Chapter 15

Background color
Font
Font size
Line height

Chapter 15

"Ah, so you're already in college?"

I chewed my food slowly as I glanced at Axev. Halos kaunti pa lamang ang nabawas sa pagkain niya. Ang kaunti lamang ng kinuha niyang ulam at kanin, hindi ko naman magawang asarin dahil wala kami sa posisyon para mag-asaran.

Nang magsimula kaming kumain ay nagsimula siyang tanungin nina Tita. Tita was smiling a little while she asked Axev that. Magkatabi kami ni Axev habang kaharap namin sina Tita.

"Opo, third year na po." Tumango si Axev.

"Anong kurso mo, hijo?" Si Tito.

I pursed my lips and drank on my water. Axev looks calm... I don't know. Seryoso lang naman siya habang sinasagot ang mga tanong nila. Ako tuloy ang kinakabahan para sa kaniya.

"Architecture po, Sir."

"Hindi ba mahirap 'yan, hijo?" Tita glanced at Tito Cesar. "Architecture din ang kinukuha ni Lemuel, hindi ba?"

Ang tinutukoy niya ay iyong pamangkin ni Tito. Tumango si Tito Cesar at sumulyap kay Axev.

"Architecture din kasi ang kinukuha ng isang pamangkin ko. Second year pa lang at sa Maynila nag-aaral. Nahihirapan daw siya lalo na't tulog daw ang kalaban diya'n." Tito stated.

Axev nodded a little. "Ah, opo. Sanayan na lang po."

"But still, you should look after your health. Masama rin ang masyadong pagpupuyat kaya subukan mong humanap ng oras para magpahinga, hijo." Tita said.

Axev thanked her for the advice. Nang dumako sina Tita Marta sa trabaho ni Tito at silang dalawa lang ang nag-usap muna ay sinulyapan ako ni Axev. Ngumuso ako sa kaniya kaya nagtaas siya ng kilay.

"Okay ka lang?" I mouthed and bit my lip.

He shrugged and I rolled my eyes. Why does he look so calm? Dapat ay siya ang ninenerbyos at hindi ako! He looked at the vegetables in my plate that I am not eating then swung his gaze back at me.

"Kaya hindi ka tumatangkad dahil hindi ka kumakain ng gulay." He whispered that made my face heat.

I glared at him and was about to counter back when Tito cleared his throat. Napaayos tuloy ako ng upo. Axev glanced in front swiftly and so much relaxed.

"Matagal na ba kayong magkakilala ni Sien, hijo?" Tanong ni Tito na nakapagpatigil sa akin.

Tumikhim si Axev at tumango. "I've known her since she's in Grade 11 po."

"Oh, really? How long have you been courting her?" Si Tita.

"Isang buwan na po. Pasensya na po kung ngayon lang ako humarap sa inyo." He replied immediately.

Nilunok ko ang nginunguya at palihim siyang nilingon. I feel a little guilty because I really didn't think about that. Sanay akong hindi pinapakilala kina Tita ang mga nagiging boyfriend ko. Well, that's because it's not serious and aside from that, I'm not used to doing that so this is a new experience to me.

"Don't worry about it, hijo. Hindi naman namin pinagbabawalan si Sien na mag-boyfriend and in your age, that's normal." Umiling si Tita.

Nag-angat ako ng tingin dahil sa sinabi ni Tita. Ngumiti ito sa akin nang magkatinginan kami. I tried to smile before glancing at Axev. I saw him release a deep breath and he seemed more relax now. The dinner ended peacefully and Tito even offered to give Axev a ride to their place.

"Hindi na po, Sir. Thank you po, pero sa Tanza lang naman po ako. Maghihintay na lang po ako ng masasakyan sa labas." Tanggi ni Axev.

"Gano'n ba? Mag-iingat ka kung gano'n. You can visit here anytime. You are welcome here." Tito said.

"Samahan ko lang sa labas, Tito." Sabi ko kaya tumaas ang kilay ni Axev sa akin.

Nang makalabas kami ng gate ay malakas akong bumuntong hininga. Humawak ako sa aking dibdib at ramdam ko ang pagkalma ng pintig ng puso ko. Nang nilingon ko si Axev ay nahagip ko ang paninitig niya sa akin.

"Okay ka lang? Why do you look so calm? Hindi ka man lang ba kinabahan?" I raised my brows.

