5 - EMOTIONS

Background color
Font
Font size
Line height

5 – Emotions

AYAW pansinin ni Jada ang mga titig ng kanyang mga kaibigan slash kapitbahay. Alam niya ang ibig sabihin ng mga tingin na iyon. Ang problema lang ay ang awkward ng feeling, ayaw niyang sitahin ang mga ito dahil baka isipin nila na affected siya at may tinatago nga siya.

"Jada." Hindi nakatiis si Pamela at humarap sa kanya. Nagulat ang naglilinis ng kuko nito sa biglaang pagkibo ng kaibigan. Nasa loob sila ng salon dahil girls' date nila ng araw na iyon. Nandoon din si Dorothy na abala sa paglalaro ng paborito nitong mobile legend habang nagpapa-pedicure. "Kayo na ba ni Hanz?"

"No." maiksing sagot niya.

"You don't have to hide it from us friend. You can trust us." Ani ni Yumi.

"Wala akong itatago dahil wala naman talaga. Kapitbahay lang natin si Hanz, wala ng ibang meaning pa doon."

"Bakit kasama mo siya sa bahay mo the other day." Sa kasamaang palad akala niya ay nakalusot na silang dalawa ni Hanz ng araw na mapadpad at ma-stranded ito sa kanyang bahay. Pero nagkakamali siya dahil may nakakita pala dito na lumabas sa kanyang tahanan.

"Isinauli niya si Leo and it was raining, wala akong payong at nakakahiyang ipagtabuyan siya palabas." Paliwanag niya. She really hates it when she's explaining her side of the story. "Walang namagitan at namamagitan sa amin ni Hanz." Dugtong pa niya.

"Bagay naman kayo, bakit hindi nalang maging kayo?" tukso ni Vanessa.

"Dahil tao kaming dalawa at hindi bagay." ayaw niyang sakyan ang pagbibiro ng mga kaibigan. Ang pinaka-worst sa lahat ay ang ma-fall ka sa isang tao dahil lang sa tukso ng mga taong nakapalibot sa iyo. Ayaw niya ng ganoon.

"Seryoso kami Jada, medyo playboy si Hanz but he's a good man. Malay natin sa iyo lang pala siya magbabago." Sang-ayon ni Yumi sa unang panunukso ni Vanessa.

"I hate complications."

"Part na ng buhay ng tao ang komplikasyon at saka kapag gusto mo ang isang tao dapat ay i-fight mo hanggang sa huli." Sinamaan niya ng tingin si Pamela. Mukhang based from her own experience ang lumalabas sa bibig nito.

"Tingnan mo kami ni Pamela, isiniksik namin ang sarili namin sa mga fiancé namin ngayon kaya nakuha namin sila." Bumungisngis pa siya Yumi. Saksi din siya kung paano ito nagpakabaliw dahil kay Howard. Biglang tumunog ang wind chimes ng salon at sabay na pumasok si Xylee at Bless.

"Mukhang seryoso ang meeting ninyo pwedeng maki-join?" ani ni Xylee.

"Ginigisa lang namin si Jada, mukhang may namumuong pagtitinginan sa pagitan nila ni Hanz-."

"Vanessa! Huwag mo ngang ipagkalat ang fake news." Putol niya dito. "Huwag kayong maniwala diyan, walang namamagitan sa amin ni Hanz."

Pero parang hindi yata naintindihan ng bagong dating ang kanyang sinabi dahil mabilis na nakahanap ng mauupuan ang dalawa at lumapit sa kanila. Ang lugar na iyon ang paboritong tambayan ng mga kapitbahay niyang tsismosa.

"Tama nga iyong nasagap namin na news, sa bahay mo natulog si Hanz the other day." Wika ni Bless.

"Hindi totoo iyan at pwede ba huwag niyong ipagkalat ang balitang iyan. Nakakahiya sa mga tao." Parang gusto na niyang i-speed up ang time dahil gusto na niyang makaalis sa salon na iyon.

"Huwag kang mag-aalala friend, your secret is safe with us."

"Nakikinig ba kayo sa akin? Ang sabi ko walang namamagitan sa amin ni Hanz." Pigil ang sigaw niya sa mga ito para lang maintindihan ang kanyang sinasabi.

