ko iyong sinagot. Si Axev naman ay umiwas lang ng tingin.

"Sien, saan ka na? Nasa Lecaros kami." Bungad ni Tita.

"Nasa main gate ako, Tita."

"Oh, okay. Hintayin mo kami r'yan." She said before dropping the call.

Paglingon ko kay Axev ay nakita kong may kausap na siyang isang lalaki. The other guy laughed and Axev just smirked. I was staring at him when he suddenly glanced at my way. Hindi na ako nakaiwas ng tingin.

"Susunduin ka na?" He asked.

Nilingon ako ng lalaking kausap niya. Tinitigan ako nito. Tumango ako kay Axev at tipid na ngumiti.

"Una na ako." Sambit ko.

He pushed his tongue on the insides of his cheeks before nodding at me. Naglakad na ako palayo sa kanila para hintayin sina Tita sa may mismong gate.

The way he called me by my first name kept on resounding in my mind. He said he likes it but I don't know why. Hindi matanggal ang isip ko ro'n kaya naman kahit no'ng kumakain na kami sa isang diner ay napapatulala ako. Nag-aalala tuloy sina Tita pero kaagad ko namang sinabi na pagod lang ako.

Tatlong beses sa isang linggo ko nakasalubong si Axev sa skul. Ngingitian ko lang siya habang isang tango lang ang sagot niya sa akin. Hindi kami nakakapag-usap dahil kasama niya ang mga kaibigan niya at sa tingin ko rin naman ay walang dapat pag-usapan.

Night before their exam, I decided to message him. I even reasoned out to myself that it was just a friendly feeling that I have. No special reasons for messaging him, just being sociable. Sociable, huh?

Siennen Almagro:

Good luck sa exams, Architect! :))

He's not online though. Naisip ko na lang na baka abala siya sa pagre-review. Iyon ang napansin ko sa kaniya. He's studios. Minsan nakikita ko siyang tutok sa libro at minsan naman abala sa plates niya.

I took a shower and did my usual skin care routine. Just cleanser and moisturizer. After that, I tried to sleep but I can't. Alas nwebe pa lang naman, maaga pa. Ilang minuto ko pang sinubukan pero nang hindi talaga mapilit ay kinuha ko ang cellphone para maglibang.

I opened my messenger account. There are some messages from those who are trying to hit on me but the very first thing that caught my eyes was Axev's message. He replied!

Axev Manzanar:

Hey, salamat.

Kinagat ko ang labi at dumapa sa kama. Shit, why am I hyperventilating?! Don't tell me I really have a crush on him? I don't do crushes for Pete's sake!

Gustong gusto kong pigilan ang sarili mag-reply ulit nang makitang online siya. His reply was fifteen minutes ago. Bumuga ako ng hangin at nagtipa ng mensahe.

Siennen Almagro:

You'll ace the exams, I know. Review well!

I frowned while reading the text I sent him. Oh my gosh, I can't really be crushing on him!

Axev Manzanar:

Paano mo nasabi?

Ang bilis ng reply niya, ah. Hindi ba siya nagrereview?

Siennen Almagro:

I just know, Architect :))

I rolled my eyes when I felt my lips stretching for a smile. Damn, this is really not happening. When did I ever start crushing on someone? When did this start?

Axev Manzanar:

Lol. Bilib ka naman masyado sa akin.

"Ugh!" I groaned after laughing at his reply.

I should really stop. Like, stop right now!

Siennen Almagro:

Haha. Maybe? Sige na, baka nakaka-istorbo pa ako sa review mo. Good night!

Isang minuto bago niya nakita ang reply ko. Naghintay pa ako ng ilang minuto at nang wala akong matanggap na reply ay nag-exit na ako sa messenger. I opened my IG instead and scrolled through my feed. Nang makaramdam ng antok ay kaagad rin akong tumigil at natulog na.

Maaga akong nagising kinabukasan. Diretso agad ako sa banyo para maligo. Pagkatapos ay hindi muna ako nagpalit at bumaba para kumain. Pag-akyat ko sa kwarto ulit ay tiningnan ko ang aking cellphone kung may nag-text ba. I opened my messenger and again, I was surprised to see a message from Axev.

Axev Manzanar:

Tulog na.