Humakbang siya palapit sa akin kaya natigilan ako. Kinuha niya ang kamay ko at ipinatong iyon sa ibabaw ng dibdib niya. And to my surprise, I felt the wild beating of his heart, even more frantic than mine!

Umawang ang labi ko at inangat ang tingin sa mukha niya. He puffed a breath and furrowed his brows.

"Kalmado ba 'yan para sa 'yo?" Pinisil niya ang ilong at pumikit ng mariin.

Kusang lumabas ang tawa ko. Inalis ko ang kamay sa dibdib niya at pinagkrus ang braso sa dibdib. And I thought he was calm! Kinabahan din naman pala. He's good at handling pressure, huh.

"I'm sorry." I said, still laughing. "You look so relax kasi kanina, e. Kinabahan ka ba? Nakakin ka ba ng maayos?"

"Oo, masarap 'yong adobo." He smiled and I'm not sure if it's sarcastic or what.

Mas lalo akong tumawa na ikinasama ng tingin niya. Naglakad kami papunta sa highway para makahanap ng tricyle. Malapit lang naman sa mismong street namin. We are still both in our uniform, hindi pa ako nagpapalit.

"Ito ang unang pagkakataon na may pinakilala ako kila, Tita. And imagine? This is not even planned! Kaya kinabahan talaga ako sa kung anong magiging reaksyon nila and..." I glanced at him, "nag-alala rin ako para sa 'yo syempre."

His jaw clenched and he cleared his throat. "This is also my first time."

Kumunot ang aking noo. First time? Anong first time? Tinitigan ko siya at unti-unting tumaas ang kilay ko. No way!

"First time? You mean, you never met the parents of your ex-girlfriends? Imposible naman!"

Nilingon niya ako at namulsa habang naglalakad kami. Binigyan ko siya ng imposibleng tingin. Humugot siya ng malalim na hininga at umiwas ng tingin.

"I never had girlfriends before. Kung sasagutin mo ako, ikaw pa lang." Aniya.

"Joke ba 'yan? Hindi nakakatawa, ah." I said sarcastically.

That's just impossible! Wala siyang naging girlfriend? Ha! You must be fucking kidding me.

"Tss." He shook his head.

"Iyong mga galawan mo, halatang may experience na, e! So it's impossible that you didn't have girlfriends before." Umiling ako, ayaw maniwala.

"Kung matatawag na girlfriend ang Taekwondo at pag-aaral, then let's say I did have a girlfriend." He said coldly.

My lips parted. Unbelievable! I know that he's not the type of guy to mess around or to lie but I just can't seem to believe it. But then, it makes sense in some ways...

"Dea..."

Nilingon ko si Axev na nakatitig pala sa akin. Nasa highway na kami at naghihintay ng masasakyan niya. It's quarter to 8 already. Lumilipad ang isip ko do'n pa rin sa pinag-uusapan namin kanina.

"Why?" I asked softly.

He licked his lips and tilted his head. He looks hesitating for a second. Kumurap ako at hinarap siya.

"Ano 'yon?" I urged.

"I want to ask something but if you're not comfortable about it, you can tell me."

"Tungkol saan?"

"Your real parents," he said, looking at me directly in the eyes.

Napakurap ako sa tanong niya, nawala ang mga iniisip ko at napalitan iyon ng tanong niya. I felt my heart flinch. My mouth work but nothing came out.

Axev was just seriously observing me, his eyes held gentleness on its corners and I felt his immediate regret when he I was still silent after a minute. I licked my lips and blinked at his face.

"I'm sorry-"

"Okay lang. Nabigla lang ako." I smiled.

I heaved a deep sigh when I felt a pinch in my heart. Sure, I'm not really comfortable with that topic. Matagal ko nang hindi ino-open up iyon. Kahit sina Tita ay hindi ako tinatanong do'n dahil alam nilang ayokong pag-usapan ang tungkol sa bagay na 'yon.

We stared at each other for a moment. His jaw clenched when I forced a smile. Umiwas ako ng tingin at tumikhim.

"My parents... or should I say parent... because there's only one whom I considered as one," I swallowed hard.

"Dea," Axev called driving me to look at him again. "It's fine, you don't need to answer it. Hindi mo dapat pinipilit ang sarili mo kung hindi ka komportable. You are not obliged to answer my question ."

