Chapter 12

Background color
Font
Font size
Line height

Chapter 12

Buong gabi, wala akong ibang inisip kundi ang usapan namin ni Axev. I still can't believe what is happening.

I can't believe I said that straight to the point. I can't believe that I admitted I like him. I can't believe I have finally come to like someone. And I can't believe he likes me too.

Honestly, I don't know what to feel. It's overwhelming because this is my first time. Not when it comes to boys but when it comes to real feelings.

Nang dumating si Tina ay 'tsaka naman umalis si Axev. Kakaiba agad ang tingin ni Tina sa akin nang mapag-isa kaming dalawa. But then, I was thankful that she didn't ask me directly. It's like she knew that I'm not yet ready for it.

"Do you want to talk about it?" Nagtaas siya ng kilay sa akin.

I bit my lip and shook my head. Tumango siya at ngumiti lang sa akin.

Kinabukasan, I met up with Chad. I initiated the meeting because I wanted to tell him personally that I'm not pushing what we started. I didn't want to prolong it. At habang nag-uusap kami ay hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni Axev.

I thought Chad would fuss about it but being the carefree that he is...

"You want out? Isang beses pa nga lang tayong lumabas." He smirked.

I smiled a little and shook my head.

"I just don't want to prolong it kung wala naman akong balak seryosohin." Ani ko.

"Ouch. That's why they say you're a playgirl, huh." He shrugged.

Natahimik ako sa sinabi niya. Hindi naman lingid sa akin iyon. Other would even say I'm a flirt because I change boyfriends quickly. Kagaya ng sinabi ko, may mga naging boyfriend akong hindi rin interesado sa seryosohan. And some just take it seriously.

"I'm sorry." Sabi ko na lang at sumimsim sa apple juice ko.

Umiling siya at ngumiti. "Gusto kita, hindi ko na itatanggi 'yon. But if you want out, then I'm not going to force you."

The bright moving point of lights on the sky took my breath away. Huminga ako ng malalim at binitawan ang sparklers na paubos na at nilingon ang mga kasama ko.

It's New Year and everyone is hyped up. I answered video calls from some of my friends and from Tita Carmen's family who's now living in Hawaii. Napahaba ang video call namin nina Tina kaya naman natambakan na ako ng mensahe sa messenger. I opened Chad's message when I saw it.

Chad Ristobal:

Have a blast New Year! I hope we're still good. No hard feelings about it.

He didn't ask the reason why I suddenly wanted out. After our conversation he never texted me again. Ngayon lang at aaminin kong gumaan ang loob ko ro'n. Akala ko ay masama ang loob niya sa pinag-usapan naming at desisyon ko. I typed my reply and sent it to him.

Sien Almagro:

Happy New Year, Chad. Wishing you a great year!

Kasama namin ang mga kamag-anak ni Tito at ilan kong pinsan na nagdiwang ng pasko at bagong taon. It wasn't hard to get along with them so I can say that I enjoyed the break. Tita wanted us to travel even just for days but enrolment is up for me. Nakauwi na rin sina Tina at Cadeo maliban kay Nicus.

I bit my lip while looking at the liptint I'm holding. Kanina pa ako rito sa Watsons pero hindi pa rin ako nakakapili ng bibilhin. Pinagkumpara ko ang dalawang hawak at nang sa wakas ay makapili ay dumiretso ako sa counter.

Tapos na ang enrolment kahapon. Sabado ngayon at sa Monday ay pasukan na ulit. Tina should be with me right now but she has an important family errand so I'm alone. Pagkatapos ko sa Watsons ay dumiretso ako sa Jollibee para kumain, after that I went to Daisoo.

Alas sais nang nagpasya na akong umuwi. Naglalakad na ako papunta sa may escalator nang may makita ko sa labas ng Kidzoona ng mall. Natigilan ako sa paglalakad at napakunot ang noo. Hindi ko man kita ang mukha niya ay pamilyar naman ang likod niya.

It was Axev. Nakatayo siya sa gilid ng indoor playground at nakapamulsa habang nakatanaw sa loob. His back is facing me yet I can still recognize him. Nagdalawang isip pa ako kung lalapitan ko ba siya o hindi pero makalipas ng isang minutong pag-iisip ay naglakad na ako palapit sa kaniya.

