12 - CHANGE

Background color
Font
Font size
Line height

MATAMAN niyang tinitigan ang mag-asawang kaharap, alam niya kung ano ang tumatakbo sa kanyang utak.

"Jada, nahihilo ako sa iyo." Reklamo ng ate.

"Paano niyong nalaman ang tungkol kay Hanz?" napatingin siya sa kaibigan. "Jas, how did you know?"

"Sister, kung nakakalimutan mo may special skills tayong mga babae and that is our stalking skills. Mas magaling tayo sa mga lalaki when it comes to that, at saka madali rin namang malaman kung sino ang lalaking nagpapasakit ng brain and heart mo."

"Nagpapasakit? Paano mo namang nasabi na may nagpapasakit ng ulo ko?"

Janine huffed as if things were not that really obvious. "Kapatid kita, you are my little sister. Kahit na ilang taon taong hindi magkasama sa bahay ay alam ko ang bawat galaw ng kilay mo. Madalas kitang nahuhuling nakatanga at nakatitig sa kisame, I even thought you have a weird fetish with the ceiling. And then I checked your village's facebook group. Madalas mong iniiwan ang laptop mo na open at walang password kaya nakaka-access ako sa facebook group niyo. At doon ko nalaman ang tungkol sa loveteam ninyo ni Hanz." Kumunot ang kanyang noo sa sinabi nito.

Kumunot ang kanyang noo. "Kami? Love team?"

"Don't tell me hindi ka nagbabasa ng mga facebook status and posts? Anong silbe ng app na iyon kung hindi mo naman pala ginagamit."

"Most of the social media nowadays are really toxic, nakakawala ng gana kaya hindi na ako nag-oopen." Aniya sa kapatid. "At saka huwag kang magpapaniwala sa mga posts ng mga kapitbahay ko, sanay na kami sa kanila. Kung anu-ano talaga ang pinopost ng admin sa facebook para lang may mapagtripan ang mga kapitbahay ko. Kung anuman ang nakita mong loveteam-loveteam na iyan, hindi totoo."

"Ang haba ng litanya mo." Natatawang ani nito. "I heard sinabi ni Hanz na gusto ka niya." mukhang nasabi na ni Jasper ang tungkol sa nangyari sa kapatid niya. Wala talaga siyang lihim na maitatago sa dalawa.

"Alam mo na rin siguro ang sagot."

Tumango ang kapatid. "Naiintindihan ko kung bakit iyon ang naging sagot mo, hindi man halata pero nahirapan din akong tanggapin si Jasper kahit na sobrang bait and sincere siya. And take note, never pa siyang nagkagirlfriend paano nalang ang tulad ng lalaking Hanz na iyon na saksi ka mismo sa mga pananakit niya sa mga naging ex-girlfriends niya." mahina siyang napabuntong-hininga at napatitig sa mga daliri sa ibabaw ng mesa.

"Do you love him?" singit ng kaibigan na tahimik lang na katabi ang asawa nito.

Mahina siyang tumango at malungkot na napangiti. "Yes, kahit ayaw ko ay hindi ko pwedeng itago iyon sa lahat forever. Mahal ko ang kolokoy na iyon."

"Are you willing to take the risk to be with him?" hindi siya agad nakasagot sa tanong ng ate niya dahil sobrang hirap ng tanong na iyon. "Sabi nila kung hindi ka magririsk sa taong gusto mo ay hindi talaga iyon pagmamahal, baka infatuated ka lang sa kanya."

Umiling siya. "Akala ko infatuated lang ako sa kanya, simpleng crush lang naman iyon hanggang sa nauwi sa ganito. Mahirap aminin pero talagang mahal ko si Hanz, hindi ako masasaktan kung hindi ko siya mahal." Depensa niya sa kanyang tunay na nararamdaman.

"Kaya ko sigurong magrisk kapag alam kong higit pa sa gusto ang tingin niya sa akin. Call me selfish and mababaw, sa pananaw ko kasi sobrang babaw ng gusto lang."

"Kapag nasabi na niya ang mga salitang gusto mong marinig ay magbabago na ba ang desisyon mo? Kaya mo na ba siyang tanggapin sa buhay mo ng walang takot at pagdadalawang-isip?" nag-isang linya ang kanyang mga labi sa tanong ng kapatid. "Kung salita lang ang makakapag-pacify ng takot diyan sa puso mo, sapat na ba iyan para pagkatiwalaan mo siyang hindi ka niya sasaktan?"