Napatitig ako sa mukha niyang seryoso pero may halong pag-aalala sa gilid ng mga mata. And it's fascinating how his words soothed me a little. That maybe... it's fine. It's fine to touch that wound again. That it's fine to tell because it's him.

"Okay lang talaga." I smiled more genuine this time.

"We can talk about it next time. Kapag talagang handa ka na." He said with finality.

I chuckled and shook my head. "Fine but I want to give you just a little idea. My mother died when I was still in Junior High and her ex-husband..." I heaved a deep breath, "my father... is in prison."

Suminghap ako at bahagyang ngumiti nang masabi ko 'yon. I can't believe that after years of avoiding that topic, I finally faced it now. 

Tinitigan ako ni Axev. Halata ang gulat sa mukha niya pero agad ding nawala iyon. Makalipas ang ilang segundo ay humakbang siya palapit sa akin.

"Are you alright?" Seryoso niyang tanong.

Tumango ako at marahang tumawa. "I'm alright. Really, okay lang ako! I'm just not used to talking about that but I answered you because I want to. And thank you for not forcing me."

"I will never force you to do something that will make you feel bad. And I hope that you will never force yourself to do something against your will too. If it makes you uncomfortable, don't hesitate to turn your back on it. Don't do something just to satisfy others at the expense of your comfort and peace."

I unconsciously bit my lip while watching him. Bumilis ang pintig ng puso ko at alam ko kung para saan 'yon. How can he say something like that? Bakit sa tuwing ganito siya parang mas lalong nag-aalab ang kung ano man sa loob ko?

I nodded at him and smiled. I'm just so speechless. And my heart wanted to burst even more when he smiled too. I shook my head, still smiling and averted my gaze to the highway. I feel so good, so good that I don't want this night to end or him... to go home.

"Ate, nauuhaw po ako." Tumingala sa akin si Ely.

"May laman pa tumbler mo?" I asked.

He shook his head and glanced at his brother. Abala si Axev sa pakikipag-usap sa teacher ni Ely. Hindi masusundo ng Mama o ng Papa niya ngayon si Ely kaya siya ang sumundo. Sakto namang uwian ko na rin at dito kami agad dumiretso para kunin si Ely.

Ely seems to be more comfortable with me now. He's holding my hand while we're waiting for Axev to finish. He glanced at us and I gestured that Ely is thirsty. Bumaling ulit siya sa guro at may sinabi rito. The teacher said something that made Axev nodded. Nang matapos ang usapan nila ay pumunta siya agad sa amin.

"He's thirsty and his tumbler is empty." Bungad ko.

Tumango siya at binuhat ang kapatid. Lumabas kami ng university at tumawid sa kabila para makabili ng tubig. Pagkatapos namin bumili ay nanatili kami sa gilid ng tindahan para maka-inom muna si Ely.

"Boy, pauwi ka na ba?"

Nilingon ko ang lalaking lumapit sa amin. Kung hindi ako nagkakamali ay kaklase ito ni Axev. Nang madako ang tingin nito sa amin ni Ely ay parang naliwanagan ito. Ngumisi it okay Axev.

"Bakit?" Axev asked.

"Mayro'n na daw kasing copy 'yong lesson natin sa Theory of Structures. Kunin na lang daw sa Trio. Kukuha ka ba? Sabay na tayo, 'di pa ako kumukuha e."

"Hindi pa ako kumukuha. Kumpleto ba?" Si Axev.

Tumango ang kaklase niya. "Nakakuha na sina Adel kanina, e. Kakasabi lang din sa akin."

Axev nodded and glanced at us. Ely was just watching the cars passing by while holding on to my hand.

"Dito muna kayo ni Ely. Punta lang kami ng Trio. Babalik din ako agad." Marahan niyang sinabi.

Tumango ako at ngumiti. "Sure."

Umalis sila kaagad para makapunta sa shop. Malapit lang naman ang Trio. Tatawid ka lang kaya 'di rin sila magtatagal. I asked Ely some random things about school and his answers were literal and funny.

Nagulat na lamang ako nang biglang may humila sa buhok ko. Nilingon ko si Tina na nakangisi sa akin habang nagtataas baba ang kilay. Anong ginagawa ng babaeng 'to rito? Akala ko umuwi na 'to.

"Aray! Tang-" kaagad kong itinikom ang bibig ko nang maalala si Ely.

I glared at Tina instead. Tiningnan ko si Ely na pinapanood kami. He looks serious now just like his brother's usual expression. Kuryoso ang tingin niya sa amin.