"There's nothing wrong with liking Hanz, Jada." Singit ni Yumi. Kaibigan ng pinsan nito ang lalaki kaya nasasabi nito ang mga salitang iyon. "He is a decent man at wala naman siyang dinadalang prosti sa bahay niya."

Kumunot ang kanyang noo. "I don't like him."

"Halatang labas sa ilong iyang sinasabi mo, Jad. Don't deny it Jada alam kong gusto mo si Hanz." Malakas siyang napabuntong-hininga at nagpasyang hindi pansinin ang mga kasama. Kung hindi dahil sa nagpepedicure sa kanya ay umalis na talaga siya sa loob ng salon.

"Huwag niyo na ngang kulitin si Jada, kapag sinabi niyang wala siyang feelings para kay Hanz, wala talaga iyon." naiinis siya kahit na ipagtanggol siya ni Yumi ay alam niyang hindi pa rin naniniwala ang mga ito. "Jada, can I make a simple request?" napilitan siyang tingnan siya Yumi.

"What?"

"Busy ka ba tomorrow?"

"Yes."

"No, you are not." Anito. "Pwede bang makisuyo? May pupuntahan kasi kami ni Howard for our wedding at wala si Nanay at Tatay. Si Makisig lang ang maiiwan sa bakeshop, pwede mo bang tulungan ang future cousin-friend-in-law mo?" sinimangutan niya ito.

"I will kung ititigil niyo ang panunukso sa akin kay Hanz."

Pumalakpak ito. "Heard that girls, wala ng manunukso kay Jada or else kayo ang pababantayin ko sa bakeshop."

Sabay-sabay na nag-zip ang mga ito ng mouth. Gusto tuloy niyang magduda sa kinikilos ng mga ito kapag nalaman talaga niyang may ibang plano pa ang mga kasama niya ay gagawin niyang kontrabida ang mga ito sa kanyang mga nobela at ipapakain niya sa piranha.


"BAKIT kailangan pang bumili ng bagong damit?" takang tanong niya habang nakatitig sa logo ng paperbag mula sa isang sikat na boutique. "At bakit kayo ang nagbayad? I may be poor pero may pera naman ako."

"Pasasalamat ko sa iyo iyan dahil pumayag kang magbantay sa bakeshop since ayaw mo namang tumanggap ng sweldo."

"I won't wear this."

"Please Jada wear that, huwag mong takutin ang mga customers namin dahil malalagot ako kay Nanay at Tatay. Kapag nangyari iyon ay baka hindi na matuloy ang kasal namin ni Howard, excited pa naman ako sa honeymoon."

Umingos siya. "Bakit hindi niyo unahin ang honeymoon?" Yumi rolled her eyes.

"Conservative si Howard kahit na nilandi ko na siya ng nilandi ay ayaw niya gusto niya after the wedding kaya gusto na niyang makasal agad kaming dalawa. Hindi na ako bumabata at baka bumaba na rin ang egg cell count ko kaya mabuti ng gamitin ito sa lalong madaling panahon."

"You sound so desperate."

"Hindi naman talaga desperate, slight lang." bumungisngis ito. "Don't worry the dress will look good on you. Bless will fix your hair tomorrow."

"Why me?" gulat na tanong ng huli.

"Dahil alam mo kung paano samantalang ako ang alam ko lang ay kung paano mag-mix ng mga ingredients."

"I know how to arrange flowers." Singit ni Pamela.

"Marunong akong mag-groom ng mga pets." Inirapan lang niya si Vanessa.

"I can make lesson plans and instructional materials." Si Xylee.

"Fine, I'll do your hair and your make-up." Suko ni Bless. Wala siyang nagawa lalo pa at alam niyang kahit na nandoon si Dorothy ay hindi ito kakampi sa kanya. Naiwan ito sa restaurant kung saan sila magdidinner, ito daw ang magbabantay sa table nila pero alam niyang naglalaro lang ito ng mobile legends.

"Hi, Girls. ano ang ginagawa niyo dito?" mabuti nalang at napigilan niya ang kanyang sarili or else baka napasinghap na siya ng malakas ng biglang marinig ang boses ni Hanz. Hindi niya akalain na magiging ganoon ka-tindi ang magiging reaksyon niya sa lalaki to think wala naman talaga silang deep connection. Gusto niyang hawakan ang dibdib niya sa biglaang pagtibok ng malakas at sampalin ang kanyang pisngi dahil parang nag-iinit iyon.