Nanlumo siya sa mga tanong ni Janine, gusto niyang marinig mula kay Hanz na more than pa sa gusto ang nararamdaman nito sa kanya pero alam niyang hindi pa rin iyon sapat? Selfish nga ang tao, kahit makuha na nila ang gusto nila ay hihingi pa rin ito ng hingi pa rin ito ng hingi.

"Kapatid kita Jada at ang gusto ko, namin, ay sumaya ka kahit na ayaw namin sa taong makakapagpasaya sa iyo. Wala kaming choice kundi ang suportahan ka sa magiging desisyon mo pero sasabihin ko rin ang piece ko. Ayokong tanggapin mo si Hanz sa buhay mo dahil sinabi niyang mahal ka niya o ano pa man. Hindi sapat ang salita, ayokong ibigay ka sa ibang lalaki dahil lang sa mga salitang walang kasiguraduhan. I want to see actions, I want him to prove to us that he is worth it for you. Mahal ka namin at hindi ka namin inalagaan para lang gawing laruan ng isang Johannes Salamandres." May pagbabanta sa boses ng ate niya at sa halip na matakot at mainis ay ang init ng pakiramdam ng kanyang puso. Pakiramdam kasi niya ay hindi siya nag-iisa, pakiramdam niya ay may kasama siya at kahit na anong mangyari ay may sasalo sa kanya.

"Huwag mong pagurin ang sarili mo Janine, mukhang hanggang salita lang ang lalaking iyon." at parang gusto niyang ibato sa ibang bansa ang asawa nito. Panira ng moment. "Kidding aside, hindi ka namin matutulungan tungkol diyan Jada. Iba ang pananaw namin ng ate mo, these are conflicting thoughts but this might help you decide and understand things better." kumunot ang kanyang noo sa sinabi ni Jasper.

"Maaring nagkamali si Hanz sa mga desisyon na nagawa niya pero sana ay maisip mong tao din siya at nagkakamali. Baka tuluyan na siyang natamaan sa iyo at handa na siyang magbago. Huwag mong hayaang lasunin ka ng nakaraan, huwag mong pigilan ang sarili mong sumaya. Huwag mo ring ikulong ang sarili mo sa mga pantasya sa mga nobelang sinusulat mo, hindi si Hanz ang mga bidang lalaking naisusulat mo sa mga noebal. Come back to the real world, bumalik ka sa reyalidad. Sa mundong ito, natural lang na masaktan, maguluhan at magpatawad. Embrace those feelings, dahil iyon ang tutulong sa iyong mag-grow, magmature at maging masaya."

Napa-isip siya sa sinabi ni Jasper, alam niyang hindi madaling magmahal pero hindi niya inaasahan na mas mahirap pala ang ganito sa tunay na buhay keysa sa mga nobelang sinusulat niya. Pero, handa na ba talaga siya? Is she ready to take the risk for Hanz?


"IDOL na idol po kita Ms. Lacey, lahat ng books mo ay nabasa ko na ang and I am very excited to read all of your works in the near future." Napangiti siya habang pinipirmahan ang mga librong bitbit ng dalagitang nagpapasign sa kanya. Super bubbly kasi nito, naaalala niya ang assistant ni Pamela sa flowershop dahil sa pagiging hyperactive ng kaharap.

"Thank you Midori for your support, I really appreciate it a lot." Ngumiti siya sa kaharap at ibinigay ang mga libro dito.

"Super thank you po talaga, keep inspiring me po." At dahil sa mahaba-haba pa ang linya kaya napilitan itong umalis na pero hindi pa rin mapuknat ang ngiti sa mga labi nito. Nagkaroon ng book signing ang kompanya at dahil isa siya sa mga main writers kaya kailangan niyang um-attend. Bibihira lang siyang dumalo sa mga event na tulad nito dahil nahihiya siya dati, minsan ay gumagawa siya ng paraan para hindi lang makarating pero ngayon ay na-realized niyang utang niya sa kanyang mga readers ang success na tinatamasa niya. Hindi naman mahirap na makipagkita at makipag-usap siya sa mga ito bilang pasasalamat.

"Hi po Miss Lacey, ang ganda niyo po pala sa personal akala ko po sa picture lang." muli siyang napangiti sa dalagitang kasing edad lang yata ni Midori ang kaharap niya ngayon. "Ang ganda-ganda mo talaga, pwedeng pa-picture?"