"Evander?" I hesitantly called when I neared him.

Napalingon siya sa direksyon ko, nakakunot ang kaniyang noo. Umawang saglit ang labi niya nang makita ako at mas lalong nagsalubong ang kilay. Then slowly, his hard expression relaxed and his lips twitched.

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko.

He slanted his head and stared at me. Hindi siya nagsalita ng ilang segundo at nanatiling nakatitig sa akin. I pursed my lips because I can feel that 'something' again inside me. Nagtaas ako ng kilay sa paninitig niya. He licked his lips and glanced inside the playground.

"I'm with my brother. Nasa loob siya, naglalaro." Aniya.

"Oh! Ely?" Tanong ko at sumulyap sa loob.

Agad kong nakita si Ely na naglalaro kasama ang isang batang lalaki. He looks so innocent and cute! Wala sa sarili akong napangiti habang pinapanood ang kapatid ni Axev.

"Are you with someone?" Axev suddenly asked.

Nilingon ko siya at nasalo ang paninitig niya sa akin. I can't stop but stare at him for a moment too. Suminghap ako nang maramdaman ang kakaibaig pintig ng dibdib ko. Hindi ko maiwasang mamangha pa rin dahil ganito pala... ganito pala ang pakiramdam ng may nararamadaman ka para sa isang tao.

However, even with the fascination, I can't resist the urge to feel somewhat frightened of the conceivable outcomes. I have never done this. To like somebody isn't my thing.

I smiled and shook my head. "Mag-isa lang ako. Kayong dalawa lang ni Ely?"

Tumango siya at bumaling muli sa loob ng playground. Nakatanaw siya kay Ely na ngayon ay naglalaro sa may ball pit. Tiningnan niya ang kaniyang relo at ikiniling ang ulo.

He licked his lips and shoved his hands on the pocket of his casual shorts. He looks attractive enough with just a simple white shirt and black casual shorts. Napanguso ako habang pinagmamasdan siya.

"Kukunin ko lang si Ely. Tapos na ang oras niya. Uuwi ka na ba?" Tanong niya nang bumaling sa akin.

"Kayo?" My lips pursed.

"Ililibot ko lang siya saglit at uuwi na rin." He replied, still staring at me. "Do you want to come with us?"

I felt a fluttering feeling in my stomach at the way his voice softened at his question. Malamig magsalita si Axev. Hinid ko alam kung gano'n na talaga ang klase ng pananalita niya o ano. Kaya naman, kakaiba ang dating kapag marahan ang boses niya.

"Sure." I smiled.

What am I doing? I should be going home right now! I groaned inwardly and shook my head.

Pinanood ko ang pagpasok ni Axev sa loob ng kid's playground. May kinausap siyang isang nagbabantay do'n pagkatapos ay naglakad papunta sa kinaroroonan ni Ely. His brother didn't protest. He nodded at what Axev said then let his big brother carry him. And seriously, Axev looks so good with a kid.

"Hi, Ely!" Ngumiti ako at kumaway sa kaniya nang makalapit silang dalawa sa akin.

Ely's brows furrowed innocently. Hindi ko alam kung naaalala niya ako. Nakahawak ito sa leeg ng Kuya niya. Nahihiya itong umiwas ng tingin.

"Si Ate Dea mo 'yan. Do you remember her?" Tanong ni Axev sa kapatid.

Tumango si Ely, bahagyang nakanguso. Nang tumingin ulit ito sa akin ay nginitian ko siyang muli. Inayos ni Axev ang pagkakabuhat sa kapatid niya at tumingin sa akin.

"Let's stroll around." He said.

Tumango ako at ngumiti. Naglakad kami papunta sa kung saan ako nanggaling kanina. If Tina's seeing this right now, she'd probably freak out. Nakagat ko ang labi habang ini-imagine ang reaksyon niya.

"Kuya, ice cream."

Nilingon ko si Ely nang magsalita ito. He was pointing at an ice cream stall in the middle of the mall. Kumunot saglit ang noo ni Axev at tumigil sa paglalakad. I stopped walking too so I could keep up with them. Binaba niya si Ely at tumingin sa tinuturo nito.

"Anong sabi ni Mama?" Tumaas saglit ang kilay ni Axev. "Kumain ka na ng chocolate bar kanina."

