Special Chapter II

Background color
Font
Font size
Line height


Inis na namilipit ako sa kama ko dahil sa sobrang sakit ng puson ko. Nakakainis. Ayaw ko man pero pinilit kong makabangon at dere-deretsong pumasok sa loob ng restroom dito lang din sa kwarto ko.

At halos mawala ang antok at magising ang diwa ko ng makita ang pulang likido sa undies ko.

Awitism!


Dinalaw na ko!

Oh lord. Thank you. Tunay kang mabuti.

Ginawa ko lang ang morning ritual ko. Tutal nagising na naman ako, nag-ayos na lang ako ng sarili kaysa matulog ulit.

Kailangan kong agahan ang pasok. Kailangan ko siyang maka-usap.

Ng matapos ako sa kaek-ekan ko, lumabas na ko ng kwarto at dumeretso sa kusina.

Naabutan ko naman sina Mama at Mommy na naghaharutan habang si Caroline, tila banas na banas na nakatingin sa kanila.

Natawa tuloy ako. Ang haharot nila. Jusme. Ang tatanda na ee.

"Good morning Ladies!" I kissed them cheek. Bahagya ko namang ginulo ang buhok ng bunso kong kapatid na tanging irap lang ang tinugon sa'kin.

Ang attitude talaga.

"Good Morning Gaia. Mukhang maganda ang gising mo ah." Mama asked

I just smile at her. Maganda talaga ang gising ko, safe ee. "Dapat lang na maging maganda ang gising ko dahil maganda naman talaga ako."

"Ang aga-aga nagmumura ka." I heard Caroline murmured.

Inis na siniko ko siya. Ang ganda-ganda ng mood ko sinisira niya. Ay nako. "Shut up Carol. Palibhasa kasing ugly mo ang umaga mo."

She pout. "Mommy oh. Si ate."

Hindi ko naman napigilan ang pagtawa ko. Kahit talaga ang attitude niya minsan, siya parin ang baby namin.

"Tama na yan. Kumain kana lang tayo." Mommy said

I just smile at her. Hindi lang tiyan ko ang nabusog dahil sa umagahan namin. Pati na rin ang puso ko. Busog na busog ito dahil sa pagmamahal nina Mama at Mommy sa'min.

"Sunduin ba kita mamaya?"

Umiling naman siya sa'kin. "Wag na ate. Gusto ko maglakad pauwi."

Napakunot noo naman ako. Ang layo kaya ng school niya. "Kakayanin mo ba?"

She immediately nodded at me. "Ofcourse. I'm strong kaya."

Natatawang napailing na lang ako. Magkapatid nga kaming dalawa, mahilig magbuhat ng sariling bangko.

Ilang minuto din ang ginugol namin sa biyahe bago tuluyang nakarating sa Levis University. "Hey, just call me if you need a back up. Okay?"

She just smile and kissed my cheeks. "Ofcourse. Ikaw ang tagapagligtas ko ee."

I chuckled. Tandang-tanda niya pa yun. "Mabuti naman. Mag-iingat ka. Call mom, understand?"

She nodded in her response. "I gotta go Ate. Ingat sa pagmamaneho."

Pinagmasdan ko lang siya habang naglalakad siya papalayo sa'kin. Sa aming dalawa, siya ang nagmana kay mama Autumn. Siga maglakad at walang pakialam sa paligid niya.

Habang ako naman, mukhang kay mommy Ven. Nakasanayan kong gawin ang mga bagay na ginagawa din niya.

Alam ko namang hindi ako totoong anak ni Mommy Venus, pero hindi yun ang nararamdaman ko sa kanya.

Dahil sa bawat araw na lumilipas, lagi niyang pinaparamdam sa'kin na totoong anak niya ko.

Sobrang swerte ko sa kanya. 

Napahinga na lang ako ng malalim bago pinasidad ang sasakyan ko paalis sa University na yun.

Caroline is señior high school. Kaya sa Levis siya napasok. Pero sure naman ako, pagtungtong niya ng College, sa Brandon din ang bagsak niyan.

Sama-sama kami doon. Haha.