"Sure." Inilabas nito ang camera nito at nagpa-picture sa kanya. Dahil sa ginawa nito ay ang mga sumunod na nagpasign sa kanya ay nagpa-picture na rin. Kahit na iyong mga natapos na ay nagpahabol din ng picture. In fairness, natutuwa siya sa mga ito.

"Mabuti naman at nakapag-lunch din tayo, sa sobrang hyper ng mga readers natin ay nakalimutan na natin na lunch na pala." Natatawang komento ng isa sa mga writers na kasama niya na si Catherina. Mas nauna ito sa kanyang writer pero walang bahid ng pagiging maarte sa kilos at pananalita ng kasama, sa kabila ng mga na-received nitong mga awards ay mabait talaga ang manunulat.

"Oo nga eh, baka bigla nalang tayong mahimatay ng hindi natin namamalayan." Segunda ni Liah na isang romance novelist din, iba ang genre nito, may pagka-romance na action kaya iba ang hatak nito sa mga readers.

"Lacey, may asawa ka na ba? Minsan ka lang namin nakikita sa mga booksigning, akala namin ay busy ka sa family mo kaya hindi ka nakakarating." Biglang tanong sa kanya ng romance-comedy writer na si Antoinette.

"Si-single pa ako, ma-may outside iba kasi akong trabaho kaya hindi ako nakakarating." Pagdadahilan niya.

"Ay, Oo nga. Bago ko lang nalaman na nasa Amore Gazette ka pala nagtatrabaho. Pero alam mo Lacey sayang ka."

"Ha?" nagtaka siya sa tinuran ni Liah.

"Ang pretty-pretty mo, pwede ka kayang maging artista o kaya ay modelo. Bakit pinili mo ang maging manunulat?"

Nag-init ang kanyang pisngi sa papuri na kanyang narinig. "Mas na-e-express ko kasi ang lahat ng emotions ko through writing kaya mas gusto kong magsulat at saka weakness kong makiharap sa mga tao. Nauumid ang dila ko kailangan ko pang mag-recharge ng todo-todo para lang hindi tumakbo at magtago." Nahihiyang ani niya sa mga kasama.

"Normal lang iyan sa mga tulad natin." Akala niya ay pagtatawanan siya ng mga kasama pero hindi, she can see that look of understanding on their faces na para bang sinasabing walang problema sa kanya. "Ang mahalaga ay sinusubukan mong gawin ang mga kinatatakutan mong gawin. Hindi ka nag-iisa, ganyan din kami. Medyo takot sa mga tao pero unti-unti kaming lumabas sa mga shells namin ay nakihalubilo at na-realized na hindi naman pala masamang makiharap sa mga tao."

"Tama si Catherina. Mas marami ka ring natutunan sa ibang tao, their pains, their happiness, their struggles and their success in life na pwede nating magamit sa mga sinusulat natin." Ani ni Antoinette.

"Dahan-dahang proseso lang iyan tapos ay masasanay ka rin, pero huwag mo pa ring alisin iyong time mo for yourself. We need that time to re-charge and it's very normal."

Napangiti siya sa narinig mula sa mga ito, akala niya ay weird lang talaga siya. Akala niya ay nag-iisa lang ang case niya sa mundo pero mali siya, maling-mali ang kanyang akala. Nahihiya siyang aminin na masyado siyang absorbed sa mga bagay-bagay na may kinalaman sa kanya at inisip niyang umiikot ang mundo sa kanya. She's wrong and she needs to correct that mistake.

Bigla din siyang napa-isip na baka nga nahihirapan siyang maniwala na may gusto si Hanz sa kanya ay hindi dahil sa wala siyang tiwala dito. Baka wala siyang tiwala sa sarili niya at wala siyang tiwala sa mga taong nakapaligid sa kanya. Natatakot siyang masaktan nito dahil wala siyang tiwalang makakaya niyang tanggapin iyon. That's it, she's the problem here and she needs to fix herself... A.S.A.P.

PAGKATAPOS tanggihan ni Lina ang pagmamahal na alay ni Marco ay agad na umalis ang binata. Hindi alam ng dalaga kung ano ang gagawin, kung hahabulin ba niya ito at sabihing mahal talaga ito o kaya naman ay hahayaan na umalis ito ng tuluyan at hindi na masaktan pa. Napahawak siya sa kanyang dibdib, habang nakatitig sa papalayong pigura ng lalaki ay hindi niya maiwaksi ang sakit na namayani sa kanyang dibdib. Mas lalo iyong lumalala. Wala siyang nagawa kundi ang tuluyang lumuha dahil hindi niya mawari kung tama ba ang kanyang naging desisyon...

