Chapter XXVI

Background color
Font
Font size
Line height

VENUS ALEXANDRIA SIMMONS



"Mommy, wake up na. Please."

Dahan-dahan ko namang minulat ang mga mata ko ng maramdaman na may sumusundot na kung ano sa mukha ko.

Literal na napangiti pa ko ng makita ang magandang anak kong siyang unang bumungad sa umaga ko.

"Good morning mommy." she just give a peck in my nose. "Get up na po mom."

Nanggigigil na hinila ko naman siya at niyakap ng mahigpit. Bahagya pa kong natawa ng biglang tumili ang batang ito. "Mommy!"

I chuckled. "How's your sleep baby?"

"It's fine mom."

I nodded slowly and give a peck in her temple. Kahit hindi siya galing sa sinapupunan ko, mahal na mahal ko ang anak kong ito. "Where's your sister?"

Hindi naman nakaligtas sa'kin ang pagngiti niya. Napakunot noo tuloy ako. May nakakatuwa ba sa sinabi ko? "Nasa baba po. She's with.. titas."

Even though I was wondering, I just nodded at her. "Okay. Wait for me. Mag-aayos lang ako."

Tumango lang naman siya sa'kin bilang tugon kaya agad akong bumangon sa pagkakahiga ko at nag-ayos ng sarili.

Hindi ko maiwasang hindi pagmasdan ang sarili sa salamin. Pugtong-pugto ang mata ko na akala mo'y magdamag akong umiyak.

Kahit totoo naman.

Mabilis ang pagkilos na ginawa ko at natapos agad ako sa morning routine. At gaya ng inaasahan ko, nandito parin ang anak ko. Matamang naghihintay sa'kin habang nakatulala sa kawalan na tila nasa malalim na pag-iisip.

Hindi ko ikakaila na sa oras na 'to, sobrang takot ang nararamdaman ko. Takot na baka anumang oras, kunin siya sa'kin ng taong totoong nagmamay-ari sa kanya.

Hindi ko kayang mawalay sa panganay ko. Hindi ko hahayaang malayo siya sa'min. Hindi ako makakapayag na kunin siya basta-basta sa'kin.

"Mommy? Are you done?"

Doon lang ako nabalik sa ulirat ko. Nakangiting nilapitan ko siya at dinampian ng marahang halik sa noo. "Yes baby. Tara na sa baba."

But, she just pout at me. Nagtaka tuloy ako. "Mom, I'm not baby anymore."

I chuckled. Kaya naman pala. "But, you're still my baby."

Napatawa na lang ako ng malakas ng nagpapalatak siyang umalis dito sa kwarto. Natatawang sumunod tuloy ako sa kanya.

Malaki na nga ang anak ko. Marunong na mag-inarte. Jusko. Haha.

"Mommy! Good morning!"

Agad naman akong napahawak sa dibdib ko dahil sa biglang pagsulpot ng bulinggit na 'to sa harap ko. Ang ganda naman ng gising niya. Wow talaga. "Good morning honey. Ang saya mo ah."

She just chuckled at me. "Yes po mom. Binigyan po ko ni Tita Dike ng lollipops!"

Automatic na hinanap ng mata ko ang babaeng salarin kung bakit ganito ka-hyper si Caroline. At ang bwisit na yun, nag-iwas lang ng tingin sa'kin.

"Caro-.."

"Venus"

Natigilan ako. Ramdam na ramdam ko din ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko pa nalilingon ang may-ari ng boses na yun, pero alam na alam ko na kung kanino iyon.

Simula ng dumating siya sa buhay ko, walang araw na hindi bumilis ang tibok ng puso ko sa tuwing nakikita ko siya.

Sa tuwing ngumingiti siya sa'kin.

At sa tuwing sinasambit niya ang katagang mahal niya ko.

Pero ngayon, sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

Hindi dahil sa nagkita kami ulit

Kundi dahil sa takot na baka kunin niya ang mga bata sa'kin.

I stammering while turning around. And there she is, staring intently at me. "Mama!"

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman dahil sa nasaksihan. Kitang-kita ko ang saya sa mukha ng mga anak kong nagtakbuhan papalapit sa kanya.

Mama? Alam na niya?

Pero, paano? Sinong nagsabi sa kanya?

Namura na lang ako sa isip-isip ko.

Paano?

Paano ko sasabihin sa kanila na hindi na kami pwedeng magsama ng mama nila?

Paano?

Paano kong sasabihin sa kanila na kahit anong gawin namin, hindi na mabubuo ang pamilyang pinapangarap nila?

Paano?

Paano ko makikita ang mga saya sa mata nila kapag nalaman nilang hindi pwedeng sumama sa'min ang mama nila pauwi ng Manila?

Paano?

Napalunok ako. "What are you doing here?"

"Binibisita ko sila." simpleng sagot niya sa'kin.

Dahan-dahan akong napatango. Para akong sinaksak ng ilang beses sa dibdib ko dahil sa sinabi niya.

