Chapter 21

Background color
Font
Font size
Line height

Chapter 21

Hirap akong nagmulat ng mata nang marinig ang sunod sunod na katok sa pintuan ko. Narinig ko ang boses ni Tito sa labas. Nakatulog pala agad ako pagka-uwi ko. Masakit ang ulo ko at inaantok pa pero pinilit kong bumangon para buksan ang pintuan ah.

"Pasensya na, Sien. Were you sleeping?"

Kinusot ko ang mata at tumango. He smiled apologetically. Shit, I am still in my uniform. Anong oras na ba?

"Nasa baba kasi si Axev, hinahanap ka." He said.

Nagising ang diwa ko ro'n. Bumilis ang tibok nang puso ko pero naro'n pa rin 'yong halo halong emosyon. Huminga ako ng malalim. Pakiramdam ko wala akong lakas harapin siya ngayon. I am tired and my head is aching a little.

"Susunod ako, Tito." I said.

He nodded and went downstairs. Sinara ko ang pintuan at umupo muna sa kama. Hinilot ko ang sentido. Kahit ang bun ko hindi pa natatanggal. Gusto ko pa sanang mag-shower kaso nga lang alam kong matatagalan ako. I went inside my bathroom and checked my face. My eyes were a bit bloodshot. Natulugan ko ang pag-iyak kanina.

Hindi na ako nag-abalang magpalit at bumaba. Napatayo agad si Axev na naka-upo sa sofa at naka-uniporme pa rin. Dumiretso ba siya rito galing university? Hindi ko alam kung anong ire-react. Wala rin akong masabi. Malamig ko lang siyang tinitigan. I saw how he heaved a deep breath before walking to me.

"Kagigising mo lang ba?"

Hindi ko siya sinagot. Alas syete na. Anong oras ba siya pumunta rito? Walang tao sa may living room pero lumabas si Tito galing dining. Wala pa yata si Tita.

"Kung nagutom kayo, may pagkain do'n." He smiled at us before he went upstairs.

"Dea, I'm sorry-"

"Sa labas tayo mag-usap." I looked at him.

Huminga siya ng malalim at tumango. Naglakad kami papunta sa labas. Dumiretso ako sa may garden at sumunod naman siya sa akin. I really don't know what to feel right now. It's all mixed up inside me. I don't have the energy to talk to him but I also wanted to hear whatever he wants to say.

Tumayo kami sa may gilid ng garden. Hindi niya tinanggal ang titig sa akin. Igting ang panga niya pero kakaiba 'yong tingin niya. He took a deep breath. Nakatayo lang ako ro'n.

"I'm sorry."

"Para saan?" Sinalubong ko ang tingin niya.

"Sa nangyari kanina. Wala kang..." he sighed, "wala kang ginawang masama. Pasensya na rin sa attitude ni Jam. Gano'n na talaga 'yon. Kaklase ko na siya mula first year, she's always been like that."

I clenched my teeth. "Anong gusto mong gawin ko, Axev?"

"Ha?" Kumunot ang noo niya. "Wala naman akong sinasabi, Dea. Ang sinasabi ko lang, gano'n na talaga si Jam noon pa man. I've known her for years, kaya alam ko ang ugali niya."

"Ano ngang gusto mong gawin ko ro'n? Kailangan ko ba siyang intindihin dahil gano'n na talaga siya? Iyon ba ang dapat kong gawin?"

Mas lalong kumunot ang noo niya. He took another profound breath and carefully shook his head. Iniwas ko ang tingin at humugot din ng malalim na hininga dahil nagsisimula na namang uminit ang ulo ko.

"Hindi. Wala naman akong sinabi. I'm sorry..." he sighed. "Hindi ko rin naman gusto ang ginawa niya... pero... Dea, hindi rin tama 'yong sasabihan mo ng gano'n 'yong tao."

Agad akong napatingin sa kaniya. My lips parted as my heart clenched. Kumunot ang noo ko. Bakit kailangang may pero?

"Ano ngang gusto mong gawin ko?!" Bahagyang tumaas ang boses ko.

Umawang ng bahagya ang labi niya sa gulat sa pagtaas ng boses ko. The regret on his face was apparent but I was already starting to heat. Fuck. I am not really organized for this but I feel like I can't stop now.