"Shopping and dinner." Sagot ni Yumi. "Anong ginagawa mo dito Hanz?" dahan-dahan niyang itinuon ang pansin sa lalaki pero sana pala ay hindi niya ginawa dahil kung gaano katindi ang naging reaksyon niya nang marinig ang boses nito ay parang ganoon naman ang pagbulusok ng kanyang puso nang makitang may babae itong kasama. Hindi lang basta-bastang babae, maganda at halatang may kaya sa buhay.

"Date." Mabuti nalang at na-ideny niya sa mga kasama na wala talaga siyang feelings kay Hanz dahil kahit kailan ay hindi siya aamin na may namumuong paghanga sa puso niya para sa lalaki. Hindi kasi pwede iyon dahil hinding-hindi siya babagay sa isang katulad nito.

"Oh, date." Napansin niyang napapasulyap sa kanya ang mga kasama waring inaalam kung ano ang magiging reaksyon niya, at sigurado siyang walang mababasa na kahit ano sa kanyang mukha dahil hindi niya kailanman ipapakita na apektado siya. As in N-E-V-E-R!

"Mauna na kami, nagugutom na kasi ang kasama ko." Paalam ni Hanz at hinawakan sa beywang ang babaeng kasama nito. Hindi umimik si Yumi pero halata sa mukha ng kaibigan na tila may hindi ito nagustuhan.

"Dapat yata ay ininvite natin si Hanz at ang ka-date niya." untag niya sa mga ito. May space pa naman sa table natin hindi pa?" Na-trained siya sa theatre na sinalihan niya noong college niya na kontrolin ang kanyang emosyon.

"Sino na naman kaya ang babaeng iyon?" bulong ni Yumi. "Dapat ay inagaw mo si Hanz sa girlash na iyon." anito sa kanya.

"And why?"

"Because I want you to be my cousin-in-law!" mahinang tili nito.

Tinawanan lang niya ang kaibigan pati na rin ang mga kasama nila. "Come on people can we move on with our lives? College pa lang ako alam ko kung gaano kalapit si Hanz sa mga babae, ilang beses na rin akong nakasaksi kung paano niya pinaiyak ang mga iyon kapag hinihiwalayan niya sa loob pa mismo ng library. At saksi din ako kung paano niya pinapahabol at pinapaasa ang mga babae sa kanya."

Inis na napakamot ng ulo si Yumi, alam niyang hindi na okay ang mood nito. "Dapat ay maranasan niya kung paano masaktan, isusumbong ko siya kay tita." Anito. "We will make sure na mahihirapan si Hanz kapag nahanap na niya ang babaeng magpapatino sa kanya, tutulungan mo ako right?"

Kumunot ang kanyang noo sa sinabi nito. "Paano naman kita tutulungan?"

"Pahirapan natin si Hanz kapag dumating na ang Ms. Right niya." suhestiyon ni Pamela. "Hindi siya dapat tinotolerate."

"Planuhin natin iyan ng husto." Ani ni Bless.

Mukhang may ibang agenda na ang mga kasama niya. Mabuti nalang at hindi na siya ang center of attention ng mga ito. Gusto nga sana niyang sabihin na huwag ng pakialaman si Hanz dahil buhay naman nito iyon. Darating din ang araw na magigising ito at siya naman dapat ay umiwas na rin siya sa lalaki.

Natatakot siya sa kakaibang reaksyon niya para dito, sa puso niya. Sa kaunting minuto lang ay parang sumakay na siya sa isang extreme roller coaster ride, naranasan na niya ang rise and fall ng emosyon niya. Ayaw niyang i-risk ang kanyang puso sa isang tao na alam niyang hindi siya seseryusohin. And as if Hanz would look at her that way, minsan na niyang tinanggihan ito dahil alam niyang hindi ito seryoso sa kanya. Imposible talaga.

<3 <3 <3

PHOTO CTTO

Happy reading everyone!

TBC

Love,

Inang

Date uploaded: January 31, 2020

You are reading the story above: TeenFic.Net