Tiningnan ko 'yong oras na ni-send niya 'yon. Ito 'yong abala ako sa IG. He must have noticed that I am still online during that hour. Napanguso na lang ako habang binabasa iyon. Pinilit ko ang sariling hindi na magreply pa.

Aburido ang mga college dahil exams nila. Walang masyadong tumatambay sa mga hall. Kahit sa Lecaros ay tahimik. Halata sa mukha ng mga medical students ang puyat at nerbyos. May screening kasi sila bawat semester kaya sobrang importante na makakuha sila ng mataas na marka. May cut-off grade sila, e.

I'm planning to take up a pre-med course too. Madalas akong tanungin ni Tita kung anong kukunin ko. And the best choice I have is Medical Technology. Gano'n din si Tina at Nicus. Sina Yesica at Cadeo ay kukuha raw ng engineering habang si Darwin ay Nursing.

"Hirap siguro maging college, 'no?" Kumento ni Tina habang nasa canteen kami.

May mga college do'n na pinagsasabay ang pagkain at pag-review. Some are chilling and some are obviously nervous.

"Siguro, may isang taon pa tayo bago malaman 'yan."

Kinabukasan ay gano'n pa rin ang sitwasyon. Iyong mga med students sa Lecaros ay palaging nagmamadali. Hindi kasi pareho ang sched namin sa mga college. Next month pa ang exam namin.

"Bilisan mo naman, para kang babae!" I glared at Nicus.

Inaya niya kasi ako sa labas para bumili ng buko. Katatapos lang ng lunch namin. Nauna na sina Tina sa Lecaros. Anong oras na at maglalakad pa kami pabalik do'n dahil nas harap ng main itong bilian ng buko.

"Wala akong reklamo kapag kayo 'yong mabagal gumalaw, ha." He shot back sarcastically.

"E, uubusin mo pa 'yan dito, e! Ten minutes na lang bago ang time." Giit ko.

Bawal kasi ipasok ito sa loob ng skul. Sobrang istrikto sila pagdating sa basura. We are an overly environmentally friendly school.

Sinamaan niya ako ng tingin bago inubos ang buko niya. Nilagay niya ang plastic cup sa basurahan, sa tabi ng kariton ng nagbebenta bago kami tumawid sa daan. Nakahawak pa ako sa uniform niya dahil isa lang naman akong dakilang duwag kapag tumatawid.

Tinatawanan nila ako dahil ang laki ko na raw pero hindi pa alam tumawid. Kapag hindi ko sila kasama ay sinisigurado kong sumasabay ako sa mga tumatawid. Ewan ko, I feel like I would be hit by a car out of nowhere. Kahit na may pedestrian lane naman sa daan ay hindi ko pa rin kayang tumawid ng mag-isa.

Malapit na kami sa dulo ng daan nang makasalubong namin ang grupo nina Axev. Tapos na ang exams nong Friday. Monday na ngayon at ngayon ko lang ulit siya nakita. He must have been very busy with their exams. Hindi ko na rin naman siya muling ni-chat sa messenger.

Camden was the first one to notice me. Patawid din sila. He said something to Axev driving him to glance at my direction too. My breathing hitched when he caught my eyes.

I smiled and waved a little using my free hand. Nakahawak ang kanang kamay ko sa manggas ng polo ni Nicus.

Pinasadahan ako ni Axev ng tingin pagkatapos ay umiwas din, nakakuyom ang panga. Nakasalubong namin sila pero hindi na siya tumingin sa akin. Si Brett lang na nakuha pang ngumiti sa akin. Nagtagal ang tingin ko kay Axev. What a snob. Napa-iling na lang ako.

"Ang bagal ha." Nicus mocked at me.

Binitawan ko ang uniporme niya at umikot ang mata ko sa sinabi niya.

"Si Axev 'yon, ah? Ba't di mo binati, akala ko playmates kayo?" I asked.

Kumunot ang noo niya sa akin habang tinatap ang ID niya sa may scanner. Naunahan ko siya kaya kailangan ko pa siyang hintayin.

"Nakakalaro ko lang pero 'di naman kami nag-uusap. Bakit?" Nagtaas siya ng kilay.

Tumikhim ako at umiling. "Wala. Bilisan mo nga!"

"Anak ng ina, ba't ayaw ma-scan nito?" Muntik na niyang

You are reading the story above: TeenFic.Net