"Dea-"

"Gusto mong manood na lang ako? Habang hinahawakan niya 'yang kamay mo? Habang pinipisil niya 'yang pisngi mo? Habang hinahawakan ka niya sa dibdib?!" Suminghap ako. "Sinubukan ko namang intindihin, na magkaklase lang kayo. At sinabi mo rin naman na gano'n talaga siya sa lahat. Pero Axev, hindi na ako okay do'n!"

Was I being immature? Was I wrong of feeling this way? Was I too rash to judge? Mali ba ako? Dapat ba intindihin ko rin si Jam kasi gano'n na talaga siya? Ano ba dapat?! Kasi tangina, ayaw ko rin namang maramdaman 'to. Gusto ko namang intindihin na gano'n talaga kapag matagal na kakilala. Gano'n talaga kapag close sa isa't isa. Kung gano'n sila no'n pa man, kailangan ko bang intindihin 'yon ngayon?

"Alam ko naman 'yon. Napag-usapan na natin 'to 'di ba? Iniiwasan ko naman..." kalmado niyang sinabi pero nag-aalala ang tingin niya sa akin, "iniiwasan ko nga sa klase, e. Pero magkaklase kami, Dea. Ang hirap niyang iwasan-"

"Hindi ko naman sinabing iwasan mo, Axev." Umiling ako at hinilamos ang mukha. "Maiintindihan ko naman, kasi magkaklase kayo ng matagal. Pero ang hindi ko gusto ay kung paano siya umakto. Kung gano'n na siya no'n pa man, e 'di okay! Kung ganiyan na kayo no'n pa man, e 'di sige! Pero wala bang kaunting respeto diyan bilang babae? May girlfriend kang tao, hindi niya ba naisip kung okay lang ako ro'n? Kung okay lang sayo na hinahawakan at sanay ka na ro'n, e 'di sige! Pero tangina, hindi ako okay do'n kasi may nararamdaman ako!"

Umigting ang panga. "Dea naman... hindi ko naman sinabing okay ako ro'n. Let's not raise our voice... please." Huminga siya ng malalim.

I was on the verge of crying again. This is stupid! Why would I cry over this? Ang sakit na nga ng ulo ko! Pagod ako galing skul. May exam pa bukas! I am beyond frustrated already.

"Immature ba 'yong ginawa ko, Axev? Ako lang ba 'yong mali? Kung immature pala magselos, e 'di sige, hindi na ako magseselos. Hindi ko na lang papansinin 'yong lintik na sakit at selos sa tuwing nakikita ko kayong gano'n. Iintindihin ko na lang. Gusto mo bang 'tsaka na ako magalit kapag hinalikan ka na niya? Oh sige-"

"Dea!" Bumuga siya ng hangin, nakakuyom na ng husto ang panga. "Pwede bang... pwede bang mag-usap tayo ng maayos? Please, hindi 'yong ganito..."

"Maayos akong kausap." Ngumiti ako kahit nanginginig na ang labi.

Pumikit siya ng mariin at huminga ng malalim. Pagmulat niya ay bahagya nang namumula ang mukha niya. He looks tired too.

"Hindi ka immature. If that's how you feel, hindi 'yon mali. Please... 'wag na tayong mag-away. Kaklase ko lang 'yon, Dea. Kaibigan lang ang tingin ko ro'n."

"Kaibigan lang ba ang tingin sayo?"

Tinitigan niya ako. He hesitated to answer. I saw it on his face. Ngumiti ako at umiling.

"Fine, sabihin na natin na hindi ka niya gusto and again, that's just how the ways she acts. Pero ako, Axev? Kung alam kong may girlfriend 'yong tao, kahit malapit na kaibigan ko, tatandaan ko 'yong salitang limitasyon. Kasi hindi ko alam kung okay lang ba ro'n sa babae 'yong mga dating ginagawa namin. But maybe, I guess that girl doesn't know her limit." Nagkibit balikat ako. "Siguro talaga, ako na lang ang mag-aadjust."

Huminga siya ng malalim, pakiramdam ko'y napapagod na rin siya sa mga sinasabi ko. That's good. Quits kung gano'n. Dahil sa totoo lang, hindi kami magkaka-usap ng matino sa lagay na ito. We're just running in circle here.

"I am not telling you to adjust, Dea. Pakinggan mo naman kasi muna ako..." he sounds defeated now.

"Pwede bang after exams na?" Walang gana kong tanong.

