2 - COURTING?

Background color
Font
Font size
Line height


"OH, wow." Alam niya kung bakit parang tanga at nakatulala sa kanya si Dorothy. "Anong meron at ang ganda-ganda mo ngayon?" napasulyap siya sa salamin at pilit na sinasabi sa sarili na presentable na siyang tingnan. Pero pakiramdam niya ay hindi pa rin ganoon ka-komportable sa kanyang suot. "Bagay sa iyo ang ganyang ayos. It's so refreshing."

"Do I look okay?" She is wearing a flowy floral dress that emphasizes her curves. Inayos niya ang pagkakasuklay ng buhok niya kanina upang hindi masyadong buhaghag. "Hindi ba pangit?"

Dorothy, her bestfriend rolled her eyes at her. "Kahit kailan hindi ka pumangit. You are very pretty pero hindi mo iyon matanggap sa sarili mo." Tipid na ngumiti lang siya sa kaibigan niya. Of course sasabihin nito na maganda siya dahil kaibigan siya nito but she doubted if it was true. Dorothy always makes her feel good kahit na dati pa. "Saan ka ba pupunta?"

"May family lunch kami today. Kahit ayokong pumunta ay sigurado akong tatawagan at bubulabugin ako ni mama." Na-mi-miss na rin niya ang kanyang Mama. It has been months since she last saw her family.

"Kaya ka pala nagpapaganda." Kinarga nito si Leo.

"Kapag nakita ni Mama na para akong taong grasa siguradong papauwiin niya ako sa bahay." Tumango-tango ito, kilala ni Dorothy ang nanay niya at alam nitong hobby nito ang mag-alala sa kanya.

"Sasamahan kitang bumili ng flowers para kay Tita."

"Salamat at pumayag kang bantayan si Leo, Dorothy."

"Sus, para ka namang others." Hinalikan nito ang pusa niya. "At saka gustong-gusto koi tong si Snowbell." The cat just purred. Ayaw nitong tinatawag na Snowbell but Dorothy loves calling her cat snowbell dahil kamukha daw nito ang pusa sa Stuart Little.

"Mabuti nalang at wala na ang kuya mo sa bahay mo, hindi ba allergic siya sa pusa?"

"Allergic iyon sa mabalahibo. Mabuti na nga lang at may vacant na unit sa WinterVille at agad siyang nakabili."

"Winterville? Akala ko sa SummerVille siya? Kapitbahay sila ni Xylie hindi ba?"

"Naibenta na niya, mas gusto daw niya sa WinterVille kasi malaki ang bahay. Gusto daw niya ng maraming anak kapag nakasal na sila ni Xylie."

"Kailan nga pala ang kasal nila?"

"This April na, para sakto daw na bakasyon ni Xylie at marami silang time mag-honeymoon." Napangiti siya sa sinabi nito. Na-witness niya actually ang love story ng dalawa sa katunayan ay pinagkakakitaan na niya iyon. Ire-regalo niya sa dalawa ang published novel niya sa kasal. "Gusto mong ihatid na kita?" may sariling kotse ang kaibigan, it's a company car.

"Hindi na, mag-Ga-Grab nalang ako."

"Sure ka? Sa ganda mong iyan baka ma-kidnap ka." Tinaasan niya ito ng kilay.

"Sa ganda kong ito sure akong walang magkaka-interes sa akin." Bawi niya dito. Kinuha niya ang kanyang shoulder bag at ang susi ng kanyang bahay. "Tara na. Baka ma-traffic ako sa daan."

Papunta na sila sa Blooms Stations. Paborito ng Mama niya ang mga de-pasong maliliit na halaman ni Pamela. Kahit ang ate niya ay ganoon din. Napadaan sila sa bagong bukas na concenience store katabi lang ng Blooms. Madalas niyang nakikita ang mga kapitbahay na tumatambay doon at nagkukwentuhan, dala siguro ng init ng panahon kaya wala gaanong tao sa labas.

"Jada, pwede bang dito na ako sa convenience store maghihintay sa iyo? Alam mo naman na allergic ako sa mga halaman."

"Sure, no problem. Sandali lang ako sa Blooms."

Wala pang limang minuto ay nakalabas na siya ng Blooms. Kumuha lang siya ng mga nasa display at binayaran. Hindi siya mahilig sa shopping kaya kahit ang sa halaman ay kung ano ang unang madampot ay iyon na ang kukunin niya.

Pumasok siya sa concenience at hinanap ang kaibigan. "Dorothy—ohh." Kaya pala walang tao sa labas dahil nasa loob at katabi sa centralized aircondition unit.

"Looking good, Jada." Puri sa kanya ni Yumi. "May date ka ba?"

Ngumiti lang siya. "May meeting ba dito?"

"Oo, nga. Are you plotting something?" Parang natulos siya sa kanyang kinatatayuan nang may maramdaman na brasong biglang umakbay sa kanya. Wala siyang nagawa kundi ang tingnan ang kampateng taong nakahawak sa kanya. "Parang may nagbago sa iyo Jada Kyrine." He scanned her face and the heck, did her heart just skip a beat? "Inubos mo ba ang lahat ng kulay ng printer para kulayan ang mukha mo?" pang-aasar nito. Inis na siniko niya ang tagiliran ni Hanz kaya napabitiw ito sa kanya. "Ang harsh mo talaga."