Ng tuluyan akong makarating sa Brandon, naghanap lang ako ng magandang Parking bago tuluyang bumaba ng sasakyan ko.

At katulad ng plano ko buhat kaninang pagkagising ko, imbes na sa unang klase ako pumunta, dumeretso lang ako sa Office ng Student Council President, slash Office ng girlfriend kong saksakan ng sungit.

At nandito nga siya, seryosong nakaharap sa laptop habang tambak ang mga papeles na sa tingin ko ay dapat niyang pirmahan.

"Well, good morning woman." I greet jer

She just give a boring look at me. Napairap tuloy ako. Ang sweet niya 'no. "What are you doing here Simmons?"

I gasped. How dare is she to call me in that way! "Don't call me in that way woman! I'm your girlfriend and use our endearment instead." inis na tugon ko

Nakakainis siya. Sala siya sa init, sala din sa lamig. Ang sarap niyang ingudngod sa laptop niya ngayon.

She inhaled deeply. Nagdiwang naman ang loob loob ko. I'm won! "Come here babe. Hug me."

Parang bulang nawala ang inis ko. Diba ang rupok ko. Tss.

Katulad ng sinabi niya, lumapit nga ako sa kanya ang kaibahan lang, I sat in her lap.

I felt comfortable in our position.

"I have something to tell you." I seriously said to her

Her brows furrowed. "What is it?"

Napairap naman ako. Jusme talaga. "Ikaw!" pinurot ko naman ang tainga niya.

Kanina pa ko naiinis dahil sa lamig ng pakikitungo niya sa'kin.

"A-aray Gaia! Ang sakit. Tama na! Aray!"

I gritted my teeth. "Damn you Onyx! I have my period today!"

Pinakawalan ko naman ang tainga niyang sobrang pula na ngayon. "And, then?"

I rolled my eyes at her. "Totoo si G! Nireregla na ko!" Sobrang saya ko grabe. Hindi totoo ang kutob naming dalawa.

"Mangiyak-ngiyak ako sa tuwa kaninang umaga!" I added

Halos tumalon na ko sa saya ngayon habang itong kasama ko mataman lang na nakatingin sa'kin.

Problema nito?

"Hoy! Di kana kumibo dyan."

"Aren't you pregnant?" she asked

I nodded. "Yes. Why?"

Inis na hinampas ko naman sa kanya yung folder na  una kong nahablot. Ang kapal ng mukha niyang irap-irapan ako.

"Sayang. Hindi pa naka-shoot."

Nanlaki ng mata ko. Anak ng patis! Argh! Jusko. Pano ko ba naging girlfriend ang babaeng ito?

"Alam mo! Ewan ko sayo. Hindi kana talaga makakaisa sa'kin. Lagi mo kong pinapakaba."

Aba'y tinawanan lang ako ng bwisit na ito. Pasalamat talaga siya at mahal ko siya. Ay nako! "Talaga? Kahit sabihin kong may condom na kong baon ngayon?"

I pinched her waist. "You pervert!"


Napaka bastos niya talaga.


Pero mahal ko naman. Nakakainis lang.

Siya itong unang nagkagusto sa'kin noon, pero ako itong naghabol sa kanya ngayon, kaya ito kami masaya at healthy ang relasyong meron kami.

Hay mommy, mama. Sorry talaga, pero baliko na din ako. Jusko.

"I love you Gaia."

Napangiti naman ako dun. "Mahal din kita Onyx."


Mahal na mahal kita.

Kaya wag mong subukang lokohin ako, dahil si Mama Autumn ang makakalaban mo.

Hmmp!




Akalain mo nga namang magkakagusto din ako sa batang panay ang pangungulit sa'kin noon.

Sadyang swerte siya,

Gaia Chrysanthe Gonzales na 'to oh.

Hindi na siya lugi.

Tss.








------------------



a/n: Maraming salamat sa lahat ng sumubaybay ng istoryang ito. At pasensiya din sa mga taong napaiyak ko. Hihihi.

Mag-iingat kayo palagi mga ka-rainbow. Olweys wir peysmas at pis shil.

Love ko kayo! Muah muah :*:*



♡♡♡

You are reading the story above: TeenFic.Net