Lumapit siya at hinawakan ang kamay ko. "Mag-ayos na tayo ngayon. Pag-usapan natin ng maayos-"

"Pagod ako, Axev."

"Dea naman..."

"Axev, pagod ako! Finals na bukas, kailangan kong mag-review! Hindi ako matalino katulad mo..." suminghap ako, "mas importante pa ba 'to kaysa sa exams? Pagod na ako please, 'wag ka munang dumagdag."

Kinagat ko ang labi dahil patulo na ang luha ko. Damn, I feel so tired and restless. I need to set my priorities. Tangina, kung hindi ako magfo-focus bukas, baka kailangan ko nang maghanap ng bagong school. Ayaw kong bumagsak, tangina, ayaw ko. My standing in prelims and midterms were just 'good' and that 'good' won't save my ass. Kailangan kong bumawi sa finals!

"I'm sorry." He whispered and let go of my hand.

"Hindi tayo makakapag-usap ng matino ngayon. The last thing we need right now is this conversation. Please, just... just go home. I'm so fucking tired right now."

Hindi ko na hinintay 'yong sagot niya at tinalikuran siya. I felt pain but I have important things to prioritize. Dire diretso ako sa loob ng bahay at laking pasasalamat ko nang wala si Tito.

Reviewing while crying is a different stress. I was silently swearing in my head. The pressure for the exam, the worry for my final grade and my relationship with Axev. But I needed to cross out the later for now. It's for my own good kahit na distracted ako dahil do'n, pinilit ko 'yong sariling mag-review.

Pagkagising ko kinabukasan, may fever ako. Mababa lang naman pero masakit pa rin 'yong ulo ko. Hinatid ako ni Tito. Dumiretso agad ako sa exam room. Naro'n na 'yong ibang kaklase ko at nagre-review. Puro minor subjects lang naman ngayon, kaya medyo less pressure pa.

Sa susunod na dalawang araw, majors na namin. Ang kinakabahan ako ay 'yong lab exam talaga. Hindi predicted kung anong ipapagawa sa amin, hindi ko alam kung anong ire-review do'n. Pero sabi naman nila simulan daw sa topic mula prelims hanggang finals at marami 'yon!

"Okay ka lang?" Sinalat ni Tina ang ulo ko. "Hala, may lagnat ka. Kain tayo mamaya after nito, inom ka ng gamot. Last exam na rin naman natin mamayang alas tres."

Iyon nga ang ginawa namin. Pagkatapos na pagkatapos ng exam ay dumiretso kami sa canteen. Kumakain kami habang nagre-review. Then pumunta kami ng clinic para humingi ng gamot. Bibili pa ba kami e nagbabayad naman kami sa clinic. Sayang naman kung 'di gamitin.

Nagte-text si Axev pero hindi ko binabasa. Halos hindi ko na nga galawin ang cellphone kung 'di ko lang kailangang mag-update sa group chat. Kinabukasan ay sa Lecaros na lahat ng exam namin. 

Pagkarating ko para sa unang major exam ay nadatnan ko ang mga kaklase kong naka-upo sa hallway at parang nagro-rosaryo dahil halos lahat yata bumubulong. Nagme-memorize silang lahat. Nakita ko si Nicus bago ako umakyat sabi niya mahirap daw talaga ang major exam, sabi ng mga second year.

And truth to be told, major exam was beyond difficult. Pakiramdam ko nga board exam 'yong sinagutan ko e. Pero siguro, sa mga matalas ang memorya at matalino, madali lang sa kanila 'yon. 

"Hanap na ako bagong skul, tangina..." sabi ni Tina habang palabas kami sa huling exam. "Papaalam na ako kay San Luis... sobrang dami rin naming memories."

Umiling ako at natawa. Pagod na ako pero last day na bukas kaya kailangan kong humugot pa ng lakas kung mayro'n pa. I checked my phone and there was another message from Axev asking if I had lunch but I ignored it... even though I wanted to reply. Binalik ko ito sa loob ng bulsa at inaya si Tina na bumili ng pagkain.

Last day of exam and my last exam would be 5:00 to 6:30 PM. Iyong pinakamahirap na major namin. Halos hindi ako natulog dahil do'n. Alas dos ako natapos sa review tapos nagising ako ng alas kwatro ulit. Tangina, gusto ko nang matapos ang araw na 'to.