"Sino 'to?" Tanong ni Tina habang nakatingin kay Ely. Lumuhod ito sa harapan niya at kumaway. "Hi! Ang cute mo naman. May Kuya ka ba?"

I rolled my eyes and almost hit her if only Ely is not watching. Ngumuso si Ely at mas lalong sumiksik sa akin. Napangiti tuloy ako.

"Oo, may Kuya 'yan. Si Axev," I said sharply.

Umawang ang bibig ni Tina at tumayo. Ang gulat ay napalitan ng ngisi. Mas lalo ko siyang pinandilatan. Tiningnan niya ulit si Ely bago umiling.

"Tingnan mo naman 'yong lahi, sis! Sinasabi ko sayo, huwag mo nang pakawalan 'yan. Hindi ka lugi diya'n!" She smirked at me.

I scowled at her and gave Ely a sideway glance. Kaagad naman niyang tinikom ang bibig at ngumiti pa kay Ely.

"Akala ko umuwi ka na?"

"May binili ako sa SM. Gift ko para kay Nicus. Bigla kasing nag-sale at alam mo namang hindi ko pinapalagpas ang mga ganitong blessing." She laughed.

"Oh, right. Pauwi ka na kung gano'n?"

Tumango siya at nagpaalam din naman kaagad dahil may gagawin pa raw. Saktong pag-alis niya ay ang pagbalik ni Axev. Kaagad nitong binuhat si Ely at tinanong kung gusto ko nang umuwi. Hinatid nila ako at umalis din sila agad.

Next Saturday is Nicus' birthday. Hindi ko alam na inimbitahan niya rin pala sina Axev kung 'di lang nabanggit ni Axev sa akin. Naalala ko rin na pareho pala sila ng barangay. Gabi ang event at sabay sabay kami nina Tina na pupunta ro'n.

I wore a milkmaid crop top reaches my belly button and a high waist jeans. Saktong tapos ko nang isuot ang block heels ko nang dumating si Tina kasama si Darwin at Yesica.

Nagpaalam naman ako kina Tita no'ng nakaraang araw pa kaya naman umalis na ako kahit wala pa sila. I just messaged them that I left already and Tito said to call him if I want to be fetched.

Pagdating namin sa bahay nina Nicus ay medyo marami ng tao. May mga lamesa sa bakuran nila at naka-pwesto do'n ang mga bisita. They're already eating. I messaged Axev that we're already here since nauna sila kaysa sa amin.

Kaagad ko siyang nakita pagpasok namin sa bakuran nina Nicus. Nasa isang lamesa sila at kasama niya sina Brett, Gavrie, Camden at iba pang lalaki na hindi ko na kilala. When he saw me, he immediately stood up.

He's wearing a gray bomber jacket, inside it is a white tee shirt then dark jeans. Nang makita nina Tina si Cadeo na nasa medyo malayong table ay nauna na sila do'n. Sinalubong ako ni Axev. His eyes landed on my body for a moment before he looked at my face.

"Kanina pa nag-umpisa?" I asked.

He nodded and glanced at the visitors. "You should eat first. Gutom ka ba?"

"Hindi naman."

I glanced at their table near us, some of the guys were giving us glances. Kumaway pa sa akin sina Gavrie at Brett na sinuklian ko ng ngiti.

"May inuman mamaya pagkatapos nito. Kung iinom ka, 'yong kaya mo lang. If you need anything, just tell me." Aniya.

Ngumuso ako at nagtaas ng kilay. "Hindi mo ako pagbabawalan?"

Kumunot ang kaniyang noo at nagtaas din siya ng kilay sa akin.

"Bakit kita pagbabawalan kung gusto mo? Narito naman ako para bantayan ka."

My face heated at his words. "That's why it's unbelievable that you didn't have girlfriends before! Iyang mga galawan mo, galawang pa-fall, e."

Umiling siya sa sinabi ko pero may sinusupil na ngiti sa labi. Magsasalita pa sana ako nang may tumawag sa kaniya mula sa table nila. Sabay pa kaming lumingon.

"Bakit?" Kumunot ang noo ni Axev.

"Ano raw mas gusto mo? Lumpiang shanghai o Senior High?" A mestizo guy asked.

"Ako boy, mas gusto ko ng lumpiang shanghai. Hindi ko lang alam kay Axelis," anang maputing lalaki.