Ayaw niyang pansinin ang lalaki dahil hindi pa rin niya nakakalimutan ang pag-catnap nito sa kanyang alaga at ang kakaibang reaksyon niya dito. It wasn't something she was expecting.

"None of your freaking business." Sumipol ang mga kalalakihan na nanonood sa kanila dahil sa pagsagot niya. Pati na rin iyong mga babae na kapitbahay ay may kakaibang tawa habang nakatitig sa kanila ni Hanz. Kilala si Hanz bilang 'ladies man', witness siya doon. Walang babaeng nakakatagal na makipagsungitan dito dahil nadadala nito ng charms nito. Well, except her.

"Bagay naman pala kayo ni Hanz, Jada. Keysa magbangayan kayo bakit hindi nalang maging kayo?" biglang tanong ni Nicolo. Kumunot ang kanyang noo, nagkasalubong ang kanyang kilay at nanulis ang kanyang labi sa ideyang iyon. Si Hanz? Magkakagusto sa kanya? Sa dinami-dami ng babaeng naka-date nito mula noong college, walang-wala siya sa kalingk ingan ng mga babaeng iyon. Sikat ang lalaki sa kanilang university dahil hindi lang ito may hitsura, magaling din ito sa larangan ng soccer player at hindi lang iyon. Kahit ayaw niyang aminin ay magaling din ito sa academics. Playboy ito pero madalas ito sa library dati.

"Bakit mukhang ikaw pa ang lugi sa ideyang maging girlfriend ko, Jada? I feel offended." Inirapan lang niya ang lalaki at malakas na hinampas sa braso. "Aw! Hindi pa man tayo nagiging battered boyfriend na ako." Maarteng hinimas nito ang braso nitong hinampas niya bago bumaling sa mga nandoon. "Witness kayo kung paano ako naging battered boyfriend nitong babaeng ito."

"Meow!"

"Tingnan mo Jada pati ang pusa mo alam na ina-under mo na ako." Parang batang ani nito.

"Hindi mo pa ako girlfriend!" inis na hinampas ulit niya si Hanz, akala niya ay may isasagot na naman ito pero nagkamali siya dahil may kakaibang ngisi sa labi nito.

"Pa? Hindi pa? So, gusto mong maging girlfriend ko?"

"Oy, witness kami sa pagtatapat ni Jada." Sigaw ni Genesis.

She huffed, kapag pinatulan pa niya ang mga ito ay sigurado siyang siya lang ang maiinis ng husto. Tiningnan niya ang kanyang cellphone at napa-awang ag kanyang labi ng ma-realized na kanina pa pala dumating iyong Grab niya pero dahil matagal siyang nag-response kaya umalis na ito.

"Excuse me, I need to go." Paalam niya sa mga ito.

"Ihatid mo si Jada, Hanz. Kapag nanliligaw ka dapat nagpapalakas ka sa nililigawan mo." Suhestiyon ni Genesis.

"Nanliligaw? Sinong—oh, okay."

Hindi na niya pinansin ang mga ito at lumabas na siya sa convenience store. Ipapasok niya sa utak niya na hindi na siya kailanman papasok sa convenience store ng ganitong oras dahil baka mapagtripan na naman siya. Nagpunta siya sa waiting shed at binuksan ang application para makapag-book uli ng sasakyan. Mabuti nalang at may nakuha agad siyang driver at two minutes nalang ang kailangan niyang hintayin.

"Jada-."

"What?" matabang na tanong niya kay Hanz na nakasunod sa kanya.

"Ihahatid na kita." Sinamaan lang niya ito ng tingin. "What? I'm a good guy, I am offering you a ride."

"Hindi na salamat nalang, ayokong magkautang na loob sa iyo. Mahilig ka pa namang maningil." Huminto na ang na-booked niyang sasakyan at bago pa man siya makarating sa kotse ay nauna ng buksan ni Hanz ang pintuan nito.

"This is for free, I'm a gentleman." Inirapan lang niya ito at saka siya pumasok sa kotse. "Boss, ingatan mo ito."

"Yes, boss."

Ito na mismo ang nagsara ng pintuan. She instructed the driver where to go. Habang papalayo ang sinasakyan ay hindi niya maiwasan ang sariling hindi sulyapan si Hanz na nakamasid lang sa kanila.

Ang weird ng lalaking iyon ngayon. Napasulyap siya sa rear mirror and found herself surprised to see herself. Nakalimutan niyang nakaayos pala siya at mukha siyang tao. Kaya siguro ganoon si Hanz dahil mukha akong tao ngayon, kapag nagbalik na ako sa normal kong sarili siguradong hindi na ako papansinin ng lalaking iyon.