I was reading my Anaphy book while walking through the hallway, papunta na ako sa first subject. Kaliliko ko pa lamang ng accounting nang matigilan ako. Axev and Camden was walking to my direction. May hawak din na libro si Axev sa kamay habang si Camden ay bitbit ang asul na laptop bag.

Bago pa ako maka-ikot para dumaan sa may Junior High ay nakita na niya ako. My heart clenched when I saw that he looks beat. Napakurap siya nang makita ako, his lips parted a little. Nakita rin ako ni Camden. Huminga ako ng malalim at nagpatuloy sa paglalakad pero humarang si Axev sa daraanan ko.

"Kumain ka ba bago pumasok?" Was the first thing he asked. "Kumain ka rin ng lunch para may lakas-"

"I need to go... may exam pa ako." I said and walked past him.

Narinig ko ang paghugot niya ng malalim na hininga. Pumikit ako ng mariin at tumigil. Nilingon ko siya at nakita ko siyang nakatayo pa rin doon at nakatingala, minamasahe ang nakapikit na mata.

I bit my lip. I miss him... I really do. I realized things in between my reviews but am I still not prepared for this today. Huminga ako ng malalim.

"Evander..."

Lumingon agad siya. Namumula ang ilong niya, mas lalo tuloy nagmukha siyang pagod. Tipid akong ngumiti pero hindi ko alam kung pansin niya ba 'yon. Gusto ko siyang lapitan at yakapin pero pinigilan ko ang sarili.

"Good luck sa exam." I said before walking away.

He texted me 'good luck' countless times but I never returned it. And I feel guilty now because I know that this is not an easy year for him too. I just want to get over this day and clear things with him. Kasi ang bigat pala kapag ilang araw kayong hindi nag-uusap ng may problema. This is our first big fight that we let it run for days without taming it.

"Halleluiah!" Sigaw ng isang kaklase namin pagkalabas ng examination room.

Tumawa kami dahil halos lumuhod na siya sa sahig. Finals is done. Ramdam ko pa rin 'yong pagod pero nawala na 'yong bigat na nakadagan sa dibdib ko. I feel like I can finally relax but I know I can't. 

We still have to wait for our finals grades which will be released two weeks from now. Pakiramdam ko naman papasa ako pero syempre naro'n pa rin 'yong kaba na paano kung hindi umabot? Just thinking about it, I feel like I'm going to cry a river.

Pagka-uwi ko galing BBQ house kasama sina Tina ay sa kama agad ang bagsak ko. I laid on the bed for what felt like hours then moved to get a shower before plunging on the bed again. I was seriously tired that when I received a message from Axev, I just replied that we'll talk tomorrow and dozed to sleep.

I groaned when I heard a knock on my door. Pakiramdam ko sobrang bigat ng talukap ng mga mata ko at ang hirap imulat. I fixed my hair before aiming to the door, still sleepy. Si Tita ang bumungad sa akin.

"Goodnesss, Sien. Akala ko kung napaano ka na." She exclaimed. "Alas onse na at hindi ka pa bumababa. I thought you're sick or something!"

My eyes widened. What the hell? It's already 11 in the morning? I slept for more than 13 hours pero pakiramdam ko hindi pa rin sapat 'yon para mabawi ko lahat ng puyat sa nakaraang anim na buwan!

"Sorry, Tita. Pagod lang." I smiled.

But still she was worried so she asked me to come down and eat before she'll check on me. She asked me random stuffs about school. Then pinag-usapan na rin naman 'yong pag-alis namin sa Lunes. Oo, Lunes na agad at Sabado ngayon. So she advised me to prepare my stuff for a long vacation.

Iyon ang ginawa ko buong maghapon at nasa kalagitnaan ako ng pag-aayos nang maalala ang cellphone. I didn't check it since I woke up. I have messages from the groupchats, my friends and Axev. There was a good morning message, then he's asking if what time we'll be seeing each other. I bit my lip while typing my message. Now that I am more relaxed and my mind's a bit clear, the more I want to talk to him.

We agreed to see each other in our favourite café at six in the evening. I was ten minutes late and when I got there, he's already inside. Agad siyang tumayo nang makita ako. He's wearing casual clothes and he looks better than yesterday. Mukha siyang pagod na pagod kahapon pero ngayon hindi na. I guess we're the same.

"Kanina ka pa? Sorry." Tipid akong ngumiti.

"Okay lang." Tinitigan niya ako, pakiramdam ko tuloy ang tagal naming 'di nag-usap. "Order na tayo?"