Napatitig si Jada sa kanyag laptop screen, kasalukuyan niyang tinatapos ang nobelang ipapasa niya. Binasa niya ang huling chapter na kanyang naisulat na hanggang ngayon ay hindi niya madugtungan.

"Bakit sobrang titig mo sa screen ng laptop mo? Baka mainlove ka na diyan." Biro ni Lian na kasalukuyang tinatapos ang pending works nito. Nakabusangot ang mukha nito marahil ay gutom na naman ang katabi. Hindi rin natuloy ang pagiging housemate nila dahil hindi pumayag ang kapatid nito na humingi ng paumanhin sa kanya. Hindi naman pala naghihirap itong si Lani, may kaya ito sa buhay at talagang tamad lang ito. Pero hindi iyon ang problema niya kundi ang sinusulat niyang nobela, natapos na niya ang kanyang column kaya ang pagsusulat naman ang kanyang inaatupag kaso ay naiinis siya sa eksenang kanyang sinusulat. Ilang beses na niyang na-revised ang scene na iyon pero bumabalik at bumabalik pa rin doon.

"Lian, kapag binusted ng girl ang guy. Ano ang mga possible na ginagawa ng lalaki?" napatingin ito sa kanya bago sumagot tapos ay ibinalik sa pag-i-illustrate.

"Well, based from my own experience. Iyong nabasted ko ay madalas naglalasing at nagpupunta sa bar. Naghahanap ng babaeng pwedeng ipalit sa nambasted sa kanila." Lian just seconded what she had in mind. Ewan ba niya kung bakit iyon ang naisipan niyang eksena, hindi tuloy niya maintindihan. "Sebastian, bakit ba naghahanap agad ng iba ang nabusted na lalaki?" tanong ito sa nag-iisang lalaki na kasama nila doon.

"Ego. Pride? Hindi matanggap ng mga lalaki na may umayaw sa kanila at feeling nila ay bumababa ang lebel ng kanilang pagkalalaki kaya maghahanap agad sila ng babaeng pwedeng makapagprove na macho talaga sila." nag-isang linya ang kanyang mga labi dahil sinasabi lang nito ang kung ano ang kanyang nasa isip. Wala sana siyang balak na isipin iyon dahil tanggap na niya sa kanyang sarili na sa side niya ang may problema pero dahil hindi nagpaparamdam si Hanz ay kung anu-ano na ang kanyang naiisip. Nahihiya naman siyang tumawag at magtanong dahil nga sa pagtanggi niya dito. "Pero hindi ako ganyan, kapag binasted ako ay gumagawa ako ng paraan para makita ng babae na sincere ako sa kanya. Baka pwede pang bigyan ng second chance." Ngumisi ang kasama pero mas lalong sumama ang kanyang pakiramdam dahil parang hindi mangyayari kay Hanz ang sinabi nito.

"Anong nangyari sa iyo?" takang tanong ni Lian. "Parang naka-inom ka ng apple cider vinegar."

Napa-iling siya at malakas na napabuntong-hininga. "Wala, imposible kasing ipursue niya ang girl. Masyado siyang gwapo para lang balikan uli ang babaeng nambasted sa kanya and besides nagawa na iyon ng girl dati, nabasted na niya ang guy at tama kayo sa sinabi niyo. Naghanap lang ng iba ang guy." Masakit mang aminin pero iyon ang totoo, totoo bang narinig niya talaga kay Hanz na gusto siya nito or nag-hahallucinate lang siya?

"Masyado kang immersed sa mga characters na sinusulat mo, chill ka lang." Natatawang ani ni Sebastian. Malungkot ang naging ngiti niya dahil alam niyang mahihirapan na siyang dugtungan ang sinusulat niya. Mahihirapan na siyang dugtungan ang kung ano ang meron sa kanila ni Hanz.

They were friends--- they were okay but she fell in love with him. It was her fault afterall. Kung hindi siya nagpadala sa emosyon niya baka okay pa sila ngayon. Baka walang awkwardness sa pagitan nila. Baka ganoon pa rin sila. O kaya naman ay kung na-grab niya ang opportunity ay baka sila na ngayon at hindi na siya naguguluhan ng ganito.