Yumuko si Ely at ngumuso. Napangiwi ako dahil sobrang cute niya at nakakaawa siyang tingnan. I glanced at Axev and glared at him a bit. Nagkatinginan kami at pati ako ay pinagtaasan niya ng kilay. Hindi ako nagsalita at diniinan lang ang titig sa kaniya pagkatapos ay nginuso ang kapatid niya.

"Just remind him to brush his teeth and drink a lot of water." I pursed my lips.

His lips twitched while looking at me. Kumuyom saglit ang panga niya at umiling bago lumuhod sa tapat ng kapatid niya.

"Anong flavor? Oreo ulit?" He asked that made me smile.

Ely nodded then looked up to me. Nagulat ako nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko at tinuro ang stall ng ice cream. Tiningnan ako ni Axev na nakataas ulit ang kilay.

Something warmed my heart while staring at his little brother. I don't have a sibling. I'm an only child and I can't help but yearn for a younger sibiling. Kahit no'n pa man kaya madalas ako ang nagbabantay sa baby no'n ni Tita Carmen.

Ngumiti ako rito at yumuko ng kaunti para mapantayan ang mukha niya.

"Bili tayo?" I asked softly.

He nodded and tugged me softly. And I thought he's shy when it comes to me! Habang bumibili kami ng ice cream niya ay napansin ko si Axev na bumibili ng bottled water sa kabilang stall. My lips protruded when I saw two girls giggling beside him. Hindi rin naman siya nagtagal do'n at bumalik agad sa amin.

"Inumin mo 'to pagka-ubos mo niyan ha. Pagka-uwi natin, you should brush your teeth too." Marahang bilin ni Axev sa kapatid na ngayon ay kinakain na ang ice cream nito.

"Opo, Kuya." I teased when I can't help it.

His brows furrowed when he looked at me. I bit my lip to supress my smirk. Naningkit ang mga mata niya saglit pagkatapos ay umiling siya. And when I can't help it, I smiled sweetly at him.

"Stop calling me Kuya." He said and clenched his jaw.

Ngumuso ako at tiningnan si Ely na walang pakialam sa amin. Abala ito sa ice cream niya. I tousled his hair softly and glanced at his brother.

"Why? Gano'n naman talaga kapag nakakatanda sa 'yo. You should address them with respect." I shrugged, smiling a little.

Nagsalubong ang kilay niya habang nakatitig sa akin. Tumikhim ako at pinirmi ang labi. He took a deep breath and glanced at his brother then back to me.

"Paano kita liligawan kung tinatawag mo akong Kuya?" Nagtaas siya ng kilay.

Natigilan ako sa sinabi niya. I felt the banging of my chest. My lips parted a little and I couldn't counter back quickly. Liligawan? What? He said... what? I have the nerve to be shocked!

Bakit ba parang nagiging baguhan ako kapag siya ang kaharap ko?! He's so straightforward, one thing that always caught me off-guard! Bakit pagdating sa kaniya parang hindi ako sanay sa mga ganito?

"L-liligawan?" I asked, still stunned.

He pushed his tongue on the insides of his cheek and clenched his jaw. Huminga siya ng malim at tinaas ang kanang kilay.

"Did your feelings change?" He asked seriously.

I swallowed hard and shook my head. Half of my thoughts during the break were made of you. Kaya paanong magbabago ang nararamdaman ko?

"Hindi."

He licked his lips and stared at me. Bahagyang umangat ang gilid ng kaniyang labi pagkatapos ay mas lumapit siya sa amin ni Ely. Nakatayo sa gilid ko ang kapatid niya.

"And the other guys?" His temples wrinkled.

"I don't have other guys." I said, looking at him in the eyes.

We gazed at one another for a moment. He was examining my eyes. After nearly a minute, he gestured and hurled a full breath.

Tiningnan niya ang kapatid at lumuhod sa tapat nito. Pinunasan niya ang bibig ni Ely gamit ang tissue na hiningi niya sa ice cream stall. Hindi ko matanggal ang titig sa kaniya. Is he serious? Manliligaw siya?

"May lakad ka pa ba?" Inangat ni Axev ang tingin sa akin.

Suminghap ako at tumikhim bago umiling.