I wanted to be more casual to him so the air around us won't be so heavy. We paid our own drinks and we agreed to go to the rooftop. Nang maramdaman ko ang mabini at malamig na hangin ay mas lalo akong nakapag-relax. Umupo ako sa harap niya at nilapag ang cellphone at wallet sa lamesa.

"Kamusta ang exam?" I asked first.

He had a lot to say, I noticed but he just gave me a small smile. Ngumiti ako pabalik at huminga ng malalim. I miss his smile.

"Okay lang... mahirap pero gano'n naman lagi. Ikaw?"

"Hindi ko alam," mahina akong tumawa. "Mahirap pero nakaraos naman. 'Di ko lang alam kung makakapasa ba."

"You should give yourself a break. Huwag mo munang isipin 'yong resulta ngayon... you deserve a break." He said lowly.

Tumango ako. "Yeah. We all deserve a break... hoping this Christmas break would be good."

He didn't say anything. I looked at him and when I saw him staring at me, I lowered my gaze to my frappe. I can feel the beat of my heart rising. I was organizing the thoughts inside my head and just when I was about to voice it out, naunahan niya ako.

"I'm sorry... I'm really sorry." He licked his lower lip.

Tinitigan ko siya at tinagilid ang ulo. "Para saan?"

"For making you feel bad. Hindi ko na dapat pa sinabi 'yong tungkol kay Jam. I realized... I was defending her attitude instead of trying to understand you. Hindi kita inintindi ng husto... sorry." Bumaba ang boses niya.

No, he did try to understand me. He tried to talk to me nicely so we could both sort out the problem but I was in a hazy state so I exploded like that. I wasn't ready to listen to him and I felt like everything he's saying was pure reasons and there was no step he took to understand me. I was wrong too.

"Sa isip ko kasi, kaklase ko lang 'yon... kaibigan. Kilala ko siya kaya sa tingin ko hindi tama na sabihin mo na may gusto sa akin 'yong tao dahil matagal ko nang kasama. Maybe that's why I tried to defend her but I should have understood you first. Iyong nararamdaman mo... ang gago lang... mas inuna ko pa 'yon kaysa sayo."

My heart clenched. Maybe that hurts, because seriously, it did. Pero tapos na, e. I don't want to keep dwelling on that. Syempre, matagal niya ring kasama 'yong tao. And I know... I know that he sees her nothing but a friend. The problem was on that girl. So why do we need to get involved in her problems? We should be fine.

"Okay lang... may mali rin naman ako. I was rash and I didn't have the ear to listen to you that night." I smiled. "Ilang beses ko kasi kayong nakita... but it was fine for me. You two being close... it was fine... maybe I felt bad a little? Pero handa naman akong intindihin... hindi ko lang kinaya dahil pakiramdam ko wala siyang pakialam kung makita ko kayong gano'n. And it happened several times... it just piled up. At hindi naman ako manhid," nagkibit ako ng balikat, "para hindi mapuno. I have feelings and it was too much for me."

Umawang ng bahagya ang labi niya. He looks like he felt sorry again. Tumawa ako at suminghap. His jaw clenched and heaved a deep breath when he saw me laugh but he seemed to relax a little.

"Sorry din sa mga nasabi ko no'ng huling usap natin... naghalo halo na kasi. I was tired and pressured and then my emotions were mixed up. And I was... mad at you, because it felt like you chose her over me. Pero don't worry, I don't think that way now. Mas naiintindihan ko ngayon."

"It was wrong for me to defend her... pero kung kailangan kong pumili, wala ng tanong tanong. Ikaw agad."

Halos mapanguso ako sa sinabi. Gusto ko na lang halikan. Ang rupok! Gusto kong umungol sa frustration sa sarili.

"And maybe it was wrong for me too to judge her? Pero ayaw kong maging hypocrite, I really judged her in the first place. Women instinct... alam mo 'yon? At hindi ako nagsisisi sa sinabi ko sa kaniya... no, over my raging progesterones. Na-stress ako sa kaniya kaya hindi ako magso-sorry." Tumaas ang kilay ko.

He bit his lip and chuckled. Halos mapa-irap ako. But I miss that manly chuckle. And I don't want to admit it but one of the reasons I got jealous was... I wasn't used to seeing him around girls before. 

Sino ulit 'yon?

You are reading the story above: TeenFic.Net