MASAKIT ang kanyang likod ng makauwi sa bahay ng kanyang parents, inaantok na rin siya at gusto nalang niya ay kumain at matulog. Kung hindi nagtext ang Mama niya na umuwi siya ng medyo maaga ay baka sumaglit pa siya sa spa upang magpa-massage.

"I'm home." Matamlay na bati niya pagkapasok ng bahay.

"Meow." Kahit papaano ay nawala ang pagod niya ng salubungin siya ni Leo, kinarga niya ang pusa at hinalikan. Her cat's scent made her relax, hindi niya alam kung bakit siya ganoon. Nawawala ang stress niya.

"Nahihiyang ka na sa bahay nina Mama at Papa, Leonedes. Ang bigat-bigat mo na, kailangan mo ng mag-exercise." Naging paboritong pet na kasi ito ng kanyang Papa. Madalas ay sa tatay niya ito nakikipaglaro kaya nga sinabi ng Nanay niyang madaliin na ni ate Janine ang pagsilang sa kanyang pamangkin at ng may mapaglibangan naman ang future lolo.

"Mabuti naman at dumating ka na Jada, akala namin ay matatagalan ka pa ipapasundo ka na sana namin." hinalikan niya sa pisngi at ina nang salubungin siya nito.

"Nakasakay agad ako Ma bago mag-rush hour --." Naumid ang kanyang dila ng biglang dumako ang tingin niya sa dalawang pamilyar na lalaki na kasalukuyang naglalaro ng chess sa kanilang sala. Nagdugtong ang kanyang dalawang kilay at kinusot ang mga mata. Hindi hallucination ang kanyang nakita, totoong kasama ng ama niya si Hanz!

"Hanz?" napalingon din ang Mama niya at sinundan ang kanyang tingin.

"Kanina ka pa hinihintay ng bisita mo, kaya nagtext na ako sa iyo dahil nakakahiyang pinaghihintay siya." Muling nagdugtong ang kanyang dalawang kilay. Mukhang napansin ng dalawang naglalaro ang kanyang presensya at agad na napatingin sa kanya. Agad na bumakas ang malapad na ngiti sa labi ni Hanz nang makita siya kasabay ng muling pagtibok ng akala niya ay patay na puso niya.

Narinig niyang nag-excuse ito sa ama at lumapit sa kanya. Bago ito makalapit ay may dinampot itong bouquet ng bulaklak at ibinigay sa kanya.

"For you." sana ay hindi nito naririnig ang malakas na tibok ng dibdib niya.

"Ha-Hanz?" napakurap siya, wanting to know if it's really him she's looking at.

"Yes?" kinuha niya ang bulaklak na bigay nito kahit lutang na lutang siya.

"Anong ginagawa mo dito?" naguguluhang tanong pa rin niya.

"Jada, don't be rude to your visitor. Paupuin mo muna ang bisita mo at nang makapag-usap kayo ng maayos. Maghahanda na ako ng dinner natin." Tinawag ng Mama ang ama niyang nakatitig lang sa chessboard. Ayaw sana nitong tumayo pero napilitan nalang ito at sumama sa ina papasok ng kusina.

"Anong ginagawa mo dito Hanz?" ulit niya sa kanyang tanong kanina.

"I know, nabasted mo na ako." Napahawak ito sa likod ng ulo nito na para bang batang nahihiyang magsabi ng importanteng bagay sa nanay nito. "Pero hindi ako susuko Jada. Wala pa akong na-proved sa iyo, gusto kong makita mo na hindi ko deserved na ma-reject ng dalawang beses. Gusto kong makilala mo ako more than a neighbour, more than a player, and I want a chance." Minsan lang niya makitang seryoso si Hanz at alam niyang sa mga oras na iyon ay seryoso ang lalaki.

"Hanz..." ano ba ang dapat ay sasabihin niya sa mga oras na iyon. Kung siya ang bida sa mga nobelang sinusulat niya ay baka sinunggaban na niya ito, niyakap, hinagkan at sinabihang hindi na nito kailangan pang mag-abala dahil sasagutin agad niya ito. Pero hindi siya ganoon, kabaligtaran siya sa mga babaeng iyon.

Sabi nga ng ate niya, ang mga babaeng

You are reading the story above: TeenFic.Net