"Wala na."

"Sumabay ka na sa amin kung gano'n. We're going home." Aniya.

I nodded. Hawak ni Axev ang isang kamay ng kapatid niya habang naglalakad kami papunta sa escalator. Nasa gitna namin si Ely na hindi pa rin tapos sa pagkain ng ice cream niya. It's already quarter to eight.

Axev carried his brother when we reached the escalator. Kinuha ko sa kaniya ang water bottle para mahawakan niyang mabuti si Ely. I bit my lip while thinking what could of a father Axev would be. He'll be great, I'm sure.

"What does it feels like to have a sibling?" I asked him.

Tiningnan niya ako at iniba ang pagkakahawak sa kapatid niya. Kapag may matitira sa gilid ng labi nito ay agad niyang pinupunasan ng tissue. We stepped out of the escalator and he swung his gaze back to me.

"I was in third year high school when Ely came. May nangungulit sayo at may pinaglalabasan ka rin ng pagod. It feels satisfying, for me. The more I want to be better because he's looking up to me. Ako 'yong nakikita at tinutuluran niya." Banayad niyang tugon.

I smiled and nodded. Hindi na ako nagsalita. Tahimik kaming naglakad hanggang sa malakas kami ng mall. Pumunta kami sa may paradahan ng tricycle.

"Ihatid ka na namin." Axev said.

Agad akong umiling. "Hindi na. Taga rito kayo 'di ba? You should go straight home, mukhang pagod na si Ely."

"Pagod ka na?" Sinulyapan ni Axev ang kapatid. "Hatid muna natin si Ate mo?"

Nag-init ang mukha ko habang pinapanood siya, samahan pa ng pagtango ni Ely. Shit. Something is burning inside me. Mas nag-aalab. Mas lumalakas.

"Evander..." I shook my head, "seriously, I can manage. Alas otso pa lang naman 'tsaka medyo malayo ang Ugac dito."

"Message me then." He said seriously.

Tumango ako at ngumiti. Lumapit ako sa kanilang dalawa at marahang pinisil ang pisngi ni Ely.

"Bye, Ely." I waved my hand and glanced at Axev. "I'll go now."

He nodded and waited for me to grab a ride. Pagkauwi ko ay sa kwarto agad ang diretso ko. I messaged Axev immediately.

Sien Almagro:

Hi, naka uwi na ako.

He's not online so I decided to take a shower first. Pagkatapos magbihis ay bumaba muna ako para magtimpla ng gatas. Kumatok rin ako sa kwarto nina Tita para ipaalam na nakauwi na ako.

Pagbalik ko ng kwarto ay binuksan ko agad ang cellphone ko. My heart jumped a little when I saw that there's reply from Axev. I bit my lip while opening it.

Axev Manzanar:

Good. I'll see you on Monday.

And there comes the question again. He'll see me on Monday? What does that mean? Ano? Manliligaw ba siya? I groaned when I couldn't help the questions. I'm like teenager who's love-struck for the first time!

Sien Almagro:

Manliligaw ka ba? I'm just confused about what you said earlier.

Kaagad niyang na-seen iyon. I hugged my pillow when I saw the three dots.

Axev Manzanar:

Yes. Let's have lunch together on Monday.

Binaon ko sa unan ang mukha ko pagkatapos basahin ang reply niya. Damn, Evander. Bakit iba ang epekto niya sa akin?

Hindi ako agad nag-reply dahil nag-breathing exercise pa ako para kalmahin ang sarili. This is so unbelievable, really! I typed 'Okay' and send it after.

Axev Manzanar:

Magpahinga ka na.

Sien Almagro:

Okay... good night.

Pinapanood ko si Tina na paimpit na tumitili habang pinapanood ang mga lalaking nursing students sa may ground. Nasa ikatlong palapag kami ng building at nakadungaw sa ground ng Lecaros. Nagkalat do'n ang mga nursing students at kanina pa nagtututuro itong si Tina ng mga 'crush' niya raw.

"Ang dami naman," kinunotan ko siya ng noo.

"Gano'n talaga! Para may reserba." She said and laughed.

Pinanliitan ko siya ng mata at kinuha ang pantali ng buhok. Wala na yatang balak dumating iyong teacher namin sa last morning subject. Kaso nga lang, hindi rin kami pwedeng umalis pa kahit walang teacher.