The guys laughed and I even saw Brett punching the guy's arm. Uminit ang mukha pero hindi ko alam kung bakit gusto kong matawa. This is not the first time they teased him in front of me and it's not offending, it's somehow funny to me.

"Gusto mong lumipad, Baltazar? O gusto mong umuwi ng may bali?" Axev muttered coldly.

Mas lalong nagtawanan at nag-asaran ang mga nasa table nila. Umiling si Axev at humarap muli sa akin. Nagsalubong ang kilay niya nang makitang nakangisi ako. Tumikhim ako at kinagat ang labi.

"Why do they always tease you about that? Ilang taon lang naman ang agwat natin, ah?" I asked.

"Don't mind them. You should join your friends." He said.

Tumango ako at humiwalay na sa kaniya. Kasama namin ang ilang kaklase sa lamesa. Tina saved me a seat beside her and when I settled down she immediately bombarded me with questions.

"Kayo na?"

I shook my head and put down the paper bag on the table. Kumakain na ang iba at sina Yesica ay nasa may long table at kumukuha ng pagkain nila.

"Ha? Hindi pa? Halos dalawang buwan na 'yan, ah. Akala ko nga ay kayo na no'ng Foundation. Ba't 'di mo pa sagutin?" She raised her brows.

Hindi ko agad siya sinagot. Nicus asked me too, kung kami na ba ni Axev. They said we look like we're in a relationship already. Hindi ko rin alam kung bakit hindi ko pa sinasagot.

"Give it a label, Sien. Alam naman nating seryoso 'yan sayo. And he's the only guy you treated different so why not step up? May pumipigil ba sayo?"

Umiling ako. "Nothing. Don't worry, I'm thinking about it too."

Habang kumukuha kami ng pagkain ay hindi ko mapigilang sulyapan ang lamesa nina Axev sa malayo. Minsan ay naririnig ko pa ang tawanan nila. Nakikisabay naman si Axev at isang beses pang nagtama ang tingin namin dahil sumulyap siya sa kinaroroonan ko, saktong nakatingin ako sa kaniya.

I smiled at him and looked away. Pabalik na kami sa lamesa nang marinig ko ang pagsinghap ni Tina sa tabi ko. Nilingon ko siya agad.

"Bakit?"

"Zion is here! And Felix too! Why the hell would Nicus invite your exes when he knows you're coming?" Bulalas niya.

Nilingon ko ang tinitingnan niya at nakita ko nga si Zion. Kasama niya si Felix at iba pang lalaki sa isang table na medyo malapit sa amin. Kumunot ang noo ko at nakaramdam ng kakaibang pintig ng puso ko. Hindi ko alam kung para saan.

"Wala namang rason para hindi imbitahin, Tina. They're just my ex, nothing more."

May sasabihin pa sana siya pero tinawag na kami ni Yesica. Umiiling si Tina habang pabalik kami ng lamesa habang ako nama'y nagkibit-balikat lang. Sure, maybe it's awkward but who cares?

Kwentuhan habang kumakain ang nangyari. Sumaglit si Nicus sa table namin. We gave him our gifts and greetings. Aniya ay huwag daw kaming umalis pagkatapos ng kainan dahil may inuman. Para namang hindi namin alam 'yon.

Ang as the nights gets deeper, unti-unti kaming nabawasan. Nagsi-uwian na rin ang iba naming kaklase. Alas otso na rin naman kasi. Lumipat sina Axev sa lamesang mas malapit sa amin dahil bakante na 'yon. I smiled at him when I caught him glancing at me.

Nang ilapag ni Nicus ang drinks sa lamesa namin ay naghiyawan sina Tina. Wala na silang hiya dahil wala na ang ibang bisita. Ang natira na lang ay mga kaibigan ni Nicus na mga kolehiyo at ibang hindi ko kakilala.

"Kamusta pala kayo ni Camden?" I asked Tina.

Hindi sila nagpapansinan at hindi na rin naman kasi nagkukwento si Tina tungkol sa kaniya. Tumawa siya at umiling sabay mabilisang sulyap kay Camden na nakatitig sa bote ng alak na iniinom nito.

"Malay ko diya'n. Hindi ko naman alam na patay na patay pa pala sa ex niya. If I had known sooner then I wouldn't have pursued him." She rolled her

You are reading the story above: TeenFic.Net