Binibisita niya ang mga anak namin, pero hindi ako.

"Wow! What a HAPPY family!"

Napairap naman ako. Talagang inemphasize pa niya yung word na 'happy'. Upakan ko siya ee.

"Funny Dike. Funny." I sarcastically said to her

At ang bruha, ningisian lang ako. Nabalik naman ang atensiyon ko sa babaeng mataman lang nakatingin sa'kin ngayon.

Napakunot noo pa ko ng mapansin ang mga pasa at sugat sa mukha niya.

Damn! Napano siya?

"What's with your face?" I asked, worriedly.

Before she could even utter a word, Juno came. "Sinapak ko siya. May problema ba dun?"

Napamaang ako sa kanya. Seryoso ba siya dun? "What the hell Juno Cris? Why.. why did you do that?"

Hindi niya sinagot ang tanong ko bagkus mariin siyang tumingin dito sa babaeng sinapak niya kuno.

"Why Ven? Why are you worried about her?" Ianthe asked

I rolled my eyes at her. "No, I'm not."

Hindi naman talaga. Tss.

Noong time na lumandi siya at gumawa ng milagro sa ibang babae, inalala niya ba ko? Diba hindi? So, bakit ako mag-aalala sa kanya ngayon?

Kahit patayin pa siya ni Juno, wala akong pakialam.

Wala na.

"Really? Hindi ka martyr?" Cassandra asked, smirking at me.

Ang sarap lang talaga nilang pagsasabunutan ngayon. Talagang ngayon pa nila naisipang asarin ako ng ganito kung kailan kaharap namin ang babaeng ito.

"Tss. Ewan ko sa inyo." inirapan ko sila. "Gaia, Caroline baby. Come to mommy."

Hindi naman ako binigo ng mga anak ko at agad silang lumapit sa'kin. Binuhat ko lang si Carol habang si Gaia ay mahigpit kong hinawakan sa kamay. "Kumain na ba kayo?"

"Yes po mommy. Pinagluto po ako ni Tita Faith ng pancake." Caroline said

I just smile at her. Saglit ko pang sinulyapan si Autumn bago hinila ang dalawang paslit sa kusina. Ipagluluto ko sila. Kahit na nauna ng kumain ang mga anak ko, ipagluluto ko parin sila.

"What do you want Gaia?"

She just smile at me. "Chocolate pancake mommy."

Natawa naman ako dun. Malaki na nga siya, but still, she's my baby who love chocolates. "How about you Caroline Hera? What do you want?"

At ang bunso kong ito, ngumuso lang naman sa'kin. Napailing tuloy ako, mukhang alam ko na kung ano ang gusto niya.

"Mommy, I want lollipop."

I chuckled and shook my head. Cute niya talaga. "Ang aga pa Carol, pwedeng mamaya na lang?"

She looked down, still pouting. "Okay po mom."

"Stop pouting Carol, mukha kang duck." pang-aasar naman ng ate niya

Napailing na lang ako bago simulan ang pagluluto. Hindi pa naman ako lubos na nakakakilos dito ng mapansin ko ang isang pamilyar na pigurang nakatayo sa gilid ko ilang milya ang layo sa'kin.

Autumn...

Pwede mo bang ipaliwanag sa'kin kung bakit mo ko sinasaktan ng ganito?

I cleared my throat, trying to compose myself. "What do you want?"

She just inhaled deeply. "Pwede ko bang hiramin ang mga bata?" walang kagatol-gatol na tanong niya

Napaismid ako. Hindi din naman talaga makapal ang mukha niya. "Anong tingin mo sa kanila? Laruan na pwedeng hiramin at pagkatapos magsawa, iiwan na lang?" mahina ngunit madiing sagot ko.

Napasulyap pa ko sa dalawang batang tahimik na naglalaro sa tablet ni Gaia. "Please lang Autumn, kung ipaparamdam mo sa mga bata ang ginawa mo sa'kin, wag na. Umalis kana lang."

At katulad ng pag-uusap naming dalawa kagabi, walanh kabuhay-buhay ang mga mata niyang nakatingin sa'kin. Nakaramdam na naman ako ng sakit.

Sakit dahil hindi na pagmamahal ang nakikita ko sa mga mata niya.

Ano ba talagang nangyari sayo? Ano na bang nangyari sa'ting dalawa?

"Gusto ko lang punan ang mga oras na hindi ko sila kasama." she seriously said

I nodded slowly. "So, kasalanan ko?" I paused "Kasalanan kong duwag ka?"

"I'm not a coward Venus."

Pagak akong natawa. Wow lang talaga. "Okay. Sabi mo ee."

Napapitlag pa ko sa gulat dahil sa biglang pagpalapit niya sa'kin. Wala sa sariling napalayo ako. Damn her! "Please, gusto ko silang makasama." punong-puno ng sensiridad na saad niya. "Gusto ko kayong makasama."