"How about Camden?"

"HCLAK kami," aniya at nagkibit balikat.

"HCLAK?" Kumunot ang noo ko.

"Hanggang chat lang ang kilig." She said then roared with laughter.

"You're crazy. Akala ko ba nagkakamabutihan na kayo?"

She pursed her lips and smiled a little. Umiling siya at muling nagkibit balikat.

"Don't mind it. Bakit ako ang iniintriga mo? Ako dapat ang nagtatanong sayo! Kamusta kayo ni Axev? Or you still don't want to talk about it?"

Umiwas ako ng tingin at pinanood ang mga studyante sa ground. The nursing students were busy with their books. Halos lahat sila. Mukhang may quiz yata sila mamaya.

"He's courting me." I simply said.

Narinig ko ang mura niya dahil sa gulat. Nang nilingon ko siya ay nakangisi na siya sa akin.

"Axev lang malakas! Speed!" She said and started teasing me with her mocking laugh.

Nang dumating si Darwin ay 'tsaka lang tumahimik si Tina. I was glaring at her so she'd stop it already. Nang mag-lunch ay umalis ang tatlong lalaki dahil bibisitahin daw ang bagong gawa na computer shop malapit sa school. Kaming tatlo naman ay dumiretso na sa main para kumain.

Axev messaged me to wait for him in the learning hall. Hindi na ako tinanong nina Yesica kung bakit hindi ako kakain dahil sanay naman silang hindi ako kumakain ng tanghali. Snacks lang din naman ang binili nila kaya sa may learning hall kami dumiretso pagkatapos bumili.

"Sien..." tawag ni Tina kaya inangat ko ang tingin sa kaniya.

She tilted her head towards the other direction. Magtatanong pa sana ako nang maramdaman ko ang presensya ng kung sino sa gilid ko. My heart sighed when I saw Axev beside me. Naapayos agad ako ng upo. He's on his university uniform.

Tiningnan niya ang dalawang kaibigan ko. Halata sa mukha ni Yesica ang gulat at pagtataka. Tina was just smirking inwardly like she's not surprised at all. Well that's because she knows something!

"Pwede bang hiramin ang kaibigan niyo?" He smiled a little at them.

Nagsalubong ang kilay ko at nag-init ang mukha ko sa sinabi niya. Nalaglag ang panga ni Yesica habang si Tina ay tumikhim na parang may pinaparating sa akin.

"Sure! Sure! Mamayang one thirty pa naman ang klase namin." Tina said.

Pinandilatan ko siya at tumayo na. Kinuha ko ang bag at tumingin kay Axev na naghihintay sa akin. Seryoso ang tingin niya kaya naman napanguso ako. He smiled at my friends and when it comes to me, he raises his brows. Unfair!

Axev nodded a little at my friends before we walked away. Sinuklay ko ang buhok gamit ang mga daliri dahil pakiramdam ko medyo magulo ito.

"Saan mo gustong kumain? Dito o sa labas na?" Axev asked.

"Kakain ka ba? I'm afraid I can't eat heavy lunch, baka meryenda lang ako." I said a bit apologetic.

His brows furrowed when he looked at me. Nagtaas siya ng kilay sa akin at tiningnan ang kaniyang relo. Bahagyang magulo ang medyo makapal na buhok niya. Why is he so...

"Kung 'di ka kakain, sa Fountain na lang tayo." Aniya.

I smiled and nodded at him. He clenched his jaw and licked his lips. Nang makalabas kami ng main at nasa tapat na ng highway ay mas lumapit pa ako sa kaniya. Tiningnan ako ni Axev nang masagi ko ang braso niya.

I nibbled my lip when I felt it heated a little. I smiled cutely at him and shrugged as if there's nothing wrong. Tuloy tuloy ang mga sasakyan sa highway. Tatawid kami para makapunta Fountain.

"Talo ka ni Ely," he said out of sudden.

"Huh?" Kumunot ang noo ko, hindi ko nakuha ang sinabi niya dahil abala ako sa pagmamasid ng mga sasakyan na hindi matigil.

Nasaan na ba kasi ang mga traffic enforcer dito? Dapat pinapatigil

You are reading the story above: TeenFic.Net