"MAMA." Bati niya sa ina nang makita ito sa faboritong family restaurant nila. "Papa." Pagkatapos halikan sa pisngi ang ina ay nagmano naman siya sa kanyang ama. At tinanguan ang ate at ang asawa nito. Dalawa lang silang magkapatid at pawang babae. Magkaibang-magkaiba ang kanilang personality. She's introvert while Janina is an extrovert. Her sister loves hanging with people while she on the other hand loves being alone.

"Why are you late?" dating sundalo ang kanyang ama kaya ayaw na ayaw nitong nahuhuli siya sa usapan.

"Sorry po, medyo traffic lang."

"Ano ba Nestor? Parang hindi ka na nasanay sa anak mong iyan." Biro ng kanyang ina.

"So, Sis. How's your new book? My friends are waiting for the next series, I hope you can release it so soon."

"I'm still working on it, ate." Matipid niyang sagot. Wala silang problemang magkapatid pero kapag kausap kasi niya si Janina ay pakiramdam niya ay nauubos ang energy niya. Hindi niya kayang pantayan ang energy nito.

"Anong gusto mong kainin, Jada?" sa tingin niya ay nakapag-order na ang mga ito.

"Kahit na ano nalang, Ma. Hindi pa rin naman po ako gutom."

Napansin niyang tila may pinag-uusapan ang ate at ang asawa nitong si Jasper habang pasulyap-sulyap sa kanya.

"Why?"

"Uhm, sis. May offer si Jasper sa iyo." Kumunot ang kanyang noo. Kilala niya si Jasper, isa ito sa heads ng publishing company kung saan siya nagpapasa ng mga manuscript. Parang boss na rin niya ito.

"Hmn?"

"Gusto mo bang magsulat sa Amore Gazette, Jada?" Ang Amore Gazette ang isa sa pinakatanyag na magazine sa bansa na under din sa Amore Publishing Company. "I'm the new Chief Editor of Amore Gazette and we are having a major revamp, I want to hire you as our writer."

"Writer? Kasi kuya Jas, I'm not really into technical writing. Ibang-iba ang pagsusulat ng nobela keysa sa pagsusulat sa isang magazine." Aniya. She likes the idea of working in the Amore Gazette pero pakiramdam niya ay hindi siya magwo-work out doon.

"Bakit hindi mo tanggapin ang offer ni Jasper, Jada? Hindi panghabang buhay iyang pagsusulat mo, mas maganda pa rin iyong may regular kang trabaho." Ani ng kanyang ama. Ayaw na ayaw ng tatay niya sa kanyang piniling propesyon dahil hindi raw siya mabubuhay sa pagsusulat lang pero dahil matigas ang kanyang ulo kaya sinuway niya ang ama. Sa tingin nga niya ay hanggang ngayon ay may sama pa rin ito ng loob sa kanya.

"Hindi naman namin sinasabi na kunin mo agad-agad iyong trabaho, anak." Hinawakan ng kanyang ina ang kanyang palad. "Pag-isipan mo muna."

"Si-sige po."

"Then, that's great!" masayang ani ni Jasper. Dumating na ang kanilang pagkain at habang tahimik na ninanamnam ang grasyang nasa kanyang harapan ay pinutol iyon ng kanyang ate.

"Everyone, may importanteng announcement lang kami ni Jasper sa inyo." Sinulyapan lang niya ang kapatid na abot hanggang teynga ang ngiti.

"Is that a good news?" sunod-sunod na tumango ang ate niya.

Humilig ito sa balikat ng asawa. "We are pregnant. Mabibigyan na namin kayo sa wakas ng apo."

"Oh my God!" bulalas ng kanyang ina. Halata sa mukha nito na sobrang saya at excited ito. "Congratulations, Janine and Jasper. Finally, magkakaroon na kami ng apo."

"Yes, mama. I'm actually two months pregnant na."

"Mabuti pa ang ate mo Jada magkaka-anak na. Ikaw kailan ka mag-aasawa? Beinte otso ka, hindi magandang tumanda kang dalaga." Siya na naman ang nakita ng kanyang ama.

"Nestor, huwag mong madaliin ang anak mo."

"At kailan siya magmamadali Camilla, kapag matanda na siya?"

Nandito na naman sila sa paboritong usapan ng kanyang pamilya ang kanyang love life na sa tingin niya ay matagal ng patay.

"Pa, chill lang. Hindi naman ako naghahanap."

"Iyan ang problema sa iyong bata ka, masyado kang kampante na kaya mong mabuhay ng mag-isa kapag tumanda ka na."

Ngumuso lang ulit siya. SInipa siya ng ina sa ilalim ng mesa at sinasabi nitong huwag patulan ang ama niya. Kaya nanahimik nalang siya upang walang gulo. Ayaw niyang guluhin ang good news ng kapatid niya, dahil magiging tita na siya at marami siyang ituturong maganda sa pamangkin niya.

"Jada, may na-se-sense na akong hindi magandang plano mo para sa anak ko. Don't every spoil her or him." Bumalik siya sa pagkain at lihim na ngumisi. Of course, gagawin niya iyon. She will spoil her future pamangkin. She just loves babies!



<3 <3 <3

CTTO


A/N: January 28, 2020.

You are reading the story above: TeenFic.Net