Natigilan ako. What the fuck is she talking about? Akmang hahakbang pa siya papalapit sa'kin ng agad akong nagsalita. "Wag kang lalapit."

Her brows furrowed. "Why?"

I clenched my fist. Why mo mukha mo! Bwisit! "Fine! Papayag akong hiramin mo ang mga bata, pero sasama ako." I gulped hard. "Baka itakas mo pa siya sa'kin."

Hindi ko na siya hinintay pang sumagot at agad akong umalis sa lugar na yun kasama ang mga bata.

Uutusan ko na lang si Dike o kaya si Thalia na magluto ng pagkain namin. Ayaw ko ng mastay pa sa lugar na yun kasama ang babaeng iyon.

"Mommy, are you alright?" Kunot noong tanong sa'kin ni Gaia

Napahinga lang ako ng malalim bago ngumiti sa kanya. "Papaliguan ko na kayo. Aalis tayo."

Her eyes widened. "Aalis? Saan po tayo pupunta?"

"Mama Autumn is coming with us mom?" Caroline asked

Hanggang ngayon, nagtataka parin talaga ako kung paano niya nalamang si Autumn ang ina niya.

Sino sa mga kaibigan ko ang pinangunahan ang desisyon ko? Tss.

"Yes, she's coming with us." marahan ko namang dinampian ng halik ang noo nilang dalawa. "Tara, papaliguan ko kayo."

Halos abutin pa ko ng siyam-siyam sa pagpapaligo sa dalawa. Paano, talagang ngayon pa nila naisipang maglaro habang pinapaliguan ko sila. Kaingay na tuloy kami. Natawa pa nga ako ng katukin kami ni Ianthe at Helen dahil rinig na rinig ang sigawan namin sa baba.

Sorry naman, napapatili din kasi ako sa tuwing sinasabuyan ako ng tubig ng dalawa.

Magkapatid nga talaga sila, magkakampi pagdating sa kalokohan.

"Mama! Saan po tayo pupunta?" Masiglang tanong naman ng bunso ko sa mama niya.

At sa kauna-unahang pagkakataon matapos ang ilang taon, nakita ko din ang ngiti niya.

Ang ngiti niyang sobrang na-miss ko. "Saan niyo ba gusto?"

Caroline looked up while holding her chin, acting like she was thinking. I can't stop smiling. Damn it! She's really adorable. "Kahit saan po."

Napangiti na tuloy ako dahil sa pagiging bibo niya bago napalingon kay Gaia na tahimik lang sa tabi ko ngayon. "Gaia, are you okay?"

She looked at me, plainly. "Yes mom, I'm fine." she simply said

I wasn't convince but I just nodded at her. "You sure?"

She immediately nodded at me. "Yup"

"Let's go?" Autumn asked

Hindi na ko sumagot sa kanya at hinila na lang palabas ng bahay si Gaia. Napansin ko pa ang mapang-asar na ngiti ng mga kaibigan ko habang ang iba sa kanila, may masamang nakatingin dito sa kasama ko.

Mukhang may kanya-kanya silang trip sa buhay. Tss.

"Gaia baby, may chocolates ako sa sasakyan, gusto mo ba?"

Napatingin naman ako ngayon sa anak kong mahigpit ang pagkakahawak sa'kin. Nakakapagtaka na ang kinikilos ng batang ito. Kanina, halos mapunit ang labi niya sa sobrang laki ng ngiti niya, ngayon naman halos hindi na bumitaw sa'kin.

Ano bang nangyayari sa kanya?

"Gaia, kinakausap ka ng mama Autumn mo." mahinahong saad ko

"I'm sorry but, I can't take it." she seriously said. My brows furrowed. Wow. Ngayon lang niya tinanggihan ang chocolates. "Daddy Jaroi said, chocolates isn't healthy in my teeth. So, I decline your offer."

Literal na nanlaki ang mata ko at napanganga pa. Jusko. Anong hangin ang pumasok sa isip ng anak ko at sinabi niya ang bagay na yun?

At saka, Daddy Jaroi? Kailan niya pa tinawag ng ganun si Jaroi?

What the hell happening?

"Daddy Jaroi?" Autumn asked

"You said, he's not ouw fathew." Caroline said while looking intently in her sister.

Pati din tuloy ako, nagtatakang napatingin sa anak kong ito.

Hindi ko siya maintindihan, ayaw niya kay Jaroi. Pero ngayon, tila nagbago ang ihip ng hangin at mabilis niya itong tinanggap.

"I changed my mind." Gaia said. "He's our father Caroline."

I shook my head in disbelief. "Gaia Chrysanthe."

She looked at me, teary-eyed. Fuck! What happened baby? "Mom, can you please marry him?"

My jaw dropped. What the hell?! "Gaia"

"I want him to be my Daddy." she looked Autumn. "My real Daddy."


Oh. My. Gosh.


Pwede bang magmura ako?


T-ngina! Ano bang nangyayari?!

Bakit ganito kagulo ang buhay ko?!







-------------

You are reading the story above: TeenFic.Net